Tuesday, June 1, 2010

Hangad Na Pagbabago

Paunawa: Sinulat ko ito ng walang intensyon na makasakit ng tao na bumuboto na sa halalan. Ngayon kung may masaktan man na botante sa sinulat kong ito ay hindi ko na iyon problema. Problema niya na iyon.

HANGAD NA PAGBABAGO
Ni: Arvin U. de la Peña

Malayo pa ang halalan nagkaroon na ng hangarin na pagbabago. At halos lahat ng mga tao dito sa ating bansa na nais ng pagbabago ay karamihan mga botante. Kung bakit nais na magkaroon ng pagbabago ay dahil sa mga politiko. Dahil ang mga politiko na iyon ang dahilan kung bakit sila ay naghihirap. O kung bakit hindi umuunlad ang bansa o kaya lugar na nasasakupan ng politiko. Dahil may mga pagkakataon na binubulsa lang kung anuman ang perang nakalaan para sana sa proyekto sa kanilang lugar. Nais talaga ng pagbabago dahil sa mga corrupt na politiko.

Nakakalungkot isipin ng magkaroon ng resulta sa halalan ay napakarami pa ring mga na politiko na datihan ang nagwagi. Kung bakit naghangad ng pagbabago ay dahil sa mga iyon na politiko. Pero sila pa ring iba na datihan ang nanalo. Sila pa rin ang ibinoto. Paano na ang hangad na pagbabago kung sila pa rin ang mauupo sa puwesto.

Bawat halalan ay may mga kandidato na baguhan lang sa politika sa bawat lugar. Karamihan doon o kaya halos lahat na unang sabak sa politika para sa puwesto na nais ay gusto na maglingkod ng tapat. Pero hindi natin sila binigyan ng pagkakataon. Hindi tayo nagkaroon ng tiwala sa kanila. Mas ibinoto pa rin natin ang mga politiko na datihan. Kahit alam natin na hindi maganda ang kanilang pagseserbisyo. Dahil kung maganda nag pagserbisyo nila ay hindi na tayo maghahangad ng pagbabago malayo pa man ang halalan.

Masakit man isipin pero ang totoo ay tayong mga botante ay minsan BOBO para sa ating mga sarili. Mga bobo tayo minsan lalo na pagdating sa usaping politika. Alam na natin na hindi siya mabuti na politiko pero siya pa rin ang ating ibinoboto. Sabihin na natin na namigay ng pera. Ngunit sapat ba iyon para ipagpalit mo ang pagbabago na hangad halos ng mga tao para sa pera na galing sa pangungurakot.

Sapat ba para ipagpalit mo ang pera na bigay ng kandidato para sa loob ng tatlong taon na pag-upo sa puwesto. Kung nagkaroon ka ng pera sa halalan para iboto pa rin ang datihan ng politiko ng P1,000. Ang P1,000 na iyon sa loob ng tatlong taon ay mayroon ka lang P1.095 bawat araw. Masisikmura mo ba iyon na sa loob ng tatlong taon na panunungkulan ng politiko dahil sa kanya naghangad ka ng pagbabago ay nagkakahalaga ka lang ng P1.095 bawat araw. (365 days x 3 years ay 1,095 days. 1,095 days divided by P1,000 is P1.095)

Kung masisikmura mo iyon na ganun lang ang halaga mo para sa pagserbisyo ng isang politiko ay ibig lang sabihin na mukha kang pera na botante. Ang hangad mo ay pera hindi pagbabago. Paano pa kaya kung hindi umabot ng P1,000 ang pera mong natanggap sa halalan. Magkano lang ang halaga mo bawat araw. Hindi ba kaunti lang. Ang halaga na iyon na hindi nga umaabot ng dalawang piso ay puwede mo iyon makita bawat araw.

Sa susunod na halalan huwag na sanang maghangad ng pagbabago. Kasi nakakahiya lang lalo na at nababalita pa sa mga TV. Dahil wala rin namang nangyayari. Sapagkat ang tunay na pagbabago ay hindi dapat mag-umpisa sa pangkalahatan. Kundi sa pansarili.

32 comments:

Verna Luga said...

Alam mu kaibigan ... kung sino man ang umembento ng sistemang ito... nakakainis siya .... ginigisa tayo sa sarili nating mantika!

