Friday, October 8, 2010
Salamat Mundo (happy 2nd blog anniversary)
SALAMAT MUNDO
Ni: Arvin U. de la Peña
Salamat sa iyo mundo
Kami ay naririto nabubuhay
Magulo ka man minsan
Patuloy pa rin nakikipagsapalaran.
Hindi kami bumibitiw sa iyo
Hanggat kami ay mayroon pang hininga
Pinipilit namin na mabuhay
Kahit na ba maghirap muna.
Wala kaming reklamo sa iyo
Kahit na ng mamulat ang isipan
Ang buhay sa iyo ay hindi pantay.
May mayaman at mayroong mahirap.
Mundo ko, mundo namin
Ikaw ay aming mahal na mahal
Kalikasan mo ay malaking tulong sa amin
Marami ang nakakaraos sa buhay dahil dun.
Hindi talaga kami magsasawa sa iyo
Patuloy ka naming tatangkilikin
Hindi ka namin kamumuhian
Dahil ang mabuhay sa iyo ay minsan lang.
Note: Sa 1 and 2 na comment ay mabasa po ang 112 bloggers na labis kong pinapasalamatan ngayong taon.
Thursday, September 30, 2010
Blog
"Thank you..is all I can say..as a sign of my appreciation for all of your kindness, sweetness, thoughtfulness, and for being good to me..Hope nothing will change."
BLOG
Ni: Arvin U. de la Peña
Pansamantala muna kitang iiwan
Hindi dahil sa ayoko na
Kundi ang pagtalikod sa iyo
Kaunting kasiyahan sa akin.
Ilang taon din akong nabaliw sa iyo
Minsan nalilipasan pa nga ng gutom
Sadyang sa buhay ng bawat tao
Dumarating ang pagkasawa sa kahit na ano.
Sa iyo ay napakarami kong nabasa
Nakita at ikinamanghang mga larawan
Habang ang mga iba doon
Sa panaginip ko lang magagawa at mararanasan.
Hindi ko man muna makita
Mga nakasama ko sa iyong daigdig
Sila ay mananatili pa rin sa aking alaala
Paminsan-minsan ay iisipin.
Sa huli ang masabi ko ay salamat sa iyo
Sa madalas na naging kapiling ko ikaw
Sa makabuluhan kong paglalakbay sa mundo mo
Palagi akong nakapag-iisip ng isusulat.
Sunday, September 26, 2010
Jueteng Scandal
JUETENG SCANDAL
Ni: Arvin U. de la Peña
Retired Archbishop Oscar Cruz ano ba ang motibo mo para isiwalat ang tungkol sa jueteng. Hindi naman ang mga tumataya na tao humihingi sa iyo ng pera na pangtaya bakit ikaw ang nahihirapan. Sa ginawa mo naging mainit tuloy ang usapin sa jueteng dahilan para mag ingat ang mga tao na ang kabuhayan sa jueteng. Mag ingat na hindi mahuli. Halimbawa na lang matigil ang jueteng. Saan naman maghahanap-buhay ang nabubuhay na sa jueteng kung iyon lang ang paraan para sila ay mabuhay. Isipin mo sana na mga tao rin ang maapektuhan kapag nangyari ang hangad mo na matigil ang jueteng. Pero malabo po sa akin na matigil ang jueteng dahil matagal na iyan. Parang trade mark na ang jueteng sa mga tao na mahilig tumaya.
Retired Archbishop Oscar Cruz matanong po kita. Saan po ba napupunta ang mga nagiging donasyon sa simbahan. Ang mga pera na nakukuha sa mga thanks giving mass o kung ano pa. Na sa ngayon kapag ikaw ay nagpa misa sa simbahan halimbawa na lang mag pa thanks giving mass ka ang bayad ay 150 pesos. Malaking pera po talaga ang nakukuha ng isang simbahan lalo na kung matao ang lugar at madami ang sumisimba. Ang pera po ba ay sa pari lang napupunta pagkatapos pagkunan ng para sa pagkain o ano pa na gastusin sa simbahan. Kung bakit ko natanong ay dahil wala po akong alam parte doon sa kung saan napupunta ang pera. Kasi sa halos araw-araw ko na pagbabasa ng diaryo ay palagay ko hindi pa ako nakabasa na mayroon charitable insititution ang simbahang katoliko. Hindi pa ako nakabasa na halimbawa na lang ang isang tao na may malubha na kalagayan ay tinulungan ng simbahang katoliko sa pagpapagamot. Pero may mga tao na po na dahil sa jueteng ay may pinagamot sila. Iyon ay dahil nanalo ng medyo malaking pera dahil sa jueteng. Pero siyempre malapit na kamag-anak lang siguro nila ang pinagamot o kaya kasamahan sa pamilya.
Retired Archbishop Oscar Cruz kung halimbawa matigil na ang jueteng palagay mo ba ay maiibsan ang mga pilipinong nagugutom sa kahirapan? Lahat ng pilipino ay makakakain na ng tatlong beses isang araw at kung ano ang gusto nila ay mabibili nila. Hindi ganun ang mangyayari dahil kapag nawala ang jueteng sa lugar na may nag ooperate ng jueteng ay lalong dadami ang maghihirap. Kung bakit ko ito nasabi ay saan pupunta o kukuha ng mapagkukunan ng pera ang mga tao na nagkakaroon ng pera ng dahil sa jueteng kung dahil sa jueteng lang ang paraan para sila ay kumita. Kung jueteng ang paraan ng ibang mga tao para mabuhay ay dapat hayaan sila. Ang mahalaga ay kumikita sila. Hindi naman sila namemerwisyo ng kapwa tao. Ang isang tao ay tumataya kapag may pera lang naman na pangtaya. Kung walang pera ay hindi naman iyon tataya.
Retired Archbishop Oscar Cruz sa mga lugar po na may jueteng ay tiyak din po na may mga tao na nagbibigay ng donasyon sa simbahan ng pera na galing sa jueteng. Kapag natigil ang jueteng kawawa ang mga maliliit na tao na iyon ang kabuhayan nila. Sa mundo ay kanya-kanya tayo ng buhay. Kanya-kanya rin ng uri ng pamumuhay. Dapat unawain ang uri ng kanilang pagkatao. Ang hirap kasi sa ating mga pilipino mahilig tayong makialam sa buhay ng ibang tao. Tapos kung tayo naman ang pinakikialaman ay magagalit. Hindi na uso sa ngayon ang magpa ka santo o banal ang isang tao na hindi gagawa ng hindi maganda o magsusugal. Kawawa ang isang tao kapag nahuli ng jueteng na walang pang piyansa. Baka siya ay makulong pa at hindi makalaya. Pero kung malaking pagkatao o malaking isda ang mahuli ng dahil sa jueteng ay makakalaya din. Unfair po iyon. Ang dapat ituwid ay dapat maging patas ang hustisya maging mayaman man o mahirap. Kapag mayaman o maimpluwensya ang lumabag sa batas ay minsan naaabsuwelto pa. Hindi nakukulong. Pero kung mahirap lang na tao at walang mga koneksyon ay put in jail agad. Dahil ang jueteng sa akin ay matuwid iyon na pamamaraan ng mga tao para mabuhay na doon sila sa jueteng umaasa. Dapat unawain sila.
