Friday, October 10, 2008

Contessa ( published in newspaper )

*Ang lahat ng nakasulat dito sa kuwento ay hindi po talaga totoo. Sinasabi ko ito dahil sa may kababata at kaibigan ako na ang pangalan ay Contessa. Lahat na narito sa kuwento ay gawa-gawa at pawang imahinasyon lamang. Ginawa ko lang na pamagat ang pangalan niya.*

(click niyo po ang naka scan para lumaki at mabasa niyo)

Kay Magnolia

*Minsan ng nag-iinuman kami ng ka batch ko na ito sa high school ay nagsabi siya na sana siya naman daw ang ilagay ko sa diaryo na siyang hinahandugan ko ng sinulat ko. Nang marinig ko iyon ay tumawa lang ako pero ang nasa isip ko ay "titingnan ko kung magagawa ko". Mabuti at nagawa ko iyon pagtagal. Dalawang tula na para sa kanya ang napublish. Ang Dahil Sa Iyo at ang Ikaw Lamang. At para po sa inyong kaalaman lahat po ng nakasulat dito na para sa kanya ay gawa-gawa lang talaga at walang halong malisya. Gawa-gawa lang po talaga. Ok.......*

(click niyo po ang naka scan para lumaki at ng mabasa niyo)
















KAIBIGAN
Ni : Arvin U. de la Peña
Kay: Magnolia Seron
Ako ay labis na nagagalak
aging kaibigan kitang tunay
Kapag ako ay may kailangan
Naaasahan ka anumang oras.
Tandang-tanda ko pa ang noon
Ako ay walang pera
Para sa pambili ko ng gamot
Isang sabi ko lang ay nagbigay ka agad.
Lumipas pa man maraming taon
ana ikaw ay di magbago
Sa akin ay manatili
Maganda mong pakikitungo.
Dahil ako na kaibigan mo rin
Makakaasa ka sa akin
Handa kitang tulungan kapag kailangan mo
Puwede kong isakripisyo buhay ko.
KABABATA
Kay: Magnolia Seron
Ni: Arvin U. de la Peña
Maligaya ako natupad mo
Ang iyong mga pangarap
Kahit paano hindi nasayang
Ang apat na taon mong pag-aaral.
Napakasaya ko kapag naaalala
Pinagdaanan nating buhay
Naglalaro, naghahabulan, at kung ano pa
At ang mga pangarap nabuo.
Kahit ako'y naging ganito
Hindi ako nagsisisi
Kung di natupad ang nais ko
Kasalanan ko rin naman.
Masayang-masaya ako
Kapag tayo ay nagkikita
Lalo kapag ako ay iyong niyayaya
Na kumain at mag-inom kahit sandali.
Kung hanggang kailan
Kasiyahan kong ito para sa iyo
Hindi ko masasabi
Sana panghabam-buhay.

High School Batch 95 Members (not all)

























Masarap minsan ang pakiramdam kung nagkakatipon-tipon kayo ng mga ka batch sa high school . Habang umiinom ng beer o anong klase na nakakalasing ay napag-uusapan ang mga nakaraan noong kabataan pa. Dahilan para mabuhay ang mga alaala noong high school na minsan na lang naiisip dahil sa abala sa kasalukuyang buhay. Higit na nagbibigay saya kapag napag-uusapan ang mga high school crush, hehe. Minsan nagkukunwari pa kahit totoo naman. Ang mga pangyayari noon kapag binubulgar ng isang ka batch nagiging dahilan din para ang iba ay magtaka o kaya mabigla. Muli sa katatawanan lang napupunta ang lahat. Ang mga pagbibiro ng mga kaibigan ay gustuhin mang iwasan ay mahirap na gawin. Lahat ay makakatikim talaga ng kantiyaw o biro kung kinakailangan. Ganoon talaga kapag magka batch ang nag-iinuman. Napag-uusapan din kung paano nabigo o nagtagumpay ang isang ka batch sa buhay o propesyon na pinili.

Sakristan ( published in newspaper )

*Napakadami ko pong sinulat na kuwento. Sa lahat po ay ang SAKRISTAN ang napakadali kong nagawa kasi hindi umabot ng isang oras. Di katulad ng iba na matagal bago ko matapos dahil sa kaiisip kong ano ang isusulat sa ginagawang kuwento. Minsan nga mga ilang araw pa bago matapos. At ng ipasa ko ito para sa diaryo ay napublish agad after 4 days. Thursday ko ito ipinasa at pagka Lunes na araw na may column na Bagong Sibol sa diaryo na Pilipino Star Ngayon ay napublish na. Nagulat nga ako kasi madaling napublish. Di katulad ng iba kong kuwento na matagal muna bago mapublish. Siguro ay maganda din ang kuwento kaya inuna sa mga nakasabayan ko sa pagpasa ng kuwento sa week na iyon. Sa kuwento po na ito ay di maganda ang imahe ng pari. Kung gusto niyo po itong mabasa ay click lang ang gitna ng naka scan na kuwento para po lumaki ang mga sulat o kaya ay scroll down lang at click ang older post hanggang na makita kasi ay tapos ko na po itong ipost pero di naka scan. Buwan ng June ng ipost ko ang kuwento na ito. Hindi po ako naging isang SAKRISTAN. Gawa-gawa ko lang ang kuwento na ito.*

( click niyo po ang naka scan para lumaki at ng mabasa niyo naman )


Tula Ng Magtatapos



Tula Ng Magtatapos
Ni: Arvin U. de la Peña
Paalam na sa inyo kaibigan
Kailangan ko ng umalis
Kung saan man ako makakapunta
Tadhana ang nakakaalam.
Huwag kayong mag-alala sa akin
Alam ko ang gagawin kong hakbang
Hindi ako sa inyo
Magiging problema sa buhay.
Balang araw mauunawaan niyo rin
Kung bakit ako lalayo
Mag-isa na harapin
Pagsubok ng isang nagtapos.
Kahit wala na ako
Makakaasa kayo sa akin
Na hindi ko kayo makakalimutan
Bawat araw maiisip ko kayo.
Ako’y magtatapos na sa pag-aaral
Mga kaibigan kong nag-aaral pa
Sana kayo din ay tumulad
Sa akin at sa iba pa kahit na di magtagumpay.

Gulong

GULONG
Ni: Arvin U. de la Peña

Manipis na rin ang gulong ni
Mang Estong drayber
Limang taon ding ginamit-gamit
sa kung saan-saan
Sa pagliliwaliw minsan
sa mga bahay aliwan
Tanging gulong ang saksi
kung sino ang tangay.

