Opinyon ko lang po ito. Para sa akin ang dapat na nanalo sa ginanap na Pilipinas Got Talent Grand Finals ay si Alakim. Hindi si Jovith Baldivino na mang-aawit. Pero magaling rin naman si Jovith Baldivino umawit. Dahil para sa akin ay talented talaga si Alakim. Kasi ang ginagawa niya pong pag magic ay mahirap po iyon na magaya. Ang pagkanta ay marami ang may alam. Ang mga inawit ni Jovith Baldivino ay makakaya iyon na awitin ng isang tao lalo na kung may banda siya. Halos bawat kalye ay mayroon marunong kumanta. Hindi nga lang gaano kagaling. Napakarami pong mga aspiring band. Magagaling din kumanta ang mga vocalist. Hindi nga lang sila nabibigyan ng pagkakataon para sumikat at makilala ng nakakarami. Pero hindi sa halos lahat ng kalye ay mayroon marunong mag magic. Sa ginawa niyang pag magic na nagkakaroon ng mga butterfly ay nakakamangha po talaga iyon. Iyong pamaypay naging isang ibon pa at naging dalawa pa ang ibon tapos naging butterfly pa ng ihagis pataas. Nagkaroon po ng maraming butterfly sa stage kapag nag mamagic siya. Ngayon magagawa ba iyan ng isang ordinaryo lang na tao. Higit sa lahat ay iyong ginawa niya na mula sa stage ay nalipat siya doon sa gitna ng mga manonood. Tingnan niyo ang video na makita rin sa youtube. Kayo na lang ang bahalang humusga kung palagay niyo tama ba na ang nanalo ay ang itinanghal talaga. Ang pag mamagic na bihira lang ang nakakaalam o ang pag-awit na marami ang nakakaalam. Alin sa kanila ang talent talaga?
Alakim magic
Jovith Baldivino
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
23 comments:
Nakakabilib nga yung magic ni Alakim kaya lang hindi natin malalaman ang nasa isip nang mga hurado kung bakit hindi siya ang pinili. Hindi ako makapaghusga dahil hindi ko pa rin napakinggan ang performance nang nanalo pero sumasampalataya ako sa pananaw mo na mas dapat nanalo si Alakim. Iniisip ko rin kung paano siya nalipat sa bleacher section nang coliseum mula sa stage. Kung gumamit siya nng trap door ay sobrang haba naman at pataas pa ang underground na dinaanan niya kaya isasaisangtabi natin ang posibilidad na iyon. Ang kanyang ginawa ay katulad nang mga magic ni David Copperfield na nakapagpapawala nang mga bagay at nakakalipat sa ibang lugar. Talagang natuto na si Alakim sa kalipunan nang mga world class magicians kung saan siya ay miyembro na. Umaayon ako sa pananaw mo. Salamat sa artikulo. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
waaaaa....sayang d ko napanood ang grand finals...my gosh.....pero na record ko naman yon...can't wait to see it pag uwi namin....
waaaa...si jovith pala ang nanalo....sana tie nalang sila....hehehhe...thanks for sharing....:)
sensya na at bihira akong nag blog hop...mahina kasi ang connection dito.
@Mel Avila Alarilla..............talagang nakakabilib..ang mga inawit ni jovit baldivino ay marami ang makakagaya nun..lahat ng inawit niya ay makakaya rin na awitin ng isang tao..lalo na kung may banda talaga..pero iyong pag magic niyang ginawa ay hindi iyon makakaya ng basta basta lang..iyon ang tunay na talent..
@Dhemz............panoorin mo sa youtube..lahat ay makita mo doon..at ang narito sa blog ko puwede mo rin iyon na panoorin..ang kay alakim nga lang at ang kay jovith baldivino..kung ako talaga ang tatanungin ay dapat siya ang nanalo..
Well madali lang ung paglipat ni Alakim from stage going sa audience, I saw the trick sa "magic Reveal" sa AXN cguro un!..Wla naman magic tlga, may tricks tlga yan! Somehow its a talent though!...May point ka din marami na din Pinoy na magaling kumanta! pero somehow ang GRand Finals ng PGT showcases talents in different fields in singing, instruments, magic, etc. But I have noticed more on singing eh! But nice post though!
Hello friend, i wish you a beautiful Wednesday :)
judging contests is subjective and we all know that. maybe on that night jovith was perfect for the judges
Pansinin mo, kapag mass media ang involved sa usapan, ang boses/desisyon/hilig/gusto ng hindi hamak na mas nakararami ang pinakikinggan... sa pagkakataong ito, text votes.
Nanalo yaong sinasabi mong singer 'pagkat maraming Pinoy ang adik na adik at manghang-mangha sa mga mang-aawit lalo pa't kaya nitong bumirit (kaya nga maraming Pinoy ang nahuhumaling sa videoke 'di ba?)... hindi maitatanggi ang pagkahumaling ng nakararami sa mga manganganta -- kaya nga kaliwa't kanan ang singing contests at concert tv shows.
Lahat naman siguro ng nagpaka-hirap, deserving manalo... nagkataon lamang na mas pinalad yaong singer 'pagkat mas kinagat siya ng masa at mas kinatigan siya ng kaunting s'werte. Malamang ay para sa kanya talaga ang panalong iyon. Destiny n'ya kumbaga. Hindi na mababago pa ang desiyon.
Lastly, tinanong mo kung "Alin sa kanila ang talent talaga?"