Retired Archbishop Oscar Cruz ang jueteng po ay naging malaking parte na sa buhay ng mga tao na naninirahan sa lugar na may jueteng. Masakit po sa kanila iyon na basta na lang mawala. Dahil kahit paano ay nagkakaroon din sila ng pera dahil sa jueteng. Kapag matigil sa kanilang lugar ang jueteng ay baka ang mga tao na nagtratrabaho sa jueteng ay sa droga naman sila tumuon ng pansin. Alin ang mas malala. Ang tao ay tumuon sa droga o sa jueteng para sila ay kumita ng pera.
Retired Archbishop Oscar Cruz kung matigil ang jueteng palagay mo ba ay uunlad na ang bansang Pilipinas? Magkakaroon na ang mga tao ng masaganang pamumuhay dahil wala na ang jueteng na sugal. Aasenso na ang bayan ni Juan dahil wala na ang jueteng. Ipalaganap niyo na lang sana na ang mga tao ay mapalapit lalo sa ating panginoon. Dahil sa ngayon karamihan na mga tao ay parang hindi na malapit ang puso sa ating panginoon. Hindi iyong tungkol sa jueteng ang isiwalat niyo. Pagkat walang saysay rin iyan. Ilang presidente na ang umupo sa malakanyang pero hindi nasugpo ang jueteng. Hanggat ang tao ay mahilig magsugal ay magsusugal talaga.
Retired Archbishop Oscar Cruz kung kayo ay may pinagkakakitaan maging ito man ay legal o illegal tapos mabubulabog ay matutuwa po ba kayo. Siyempre hindi di ba? Mas mabuti pa na ang imungkahi o isiwalat ay maging legal na lang ang jueteng para may income pa ang gobyerno. Kasi wala rin naman pinagkaiba ang jueteng sa ibang sugal na kung tawagin ay game of chance. Ang pagtaya sa lotto ay sugal din naman. Kaso ang lotto ay legal.
Retired Archbishop Oscar Cruz para sa akin kung matitigil ang jueteng ay madaming pamilya ang maaapektuhan. Ewan ko lang kung mas madami pa kaysa sa naapektuhan sa nangyaring Bagyong Ondoy. Kasi ang jueteng laganap sa madaming lugar.
Retired Archbishop Oscar Cruz sa huli ang masabi ko lang ay good luck sa pagsiwalat mo tungkol sa jueteng. Sana hindi ka mabigo sa kagustuhan mo na mangyari ng tungkol sa jueteng. Pero pumasok sana sa isip mo na dahil sa ginawa mo ay may mga tao na nasaktan. At iyon ang mga tao na sa jueteng ang kabuhayan. Hindi ko alam kung makokonsensya ka kapag nalaman mo na ang mga tao na sa jueteng umaasa ng pang araw-araw na pagkain ay wala na silang makain kung mawala na ang jueteng. At siguro ang mga tao na maaapektuhan kung mawawala ang jueteng ay mababawasan na ang pagtitiwala sa mga nasa simbahan. Dahil sa ang tunay na alagad ng diyos ay hindi dapat nananakit ng kapwa.
Tuesday, September 21, 2010
Pagtalikod
PAGTALIKOD
Ni: Arvin U. de la Peña
Matagal bago ko kayo makita uli
Pero hindi kayo mawawala sa isip
Dahil kahit sa di maipaliwanag na dahilan nagkakilala
Naging malaking bahagi rin kayo.
Sa lungkot at saya nagdadamayan tayo
Sa mga salitang binibitawan
Nagbibigay ng inspirasyon at sigla
Maging matatag sa pagharap sa hamon ng buhay.
Kanya-kanya tayo ng ipinapakita
Kung anu-ano ang ibinabahagi
At sa bawat tumitingin sa handog
Kanya-kanya rin ang opinyon.
Sa ginagalawan natin ay batid
Walang nananatili habang buhay
Dahil bago pa man tayo nagsimula
Ang ibang nauna sa atin ay tumigil na.
Madami akong natutunan sa inyo
Siguro ganun din kayo
Alaala man lang ang matira sa atin
Malaking karangalan iyon sa akin.
Thursday, September 16, 2010
Sanggol (by request)
http://www.meetourclan.com/
http://www.mycountryroads.com/
http://chubskulit.bravejournal.com/
http://www.obstaclesandglories.com/
October 8, 2009 1:47 AM
SANGGOL
Ni: Arvin U. de la Peña
Bigyang buhay ang isang sanggol
Huwag itapon sa kung saan
Tumulad sa mga hayop
Inaalagaan ang kanilang mga supling.
Isipin mo kung paano ka rin binuhay
Inalagaan hanggang sa lumaki
Tandaan mo na kung mayroon sarap
May hirap din na nararanasan.
Huwag ka mahiya sa mga sasabihin
Harapin mo mga panunumbat nila
Mauunawaan din nila nangyari sa iyo
Pagdating ng takdang panahon.
Huwag isipin ang sarili mo lang
Pahalagahan mo ang ibang buhay
Lalo kung ito ay anak mo
Sa iyong sinapupunan nagmula.
Lasapin kung paano maging ina
Nag-aaruga ng kanyang anak
Pagkat sa pagtanda ng isang tao
Kung may anak ay siya naman ang aalagaan.
Thursday, September 9, 2010
Andi
ANDI
Ni: Arvin U. de la Peña
Salamat sa makabuluhan mong pagganap
Sa isang karakter na dalawa ang pagkatao
Lumutang lalo ang galing mo sa pag-arte
Isa ka talagang lahi ng artista.
Nagwakas naman ang iyong pinagbibidahan
Bawat gabi ay para ka pa ring bida
Dahil pagkatapos ng gabi ay umaga
Na awit na napapakinggan sa naging palabas mo.
Lalo ka pa mang sumikat
Tangkilikin bawat maging pelikula mo
Hindi sana lumaki ang iyong ulo
Pagkat hudyat iyon para unti-unti kang kamuhian.
Panatilihin mo pagiging simple lamang
Marunong makisalamuha sa mga tagahanga
Dahil ang isang tunay na artista
Nakikipag kapwa kahit walang camera.
Umibig ka man ng isa ring artista
Siguraduhin mo sanang hindi ka paglalaruan lang
Iiwanan pagkatapos makuha ang gusto sa iyo
Dahil kahit paano ako ay masasaktan.