Wala na talagang kulay
Ang dating makintab na gulong
Ngayon ay parang alikabok na
Sa pagdaan sa kalsada
Usap-usapan kung kailan papalitan.

Ang dating pinagkakaguluhan na gulong
Ngayon ay balewala na lang
Sa unti-unting pagkupas ng gulong
Dahan-dahan ding kumupas
karisma ni Mang Estong drayber.

Kita na ngang may butas ang gulong
Kung kailan lumipas ang panahon
Saka lang niya napansin
na kailangan na palang palitan
Kawawang Mang Estong na drayber
Saan pa siya kukuha ng pambili ngapat na gulong
Wala ng nagtitiwala sa kanya
Wala na ring nagpapautang pa sa kanya.

Hamon ( published in newspaper )

*Ang tula po na ito na napublish sa diaryo ay inihahandog ko po hindi lang kay Jun Lozada kundi sa iba pang mga tao na handang magsiwalat ng katiwalian laban sa gobyerno. Kaya ko rin nasulat ang tula na ito ay dahil minsan may mga iniimbestigahan na hindi talaga nagsasabi ng totoo. Sa madaling salita ay nagsisinungaling sila o kaya may pinagtatakpan para na rin siguro sa kaligtasan nila. Bihira na lang po talaga sa ngayon ang nagsasabi ng totoo. Minsan kasi ang pagsisinungaling ay nakakatulong din sa buhay ng tao. Kaya ang HAMON ko ay magsabi ng totoo.*

(clik niyo po ang naka scan para lumaki at ng mabasa niyo.)


Stanley

*Nang minsan na mahawakan ko ang alagang aso na ito ng kaibigan ko ay nakita ko sa leeg niya ang kuwintas na ang nakasulat ay Stanley. Dahil doon nasabi ko na Stanley pala ang pangalan ng aso niya. Sa aso na ito na si Stanley nabuo ko ang kuwento na ito. Alam niyo na kung sino ang may ari nito dahil post ko na ito dati pa dito sa blog ko kasama ng nagmamay ari sa kanya na kaibigan ko hehe. Pero hindi po totoo na patay na ang aso na ito. Gawa-gawa lang ang lahat tungkol dito sa aso ng kaibigan ko ng kung tawagin din ay Mags.*


STANLEY

Ni: Arvin U. de la Peña

Wala na raw si Stanley. Hu hu hu hu, halos himatayin ako sa pag-iyak ng marinig ko iyon mula sa tawag sa telepono. Ang mahal kong si Stanley patay na raw. Agad ay umuwi ako mula sa trabaho para matingnan si Stanley. Habang sakay ng taxi ay di ko mapigilan ang di lumuha. Paano?, si Stanley lang ang madalas kasama ko sa buhay at nagpapasaya kahit na ganun siya. Kapag wala akong trabaho siya ang kalaro ko. At sa pagkain ay halos sabay kaming kumain. Siya ang napagsasabihan ko kapag ako ay may problema sa buhay. Siya rin ang sinasabihan ko para sa mga plano ko sa buhay. Sa kanya ko ibinubulong ang nais kong sabihin sa buhay.

Wala na nga si Stanley. Habang papalapit ako sa bangkay niya ay parang gusto ko na rin na sumama sa kanya. Para sabay kaming dalawa na mamaalam sa mundo. "Bakit nangyari ito sa kanya?. Tanong ko sa aming katulong sa bahay. "Nasagasaan po ng makalabas sa gate dahil naiwan na bukas." Ang mahinahon na sagot ng aming katulong. Parang gusto ko na palayasin ang aming katulong sa sinabi niya dahil sa kanila na rin kapabayaan. Pero hindi ko iyon nagawa. Iyak na lang ako ng iyak sa nangyari.

Habang naghuhukay na para ilibing si Stanley ay naiisip ko ang mga magandang alaala na naiwan niya sa akin. Ang mga paghahabulan namin, ang paliligo sa dagat at ang pagsakay din niya ng eroplano o bus kapag ako ay bumibiyahe sa ibang lugar dahil na rin sa trabaho ko. Sayang at hindi ko na siya makikita at makakasama pa.Nang mailibing na si Stanley agad ay nasabi ko na sana kahit sa panaginip muli ay makasama ko siya. Muli kahit sa panaginip ay pasayahin niya ako.

Iniwan ako ng mahal kong aso na si Stanley.Pero kahit na wala na siya ay naniniwala ako na balang araw ay makakatagpo ako ng katulad niya. Kung kailan iyon ang hindi ko alam. Ngunit hanggang hindi pa naghihilom ang sugat sa puso ng mawala si Stanley ay hindi pa muna ako maghahanap ng kapalit niya. Dahil para sa akin nag-iisa lang si Stanley sa mundo.

Sorry

SORRY
Ni: Arvin U. de la Peña

Sorry ha nasaktan ko ang damdamin mo
Dahilan para dumistansya ka sa akin.
Sorry ha may nasabi akong
di maganda sa kaibigan mo.
Wala sa isip ko na masasaktan ka dahil doon.
Sorry ha dahil sa akin nagkatampuhan
kayo minsan ng kaibigan mo.
Sorry ha sa dati na madalas kong pag-abalasa'yo.
Kasi minimiskol kita at madalas etext.
Sorry ha alam ko na mali ang nagawa ko.
Pero lahat ng iyon pinagsisisihan ko na.
Kasi di na kita nakakausap at nakakatext.
Saan ka man ngayon, sana ay malaman mo
na hindi pa rin kita nakakalimutan.
At umaasa ako na sana balang araw
ay mapapatawad mo na ako.

Aktibista (napublished ito)

*Kapag nakakapanood ako sa tv ng nagrarally o kaya nagwewelga ay nakakapag-isip ako na ano kaya kung kasali ako sa rally o welga na iyon. Para bang gusto kong maramdaman ang pakiramdam ng ganun na sitwasyon. Sana ma experience ko ang sumali sa rally o welga, hehe. Para naman di sayang na isinulat ko ang tula na ito.*

AKTIBISTA
Ni: Arvin U. de la Peña

Habang ako ay buhay
Ako ay magsasalita
Hindi ko ililihim
Katiwalian sa gobyerno.

Kung kailangan na magrally
Kusang loob kong gagawin
Ipagsisigawan ko sa sambayanan
Hinaing sa pamahalaan.

Tawagin man akong aktibista
O kung ano pa man
Buong puso kong tatanggapin
Dahil iyon ang pagkatao ko.