-- 'talent' kapag ipinanganak kang mayroon ka na (gaya ng pagkakaroon ng singing voice), 'skill' naman kapag natutunan base sa pag-aaral/paglilinang (gaya ng pagiging magician). Skill ang mayroon yaong magician at talent naman ang sa batang singer.
maganda ung last na ginawa ni alakim nag teleport sya....
tunay nga na tayo ang bansa na singing ang hilig, kasi kahit saan o anung klasing contest, pag my singing naku nawala ang ibang contestant khit ganu pa mn ito ka galing..
@Jhiegzh.............haha..ilang segundo lang ay nalipat agad doon..saan siya dumaan..sa ilalim..ok..kung may ganun man ay paano mo ipapaliwanag ang mga butterfly..paano mo maipapaliwanag na ang ibon ay naging butterfly ng ihagis..at ang baraha din..at ang iba pa na nagkaroon ng butterfly.....
@mikelle...............thank you..thanks for visiting my site..
@imelda..............siguro nga siya ang nais ng mga judges..pero kung ako ang judge ay si alakim ang bibigyan ko talaga ng malaking puntos..dahil para sa akin ay show ay hindi naman singing contest..
@violetauthoress...........napakarami ngang mga pilipino ang nahihilig talaga sa pagkanta..may punto ang sinasabi mo..opinyon ko lang iyon..kung ang show sa grand finals ay puro mang aawit ang magtatanghal ay agree ako na siya ang manalo..pero hindi eh..ibat iba ang nagperform at kay alakim ako humanga ng todo..pati na rin ang mga ginawa niya hindi pa man nag gragrand final..ganun ba..salamat sa sinabi mo..
@Jesson And Rey Ann.....kahanga hanga ang ginawa niya sa last part..ilang segundo lang ay naroon na agad sa gitna..pati na rin ang pagkakaroon ng mga butterfly ay mahirap talaga iyon magaya..at iyon ang tunay na may talent..
@tim...........naglilipana nga ang mga singing contest sa ating bansa..isang dahilan iyon ay ang mga videoke..marami pa rin ang nangangarap na maging singing sensation,hehe..
@ayu...............wala na nga tayong magagawa kasi siya ang pinili na manalo.....avid fan ka na pala ni jovith baldivino..siguro ay nagtext ka at siya ang ibinoto mo..
tumpak! super sang ayon ako sayo ..dahil kahit super namamangha ako ke jovit eh di ako sang ayon sa pagkapanalo niya wahahaha...pero diba sa botohan naman un nakabase? at saka mula pa ng magsimula ang PGT eh sobrang kachipan lang ang mga naririnig ko sa judges na para bang walang standards..... (nang-aaway) haha..magaling si Ai-ai at si Kris pero hindi as judges. me nakapasok pa sa semi finals na inde dapat makapasok at me mga inde nakapasok sa grand finals na sana eh nakapasok (eg. ang aming PE teacher na si sir saldivar the tenor, nyahahaha)
@Sendo................salamat naman at hindi lang pala ako ang nag iisa na hindi sang ayon sa pagkapanalo niya..magaling nga siya pero mas marami pa ang mas magaling sa kanya na umawit..baka dinaan sa palakasan ang lahat,hehe..
Remember si Charice Pempengco was not also the grand winner nung sumali siya sa contest dyan sa ABC-CBN. Pero where is she now? And because of You tube marami can see what Alakim can offer to people. Baka sooner or later maging international magician na yan specially he is a member of the international magician which kahilira na pala niya si David Copperfield at David Blaine my two favorite magician ever.
Yung act ni Alamin na gumawa nang butterfly is for sure the first. I saw David Copperfield in person last month at napanganga talaga ako sa galing. Just like what I feel for Alakim. At wala si David Copperfield noon hahahahaha. Yung last act niyang umapir siya sa bleacher ginawa din yun ni David Copperfield at sa harap pa namin nabigla talaga kami noon.
For me Alakim is the winner and I wish that Alakim will got to have more shows here abroad. And oh by the way, tama ka Arvin marami ang mangangawit sa atin or kung saan man pero bihira lang ang makagawa nang magaling na performance sa magic. Yung iisipin mo talaga kung paano nila ginawa yun. Until you just say, okey lets just leave it to the magician haha.
Thanks for the space Arvin and happy weekend!
@Manang_Kim...........kasali nga siya sa international magician..sinabi niya iyon ng interbyuhin siya katapos niyang magperform sa PGT..ganun ba na meet mo na ang dalawang magician na iyon..sabi nga niya din ay siya lang ang gumagawa ng butterfly act..wala raw iyon sa abroad..wow..ibig pa lang sabihin ay totoo talaga na bigla ay mawawala ang tao..hindi pa ako nakakakita ng ganun sa personal..pero iyong ginawa ni alakim ay pambihira talaga iyon..ilang segundo lang ay naroon na siya sa gitna ng mga manonood..at higit sa lahat siya po talaga ang para sa akin dapat na manalo..at salamat at agree ka rin sa opinyon ko..
Avrs, di ko ito napanood. Congrats sa winner nalang. And thank you Arvs for posting
thanks sa pag-share mo sa mga videos.. napatambay tuloy ako. Ngayon ko lang kasi napanood, di ko kasi pinapanood ito pero sobrang nakakabilib.. sayang talaga, sana nga nanalo kasi di lang sarili nya ang iniisip, pati mga co-magicians nya.. pero ganun talaga ang contest sa tin, pasikatan yata sa txt at syempre kung sino mas mukhang nakakaawa, yun ang mananalo.. pero infairness, magaling din yung nanalo talaga pero madami na kasi tayo singers =)
Post a Comment