"Kung malaki ang bahagi ng lapis at ballpen para sa isang estudyante ay di hamak na mas malaki ang bahagi ng notebook, hehe."
NOTEBOOK
Ni: Arvin U. de la Peña
Habang ang tao ay nag-aaral
Ikaw ang sinusulatan ng dapat matutunan
Sa mga itinuturo sa paaralan
Nang guro para sa isang subject.
Napakahalaga mo kahit ganyan ka lang
Dahil lagi kang bahagi
Sa bawat araw na may klase
Pagkat ang tulad mo laging dala-dala.
At kung minsan na umuulan
Sa kung papasok at lalabas ng paaralan
Ginagawa kang panangga sa ulan
Para hindi mabasa ang ulo.
Kapag mainit naman ang panahon
Ginagawa ka ring pamaypay
Para hindi na pagpawisan
Ang nais na magkaroon ng kaalaman.
Notebook binabasa ng mga mag-aaral
Iba't ibang larawan ang makikita
Manipis o makapal ka man
Bahagi ka lagi sa buhay estudyante.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
35 comments:
wow..another great post! napakahalaga tlga ang notebook para sa estudyante! :)
Napakaganda nang larawan ni Akesha dito na anak ni Dhemz. Matalinong bata talaga yang si Akesha, manang mana sa ina, lol. Tama ngang ang notebook ay isang mahalagang bahagi sa pagaaaral nang mga magaaral. Dito nila isinusulat ang mga lecture na isinusulat nang guro sa pisara. Dito rin ginagawa nang estudyante ang kanyang homework. Kung minsan ay isinusulat din nang may crush and kanyang saloobin sa kanyang notebook na hindi niya masabi sabi sa kanyang nililiyag. Ano pa nga ba't ang notebook ay kabahagi na nang isang magaaral sa pagdiskubre niya nang mga kaalaman sa buhay. Salamat sa tula t cute na litrato ni Akesha. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
I wasn't wrong when I see the picture, it's Akesha the unica hija of Dhemz. Ganda nang smile ni Akesha dito, at ang notebook napaka-colorful. Nung high school ako yung notebook ko eh Silver Swan ang cover dark brown walang kakulay kulay di kagaya ngayon ang gaganda. Kaya lang sa loob nang malaki at uncolorful kung notebook nung high school ako is my very pretty penmanship oh diba!! hehehe!
Another nice poem, Arvs. Mahalaga talaga ang notebook. Kahit ngayon may dala dala akong notebook na maliit sa aking shoulder bag. Ang cute ni Akesha at ang ganda ng smile niya.
Have a great weekend.
Haayz... sobrang nakakamiss mag-aral... dati yung likod ng mga notebooks ko puro drawing ang laman haha ^_^
Nice poem btw...
pare anong balita? dami ka pa rin fans ah, lahat na ba nagawan mo na ng tula?hehe
Agree with Mel. Ganda ni akesha, and shes always are. Notebook, nice poem. It's were we store the lessons we learn in that blackboard of our teacher. Napadaan ako sa national last week, saw some composition notebook, nakakatuwang alalahanin ang mga memories sa skul, especially the elementary days, The best sakin yun kasi ntebook is one of your primary tool to learn. :-)
Hello Arvin... taga-Malabon ka ba?
@nice................thanks..mahalaga po talaga dahil diyan tayo nag susulat ng dapat matandaan at pag aralan sa isang subject....at ang paborito kong notebook ay iyong sterling,hehe..medyo mahal nga lang..
@Mel Avila Alarilla..............ang bata na si Akesha ay maganda po talaga..lalo na kung naka smile siya..mana nga siya sa mommy niya na si Dhemz....tama po lahat ang mga sinabi mo..sayang nga lang kapag tapos na ang isang taon sa pag aaral ay ang notebook noong taon na iyon ay binabalewala na..
@Manang_Kim................oo si Akesha po siya..dalawang ulit ko na po siyang naging model dito sa blog ko..ang una ay iyong sinulat ko na Lapis..ganun po ba..ako naman po ang paborito kong notebook ay sterling..pero mayroon din ako notebook na ang mga cover ay mga artista,hehe..
@eden............salamat po..siguro ang notebook mong dala dala na maliit ay doon mo sinusulat ang mga mahahalagang dapat gawin mo sa buhay..o kaya iyong mga dapat bilihin..talagang cute siya at maganda pa kung mag smile..
@fiel-kun.............haha..hindi lang ikaw ang gumagawa ng ganun..kahit ako at ang iba ko pang mga kaklase..ang likod ng notebook ay sinusulatan o pinagdradrawingan talaga..talagang marumi ang likod minsan ng notebook na dulot ng ballpen ng may ari ng notebook..
@Hari ng sablay.............okey lang naman po ako..ako ang dapat makibalita sa iyo..bakit ang tagal mo bago mag post uli......saan ka ba nagpunta..ano ang mga pinagkaabalahan mo..hindi pa po lahat nagagawan ko ng tula..pero marami na rin akong nagawan ng tula..iyong mga nagrerequest..