Kahit kapalit ng lahat panganib
Ay ayos lang sa akin
Maipaalam lang sa lahat
Ang di magandang pamamalakad.

Nawa ay pagpalain ako
At sa iba pang tulad ko
Hindi natatakot na magsabi
Basta para sa kapwa mamamayan.

Para Sa Biktima Ng Rape (napublished ito)

Para Sa Biktima Ng Rape
Ni: Arvin U. de la Peña

Sumigaw ka hanggang kaya mo
Huwag kang matatakot
Banggitin mo may kasalanan
Marami ang dadamay sa iyo.

Huwag mong ipawalang-bahala
Ang nangyari sa iyo
Pagkat di na maibabalik
Ang nawasak mong pagkatao.

Hustisya pilitin mong makamit
Maawa ka sa sarili mo
Siguraduhin mong makulong
Kung sino man ang may gawa.

Nasa likod mo ay marami
Ang handang tumulong
Pagtatawanan ka lang ng may sala
Kapag di ka kumilos.

Ngayon na, ito na ang panahon
Kahit sino pa ang masagasaan
Dahil di katanggap-tanggap
Birhen mong nadungisan.

Sa Aking Mahal

Sa Aking Mahal
Ni: Arvin U. de la Peña
Kay: Cherryl Joy Francisco

Sa isang pag chat nakilala kita
Hiningi ko ang cellphone number mo
At mula noon ay madalas na
Tayong dalawa ay nagkakatext.

Hanggang dumating ang araw
Madalas na tayong nagkikita
Sa pamamasyal kung saan-saan
Nagdugtong ang ating mga puso.

Nag-ibigan tayong dalawa
Nagkaroon ng bunga ating pagmamahalan
Masaya tayong nabubuhay bawat araw
Kasama ang ating anak.

Mahal ko, pinakamamahal ko
Nais kong malaman mo
Ikaw lang sa aking puso
Kahit sino pa ay di kita ipagpapalit.

Alumni


Alumni
Ni: Arvin U. de la Peña


Ayaw ko sana itong isulat kasi baka pag nabasa ng mga ka batch ko sa high school ay pagsabihan ako ng kung ano. Pero dahil tanggap ko na ang mga pagbibiro nila at pagkakantyaw sa akin kaya go ako na isulat ko ito.
Malapit na naman ang alumni. Sa marso na darating. Araw ng lunes, martes at miyerkules pagkatapos iyon ng holy week. Sa mga batch na sasali sa mga competition ay ilang araw iyon na practice. Hindi lang practice kundi kasali na siyempre ang inuman at kamustahan. Kasi once a year lang naman ang event na iyon.Sa batch namin dati sumasali kami sa mga competition. Minsan may natatanggap din kami na award. Ang masakit nga lang sa raming beses na aming pagsali ay ilan pa lang ang natanggap namin na award.
Matinding competition talaga ang nangyayari dahil kasikatan ng batch na mananalo ang nakataya at higit sa lahat ay malaki-laki din ang premyo na napapanalunan sa bawat category pag oras na ng awarding. Kung ano iyong batch na nagkakaisa at maganda ang pamamalakad nila ay malamang talaga may matanggap na award, pera at trophy. Ayos din ang pagsali kasi first, second and third prize ang parangal.Ngayong darating na alumni ewan kung sasali ako o pupunta sa mga meeting na mangyayari para sa aming batch. Wala na kasing gana kasi ang nangyayari ay sa inuman napupunta ang pag memeeting. Sa halip na na pag-usapan ang tungkol sa alumni ay kung anu-ano ang pinag-uusapan.
Kaya ang nangyayari katulad ng mga nagdaang taon ay pumaparade nalang ang batch namin. Hindi na nakikipag compete sa ibang batch sa competition. At iyon ang ayoko! Kasi nakakainggit talaga kapag awarding na dahil kapag binabanggit na ang batch na nanalo sa isang competition ay sobrang saya nila. Ang iba ay napapalundag pa sa tuwa. Tapos marami pa sila na pumupunta sa stage para tanggapin ang trophy at cash prize. Nakakainggit talaga pero wala akong magagawa dahil di ko naman hawak ang buhay ng mga naging kasabayan ko pag graduate sa high school.
Sa isang taon ay nakakaisa nga lang nangyayari ang alumni para sa aming pinanggalingan na paaralan ay ayaw pa na sumali o maki cooperate ang iba sa amin. Lalo na kapag awarding night at beach party inuman talaga na para bang ngayon lang nakainom, hehe. Iyon na lang lagi, laging ganun. Ilang taon na rin na nangyayari iyon sa amin. Hindi sumasali sa competition.Sana tuparin ng kabatch ko na sina Kim at Joel ang sabi nila sa akin sa text na after 10 years pa uli sila sasali sa alumni para tatlo kami, hehe. Wala na rin kasi akong balak na sumali pa sa mga class reunion na nangyayarisa amin dahil (di ko babanggitin, secret ko na lang sa kanila kung anuman iyon. )
Ewan ko lang kung ngayong alumni na darating sa marso ay matiis ko na hindi makisalo sa mga kabatch ko habang umiinon ng malamig na SAN MIGUEL BEER.

Nang Makilala ( published in newspaper )

*Nakilala ko ang babae na ito sa chat. At ginusto ko na mahandugan ko siya ng sinulat ko. Mabuti at nagtagumpay ako sa ganun na ang pangalan niya ay malagay sa diaryo na siyang hinahandugan ko ng tula. Kung gusto niyo siyang makilala at makita pa ang mga pictures niya ay nasa friendster ko po. Hanapin niyo na lang doon ang pangalan niya na Laarni Casinillo, he he.*

(click niyo po ang naka scan para lumaki at mabasa niyo ang tula)




Ang Bobong Bayani

Ang Bobong Bayani
Ni:Arvin U. de la Peña

May isang tao na ang tawag sa kanya ay bobo. Siya ay nasa grade six sa paaralan. Sa kanilang klase siya ay tampulan ng tukso. Madalas nagkakatuwaan ang mga kaklase niya lalo kapag sinasabihan siya kung bakit nakakapasa gayong bobo naman. Lahat na mga pangungutya sa kanya ay tinitiis niya lang dahil sa pagkakaalam niya nakakasagot naman siya minsan kapag tinatanong ng guro. Hindi lang madalas na nakakasagot siya. At kung may pagsusulit naman ay nakakakuha naman siya ng iskor.