Wednesday, September 1, 2010
Intsik
INTSIK
Ni: Arvin U. de la Peña
Ang droga ang sumisira sa buhay ng tao. Dahil kapag ikaw ay lulong na sa droga ay nawawalan ng direksyon ang iyong buhay. Napakasakit na dito sa ating bansa na Pilipinas ay marami ang adik. Shabu, cocaine, marijuana at kung ano pa na droga. Dahil sa droga maraming pinoy ang nagiging magnanakaw. Maraming pinoy ang gumagawa ng masama matugunan lamang ang kanilang pangangailangan sa droga. Ang iba ay pumapatay pa ng tao dahil lang sa droga. Marami na ring pilipino ang namatay ng dahil lang sa droga.
Kung nanonood kayo lagi ng news sa tv o kaya nagbabasa sa mga diaryo kadalasan kapag may malaking droga ang nareraid o nahuhuli ng mga pulis ang may-ari ng droga ay isang intsik. Hindi lang isa kundi marami pa. Masuwerte kung nakakatakas ang instsik sa pag raid. Dahil sa mga intsik na iyon na nagdadala ng droga sa ating bansa ay maraming pilipino ang nalulong sa droga.
Sa nangyaring hostage kamakailan na may mga intsik na namatay ay nagalit o namuhi ang mga intsik sa mga Pilipino. Ang kapal naman ng mukha na sila ay magalit o kaya mamuhi sa mga Pilipino. Kung bakit sinabi ko na makapal ang mukha ay dahil hindi ba nila naisip na marami ring mga intsik ang nagwasak ng buhay ng mga Pilipino. Iyon ay dahil sa mga droga na dinadala nila rito sa Pilipinas. Ang namatay na intsik sa nangyaring hostage kamakailan ay 8 lang. Pero ilan na ba ang Pilipino na namatay dahil sa mga droga na dala ng mga intsik dito sa Pilipinas. Hindi na po mabibilang. Napakarami nang namatay ng dahil sa mga droga na dala ng mga intsik. Higit sa lahat ay maraming pamilya ang nawasak dahil sa droga nilang dinadala sa dito sa Pilipinas.
Isipin din sana ng mga intsik na dahil sa kanilang lahi ay may mga Pilipino na namamatay. Hindi lang ang sa mga kababayan nila ang kanilang isipin. Dahil unfair talaga iyon para sa side ng mga Pilipino. Kinokonsente ba nila ang kanilang mga kababayan na huwag magdala ng droga sa Pilipinas? Kung ginagawa nga nila iyon ay salamat. Pero bakit hanggang ngayon ay may mga droga pa rin na mula sa kanila.
Ang mga Pilipino ay sadyang matulungin sa kapwa tao. Dahil kahit nga sa droga na masama ang epekto ay nakikipagtulungan pa sa mga intsik. At bahala na kung masira man ang buhay nila. Hindi nila puwedeng sabihin na hindi makikipagtulungan ang mga Pilipino para mabigyang linaw ang imbestigasyon sa nangyaring hostage. Dahil hindi mangyayari iyon.
Maunawaan sana ng mga intsik na ang buhay ng kanilang mga kababayan ay hanggang doon na lang. Hanggang sa araw na lang na iyon. Dahil naniniwala ako na kung oras mo na ay oras mo na talaga. Kung nakatadhana na ikaw ay mamamatay ay mamamatay ka talaga sa araw na iyon. May mga tao nga na nakaupo lang at walang sakit ay bigla na lang mamamatay dahil tinamaan ng ligaw na bala. Kung hindi nahostage ang tourist bus na iyon ay maaari pa rin silang mamatay kasi oras na nila. Puwede na mamatay dahil nabangga o kaya nahulog sa bangin.
Sa huli ang masasabi ko lang ay nangyari na iyon. Hindi maganda ang magsisihan at magturuan kung sino ang dapat na managot. Dahil kahit ano pang gawin ay hindi na maibabalik ang buhay na nawala. Para sa mga intsik ay tanggapin na lang ang nangyari na iyon para sa inyong mga kababayan. Para naman sa mga Pilipino ay maging patas sa paghusga sa isang tao na nagkasala sa batas para walang nagrereklamo.
Friday, August 27, 2010
Desisyon
DESISYON
Ni: Arvin U. de la Peña
Bawat isa sa atin ay may mga desisyon sa buhay. Minsan ang ating desisyon ay pabor sa mga nakakakilala sa atin. Ngunit may mga desisyon din na hindi sang-ayun ang karamihan. Lalo na kung ang desisyon ay nakakasakit ng tao. Napanood ko sa tv at nabasa din sa diaryo ang tungkol sa nangyaring hostage taking na ang nang hostage ay si former Senior Inspector Rolando Mendoza. Para sa akin ay ginawa niya lang ang panghostage dahil hindi niya matanggap na siya ay wala na sa serbisyo. Ang kanyang pinaghirapan mula ng maging pulis ay balewala na lahat dahil siya ay na dismiss na sa pagka pulis. Higit sa lahat ay wala siyang makukuhang mga benipisyo na sa susunod daw na taon ay maari na siyang mag retire.
Sa nabasa ko sa diaryo ang kanyang naging kasalanan kasama ng apat pa yata niyang kasamahan na pulis kung totoo man na ginawa nga talaga nila iyon ay maliit lamang kumpara sa ibang mga tao na malaki ang katayuan sa buhay pero hanggang ngayon ay hindi pa nahahatulan. Taong 2008 yata nangyari ang pag-akusa ng isang lalaki sa kanila na hinihingian daw ng 20,000 pesos at nilagyan pa ang bibig ng sachet ng shabu nina former Senior Inspector Rolando Mendoza. Tapos ayun naging mabilis ang pag-usad ng kaso nila at doon nadesisyunan na sila ay tanggalin sa serbisyo.
Kung si former Senior Inspector Rolando Mendoza ay isang General o kaya isang maimpluwensiyang politiko o kaya isang anak mayaman na marami ang koneksyon na malaki ang katungkulan sa gobyerno at nakagawa ng ganun na bagay ay palagay niyo ba ay madedesisyunan agad.Hindi ba hindi. Sa tingin ko ang batas na pinaglilingkuran niya ay hindi naging pantay sa kanya. May mga malalaking kaso ang nangyari na mas malala pa sa ginawa nila kung ginawa nga nila iyon na ang iba ay umaabot na ng sampung taon o lampas pa pero wala pa ring desisyon. Paano kung ang lalaki na nag akusa sa kanila ay masyadong sinobrahan ang pagsabi laban sa kanila para sila ay matanggal lang. Tandaan niyo na hindi lahat ng testigo ay nagsasabi ng totoo. May mga testigo nga na binabaliktad ang unang sinalaysay pagtagal dahil sa takot na sila ay balikan.
Simple lang naman ang hinihingi niya. Ang maibalik siya sa serbisyo at ng malinis ang kanyang pangalan. Dahil sabi niya hindi niya ginawa ang katulad ng sinabi ng nag akusa sa kanila. Pero hindi siya pinagbigyan. Puwede naman iyon na ibalik siya sa serbisyo at habang siya ay nasa serbisyo ay may kaso siyang nakabinbin. Pero hindi nga iyon ang nangyari dahil nahatulan agad siya at ng mga kasama pa niya sa pagka pulis.
Tawag din ng pagkakataon ang dahilan kung bakit niya nagawang mamaril na lang ng mga hostage. Kasi nakita niya sa tv na ang kapatid niya na isa rin pulis ay dinakip sa pag-aakala na siya ay kasabwat. Kung ikaw ay gagawa ng masama talaga ay makukuha mo bang idamay ang iyong kapatid. Sa obserbasyon ko ay hindi. Kung may ganun man ay bihira lang. Ang iba pa nga ay gumagawa ng hindi maganda para sa kapatid. Case to case basis lang iyon.
Sa mga tao na may galit kay former Senior Inspector Rolando Mendoza dahil sa ginawa niya ay huwag na kayong magalit sa kanya. Dahil hindi niya naman kagustuhan na mangyari iyon. Para sa akin ay mabait siya at mabuting tao. Dahil kung masama talaga siya ay hindi siya magpapakawala ng mga bihag.Ginawa niya ang pang hostage para mabigyan ng linaw ang kaso niya at ng malaman ng nakakaraming tao na sa tingin niya ay hindi siya dapat hinatulan ng ganun.
Sa huli ay masasabi kong si former Senior Inspector Rolando Mendoza na napatay dahil sa pang hostage ay isang bayani. Siya ay bayani para sa mga tao na nagkaroon ng kaso pero sa tingin nila ay hindi naging pantay ang batas sa kanila. Sila ay hinusgahan kaagad.
Ngayon tatanungin niyo ako bakit ko siya tinawag na bayani. Ito ang sagot ko sa inyo, "hindi ba halos lahat na mga bayani na nababasa sa libro ay may mga napatay dahil sa kanila o nadamay na tao bago sila naging bayani." Iyong lang po. Salamat.
Sunday, August 22, 2010
Si Gulay
Kung sumusubaybay kayo lagi sa blog ko siguro nabasa niyo ang sinulat kong tula na ang pamagat ay Kay Patola. Na isang blogger at ang tawag sa kanya minsan sa blog world ay gulay. Katext ko pa siya noon ng sabihin ko sa kanya na may sinusulat akong kuwento at ang pamagat ay Si Gulay. Sinabi ko sa kanya noon na siya ang iniisip ko habang sinusulat ko kasi ang tawag sa kanya sa blog world ay gulay nga. Hindi pa nangyayari ang Bagyong Ondoy noon ng inumpisahan ko itong isulat. Nang mangyari ang bagyong ondoy ay naging katext ko pa si Patola at sinabi niya rin sa akin na nag volunteer siya para tumulong sa mga nasalanta ng bagyo. Tapos ang sinulat kong ito ay itinigil ko pagsulat. Hanggang sa makalimutan ko na. Kasi tinamad na akong magsulat sa papel. Ang mga sinusulat ko na lang ay tula kasi sa cellphone ko lang ginagawa. At nito lang nakaraang araw ay napagpasyahan kong tapusin na ang kuwento na ito.
SI GULAY
Ni: Arvin U. de la Peña
Siya si Gulay. Iyon ang tawag sa kanya. Mula ng siya ay magkaisip. Kahit ang totoo niyang pangalan ay Georgia. Paano?, eh kasi sa likod ng bahay nila ay puro gulay ang tanim. Mga gulay na iyon ang ikinabubuhay nilang mag-ina. Sila lang dalawa dahil pinagbubuntis pa lang siya ay nilayasan na ang kanyang ina ng kanyang ama. Ang kanyang ina na lang ang nagpalaki sa kanya. Kaya nga si Gulay ay gustuhin man na mag-aral ay hindi puwede dahil walang pera ang kanyang ina. Pero kahit ganun ay marunong siyang magbasa at magbilang kasi tinuturuan siya ng kanyang ina.
Bawat umaga ay namimitas sila ng kanyang ina ng mga gulay para maibenta. Iba't ibang gulay ang nakatanim sa likod ng bahay nila. At madalas si Gulay ang nagtitinda. Nagbabahay-bahay si Gulay para ibenta ang kanyang dalang mga gulay. Pinipilit niya talaga na lahat ng gulay na dala ay maibenta. Para may sapat silang pambili ng bigas at ulam.
"Napakabait at napakasipag ni Gulay ano?", Ang sabi ni Aling Ensing kay Aling Petra. " Oo nga ano, sayang talaga at di siya kayang papag-aralin ng kanyang ina." Sana suwertihin din sila pagtagal para naman makaahon sa kahirapan, sambit pa ni Aling Petra.
Pagdating naman sa mga kababata niya si Gulay ay inaapi. Madalas laitin ng kanyang mga kababata lalong-lalo na si Macky at ni Junjun. "Gulay ang payat payat mo, payatot ka", sabi ni Macky. "Palibhasa hindi ka pa siguro nakakakain ng karne, sabi rin ni Junjun. Tapos maghahalakhakan na sila. Madalas gawin ang ganun sa kanya. Kaya minsan lang siya lumabas ng bahay. Madalas ay sa likod lang ng kanilang bahay siya. Kapiling ng kanyang radyo na de baterya at cassette. Wala kasi silang ilaw. Iyon ang madalas niyang gawin. Ang makinig ng mga kanta. Hindi siya masyadong nakikipaglaro sa mga kababata niya kasi pagsasabihan lang siya ng hindi maganda.
Isang gabi ay nag-uusap sila ng kanyang ina. Umuulan iyon at sa bahay nila ay may tumutulo pa na ulan dahil may mga butas na ang bubong ng kanilang bahay. "Inay bakit naging ganito ang buhay natin. Ibang-iba ang katayuan natin sa buhay kaysa sa iba na narito sa ating lugar. Parang tayo ang pinakamahirap. Sagot ng kanyang ina, "Anak iniwan kasi tayo ng iyong ama. Pagkatapos niya akong buntisin ay hindi na nagpakita. Hindi na rin ako pinag-aral ng aking mga magulang mula ng mabuntis ako. Tapos itong lupa at bahay lang na ating tinitirhan ang namana ko sa aking mga magulang na parehong namatay sa isang aksidente noong hindi pa kita pinapanganak. Kung bakit pagtitinda ng gulay ang naging hanap-buhay ko ay dahil ito rin ang hanap-buhay ng mga magulang ko noong buhay pa sila." Ganun ba ina?, natanong ni Gulay sa kanyang ina. Na sinagot naman ng kanyang ina ng " oo anak, sige matulong na tayo."
Kinabukasan habang nagtitinda siya ng gulay ay nakita niya ang nakadikit na amateur singing contest na ang kasali ay dapat 10 years old pababa at dapat sa kanilang lugar lang nakatira. Agad ay sinabi niya sa sarili niya na sasali siya. Inalam niya kung saan dapat magparehistro. Nang maubos na ang mga paninda niyang gulay ay agad umuwi siya sa kanilang bahay. Sinabi niya sa kanyang ina na sasali siiya. Hindi naman tumutol ang kanyang ina sa gusto niya. Agad din ay sinamahan si Gulay ng kanyang ina para magparehistro.
Araw-araw ay nagprapraktis si Gulay sa pag-awit ng kanyang aawitin na kanta. Sa tulong siyempre ng kanyang cassette. Inuulit-ulit niya ang pagpapatugtog at pagsabay sa kanta, Hanggang sa makabisado niya.
Isang araw bago ang patimpalak ay usap-usapan na ang mga kasali at papremyo na makukuha. Tumataginting na 10,000 pesos para sa mananalo pluz scholarship hanggang sa college. Nang malaman nina Macky at Junjun na kasali si Gulay agad ay minaliit nila ang kanyang kakayahan. "Si Gulay kasali,? eh wala naman alam kantahin iyon. Ang naririnig ko lang na kinakanta niya ay "tao po, bibili po ba kayo ng gulay," sabi ni Macky. Sumagot naman si Junjun, "baka ang kanyang kakantahin ay bahay kubo." Tawanan silang dalawa.
Gabi ng patimpalak ay madami ng tao sa paligid ng entablado para sumaksi. Sampu silang lahat na kasali. At si Gulay ang naging panghuli na aawit. Bawat umaawit ay ay pinapalakpakan ng mga tao. Hanggang sa umabot ng pang siyam. Nang tawagin na ang pangalan ni Gulay para umawit ang iba ay namangha. Lalo na iyong hindi alam na kasali siya. Umpisa pa lang ng pag-awit niya ay namamangha na ang mga tao. Bilib na bilib sila sa boses at galing ng pag-awit ni Gulay.
"I believe the children are our future
Teach them well and let them lead the way
Show them all the beauty they possess inside
Give them a sense of pride to make it easier
Let the children's laughter remind us how we used to be
Everybody's searching for a hero
People need someone to look up to
I never found anyone who fulfilled my needs
A lonely place to be
And so I learned to depend on me
I decided long ago, never to walk in anyone's shadows
If I fail, if I succeed at least I live as I believe
No matter what they take from me
They can't take away my dignity
Because the greatest love of all is happening to me
I found the greatest love of all inside of me
The greatest love of all is easy to achieve
Learning to love yourself, it is the greatest love of all
I believe the children are our future
Teach them well and let them lead the way
Show them all the beauty they possess inside
Give them a sense of pride to make it easier
Let the children's laughter remind us how we used to be
I decided long ago, never to walk in anyone's shadows
If I fail, if I succeed at least I live as I believe
No matter what they take from me
They can't take away my dignity
Because the greatest love of all is happening to me
I found the greatest love of all inside of me
The greatest love of all is easy to achieve
Learning to love yourself, it is the greatest love of all
And if by chance that special place
That you've been dreaming of
Leads you to a lonely place
Find your strength in love.
Nang matapos na si Gulay umawit lahat na nanonood ay pumalakpak talaga. Lalo na iyong mga tao na nakakakilala talaga sa kanya. Hindi sila makapaniwala na ang babae na laging nagbebenta ng gulay sa kanila ay mayroon ganung talento sa pag-awit.
Hawak na ng emcee ang papel para basahin kung sino ang mananalo ang mga tao ay hindi mapakali. Nagtatalo ang puso at isipan nila kasi marami rin ang magaling na umawit. Hanggang sa banggitin ng emcee ang pangalan na Georgia Saavedra bilang grand champion sa singing contest. Nang marinig iyon ni Gulay ay hindi niya mapigilan ang mga luha sa kanyang mata pati na rin ang kanyang ina. Napaiyak sila dahil sa tagumpay. Ang mga tao naman na lubos nakakakilala sa kanila ay naantig din ang damdamin sa pagkapanalo ni Gulay. Sina Macky at Junjun naman ay wala lang imik. Kasi ang babae na inaapi-api nila at laging sinasabihan ng hindi maganda ay siya pala ang magwawagi.
Napakinabangan ni Gulay ang napanalunan niya. Nakapag-aral siya hanggang sa makatapos ng kolehiyo. Hanggang sa siya ay makapagtrabaho. At unti-unti ay umangat na ang buhay nila. Hindi na sila naghihirap masyado pagdating sa pera. Pero kahit ganun na ang nangyari sa buhay nila ay patuloy pa rin ang pagtatanim ng mga gulay sa likod ng bahay nila para ibenta.
Sunday, August 15, 2010
Katahimikan (by request)
Muli ay may nagrequest na naman sa akin ng isang tula. At siya pa ang nagbigay ng pamagat. Dahil kaya ko naman ay pinagbigyan ko. Ginawa niya po ang pag request sa post kong Magkaribal (by request) dahil nag comment siya. Narito po ang sinabi niya.
mjomesa said...
pagawa naman ng tula tungkol sa
KATAHIMIKAN
August 8, 2010 6:36 AM
http://mjo-mesa.blogspot.com/"Peace is not something you wish for; It's something you make, something you do, something you are, and something you give away."
KATAHIMIKAN
Ni: Arvin U. de la Peña
Kaguluhan na umiiral ay itigil na
Lasapin na ang kapayapaan
Huwag hayaan na masira pa ng lubusan
Pagkakaibigan at pagkakakilala na nangyari.
Katahimikan na ang pairalin
Ang galit at poot ay isantabi na
Pagmamahal sa isa't isa ang dapat mangibabaw
Iwaksi anumang sigalot na nangyari.
Sa ating ugat ay isang dugo lang
Dugong pilipino ang nananalaytay
Hindi maganda na mag away-away
Pag-ibig sa kapwa ang dapat ng isipin.
Magkaroon na ng takot sa diyos
Ang hiram na buhay ay pahalagahan
Dahil maaari iyon na mawala
Kung katahimikan ay balewalain.
Hindi pa huli ang lahat
Magkapatawaran na sa mga kasalanan
Bigyan na ng tuldok hindi magandang pagkakaunawaan
May maayos na kinabukasan ang naghihintay.
Wednesday, August 11, 2010
Mamamayan
Ni: Arvin U. de la Peña
Sa nangyayaring halalan may ilang lugar
Hindi na importante sa mamamayan
Ang kalidad at dedikasyon ng kandidato
Para sa kanilang bayan.
Ang mahalaga ay mabigyan sila ng pera
At kung sino ang may malaking bigay
Iyon ang kanilang iboboto
Kahit pa hindi talaga karapat-dapat.
Wala silang pakialam anumang uri ng pagkatao
Ang isang tao na kandidato
Kahit pa nakakasuka ang imahe
Iboboto pa rin dahil sa pera.
Silang mamamayan ay walang pagsisisi
Kung hindi man maging maganda
Ang panunungkulan ng kanilang ibinoto
Dahil sila ay bayad naman.
At kung tawagin naman sila
Mga kalapit na lugar
Mamamayan na mga mukhang pera
Dahil ang boto ipinagpapalit sa pera.
Saturday, August 7, 2010
Magkaribal (by request)
Bambie dear ★ said...
Musta na Kuya Arvin? DI ko pa napapanood ang Noah pero im sure maganda yan.. MInsan gawa ka naman ng tula ng Magkaribal hehe.. happy weekend
July 30, 2010 10:45 PM
MAGKARIBAL
Ni: Arvin U. de la Peña
Ang kagustuhan mo ay pangarap ko rin
Hangad mo man iyon na makamit
Mas lalong nais kong maranasan
Gagawin talaga natin isa lang maging pinakasikat.
Ambisyon mo ay minimithi ko din
Sadyang hindi tayo magkakasundo
Sa industriya na ating ginagalawan
Mag-uungusan talaga tayo kung sino ang mauna.
Maaaring may masaktan sa atin
May umiyak at may lumuha
Pero batid nating dalawa
Mayroon mangyayari na ganun.
Palakpak sa iyo ay kaiinggitan ko
Ganun ka din kung ako ay palakpakan
Dahil tayo ay magkaribal
Sa popularidad na dapat sa isa lang.
Sa mata ng maraming tao
Kapwa tayo hinahangaan
Ngunit hindi tayo kuntento
Pagkat may karibal sa kasikatan.
Monday, August 2, 2010
Landas
LANDAS
Ni: Arvin U. de la Peña
Matuwid na landas ang aking tatahakin
Dahil sa simula pa man iyon na ang aking hangad
Walang maganda na kahahantungan
Kung sa baluktot na landas ako dumaan.
Kahit mahirap tahakin ang daan na matuwid
Pagkat marami ang hadlang
Pipilitin ko pa rin na makatawid
Alang-alang sa sambayanang pilipino.
Sa tulong ng aking mga kasama
Umaasa ako na mapagtatagumpayan ko iyon
Hindi ko bibiguin ang milyong pinoy
Na nagtitiwala sa aking kakayahan.
Samahan niyo sana ako
Huwag kayong lumihis sa likod ko
Para ang ating bansa ay umunlad
Lugmok na ngayon sa kahirapan.
Magkaisa na tayong lahat
Huwag ng pairalin pansariling interes
Gawin ang mithiing ikabubuti ng lahat
Lakad tayo patungo sa magandang pagbabago.
Thursday, July 29, 2010
Noah
"Katulad ng sinulat kong May Bukas Pa, Santino, Kung Tayo'y Magkakalayo, at Agua Bendita na mula sa palabas sa abs-cbn ay ito naman uli ang ipapabasa ko sa inyo. Ang latest ngayon na napapanood pagkatapos ng TV Patrol. Ito ay ang teleserye na ang pamagat ay Noah.
NOAH
Ni: Arvin U. de la Peña
Hahanapin ko ikaw dahil anak kita
Kahit saan pa na gubat
Walang makakahadlang sa akin
Dahil ikaw ang bubuo ng aking pamilya.
Mababangis na hayop di ako matatakot
Kahit pa maging mga rebelde
Buo ang aking loob
Para sa isang katulad mo.
Wala ng makapipigil sa hangarin ko
Handa na ako anuman mangyari
Kahit pa ikapanganib ng buhay ko
Ang mahalaga sa akin ay mahanap ka.
Patawarin mo sana ako
Kung nalayo ka man sa amin
Hindi ko kagustuhan ang nangyari
Dahil sino ba naman ako para ka itakwil.
Noah, mahanap ko sana ikaw
Para bumalik ang iyong ina sa akin
Na ako ay kanyang iniwan
Sa pag-aakala na wala na akong pag-asa.
Sunday, July 25, 2010
Munting Tahanan
MUNTING TAHANAN
Ni: Arvin U. de la Peña
May araw na iiwanan ka na namin
Saksi ka sa aming paglaki
Ramdam mo ang mga iyak namin noon
Nang kami ay sanggol at musmos pa.
Hindi naman kami tumira sa iyo
Madalas ka pa rin namin maaalala
Lalo na kung kami ay makakakita
Nang isang tirahan ng tao.
Ganyan ka man lang
Masakit sa amin ang di na tumira sa iyo
Dahil kahit munting tahanan ka lang
Diyan kami namulat sa iyo.
Maraming bagyo kang kinaharap
Sa mga bagyo na iyon
Naging matatag ka talaga
Hindi mo hinayaan na mawasak ka.
Munting tahanan na nabuo aming munting pangarap
Salamat sa mga masayang alaala sa iyo
Nabubukod tangi ka na bahay
Kahit kailan hindi ka namin makakalimutan.
Saturday, July 24, 2010
Tuwa
TUWA
Ni: Arvin U. de la Peña
Matutuwa ako kung hindi na kita makita pa
Isang tao na mayabang talaga
Kung makapagsalita akala kung sino
Parang hawak ang daigdig.
Sumisigaw kahit walang dapat ipagsigawan
Kumakanta kahit wala sa tono
Hindi pa maganda ang boses
Magpapansin talaga ang hilig.
Kapag binabatikos naman sa pinaggagawa
Lakas-loob pang pinagtatanggol ang sarili
Hindi maamin na mali talaga
Tingin sa sarili ay tama lagi.
Kapag may pera naman pinapakita pa
Sa mga nakakasalamuhang tao
Gayong ang pera na nasa kamay
Hindi pinagpawisan na makamit.
Kung may matutuwa man na makita ka pa
Iyong ay mga taong iniidolo ka
Sa mga gawa at kilos mo
Ngunit parang tuta kung sila ay ituring mo.
Monday, July 19, 2010
Dapat
DAPAT
Ni: Arvin U. de la Peña
Dapat ka na talagang palitan
Dahil ikaw ay hindi mabuti
Hindi bagay sa iyo
Ang tawagin na isang pinuno.
Ang mga galamay mo
Gumagaya sa isang katulad mo
Marami rin silang anomalyang kinasangkutan
Halos kasing-dami ng sa iyo.
Kinapalan nila ang kanilang mukha
Dahil ikaw na kanilang pinuno
Napakakapal rin ng mukha
Kaya nararapat lang na gayahin ka nila.
Kung hindi ka na maging pinuno
Marami ang matutuwa na tao
Sapagkat ang tulad mo
Mawalan na ng kapangyarihan.
Magbubunyi ang lahat na iyong nasasakupan
Halos lahat ay matutuwa talaga
Dahil pati mga alagad ng diyos
Nadadamay sa iyong kawalanghiyaan.
Wednesday, July 14, 2010
Nais
NAIS
Ni: Arvin U. de la Peña
Nais ko pa ring pasalamatan ka
Sa mga sandali na narito ka sa akin
Dahil doon walang humpay ang kaligayahan ko
Ikaw na minamahal ko.
Wala ka naman ngayon sa akin
Wala naman ang iyong pag-ibig
Para ka pa rin kapiling ko
Dahil ang tulad mo di ko makalimutan.
Kung kaya lang ibalik ang nakaraan
Itutuwid ko aking mga pagkakamali
Gagawin ko ang lahat
Para hindi ka masaktan.
Hindi pala kita dapat binigyan ng hinanakit
Ang tulad mo pala dapat inaaruga talaga
Sadyang nasa huli ang pagsisisi
Para sa isang katulad ko.
Nagkamali man ako sa iyo
Umaasa ako sa iyong pagpapatawad
Patuloy pa rin na mananalangin
Saan ka man mapunta ay maging masaya.
Saturday, July 10, 2010
Protesta
PROTESTA
Ni: Arvin U. de la Peña
Huwag ka ng magprotesta
Sa naging resulta ng iyong pagtakbo
Tanggapin mo na lang
Hindi ka ibinoto masyado ng mga botante.
Kagaya ng sugal na naglipana sa lipunan
Sa halalan ay ganun din
May panalo at talo
Iyon ang dapat mong tandaan.
Lumalabas tuloy na sakim ka
Ikaw ay sakim sa kapangyarihan
Nagsilbi ka naman dati sa bayan
Ano pa ba ang gusto mo.
Mayaman ka naman na tao
Kahit sa iyong kamatayan
Hindi mauubos ang pera mo
Kung mamumuhay ka lang ng normal.
Iurong mo na ang iyong protesta
Napagtatawanan ka lang tuloy
Baka iyon ay maging panis lang
Katulad ng ibang ibinebenta sa palengke.
Monday, July 5, 2010
Sex Video Scandal
SEX VIDEO SCANDAL
Ni: Arvin U. de la Peña
Minahal ka niya ng labis
Kahit alam niyang may minamahal ka
Kahit alam niya marami ka ng naging babae
Nagtiwala siya ng tunay sa iyo.
Binigay niya pagkababae sa iyo
Nakikipagtalik kapag gusto mo
Hindi ka niya binibigo
Kapag gusto mong makaraos.
Kahit anong istilo ng pagtatalik
Ang nais mo ay kinakaya niya
Dahil sobra ka niyang mahal
Higit sa lahat nasisiyahan din siya.
Kaysakit nga lamang pinaglalaruan mo lang pala siya
Kinukunan mo ang pagtatalik niyo
Na lingid sa kanyang kaalaman
Naging walang hiya ka sa kanya.
Paano na ngayon iyan sirang-sira na siya
Napakarami ng tao nakakita pagniniig niyo
Winasak mo ang pagkatao niya
Kung may konsensya ka dapat hindi ka na nagpapakita pa.
Friday, July 2, 2010
Tula Para Sa Bata (by request)
TULA PARA SA BATA
Ni: Arvin U. de la Peña
Sa iyong paglaki huwag mong biguin mga magulang
Sundin mo anuman ang nais nila
Pagkat lahat na mga paalala sa iyo
Para iyon sa kabutihan mo.
Huwag kang maging suwail
Maging mabuti ka sa kanila
Pagkat paglipas ng mga panahon
Mauunawaan mong tama pala sila.
Maging masunurin ka na isang anak
Dahil iyon ang maganda
Alalahanin mong habang nasa sinapupunan ka
Sobrang pag-iingat para ikaw ay maipanganak.
Magkaroon man sila ng kaunting pagkukulang
Intindihin mo na lang sila
Huwag kang magtampo sa kanila
Ang mahalaga ay ginagabayan ka nila.
Dumating man ang panahon
Sila naman ang kailangan alagaan
Pagsilbihan mo sila ng tunay
Kagaya ng ginawa nilang pagpapalaki sa iyo.
Tuesday, June 29, 2010
Pag-alis
"Sometimes you have to let go to see if there was anything worth holding on to"
PAG-ALIS
Ni: Arvin U. de la Peña
Sa aking pag-alis dala-dala ko ang alaala niyo
Kayo na aking mga naging kaibigan
Kahit pa saan man ako mapunta
Dahil kayo ay nagbigay din ng saya sa akin.
Mga magagandang nangyari na kayo ay kasama ko
Magbibigay lalo iyon ng inspirasyon sa akin
Na kahit hindi ko na kayo makita pa
Nasa puso ko pa rin kayo.
Hinihiling ko lamang sa inyo
Sa kasiyahan niyo kahit sandali isipin ako
Pagkat malungkot man ako o masaya
Hindi ko kayo makakalimutan.
Kahit pa maging sa kamatayan ko
Habang lalagutan na ng hininga
Iisipin ko muna kayo
Kasabay pagpikit ng aking mata.
Sa inyo maraming salamat talaga
Naging bahagi kayo ng makulay kong buhay
Alaala man lang ang matira sa pag-alis ko
Malaking tulong pa rin iyon sa akin.
Tuesday, June 22, 2010
Chocolate
CHOCOLATE
Ni: Arvin U. de la Peña
Sa iyo ay maraming nanggigigil
Kahit pa ang kapalit maghirap muna
Matikman ka lamang masaya na
Balewala na ang pawis na naranasan.
Ang nagnanais sa iyo ay pumapayag
Kahit ano pa ang iutos basta kaya
Sadyang malakas ang karisma mo
Malaki o maliit ka man.
Halos ang kulay mo ay iisa lang
Ngunit ang sarap mo iba-iba
Nakakabaliw ang iyong lasa
Lalo na sa mga kabataan.
Ang hindi lang maganda sa iyo
Ang nagmay-ari sa iyo para ka ibigay
Paglipas ng panahon nanunumbat
Sinusumbatan minsan mga taong kumain sa iyo.
Ipinapaalala mga pagbibigay sa iyo
Kulang na lang ay murahin
Na kung hindi dahil sa kanila
Hindi makakatikim ng iba't ibang tulad mo.
Thursday, June 17, 2010
Paniki
PANIKI
Ni: Arvin U. de la Peña
Sa paglubog ng araw
Magsisilabasan na kayo
Sa mga bahay na inyong pinagkukublihan
Para namnamin ang tamis ng pag gabi.
Napakarami niyo sa itaas
Hindi mabibilang ng sinuman
Iba't ibang direksyon ang patutunguhan
Para maghanap ng makakain.
At kung kayo ay mga busog na
Nasa inyong tinutulugan na kayo
Bago pa man mag umaga
Bago pa sumikat ang haring araw.
Mga paniki sa gabi nabubuhay
Sa araw ay nagkukubli
Ganyan man ang uri niyo
Hindi kayo dapat na katakutan.
Nararapat pa rin kayo na ituring
Katulad ng iba't ibang ibong lumilipad
Kahit ang anyo niyo
Parang sa kampon ng kadiliman.
Tuesday, June 15, 2010
Ewan Ko Ba
Alakim magic
Jovith Baldivino
Friday, June 11, 2010
Notebook
NOTEBOOK
Ni: Arvin U. de la Peña
Habang ang tao ay nag-aaral
Ikaw ang sinusulatan ng dapat matutunan
Sa mga itinuturo sa paaralan
Nang guro para sa isang subject.
Napakahalaga mo kahit ganyan ka lang
Dahil lagi kang bahagi
Sa bawat araw na may klase
Pagkat ang tulad mo laging dala-dala.
At kung minsan na umuulan
Sa kung papasok at lalabas ng paaralan
Ginagawa kang panangga sa ulan
Para hindi mabasa ang ulo.
Kapag mainit naman ang panahon
Ginagawa ka ring pamaypay
Para hindi na pagpawisan
Ang nais na magkaroon ng kaalaman.
Notebook binabasa ng mga mag-aaral
Iba't ibang larawan ang makikita
Manipis o makapal ka man
Bahagi ka lagi sa buhay estudyante.
Saturday, June 5, 2010
Bagong Kasal
BAGONG KASAL
Ni: Arvin U. de la Peña
Nagkakilala, nagligawan, nagmahalan, nagpakasal
Hangad ko ang tagumpay
Ang pagsasama ay hindi mawasak
Yumabong nabuong pag-iisang dibdib.
Magkakapamilya at magkakaroon ng mga anak
Sa mga kakaharaping problema
Huwag panghinaan ng loob
Upang laging matibay ang samahan.
Isipin lagi ang kapakanan
Nang pinagsama na buhay
Alalahanin na marami ang umaasa
Maging matagumpay ang bagong kasal.
Bilang parte ng komunidad
Maging mabuti kayong ehemplo
Iwasan niyo ang makapag iskandalo
Hindi iyon maganda sa pandinig.
Maghanda lagi para sa kinabukasan
Huwag na maging maluho
Iba pa rin ang sa oras ng kagipitan
May nadudukot dahil nag-ipon.
Tuesday, June 1, 2010
Hangad Na Pagbabago
HANGAD NA PAGBABAGO
Ni: Arvin U. de la Peña
Malayo pa ang halalan nagkaroon na ng hangarin na pagbabago. At halos lahat ng mga tao dito sa ating bansa na nais ng pagbabago ay karamihan mga botante. Kung bakit nais na magkaroon ng pagbabago ay dahil sa mga politiko. Dahil ang mga politiko na iyon ang dahilan kung bakit sila ay naghihirap. O kung bakit hindi umuunlad ang bansa o kaya lugar na nasasakupan ng politiko. Dahil may mga pagkakataon na binubulsa lang kung anuman ang perang nakalaan para sana sa proyekto sa kanilang lugar. Nais talaga ng pagbabago dahil sa mga corrupt na politiko.
Nakakalungkot isipin ng magkaroon ng resulta sa halalan ay napakarami pa ring mga na politiko na datihan ang nagwagi. Kung bakit naghangad ng pagbabago ay dahil sa mga iyon na politiko. Pero sila pa ring iba na datihan ang nanalo. Sila pa rin ang ibinoto. Paano na ang hangad na pagbabago kung sila pa rin ang mauupo sa puwesto.
Bawat halalan ay may mga kandidato na baguhan lang sa politika sa bawat lugar. Karamihan doon o kaya halos lahat na unang sabak sa politika para sa puwesto na nais ay gusto na maglingkod ng tapat. Pero hindi natin sila binigyan ng pagkakataon. Hindi tayo nagkaroon ng tiwala sa kanila. Mas ibinoto pa rin natin ang mga politiko na datihan. Kahit alam natin na hindi maganda ang kanilang pagseserbisyo. Dahil kung maganda nag pagserbisyo nila ay hindi na tayo maghahangad ng pagbabago malayo pa man ang halalan.
Masakit man isipin pero ang totoo ay tayong mga botante ay minsan BOBO para sa ating mga sarili. Mga bobo tayo minsan lalo na pagdating sa usaping politika. Alam na natin na hindi siya mabuti na politiko pero siya pa rin ang ating ibinoboto. Sabihin na natin na namigay ng pera. Ngunit sapat ba iyon para ipagpalit mo ang pagbabago na hangad halos ng mga tao para sa pera na galing sa pangungurakot.
Sapat ba para ipagpalit mo ang pera na bigay ng kandidato para sa loob ng tatlong taon na pag-upo sa puwesto. Kung nagkaroon ka ng pera sa halalan para iboto pa rin ang datihan ng politiko ng P1,000. Ang P1,000 na iyon sa loob ng tatlong taon ay mayroon ka lang P1.095 bawat araw. Masisikmura mo ba iyon na sa loob ng tatlong taon na panunungkulan ng politiko dahil sa kanya naghangad ka ng pagbabago ay nagkakahalaga ka lang ng P1.095 bawat araw. (365 days x 3 years ay 1,095 days. 1,095 days divided by P1,000 is P1.095)
Kung masisikmura mo iyon na ganun lang ang halaga mo para sa pagserbisyo ng isang politiko ay ibig lang sabihin na mukha kang pera na botante. Ang hangad mo ay pera hindi pagbabago. Paano pa kaya kung hindi umabot ng P1,000 ang pera mong natanggap sa halalan. Magkano lang ang halaga mo bawat araw. Hindi ba kaunti lang. Ang halaga na iyon na hindi nga umaabot ng dalawang piso ay puwede mo iyon makita bawat araw.
Sa susunod na halalan huwag na sanang maghangad ng pagbabago. Kasi nakakahiya lang lalo na at nababalita pa sa mga TV. Dahil wala rin namang nangyayari. Sapagkat ang tunay na pagbabago ay hindi dapat mag-umpisa sa pangkalahatan. Kundi sa pansarili.
Sunday, May 30, 2010
Maskara
MASKARA
Ni: Arvin U. de la Peña
Ang iyong paglantad sa publiko
Upang isiwalat na may dayaan sa nangyaring halalan
Hindi kabayanihan para sa iyo
Kundi iyon ay katatawanan.
Bakit kailangan kang magmaskara
Gayong mayroon ka naman mukha
Kung totoo ang sinasabi mo
Dapat ikaw mismo ay magpapakatotoo rin.
Walang duda na nanggugulo ka lang
Sa naging resulta ng botohan
Dahil kung hindi ganun ang pakay mo
Tatahimik ka na lang.
Huwag ka ng gumanun
Uusigin ka ng iyong konsensya
Alalahanin mong marami ang naaapektuhan
Sa pagsasalaysay mong nakatago ang pagkatao.
Tandaan mo na ang tunay na bayani
Hindi takot malaman ng mga tao
Dahil ang hangad nila sa kapwa
Sila ay pamarisan sa kabayanihang nagawa.
Love the last line! ang bait mo namang makata! Next time ako naman gawan mo ng tula hehehe..