"For better, for worse, for richer, for poorer; in sickness and in health; to love and to cherish, till death do us part."
BAGONG KASAL
Ni: Arvin U. de la Peña
Nagkakilala, nagligawan, nagmahalan, nagpakasal
Hangad ko ang tagumpay
Ang pagsasama ay hindi mawasak
Yumabong nabuong pag-iisang dibdib.
Magkakapamilya at magkakaroon ng mga anak
Sa mga kakaharaping problema
Huwag panghinaan ng loob
Upang laging matibay ang samahan.
Isipin lagi ang kapakanan
Nang pinagsama na buhay
Alalahanin na marami ang umaasa
Maging matagumpay ang bagong kasal.
Bilang parte ng komunidad
Maging mabuti kayong ehemplo
Iwasan niyo ang makapag iskandalo
Hindi iyon maganda sa pandinig.
Maghanda lagi para sa kinabukasan
Huwag na maging maluho
Iba pa rin ang sa oras ng kagipitan
May nadudukot dahil nag-ipon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
55 comments:
kya maas maiging kilalanin ang kapares bago mgpatali sa isa't isa...
Minsan dapat matuto ang sinuman na kilalanin ang kabuuan ng kabiyak bago maganap ang isang seremonyas na walang makakapaghiwalay sa kanila. ^^
ang pinakamasakit na mararanasan ng bawat mag-asawa ay ang pangangaliwa ng bawat isa. Ito ang malimit na dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa. Tsaka okay rin iyong bukod sa mag-asawa kayo magkaibigan din turingan niyo. No lies! because a marriage that build in lies will never be a successful one.
Aww... what a lovely poem parekoy. Umm sinong ikakasal? ikaw? XD
To love someone deeply gives you strength. Being loved by someone deeply gives you courage.
Base nanaman. :]
buwan nanaman ng pagpapakasal.
ako kaya, kaylan ikakasal? haha 16 pa lang ako mga 8-10 yrs pa cguro :]
i truly agree with this.. :) buwan na naman ng pagpapakasal! :D
Kahit ganun man katagal ang relasyon nyo pag di ma nakasama sa isang bubong , di pa din makilala ang kapares natin.. I do believe in marriage pero sa panahon ngayon lalo na sa western and european countries wala na yta halaga sa knila ang kasal, in a year or maximum 3 years divorce na.. Sabagay para ano pa magsama kung di naman nagkakaintindihan..
Thanks for dropping by my blog Arvs.. :)
Para kanino kaya itong tula mo? Siguro hindi naman sa iyo ano? O baka sa iyo nga? Anyway, ang payo mong iyan ay kapupulutan nang aral sa mga bagong kasal. Kapag tapos na kasi ang honeymoon ay duon naguumpisa ang tunay buhay magasawa. Malayo ang lalakbayin kaya kailangang magkaagapay nilang tuntunin ang landas tungo sa tunay na kaligayahan. Salamat sa tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
before getting married make sure you are marrying the right person. Nice poem again Arvs. Thanks for sharing
yes i totally agree with JAG, kahit sa pagkakaron ng BF/GF, we need to know each other first at wag maging mapusok at padalos-dalos sa gantong klaseng desisyon...
salamat sa pasyal kaibigan... sa englis .... knwing someone for a quite a time and living with someone for quite a while .. ay dalawang magkaibang bagay .... kaya. kilalanin....
@Jag................tama ka diyan..dahil kapag ikaw ay nagpakasal sa isang tao ay pinakasalan mo na rin ang ugali niya..kilalanin talagang mabuti ang ugali niya bago magpakasal..kasi may mga pagkakataon na kapag kasal na ay lumalabas na ang tunay na ugali ng isang tao..dahil doon ang kabiyak ay nabibigla......dahilan para magkaroon ng pag aaway minsan..
@Sasarai...........katulad ng sinabi ni Jag ay dapat ganun nga talaga..para naman walang sisihan na mangyayari pagtagal dahil alam ng mayroong ugali na ganun..halimbawa na lang kung nalalasing ay mahilig mang away,hehe..
@SAM...............sobrang sakit nga kung nangaliwa ang isa kasi ibig lang sabihin ay parang may kulang sa kabiyak o kaya may hinahanap pa na higit sa binibigay ng kabiyak..napakarami ng ganun ang nangyari.....may mga paghihiwalay talaga na dulot ng isang tao..
@fiel-kun............maraming salamat..sinulat ko lang po ito para sa mga tao na ikakasal..
@Renz.............buwan nga ngayon ng mga ikakasal..basta kapag june ay marami talaga ang mga ikinakasal..pag mag 18 ka na ay puwede ka na pakasal,hehe..
@nice...........thanks rin po sa iyo..kumusta ka naman..siguro ngayong pasukan ay katulad pa rin ng dati ang mga grades mo sa school na pawang matataas..
@charmie.............sa ngayon ay bihira na talaga ang ikinakasal na pangmatagalan talaga......lalo na sa ibang bansa..kapag ikinasal ngayon ay baka sa isang buwan ay divorce agad..parang nagtikiman lang talaga,hehe..mas maganda talaga na ang dalawa ay nagkakaintindihan para walang alitan na mangyayari..
@Mel Avila Alarilla...........wala po akong hinahandugan ng tula na ito..sinulat ko lang po ito......at dahil dito ay angkop ito para sa mga tao na ikakasal..masisiyahan po ako kung ang ikakasal nga ay magkaroon ng aral sa sinulat kong ito..maunawaan niya at maintindihan ng mabuti ang kahalagahan ng isang mag asawa..
@eden................oo nga..para naman walang pagsisisi sa huli..habang hindi pa kasal at magkasintahan pa lang ay alam na ang ugali ng magiging kabiyak..
@Ailee Verzosa.............dapat ganun..kasi ang pagpapakasal ay hindi kanin na kapag nilunok mo ay puwede mong iluwal,hehe..siguraduhin talaga na ang magiging asawa ay nasa kanya na ang katangian na gusto mo sa isang tao..
@Vernz..............walang anuman iyon..salamat din sa pagpunta mo sa blog ko..yes dapat kilalanin talaga dahil hindi biro ang pagpapakasal..
Akala ko ikaw na ikinasal dito sa entry mo. Tagal ko din kasi di na nakakadalaw dito. hehe, left behind na ang drama ko.
Naalala ko lagi yung sinasabe ng lolo ko about pag aasawa. Sabi niya "di ito kaning pag isinubo at napaso ay iluluwa mo". (Hays ang intindi ko dito ngayon, kung ayaw mo mapaso kaning bahaw nalang kainin mo.. hehehe)
Hi Arvs,
Just dropping by to say thank you for the visit. Greatly appreciated.
kinasal ka na? hehe
I pray that God will lead me to the right girl hehe
para kanino to ha? para kanino? sayo? pag kasal na--taking the relationship to the next level na talaga yan. at wala nang atrasan so kahit anung mangyari , better stick it out on each other talaga.
ikakasal ka na brad? hehehe.
napakalalim naman ng tulang ito...parang based-on experience...ehehhee....joke....:)
kami escape nayong ligawan...ala nang ligawan sa amin ni hubby eh....lol!
thanks for sharing this poem Arvin....thumbs up!
@Yen...............hindi po ako ang ikinakasal dito..dahil tapos na akong ikasal,hehe..joke..mabuti nga bahaw na lang kasi hindi pa mapapaso..ang isang mahirap at di maganda sa pag aasawa ay kung hindi inaalam ang tunay na pagkatao ng mapapangasawa..kapag ikasal ka ay dadalo ako ha......imbitahin mo ako at bigyan kita ng pasalubong na maraming binagol,hehe..
@ayu..............lahat tayo ay nangangarap talaga na ikasal at magkaroon ng sariling pamilya..ang masakit lang ay kung may mabubuo na ngang pamilya tapos mag aaway na at dahilan para maghiwalay..pagtagal mauunawaan mo rin ang kahalagahan ng isang relasyon na nangangarap talaga na magkaroon ng mabuting pamiya..
@eden...................walang anuman iyon....maraming salamat din sa pagpunta mo dito sa blog ko..
@Sendo................hindi pa po ako ikinakasal sa simbahan....sana nga makatagpo ka ng isang babae na talagang hanap mo at nasa kanya ang katangian na hinahanap mo..
@pusang kalye...........para po ito sa mga magkasintahan na ikakasal..handog ko ito sa kanila lahat........ang isang relasyon ay matibay talaga at matatag kapag may tiwala sa bawat isa..hindi nagpapadala sa mga sabi sabi ng iba na nakakasira talaga sa isang relasyon..
@goyo.............hindi po..malapit na rin,hehe..ikaw ikinasal ka na rin ba..
@Dhemz................thanks po..ha..ganun ba..hmmmmmmmmmmm.....baka naman nagsimula sa pag chat ang pagliliwagan niyo,hehe..palagay ko ganun..sa internet kayo nagkakilala tapos nagkita..joke lang..
Tama pala... buwan na pala ngayon ng mga ikakasal... tama! importanteng may ipon at di padalos dalos sa pagpapakasal lang... hehehehheheh
Syempre dapat sa hirap at ginhawa ay laging magkasama!
Beautiful poem Arvin!! I got married at the age of 38!! Through all my single years of course malapit na ding magpakasal at iba pa lol!! But I am so thankful that I didn't. You see getting married is not because of just this time but for the next time with your husband. When I was asked somebody to get married to him, I have doubts, my heart is not ready nor I love him that much that I would give my life to him. And I prayed hard to God for enlightenment as in seriously!! Then I listened my heart weight things and the result I turn down the proposal. It takes me 6 years to find my hubby. I look and I seek I pray hahahaha naranasan ko yan. At the end I am happy with my choice and thankful that I've waited.
Sabi nga nang kaibigan kung pari, marriage is a vocation it's a call from God and you are responsible if things won't work out. Marriage is not how grandeur ang kasal mo but kung gaano ka bond kayong dalawa sa isat-isa. Na kung halimbawa isa sa inyo ang mawalan nang isang paa KAYA MO PA BA SIYANG MAHALIN?? That is marriage all about walang iwanan ika nga.
When I got here in MI, my DH Aunt me one thing, she told me "kung nasaan daw ang kabiyak mo andoon ka", walang iwananan. Sabi ko mahirap naman yun pag ang asawa mo ay nagtrabaho sa malayong lugar. And she answered "that is your foundation of LOVE comes in". And she has the right to say it she and My DH Uncle where been married 62 years!!
Marami kang sinabi dito sa tula mo na tumpak talaga! If e-elaborate mataas ang usapan pero yun nga Marriage is vow and a call. Thanks for the space.
Npaka-timely ng postmo. buwan ng pagpapakasal ngayon.
Ayos!
@I am Xprosaic................buwan ngayon ng pagpapakasal.......bakit nga kaya sa june ang marami ang ikinakasal..mahirap nga talaga kung padalos dalos ang pagpapakasal..kasi baka madulas,hehe....dapat din may ipon..mahirap ng mangungutang pa para lang igasto sa pagpapakasal..
@Anney............dapat ganun..kahit ano ang pagbabago na mangyayari sa hinaharap ng kabiyak ay unawain..kasi gaya ng nasabi ko na kapag nagpakasal ka ay parang pinakasalan mo na rin ang ugali at magiging asal ng mapapangasawa mo..
@Anney............dapat ganun..kahit ano ang pagbabago na mangyayari sa hinaharap ng kabiyak ay unawain..kasi gaya ng nasabi ko na kapag nagpakasal ka ay parang pinakasalan mo na rin ang ugali at magiging asal ng mapapangasawa mo..
@Manang Kim............marami pong salamat..salamat rin sa pagbahagi mo sa iyong naging kapalaran ng tungkol sa pag ibig......di nga importante kung bongga ang pagpapakasal..ang mahalaga ang ikakasal ay magsasama talaga sa hirap at ginhawa man..marami ang ikinasal ng bongga tapos pagtagal ay maghihiwalay rin lang..mabuti naman at naging matagumpay ka sa pagpili ng makakasama mo sa buhay..
@Goryo...............oo nga..siguro kung hindi ngayon June baka hindi ko ito naisulat,hehe..
Alam mo Arvs, sa lahat ng nagustuhan kong tula mo, ito ang "PINAKA" sa lahat ng nagustuhan kong mga tula mo.
Ang galing mo talaga. :)
mabuhay ang bagong kasal! bow! hehe
dapat alamin lahat ng ugali ng bawat isa.. Dapat di mag padalos dalos.. mahirap na.. kumusta na parekoy?
Hi Arvin. Naku! naalala ko tuloy noong ako'y ikinasal. June nga pala din yon.huh huhhuh...
@Hi I'm Grace........thank you very much for what you said....nakakataba ng puso ang iyong sinabi.....may mga tula ka pang mababasa sa blog ko sa mga darating pang mga araw..baka ang pagkagusto mo sa sinulat kong ito ay mahigitan,hehe..
@edxaii............mabuhay talaga sa kanila......tuparin sana nila ang naging sumpaan nila na magsasama talaga sa buhay kahit ano pa ang mangyari..
@tim.........dapat talaga..hindi maganda kung pagtagal ay maghihiwalay lang..kawawa ang mga anak nila sakali na maghiwalay man..
@Nanaybelen..........ganun ba..matagal na siguro na nangyari iyon,hehe..
http://i122.photobucket.com/albums/o248/akesha_2006/012.jpg
http://i122.photobucket.com/albums/o248/akesha_2006/029.jpg
http://i122.photobucket.com/albums/o248/akesha_2006/013.jpg
Hi Arvi, ito pala yung mga links ng mga photos....let me know if you don't like them...ehehehe....yan lang kasi naisip ko eh....sensya na po.
@Dhemz.................ok..tingnan ko po tapos ipost ko agad.......marami pong salamat sa pagpayag mo uli..
thanks arvin!....
Post a Comment