Minsan nga lang ay zero.Ngunit sa kanilang bahay ang tinatawag na bobo ay isang magandang halimbawa ng mabait na bata. Tumutulong muna siya sa lahat ng gawaing bahay bago siya maglaro. Palibhasa ay mahirap sila ay halos hanga ang mga kapitbahay niya sa sipag niyang mag-ibig ng tubig at kung ano pa na gawain sa bahay.

Minsan sa klase nila nagkaroon sila ng field trip. Sasakay sila ng bus at pagkatapos sasakay naman ng bangka para makapunta na sa pakay nila. Isa sa kasama ang tinatawag nilang bobo. Sa loob ng bus ay masayang-masaya silat at nagkakatuwaan pa dahil sa panunukso at pagbibiro kay bobo. Si bobo naman ay wala lang kibo. Pagkatapos na nilang sumakay ng bus ay umupa na ang guro nila ng tatlong bangka para makatawid sa dagat.

Sa simula ay sinabihan na sila na medyo maalon kaya dapat ay umupo lang ng maayos at huwag malikot pag nasa bangka na.Nang umalis na ang tatlong bangka ay masyadong masaya ang mga estudyante na sakay si bobo. Binibiro pa nga na sana ay maglangoy na lang si bobo kasi magaling din naman siya maglangoy.

Sa di inaasahang pangyayari ay bigla lumakas pa ang alon at doon ay tumaob ang bangka na sinasakyan nina bobo. Palibhasa siya lang ang masyadong marunong lumangoy bukod sa nagmamaneho ng bangka ay bigla tinulungan niya ang mga kaklase niya na makakapit sa tumaob na bangka. Kita ng mga sakay ng dalawang bangka na mga kaklase din niya ang ipinakita niyang kabayanihan sa pagsagip sa mga kaklase na nalulunod.

At aminado ang guro at ang ibang kaklase na kung hindi dahil kay bobo ay may nalunod na estudyante dahil hindi makakaya ng mag-isa ng nagmamaneho ng bangka na masagip lahat na estudyante lalo at malayo-layo pa ng konti bago nakarating sa kanila ang dalawa pang bangka.Pagkatapos ng trahedya ay umuwi na lang sila.

Lahat na mga estudyante pati ang guro nila ay tinsiyonado pa rin sa nangyari. At si bobo ay ganun pa rin walang kibo dahil noon pa ay di talaga siya kasundo ng mga kaklase niya. Pag-uwi sa bahay ay agad na ikinuwento ni bobo ang nangyari sa kanyang mga magulang. Doon ay ipinagmalaki niya ang kanyang kabayanihan at umaasa siya na dahil doon ay sana di na siya tuksuhin pa ng mga kaklase niya.

Kinabukasan sa paaralan dahil alam na ng lahat ang nangyari ay nagpasya ang principa ng paaralan na bigyan ng parangal si bobo sa kanyang kabayanihan sa pagsagip sa mga kaklase na nalulunod. Ngunit ay ipinagtaka nila ay ala siyete na ay di pa rin dumarating si bobo sa paaralan. Gayong kahit kailan ay di nag absent si bobo.

Pupunta na sana ang guro sa bahay nina bobo ng bigla ay dumating ang pinsan ni bobo para ipaalam na kailanman ay hindi na makakapasok si bobo sa paaralan dahil patay na siya. Lahat ay nabigla sa ibinalita na patay na si bobo. Di sila makapaniwala na mamamatay si bobo ng ganun kadali. Ang mga kaklase niya ay nag-iyakan. Iyon na sana ang araw na hihingi ng tawad ang mga kaklase niya sa ginagawang panunukso. Iyon na sana ang araw ng tatawagin na siya sa tunay niyang pangalan na Edward.

At ang kanyang guro habang may luha sa mga mata ay sinabihan ang mga estudyante na wala ng ang bobo na madalas na tuksuhin. Sa kanilang bahay naman nina bobo ay nag-iiyakan pa rin ang mga nandoon lalo na ang kanyang mga magulang. Nang dumating ang guro ay agad na umiyak at nagsalita pa tungkol sa kabayanihan ng kanyang estudyante.

Ang iba ay sinasabi na bangungot ang ikinamatay ni bobo. Ang iba naman ay baka sakit sa puso. Pagdating ng mga tao nu susuri kung bakit namatay si bobo ay agad sinuri ang bangkay ni bobo. Doon ay may nakita kanyang binti na namamaga dahil sa kinagat ng kung ano. Nang ikuwento sa sumuri sa bangkay ni bobo na siya ay nagligtas sa kapwa estudyante na nalulunod sa kahapon ay agad nagsabi ang tao na baka habang nasa dagat si bobo at nagliligtas sa mga kaklase na nalulunod ay baka may kumagat sa kanya at ang lason ay mga ilang oras muna bago umepekto.

Ang namamaga sa binti na kinagat ng kung ano ang naging basehan sa pagkamatay ni bobo ng mga tao na sumuri sa kanya.

Sana

*Isa ang tula na SANA na sinulat ko na napublish din sa diaryo. Sayang nga lang di ito nabasa ng babae na hinandugan ko ng tula na ito kasi graduate na ako ng magsimula ng magsulat ng kuwento o tula para sa diaryo. Naging kaklase ko noong nag-aaral pa ako ng college sa Cebu ang babae na hinahandugan ko ng tula na ito. Habang sinusulat ko ito ay naaalala ko ang sandali na magkaklase kami at magkatabi pa ng upuan. Sa isang subject lang kami magkaklase at Accountancy ang kurso niya. Matalino po ang babae na ito. Second year college ako at 2nd semester ng maging classmate ko siya. Hanggang sa mag 4th year college na ako ay madalas ko pa rin siya makita. Madalas kapag pumupunta ako noon sa library para mag study ay nakikita ko rin siya doon at nag study din. At sa bawat pagkikita ay siyempre nagkakangitian kami at nagpapansinan. Ang sarap talaga minsan gunitain ang mga alaala na kailanman di na mangyayari uli. *

(click niyo ang naka scan na ito para lumaki at mabasa niyo naman.)


Kay Cherryl

*Masaya ako sa naging buhay ng kaibigan kong ito. Parang dugo at pawis ang ipinuhunan niya para sa pangarap niya na ngayon ay nakamit na niya. Dahil sa kanya kaya ko po naisulat ang poem na Thank You, Boiling Love, Tula Ng Pag-ibig at ang Poem For The love One. Siya po si Cherryl. I really miss her na po talaga. Sana muli makausap ko ito kahit sa text lang, hehe.*



THANK YOU
For: Cherryl Joy Francisco
From: Arvin U. de la Peña


I was so sad at that day
When suddenly you came into my life
And it turned out that you,
You give brightness to my life.