Mel Avila Alarilla said...

Umaayon ako sa sinabi mo na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa ating sarili. Nagbago na kasi ang moralidad nang nakararaming Pinoy dahil siguro sa kahirapan at kawalang pagasa sa buhay. Kumakapit na lang sila sa madaliang pera maski ang kapalit nuon ay kanilang kaluluwa. Makikita na ang karamihan sa mga nanalo ay dahil din sa pera. Ang mga kandidato na nagumpisa nang reporma sa kanilang lugar ay natalo dahil sa galit nang mga nawalan nang pera dahil sa repormang pinatupad nito nuong siya ay nanunungkulan pa. Ang sinasabi ko dito ay si Grace Padaca na natalo sa isang Dy sa Isabela. Maraming nasagasaan si Padaca nuong ipinatigil niya ang illegal logging sa Isabela na pinagkakakitaan nang maraming taga Isabela. Ang importante pa rin sa mga taong ito ay ang kanilang bulsa maski pa nagdudulot nang matinding baha at pinsala ang pagkakalbo nang bundok dahil sa illegal logging. Ipanalangin natin na matupad ang pangako ni Noynoy na lilinisin niya ang burukrasya at ibabalik ang kalinisan at katapatan sa paglilingkod bayan. Baka ito na ang umpisa nang tunay na pagunlad nang ating bansa. Salamat sa makabuluhang lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Kim, USA said...

Korek ka dyan Arvin. Maraming mga taong nag hangad na may pagbabago pero yun nga tumatangap naman nang pera. Gusto kong sabihin sa mga taong ito "AASA KA PA"!!
Ang na-obserba ko sa Pinas ngayon parang may mga pamilya na gustong gumawa nang "political dynasty" at hinde maganda ito. Sa probinsya namin buti nalang natalo ang ama sa governatorial race at ngayon sa mayoral race ang anak ay may kaso against sa opponent. Sana matalo din siya ^_^

Sasarai said...

May tama ka Kuya Arvin. Alam mo, nakakaasar man talaga, kasi nga natatapatan lang pala ang tao ng mga anik-anik... Minsan, naisip ko, bakit pa kailangang bumoto kung ganyan rin lang pala ang lahat. Lahat tayo kailangan ng pagbabago, pero nasan na ba? Sana MAGAWA ni Noynoy yun.,.. sana lang... pag walang nagbago, wala nang pag-asa ang Pilipinas sa pag-ahon. Mas gusto ko pa ng baguhan kaysa sa sanay na. ^^

Arvin U. de la Peña said...

@Jag...............may punto ka..kahit nakaboto pa wala rin siguro tayo mapapala kung magreklamo man..kasi paano na lang kung ang karamihan na ka lugar niyo ay panig sa gustong ireklamo..kaya wala rin saysay,hehe..madalas kasi ang inirereklamo na politiko ay mga datihan na..lalo na kung masyado ng umaabuso sa posisyonddd,hehe..d

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz................haha.......ewan ko kung sino ang tao talaga na nagpasimuno na magkaroon na ng pagbabago..parang pinaglalaruan niya lang tayo......ang tao na iyon ewan ko kung wala siyang ibinoto na datihan..baka nga ang tao na iyon ang ibinoto pa lalo sa matataas na posisyon ay puro mga trapo na..mga traditional politician..ngayong tapos na ang halalan ano kaya ang masasabi ng tao na iyon sa kanyang sarili lalo at napakarami pa ring mga datihan na politiko ang nanalo..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla............maraming salamat sa mga sinabi mo..tama ka ang tao talaga ay madaling masilaw sa pera lalo na kung halalan..tinatanggap nila ang pera at ibinoboto kung sino man ang malaki ang bigay..hindi naman lahat pero marami ang kung sino ang namigay ng malaking halaga ay iyon ang ibinoboto..wala silang pakialam kahit ang background ng iboboto nila ay hindi maganda..mabuti nga ang pagserbisyo ni Grace Padaca..sayang at natalo siya..kung may mangyari mang hindi maganda sa kanilang lugar gaya ng landslide na dulot ng illegal logging ay walang ibang dapat sisihin kundi ang mga tao na hindi bumoto sa kanya..kahit hinayaan nila na ang mauupo sa puwesto ay baka hindi istrikto sa illegal logging..malaki rin kasi ang kita sa pag illegal logging..ano na lang ang ginagawa ng mga NPA doon..kung may mga NPA man dapat tutulan nila na huwag pumutol ng mga kahoy..sana nga magtagumpay si Noynoy sa tunay niyang hangarin para sa ating bansa at sa ating mga pilipino..