@Yen.............ganun ba..siguro ang pagpunta mo sa national bookstore ay para bumili ka ng mga novel books,hehe..tama ka diyan..masarap balikan ang mga taon na nag aaral ka..kapag nakakakita ako ng estudyante o kaya napapadaan sa school ay talagang naaalala ko ang mga school days ko..
@J............hindi po ako taga malabon..bakit mo natanong iyan..baka may kamukha lang ako sa malabon,hehe..
ang mga papel din sa notebook ang ginagawang panapon sa kaklaseng hindi nakikinig..wala lang haha ..naisip ko lang na ganun rin siya paminsan minsan haha
si akesha nga pala yan noh ^^
yey... only reminds me of my class tomorrow... phew... pasukan na tomorrow... excited na ako, hmmm, gusto ko ng bagong notebook besides my binder... hehehhe
Tamang-tama pasukan na... kaylangang-kaylangan ng mga estudyante ang nuk-buk... ahihihi
essential things for a student.. wala niyan di tayo matuto mag sulat.. thanks for this poem!
thanks for dropping by mine:) Have a nice day!
kyut nman ng bata :)
korak! at miz ko n ang mga notebuk ko dati n puro artista ang cover! ahahhaha
nakakatuwa mha naman kung isipin... ganda pa ng bata...
ahehe--yung mga university students ganyan ang trip. pag ulan, notebook ang payong. wala kasi usualing dala na ibang bagay kundi isang pirasong notebook lang....all around na yun.
@ayu..............tama ka..dahil kapag mawalan ka ng ballpen o kaya lapis ay puwede ka makabili ng bago..pero kung notebook ang mawala ay mahirapan ka maibalik ang mga naisulat doon..
@Sendo...............hehe..hindi po maiwasan na hindi tayo pumunit ng papel sa notebook..minsan kapag pinunit natin ay binabato talaga natin bilang pagbibiro sa ating kaklase na kabiruan..oo si akesha po siya..
@Ailee Verzosa...........talagang ang mga babae ay mahilig sa magagandang notebook..pansin ko na talaga iyan..hanggang sa matapos ang klase ay maganda pa rin tingnan ang notebook ng babae..hindi katulad ng lalaki na marami ang sulat sa cover at sa likod ng notebook..mag aral ka pong mabuti..
@Goryo................pasukan na nga po..umaasa ako na lahat ng estudyante ay magkaroon talaga ng notebook para sa bawat subject..ang iba kasi ay sa isang notebook ay dalawang subject ang umuukopa,hehe..maganda po kung sa bawat subject ay may notebook..
@charmie............malaking parte nga rin ang notebook kung bakit natuto tayo magsulat..sa notebook natin na sinusulatan ay tinitingnan ng guro kung tama ba ang pagkakasulat..walang anuman iyon..thanks din sa pagbisita sa blog ko..
@kayedee................cute po talaga siya..ganun ba..mahilig ka pala sa mga artista na cover sa notebook..siguro may notebook ka na ang cover ay si angel locsin,hehe..
@tim.............maganda po talaga ang bata na iyan..pag aagawan iyan ng mga kalalakihan paglaki niyan,hehe..pang artista ang beauty niya..
@pusang_kalye...............sa college po lalo na kapag lalaki ay talagang sa isang notebook ay halos lampas ng dalawang subject ang mga naisusulat doon..ibang iba sa high school na sa bawat subject ay may notebook talaga..minsan pa ang notebook ay nilalagay sa bulsa sa likod ng pantalon,hehe..
awwwwwww....kakatuwang tingnan si Akesha...lol! salamat ulit Arvin for featuring Akesha here once again.
nako malaking bahagi talaga ang notebook sa pag-aaral natin mula elementarya hanggang college...kahit ngayon nga gumagamit parin ako ng notebook...ehehehe...listahan ng mga utang...joke!
@Dhemz...............walang anuman..mas nagpapasalamat ako sa iyo kasi pumayag ka,hehe..ang listahan para sa mga pautang ay notebook nga rin..
wow so cute naman ni Akesha... well as usual, napaka gandang tula.. Sana magawan mo ulit ako ng tula hehe, yung kay azumi naman haha (kafal).. Happy father's day sa ama mo.. palagay ko kasi wala ka pa anak =)
Naghahanap ka ba ng isang pautang? O kaya naman ay tumanggi sa iyo ng isang pautang sa pamamagitan ng isang bangko o isang institusyong pinansyal para sa isa o higit pang dahilan? Kayo ay may tamang lugar para sa iyong mga solusyon sa utang dito mismo! John Frank Pautang Investment bigyan out mga pautang sa mga kumpanya at mga indibidwal sa isang mababa at abot-kayang rate ng interes ng 2%. Mangyaring makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng e-mail sa ngayon johnfrankloaninvestment@gmail.com
Post a Comment