Hopeless I can be called by others
Always failed whatever I aim
Despite of all my frustration
I still stand up and face the life road.

Whatever people say to me
Whether it is a joke or not
I just laugh and smile
Anyway who are they to interfere my decision.

And now that you are here with me
I expect to be much stronger
I believe that I can still survive
All the struggles of being alive.

THANK YOU, thank you very much
That’s what I only say to you
I know you are far from me
But I hope you won’t tired of me, like others do.



BOILING LOVE

For : Cherryl Joy Francisco
From: Arvin U. de la Peña

Miles apart separated by distance
Rely on the promises
Love that made in the air
Unbreakable as time pass by.
Though it’s not easy
Relationship like this
Just keeping in mind
That someday would be together.

As the day going through
Messages and voices cause happiness
Even so far from each other
Do not think to look for another.

Believe of what is said
Reason to inspired always
For sometime lovers will meet
To tie themselves in a church.



TULA NG PAG-IBIG

Kay: Cherryl Joy Francisco
Ni: Arvin U. de la Peña

Mahal na mahal kita
Batid mo iyon di ba?
Na ikaw lang sa aking puso
Wala ng iba pa.

Sa bawat araw at gabi
Ramdam mo pagmamahal ko sa’yo
Kahit di maganda ang panahon
Pag-ibig ko sa’yo pinadarama pa rin.

Lahat na sandali
Ikaw lang ang nasa isip ko
Dahil ang nais ko na lumigaya
Sa iyo ko natagpuan.

Subalit kapwa natin alam
Ang buhay sa mundo may katapusan
Kung kailan na matatapos
Iyon ang di natin alam.

Kung ikaw ang mauna
Makakaasa kang di na ako hahanap
Sapagkat ikaw ay walang katulad
Nag-iisa ka lang sa akin.

At kung ako man ang maunang pumanaw
Ang tula kong ito na para sa iyo
Sana ay lagi mong tatandaan
Para pag-ibig ko ay madama mo pa rin.



Poem For The Love One

For: Cherryl Joy Francisco
From: Arvin U. de la Peña


You are part of me and nothing more to say
With you I am so happy
Everytime I think of you
I always feel heaven.


Time may change slowly
But with you my feelings won’t
Because you are a great treasure I catched
When I sail for love.


When you are not with me
I really miss you
It looks like that
“It’s hard to breath without you.”


Someday I know I may pass away
But one thing is for sure
I did my very best
In terms ofloving you.


TODAY, as I wrote this
Nothing more to wish for myself
As long as you are with me
My life is complete.

Buhay Sabong

BUHAY SABONG
Kay: Noel "Bhay" Beñalet
Ni: Arvin U. De la Peña
University of Cebu
Umulan man at umaraw
Sa umaga at hapon
Inaalagaan na mga manok
Kailangan na mapakain.
Buhay ng tagapag-alaga ay ganyan
Para sa iba mahirap
Pero sa kanila masarap
Lalo na kung nanalo ang manok.
Kaibigan kong lalaki
Ang trabaho niya ay ganyan
Mga panabong na manok
Kailangang ikondisyon ng mabuti.
Katuwiran niya sa buhay
Balang araw makikilala din siya
Mga sabungero sa bayan
Hahangaan din siya.
Nangyayari man na siya ay pinipintasan
Hindi na lang niya pinapansin
Dahil ang buhay sa sabong
Mayroong nananalo at natatalo.

Payong Kaibigan

PAYONG KAIBIGAN
Kay: Jovy Capisnon
Ni: Arvin U. de la Pena
University of Cebu

Habang ikaw ay lumalaki
At tinatahak ang landas ng buhay
Magtiwala ka sa sarili mo
Ibigay mo ang lahat ng iyong makakaya
At huwag kang magpapa-api.

Sundin mo ang iyong mga pangarap
Na nasa iyong puso
Patungo sa daan
Na tunay mong ikaliligaya.

Kung may talino ka man
Ito ay iyong ilabas
At kung marami man ang iyong nalalaman
Ipamahagi mo sa iyong kapwa.

Dahil ikaw ay ilan lang
Sa mga tao sa mundo
Na pinili ng diyos
Upang maging kilala.

My Crush

MY CRUSH
By: Arvin U. de la Peña

Every time I think and see you
Every time my heart beat
Because I'm in love with you
But I can't tell my feelings.

Sadness that happen to me
Remembering your smile
The pain that I feel
Will easily disappear.

Truly you are different
In all women that I meet
Telling " I Love You" to you
It is very hard for me.

But what I will be do
So that you will know
That in my heart and mind
Only you that I want.

I'm a questionable man
I'm shy to be with others
I'm afraid to love a girl
Which is beautiful........like you!

Pighati

*Pagkasilang pa lang may kapalaran ng nakalaan sa atin. Kapalaran na magpupunta sa atin kung saan tayo talaga. Kung ano ang iyong pangarap o ambisyon hindi mo iyon makakamit kapag hindi nakalaan sa iyo. Kahit ano pang pilit mo hindi mo talaga iyon makukuha. Kahit sa pag-ibig ganoon din. Kapag hindi para sa iyo ang gusto mo hindi talaga mangyayari na kayo ay magmamahalan dahil hindi nakatadhana. Masakit pero kailangan tanggapin ang katotohanan na hindi kayo para sa isat-isa.

"TIME MAY DRAW US APART, BUT MEMORIES WILL PUT US TOGETHER"

PIGHATI
Ni: Arvin U. de la Peña

Napakasaya ko ng makilala ka
Lalo na ng maging kaibigan kita
Bawat araw inspirado ako
Paano? umiibig ako sa'yo.

Kapag tayo ay nagkakausap
Di ako makatingin sa'yo ng diretso
Para bang hindi ako makapaniwala
Na kaharap talaga kita.

Kapag tayo naman namamasyal
akiramdam ko napakasuwerte ko
Dahil kasama ko sa buhay
Tinatangi ng puso ko.

Akala ko talaga
Kasiyahan kong ito na dahil sa'yo
Ay wala ng katapusan
Mawawala ka rin pala sa akin.

Tulad din pala ng dati
Na aking nakilala at naging kaibigan
Iiwanan din ako na luhaan
Pagkatapos ng lahat.

Napakasakit na tanggapin
Na dahil sa magkaiba
Ang estado ng buhay natin
Iyon ang dahilan para lumayo ka.

Oo mayaman ka
At ako ay mahirap lang
Hindi ko kaya makipagsabayan sa'yo
Lalo na pagsangkot ang pera.

