PANAGINIP
Ni: Arvin U. de la Peña
"Parang awa mo na, patawarin mo na ako!" humahagulgol na sabi ni Dianne kay Luis."Hindi kita patatawarin, niloloko mo lamang ako," sabi ni Luis kay Dianne."Kapag wala ako sa piling mo nagpapaligaw ka pa. Kitang-kita ng dalawang mata ko," dugtong pa niya."Kaibigan ko lang si Adonis, kaklase ko siya dati noong hindi pa kita nakikilala," naiiyak na sabi ni Dianne."Kung nakita mo man na sweet kami kanina habang nag-uusap ay dahil ganoon lang kami. Wala talaga kaming relasyon," dugtong pa ni Dianne."Basta ayoko na! simula ngayon break na tayo," sabi pa ni Luis sabay iwan kay Dianne."Pagkaalis ni Luis iyak ng iyak si Dianne sa isang tabi.
Hindi niya inalintana kung may nagdaraan man. Ang mahalaga sa kanya sa sandali na iyon ay ibuhos ang lahat ng luha na dulot ni Luis. Ngunit kahit anong gawin niyang pag-iyak ay di pa rin niya tanggap na sila ay magkakahiwalay na ni Luis. Kaya napagpasyahan niya na lamang na umuwi.Pagdating niya sa kanilang bahay agad ay sinalubong siya ng kanyang mama."O, Dianne bakit malungkot kang tingnan ngayon. Dati ka namang masayahin?"Wala mama, ayos lang ako," sagot ni Dianne sa mama niya sabay punta na sa kanyang kuwarto.Pagpasok niya sa kuwarto agad ay nahiga siya. Ginunita ang mga masasayang alaala nila ni Luis. Ang pamamasyal nila sa mall.
Ang pagtatawanan nila minsan kung ang pinag-uusapan ay nakakatawa. Ang pagtulong sa bawat isa kapag may problema. Ang pag-aalala kung kumain na ba, at iba pa na nagpapasaya sa kanya kapag sila ay magkasama.Higit sa lahat na ginunita niya ay kung sila ay namamasyal sa dalampasigan. Magkahawak kamay habang pinagmamasdan ang alon at pinag-uusapan ang mga pangarap sa buhay. Kasama na ang pangarap na kapag sila ay mag-asawa na dapat may magandang buhay na naghihintay para sa kanilang magiging anak.Nasa ganoon siyang tagpo ng maisipan niyang magbigti. Paglabas ng kaluluwa niya sa katawan agad ay sinalubong siya ni Kamatayan.
Sumama raw siya sa kanya dahil sa impiyerno ang bagsak niya. Paghawak pa lang sa kanya ni Kamatayan agad ay sumigaw siya "saklolo, saklolo, tulungan niyo ako!""Dianne, Dianne, gising, gumising ka!, nananaginip ka." Bigla ay napabalikwas siya sa pagkakahiga. Panaginip lang pala ang lahat. Pati na ang paghihiwalay nila ni Luis ay di pala totoo.Bigla ay tumunog ang telepono. Si Luis ang tumawag at pinapaalala na dapat tuloy bukas ang pamamasyal nila sa dalampasigan.Kinabukasan sa pagkikita nila ni Luis habang nasa dalampasigan na ay sinabi niya ang tungkol sa kanyang napanaginipan na siya ay nagpakamatay dahil siya ay iniwanan.
Napatawa lang si Luis ng marinig iyon. Dahil kailanman, kahit anong mangyari. Hinding-hindi niya iiwan si Dianne.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment