Thursday, June 17, 2010

Paniki

"Noon at kasama ng iba pang mga kaibigan ay mahilig kami manirador ng ibon. Tapos minsan kapag malapit na mag gabi ay nasa kalsada kami at tinitirador namin ang mga paniki na nagliliparan sa itaas galing sa kisame ng ibang mga bahay. Mahirap nga lang sila na matamaan. At iyon ang nag inspire sa akin para maisulat ito."

Vampire Bat Pictures, Images and Photos

PANIKI
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa paglubog ng araw
Magsisilabasan na kayo
Sa mga bahay na inyong pinagkukublihan
Para namnamin ang tamis ng pag gabi.

Napakarami niyo sa itaas
Hindi mabibilang ng sinuman
Iba't ibang direksyon ang patutunguhan
Para maghanap ng makakain.

At kung kayo ay mga busog na
Nasa inyong tinutulugan na kayo
Bago pa man mag umaga
Bago pa sumikat ang haring araw.

Mga paniki sa gabi nabubuhay
Sa araw ay nagkukubli
Ganyan man ang uri niyo
Hindi kayo dapat na katakutan.

Nararapat pa rin kayo na ituring
Katulad ng iba't ibang ibong lumilipad
Kahit ang anyo niyo
Parang sa kampon ng kadiliman.

31 comments:

Jesson Balaoing said...

mukhang aswang ung paniki,.. ndi ba nakakatakot...

Nice Salcedo said...

hmm..natatakot ako sa mga paniki na iyan.. :| buti ka pa hindi natatakot! tinitirada lng ninyo! haha.. :D another great post! :)

Yen said...

Meron pa bang makikitang paniki ngayon sa probinsya?. Dito sa manila madaming mga paniki ibat ibang klase ng paniki. hahaha.may classification pa.

Arvin U. de la Peña said...

@Jesson And Rey Ann.............hindi naman po sila nakakatakot..ang matatakot lang nun ay iyong mga bata pa talaga..iyong hindi pa lampas ng limang taon gulang,hehe..pero ang paniki ay kumakagat..

Arvin U. de la Peña said...

@nice...............hanggang ngayon ba ay takot ka pa rin sa paniki kahit malaki ka na..trip lang po ang mga pagtirador namin sa paniki..alam namin na mahirap silang matamaan kasi lumilipad sila..mahirap nga minsan makatama ng ibon na dumadapo lang sa puno..iyon pa kayang gumagalaw talaga,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen..............mayroon pa pong mga paniki sa probinsya..lagi pa rin ako nakakakita kaya nga naisipan ko na magsulat na ang pamagat ay paniki..anong klaseng paniki ang sinasabi mo,hehe..palagay ko iyong mga pokpok o mga babae na nagbibigay ng panandaliang aliw..

desza said...

naalala ko tuloy nung mga bata pa kami, naghuhuli ng paniki ang papa ko at pinupulutan nila! in fairness, masarap sya! hahaha

imelda said...

i eat bats, hehehe in my younger days.our workers in the field would trap them because they were destructing the coconuts. they eat our coconuts, we eat them too. now, id not dare to eat, them lol.

Jag said...

totoo daw b n nkkbulag ang ihi ng paniki?

fiel-kun said...

waah kawawa naman yung mga paniki pag tinitirador nyo >_<

anyways, dito sa amin marami din paniki lalo na sa dapit hapon kasi mapuno dito sa lugar namin... kaya kinaumagahan, may mga kagat ng paniki yung mga bunga ng bayabas at aratilis dito hehe :)

nice poem btw.

D.L. Verzosa said...

Advance Happy Father's to your father and to all the fathers out there... May God give them more blessings in the coming years...

Unknown said...

naku naman, nakakatakot yung graphic na nilagay mo.. hehehehe. momong momo ah.. hehehehehehe

anney said...

Nakakatakot man itsura may mababait din namn na paniki.

eden said...

natatakot ako sa mga paniki, Dami nito sa probinsya namin.Iwan ko ngayon kasi may mga taong nanghuhuli at kinakain nila.
Have a great Sunday!

Arvin U. de la Peña said...

@desza..............ganun ba..masarap nga ang ganun na malalaking paniki..iba iyon sa paniki na maliliit at kadalasan nasa kisame ng bahay natutulog..ang sinasabi mo ay malaki talaga iyon kaysa pangkaraniwan na paniki..mga hinog ng prutas ang kinakain nun..perwisyo sila kapag may mga prutas kang tanim kasi sila ang makakauna pagkain,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@imelda...............kumakain ka pala ng paniki..malalaki iyon na paniki..sa amin ang tawag nun ay KABOG..ang paniki ay KULALAKNIT..pero ang hitsura nila ay magkapareho lang..malalaki nga lang ang kabog at iyon ang binabaril kapag nasa puno na ng kahoy naghahanap ng makakain na prutas..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag..............hindi ko alam..pero iyon daw ang sabi..kaya nga noong mga bata pa ay takot talaga sa paniki kasi baka maihian..tumilapon ang ihi at mapunta sa mata,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun............mahirap po silang matamaan..trip lang naman iyon ng mga kabataan pa..kawawa nga sila pero wala tayong magagawa kasi trip namin na tiradurin sila..wala naman may ari ng paniki,hehe..ganun ba..sila talaga ang nakakauna sa mga hinog ng prutas..lalo na iyong sa mga mangga..

Arvin U. de la Peña said...

@Ailee Verzosa.............happy fathers day po sa iyo..kumusta ka naman..

Arvin U. de la Peña said...

@tim.............nakita ko lang po iyon sa google..nag search ako ng bat, image at iyon nakita ko..at iyon ang naisipan ko na ilagay kasi gumagalaw..

Arvin U. de la Peña said...

@anney............ha..ganun..pagkakaalam ko ay pare pareho lang ang ugali nila..kinakain nila ang mga prutas na hinog na hindi naman sila ang nagtanim,hehe..

Mel Avila Alarilla said...

Ang paniki ay mga nocturnal animals o mga hayop na panggabi kaya sila ay kinatatakutan at pinangingilagan. Pero harmless sila at nakikinabang pa ang tao sa kanilang mga dumi na naiipon sa mga kweba. Ginagawang guano ito o fertilizer na nakakapagpayabong nang pananim. Nakakatulong din sila sa pagpapalaganap nang mga punong prutas dahil sa mga butong nahuhulog sa lupa kapag kumakain sila nang mga prutas. Mabait ang paniki at kaibigan natin sila. Sana ay huwag natin silang sasaktan maski hindi natin sila masyadong nauunawaan. Salamat sa lathalain at tula. Pagplain ka nag Diyos sa tuwina. BTW, Happy Father's Day sa iyong ama.

Sam D. said...

may experience ako na hindi maganda sa paniki kaya mula nun never ko na silang nagustuhan. Kumusta ka na kaibigan namiss kita bihira ka na kasing dumalaw eh. salamat sa pagbati mo ng father's day sa aking kabiyak :) happy father's day rin sa father mo. God bless always

Anonymous said...

nakakatakot sya!

Dhemz said...

ayay! nakakatakot yung paniki....natatakot ako sa mukha nila...lol!

Sam D. said...

ang aking muling pagbisita saiyo kaibigang Arvin sa araw ng Lunes. Mag-iingat ka palagi.

Arvin U. de la Peña said...

@ayu................ganun ba..ewan di ko alam..kung iyon man ang obserbasyon mo ay maraming salamat sa iyo..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla............maraming salamat sa mga sinabi mo..panggabi nga talaga sila..marami nga ang mga puno na mula lang sa pagdumi ng paniki..ano kaya ang proseso para maging fertilizer ang mga dumi nila..ang hirap kaya kumuha ng dumi nila sakali man..tiyak na palilipasin muna ng buwan bago makakuha uli ng dumi para gawing fertilizer ang isang lungga nila kapag kinuhaan na..

Arvin U. de la Peña said...

@g4strainer............sanayan lang po iyan..kung bata talaga at musmos ay tiyak matatakot kasi wala pa silang masyadong alam sa mga ganun..para sa akin ay sa una lang dapat na matakot..kasi first tima na makakita ng ganun at mag akala na mapanganib dahil sa hitsura nila..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz.............hanggang ngayon ba takot ka pa rin sa mga paniki..huwag ka ng matakot kasi mas malaki ka sa paniki at isa pa hindi naman sila mangangagat talaga..hindi sila humahabol ng tao para kagatin..mas matakot ka sa mga ahas,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Sam...............ano kaya ang experience mo na naging dahilan para matakot ka na sa mga paniki..pasensya na kung hindi ko ikaw napupuntahan palagi..babawi na lang ako sa mga susunod na araw..salamat ulit sa muli mong pagpunta sa aking blog..