Minsan ay naiisip ko
Kung ganito lang pala ang mangyayari
Sana di ka na lang napalapit sa akin
Ako tuloy ngayon nalulungkot.

Masisisi mo ba ako?
Kung tibok ka ng puso ko
Kasalanan ko ba?
Kung mapamahal ako sa'yo.

Bakit mahirap sa iyo?
Mahalin ang taong kulang sa pera
Hindi naman iyon ang sukatan
Nang tunay na pag-ibig.

Marahil tama ang sabi mo
Di ko mabibili pangangailangan mo
Dahil wala akong sapat na pera
Hindi ko matutustusan kasosyalan mo.

Pero bakit kailangan?
Na sabihin mo sa akin
Maghanap ako ng iba
Eh, ikaw ang mahal ko.

Hindi mo ba alam?
Kahit naiisip lang kita
Parang lumulutang ako sa hangin
Lalo na pag kasama ka.

Ngunit kung sadyang ganoon nga
Alam ko na mahirap na tanggapin
Dahil langit ka sa akin
Pero wala akong magagawa.

Marahil sadyang nakatadhana
Hindi na lalalim pa
Ang pinagsamahan nating dalawa
Dahil langit ka at lupa ako.

Ganoon pa man
Hiling ko pa rin bawat araw
Sana lagi kang masaya
Walang problema na darating sa'yo.

Dahil iba ka sa akin
Mga panahon na tayo ay magkasama
Pakiwari ko ay natupad na
Mga pangarap ko sa buhay.

Sayang talaga wala na tayo
Hindi na mauulit pa pinagsamahan natin
Mapupunta na lang sa alaala
Ang lahat na nangyari sa atin.

Saan ka man ngayon
ais kong malaman mo
Paglalayo ng landas natin
May kirot sa dibdib ko.

Alam ko pagsubok lang ito
Na bigay ng diyos sa akin
Pagsubok na matindi
Dahil para akong nawalan ng inspirasyon.

Pero kakayanin ko ito
Dahil sa bawat pagsubok
Na dumarating sa buhay
Ay mayroong kalutasan.

Alam ko masakit ang magpaalam
Dahil sa bawat pagpapaalam
May hapdi tayong mararamdaman
Lalo na pag ang nagpapaalam mahalaga sa'yo.

Ngunit wala akong magagawa
Dahil iyon ang gusto mo
Ang iwanan ako
Dahil kulang ako sa pera.

Bilang panghuli sa PIGHATI kong ito
Gusto kong ipaabot sa'yo
Hinding-hindi kita makakalimutan
Kahit ginanito mo ako.

Dahil sa mga panahon
Na tayo ay magkaibigan
O higit pa sa kaibigan
Kahit paano pinasaya mo ako.

Ginising mo ang natutulog ko ng puso
Binigyan mo ng kulay
Buhay kong naging malungkot
Iba ka talaga sa akin.

Kaya kahit wala na tayo
Maaalala pa rin kita
Pangako ko iyan sa'yo
Pagkat ikaw ay walang katulad.

Kahit na ang tingin mo sa akin
Isang hamak na hampas lupa
Walang iba na maibibigay sa'yo
Kundi...............pagmamahal lang.

Pag-ibig

PAG-IBIG
Ni: Arvin U. de la Peña

Salamat sa iyo kaibigan
Napakabait mo sa akin
Kapag ako ay nangangailangan
Nandiyan ka para ako ay damayan.

Kahit na ba ikaw ay mahirapan
At kahit na masaktan pa
Handa kang magsakripisyo
Alang-alang sa akin.

Hindi naman tayo magkamag-anak
Lalong hindi tayo magpinsan
Pero napakabuti mo sa akin
Pinapasaya mo ako ng sobra.

Tuloy nasabi ko sa sarili
Sana di ka magbago sa akin
Dahil kung pag-ibig ang dahilan
Handa kitang mahalin.

Love Story

LOVE STORY
Ni: Arvin U. de la Peña

Bata pa lamang ako
Ikaw na ang pangarap ko
Minimithi ko sa buhay
Na makasama sa habang panahon.

Kapag tayo ay nagkakalaro
Madalas mata ko sa'yo nakatingin
Tinitingnan ka ng mabuti
Baka mapaano ka.

Walang araw noon
Na hindi ako nag-aalala sa'yo
Paano, ikaw lang ang kababata ko
Na hangang-hanga ako.

Kung tayo ay nagkakausap
Masayang-masaya ako
Para bang ayaw ko
Matigil ang pag-uusap natin.

Hanggang sa tayo ay lumaki
Nagbinata ako at nagdalaga ka
Ganoon pa rin hindi nagbabago
Ang paghanga ko sa'yo.

Masakit nga lamang
Marami na ang humahanga sa'yo
At pakiwari ko talaga
Hindi ako makakasabay sa kanila.

Dahil hindi ako katulad nila
Na humahanga rin sa'yo
May kaya sa buhay
Hindi katulad ko, mahirap.

Minsan naiisip ko
Bakit umibig ako sa'yo
Gayong alam ko noon pa man
Mayaman ang iyong pamilya.

At nababatid ko
Hindi tatanggapin ang tulad ko
Dahil hindi nababagay
Sa katulad mo.

Eleksyon Na Naman

ELEKSYON NA NAMAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Parang kailan lang ang tatlong -taon na nagdaan. Heto, eleksyon na naman. Muli na naman na natin maririnig sa mga pulitiko ang mga matatamis na salita. Mga salita na kung may matupad man siguro kaunti lang. Minsan pa nga walang natutupad.Naaalala ko nga ang mga pangako ng isang pulitiko. Kapag siya raw ang nanalo ipapatigil niya ang mga pasugalan, magkakaroon lagi ng curfew para maiwasan ng mga kabataan ang gumala sa gabi, at ang droga sisiguraduhin niya raw na walang makakapasok sa lugar.

Puro ka pangako lagi namang napapako. Iyan ang nasabi ko para sa pulitiko pagkalipas ng anim na buwan dahil nanalo siya. Bakit may pasugalan pa rin? Dahilan para ang pera na kinikita na dapat para sa pamilya ay sa sugal lang napupunta. Bakit ang curfew apat na beses lang nangyari? Dahilan para gumala na ulit sa gabi ang mga kabataan na para sa kanila ay delikado. At bakit may droga pa rin? Dahilan para dumami pa ang malulong sa bawal na gamot at dumami pa ang mga adik. Kasi hindi nababawasan ang adik sa halip dumarami.

Kaya ngayon na eleksyon di ko na siya iboboto.Sa mga katulad ko na botante. Sana ang iboto niyo ngayong eleksyon iyong karapat-dapat talaga. Huwag masyadong magtiwala sa pangako. Dahil ang pangako paraan lang iyon para sila ay hangaan kahit na hindi dapat.Ang may tunay na layunin at adhikain para sa ikabubuti at ikauunlad ng bayan ang dapat na iboto.

Pulubi

PULUBI
Ni: Arvin U. de la Pena

Bago pa man sumikat ang araw
Handa ka na sa bagong umaga
Upang harapin na naman
Ang buhay na kaysaklap.

Bakit nga ba naman
Naging isang mahirap ka
Iyon lagi ang sinasabi mo
Nagtitiis sa palimos para mabuhay.

Kahit dinadaan-daanan ka pa
Hindi ka nahihiya
Sapagkat iyon ang ikinabubuhay mo
Ang manghingi ng pera sa kapwa.

Mga kakilala mo noon
Na naging kaibigan mo pa
Di ka man nila pansin
Hindi ka nagdaramdam.

Dahil nabatid mo na
Na ang buhay ay sadyang ganyan
Kapag nasa taas na ang isang tao
Wala nang kinikilala.

Sa Tabing Dagat

SA TABING-DAGAT
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa aking pagpunta sa tabing-dagat. Napansin ko na hindi lang pala ako ang tao. Marami rin pala kami. Ngunit may kanya-kanyang puwesto sa pagmumuni-muni. Ang iba ay may hinahawakan na bato at itinatapon sa dagat. Ang iba naman ay nakatingin lang sa hampas ng alon, pero alam ko na malalim ang iniisip. Nasabi ko tuloy sa aking sarili " bakit kaya ito ang madalas na pinupuntahan ng ilang tao kapag sila ay galit ".

Akma na akong pupuwesto sa isang tabi ng ako ay lapitan ng isang tao. " Pare dito mo rin ba sa tabing-dagat ibubuhos ang iyong galit ". Takang-taka talaga ako sa tanong niya. Dahil mahirap ang magkunwari sinabi ko na lang sa kanya ang totoo." Oo pare galit ako kaya dito ko na lang sa tabing-dagat pahuhupain ang aking galit "." Ako rin pare galit ako kaya naisipan ko na dito na lang sa tabing-dagat pumunta para makaiwas pa sa gulo ", sabi niya sabay na puwesto sa isang tabi.Naisip ko sana lahat ng tao kapag may kinagagalitan sa tabing-dagat na lang pumunta.

Bukod pa sa sariwa ang hangin, hindi ka pa makakasakit sa kapwa o di kaya ikaw pa ang masaktan.Ang pag-inom ng alak para mawala ang galit sana ay itigil na rin iyon.Bukod pa sa magagastusan ng pera ay malalasing ka pa. Baka maging dahilan pa para mag-init ang ulo at maging sanhi ng pakikipag-alitan. O di kaya makapag-isip pa ng masama dahil lasing na nga.Ang paggamit ng ipinababawal na gamot para lang mawala ang galit. Sana ay itigil na rin iyon. Tuluyan lang na masisira ang utak.

Dahil sa pagtikim ng bawal na gamot ay hindi mapipigilan ang sarili na di na ulit iyon tikman.Pumunta na lang sa tabing-dagat kung ikaw ay galit. Galit sa sarili o di kaya galit sa isang tao. Wala pang masasaktan o kaya mawawala sa iyo.Sa tabing-dagat mo na lang ibuhos ang iyon galit.

Backer

BACKER
Ni: Arvin U. de la Peña

Noong nasa elementarya pa ako, lagi kong natatanong sa aking sarili. Hangang kailan kaya ang pag-aaral ng isang estudyante? Hangang kailan ang isang estudyante ay matutulad na sa ibang mga tao na pumapasok na sa opisina? Sabi naman ng isa kong kaklase pag makatapos raw sa kolehiyo sigurado na makakapasok na sa opisina ang isang naging estudyante para magtrabaho at tumanggap na ng sahod. Sabi ko naman sa kanya "bakit si Manuel na kapitbahay namin tapos ng commerce sa kolehiyo tapos ay walang trabaho". " Baka walang backer kaya di nakapasok", iyon ang sabi niya sabay na alis.

Sa pagkarinig ko sa sinabi niya nanghina talaga ako. Eh, paano? Masasayang lang pala ang pinagpaguran sa paaralan kapag walang backer sa oras ng pag-apply sa trabaho.Nang nasa high school naman ako. Iba naman ang naging tanong ko sa aking sarili. Ano? kaya ang mabuting kurso sa kolehiyo. Ano? kaya ang dapat kong kunin sa kolehiyo. Sabi naman ng kaibigan ko. Dapat ang kunin raw na kurso sa kolehiyo iyong in-demand talaga. Iyong kurso na madali kang makahanap ng trabaho. Sinabi ko naman sa kanya, " bakit ang kamag-anak mo na si Cesar tapos ng computer course walang trabaho". " Wala kasing tumatanggap sa kanya", iyon ang sagot niya. " Di ba in-demand ang kurso niya", tanong ko pa sa kanya. " Oo nga kaso wala talagang backer kaya di tinatanggap", iyon ang sagot niya sabay na nagpaalam sa akin.

Sa pag-alis niya nasabi ko talaga bakit iyon na lang palagi ang sinasagot kapag walang trabaho ang isang tapos sa kolehiyo. Hindi makapagtrabaho dahil walang backer.Ngayong nasa kolehiyo na ako. Iba naman ulit ang naging tanong ko sa aking sarili. Kung makagraduate na ako matupad kaya ang pangarap ko noong kinukuha ko palang ang kurso? Sabi naman ng kaklase ko. Para daw makapagtrabaho tayo dapat magtake ng board exam at makapasa. Sabi ko naman sa kanya. " Di ba? pang nauna sa atin sa pag-aral na si Marlin pasado ng board exam pero wala pa ring trabaho". "Sa kurso natin pare ang dapat mayroon ka talagang backer para madaling makapagtrabaho pag nakapasa na ng board exam". " Inuuna kasi ng mga nagtratrabaho na sa opisina na makapasok ang kanilang kamag-anak, pinsan, kaibigan o kaya anak na makapagtrabaho kaya mahirap kapag walang backer", dugtong pa niya sabay na alis dahil may pupuntahan pa. Sa pag-alis niya inisip ko talaga ang sinabi niya sa akin.

Bakit? kailangan talaga ng backer para makapasok sa nais na pagtrabahuan kahit na kuwalipekado pa. Wala na bang ibang paraan para matanggap ang isang aplikante na walang backer. Nang sa ganun ay makapagtrabaho.Paano na lang kung ang kasabay mo sa pag-apply sa trabaho ay galing sa de kalidad na paaralan, tapos ay wala ka pang backer. Sigurado na mahirap ka na matanggap. Ano sa palagay niyo?

Buwaya

BUWAYA
Ni: Arvin U. de la Peña

Ang mga buwaya akala ko
ay sa tabing ilog lang
makikita at mapapansin
Hindi na pala ngayon
Iba na pala sila.

Nakapagsusulat na pala sila
at pumapasok na sa opisina
Doon ay may ginagawa
silang tungkulin para mabigyan ng sahod.

Ngunit ang buwaya ay buwaya talaga
Kahit saang angulo tingnan
Makikita talaga ang pagkagahaman
Pero hindi sa pagkain
Kundi sa posisyon sa GOBYERNO

Patawad

PATAWAD
Ni: Arvin U. de la Peña

Patawad kung minsan

naisasama ko kayo

sa aking mga sinusulat

na hindi niyo nalalaman

Nais ko lamang ay

maging bahagi kayo

sa aking tagumpay

Patawad din kung minsan

hindi ko kayo pinapansin

Sa mga araw kasi na iyon

ay may naiisip akong

isulat na isang kuwento.

Pangulo

PANGULO
Ni: Arvin U. de la Peña

Ang pangulo ng isang bansa

dapat ay mayroong karisma

at bumibilib ang mga tao

Sa mga pangyayaring gusot

dapat ay matatag talaga

Katulad ng punong niyebe

Bagyo man ang dumating

di matatangay ng hangin.



Inspirasyon

INSPIRASYON
Ni: Arvin U. de la Peña

Katatapos ko lang mag-graduate sa high-school ng maisipan kong sumulat ng isang kanta. Noong una ay balisa ako kung anong uri ng kanta ang gagawin ko. Ako na tao ay mahilig ako sa mga love songs dahil naiisip ko ang sarap at hirap sa aking buhay pag-ibig. Ang mga kaibigan ko naman ay rock songs ang gusto nila dahil madalas sila sa tambayan sa kanto para maggitara at minsan naman mag-inuman. Kaya nalilito pa talaga ako kung ano ang gagawin ko.

Hanggang sa makapag-desisyon ako na ang gawing kanta ay ang nangyari sa buhay-pag-ibig ko. Iyon ay ang paglayo ng aking mahal sa piling ko sa kabila na lahat ay ibinibigay ko sa kanya. Bukod pa sa mahal na mahal ko siya. Habang sinusulat ko ang kanta minsan ay tumitigil ako sa pagsulat para lumuha. Dahil hindi ko talaga matanggap na lalayuan ako ng pinakamamahal ko na hindi ko mang lang alam ang dahilan. Ang masakit pa sa bawat araw ay hindi ko na siya nasisilayan.Nang matapos ko ng gawin ang kanta ay inawit ko.

Sa pag-awit ko ang nasa isip ko ay isa akong singer. Nasa isip ko rin na papangalanan ko ang babae na nais kong handugan ng awitin para marinig ng mga manonood.Lahat ng mga inisip ko ay hanggang sa isipan lang pala. Hindi pala ako magiging singer at hindi pala ako makakapaghandog ng awitin sa entablado. Bagkus ay ako lang pala ang magmamay-ari ng kanta na aawitin ng singer.Nangyari iyon limang buwan matapos kong magawa ang kanta.

Nasa unang taon na ako noon bilang isang mag-aaral sa kolehiyo. At ang dahilan kung bakit naawit ang likha kong kanta ay dahil sa kaklase kong si Saddy.Katatapos lang ng isang subject sa gabi ng isama ako ni Saddy para pumunta sa inuman na may banda na tumutugtog. Tig-tatlong bote pa lang ng beer ang nauubos namin ng lapitan siya ng kumakanta kanina sa pagdatin namin at kumustahin siya. Magkababata pala sila at si Saddy madalas na pala sa inuman na iyon.

Habang kainom na namin ang singer na pinapatawag lang sa akin ni Saddy ng Yokal ay nagsabi ako na "Yokal may gawa akong kanta at nais ko na awitin mo katulong na iyong banda". Laking tuwa ko ng pumayag siya. Sinabihan pa ako na pumunta lang sa boarding-house nina Saddy pagkabukas.Kinabukasan nga ay pumuna ako sa boarding-house nina Saddy. Ilang minuto lang ay dumating na si Yokal. Doon ay ibinigay ko sa kanya ang kanta at pinarinig ko pa siya kung paano ko awitin.

Ilang oras lang na ginagawan niya ng chords at sarili niyang lyrics ng magsabi siya na ayos na at aawitin niya sa biyernes.Para akong lumilipad sa hangin ng marinig ko ang sinabi niya. Pag-alis niya sinabihan ko na maraming salamat at pakikinggan ko sa biyernesPagsapit ng biyernes ay excited na ako. Lalo na ng sumapit na ang gabi at nasa inuman na kami ni Saddy. Nakakaubos na kami ng tig-apat na bote ng beer ng ang susunod na tutugtog ay ang banda ni Yokal.

Unang awit niya ay hindi pa. Hanggang sa pangalawa. Pangatlong pag-awit na niya ng kantahin ang gawa kong kanta. Sobrang kasiyahan ang nadarama ko habang pinapakinggan ang pagkanta dahil sa wakas naawit na rin ang compose kong awitin na ang naging inspirasyon ko sa paglikha ay dahil linayuan ako ng aking mahal.Mas lalo akong naging masaya ng inaawit na niya ang nasa chorus;" Hirap at ginhawa kailan pa man Sa isipan ay di nagbabago Laging ikaw ang lamanSayang nga lamangIkaw ay lumayo At di ko na nakita pa "Nasabi ko tuloy sa aking sarili na ito ay umpisa pa lang sa marami ko pang kanta na gagawin.

At sa iba ko pang kanta na gagawin ang magiging inspirasyon ko ang mga babae na crush ko at liligawan.At ang babae na linayuan ako na ang pangalan ay Jeanelyn ay nakapagpasya ako na kakalimutan ko na lang siya. Pero kahit paano ay nagpapasalamat pa rin ako sa kanya dahil kung hindi sa kanya siguro ay hindi ako makakapag-isip na sumulat ng isang kanta.