Arvin U. de la Peña said...

@Manang_Kim.............salamat po..ang mga tao po kung talagang gusto niya ng pagbabago ay dapat hindi tatanggap ng pera..lalo na kung galing sa isang politiko na corrupt talaga..kasi ang perang bigay ng politiko kapag nanalo talaga ay babawiin niya iyon kapag naupo na sa puwesto..marami pa po dito sa ating bansa ang gumagawa ng political dynasty..sila iyong mga politiko na nalunod na talaga sa posisyon sa gobyerno..nalasing sila sa puwesto at ayaw ng bumaba pa..magpapalipat lipat lang ng tatakbuhan kapag tapos na ang termino..ibig kong sabihin silang pamilya ay iikutin nila ang lahat na posisyon para sa kanilng lugar..

Arvin U. de la Peña said...

@Sasarai............tama ka..kapag namigay ka ng pera sa mga botante lalo na kung malaki ang halaga ang bigay kumpara sa mga kalaban mo ay napakalaki po ng tsansa na manalo ka sa halalan..minsan naiisip ko wala rin saysay ang eleksyon lalo na kung ang mananalo ay iyong mga politiko na kinaaayawan na talaga ng karamihan pero nananalo pa rin..nananalo dahil sa pamimigay ng pera at masyado pang malakas ang impluwensya..

D.L. Verzosa said...

Let's just hope for the BEST! AMEN.

eden said...

I agree with you Arvs, ang pagababgo ay nagsisimula sa ating sarili.

Thanks sa visit at comment. Greatly appreciate it.

fiel-kun said...

Haayz, nakakalungkot man pero totoo lahat ng sinabi mo parekoy. Sa mga baguhang mga kandidato, mahirap talagang ma-gain ang trust ng mga tao kasi nga bago ka eh, hindi pa nila alam ang kapasidad mong maglingkod para sa bayan.

Sa mga corrupt na government officials, isa lang ang masasabi ko - Go to hell! lolzzzz!

_ice_ said...

ako may karapatan akong magreklamo kasi nagbabayad ako ng napakalaking TAX...

pero di na ako umaasang may pagbabago..

SIGH...

salamat nga pala sa pagbisita.. sensya na lagi me busy at di ako nakadalaw sayo..

Patz said...

Tamang tama po ang lahat ng sinabi niyo. Sana sa susunod nating administrasyon, makamit na natin ang pagbabago.

RiA GeSiLvA said...

Let us pray for our country na lang :)
By the way, I'm here to give you The Sweet Award

Happy blogging at salamat sa pagdaan lagi sa blog ko :)

sheri amor said...

padaan :P

Nanaybelen said...

korekk.. walang pagbabago kung hindi rin tayo pumili ng bago

kailan kaya mawala ang kurakot dito sa ating bansa. Parang wala nga akong nakitang sincere na politiko na eh. parang puro pangsarili nalang nila ang inaatupag kung nakaupo na sila. Ipagpray nalang natin siguro si Noynoy para bigyan ni Lord ng wisdom para pamunoan ng maayos ang ating bansa.

Don said...

hahay arvin..tama ka madaming bago pero di naman mabigyan ng pagkakataon dahil walang makinarya sa politika...

Arvin U. de la Peña said...

@ayu...........dapat talaga..bago tayo maghangad ng pagbabago ay unahin muna ang ating sarili..kasi kung hindi natin iyon gagawin ay makakaapekto rin tayo sa iba..

Arvin U. de la Peña said...

@Ailee Verzosa..........sana nga..naniniwala pa rin naman siguro tayong lahat sa mga himala na dulot ng panalangin..ang mga politiko na mga corrupt ay nagsisimba pa rin naman iyon..sana pumasok na sa isip nila na magserbisyo na talaga ng mabuti..huwag iyong masyadong magbulsa ng pera na para sana sa bayan o lugar na nasasakupan niya..

Arvin U. de la Peña said...

@eden...........walang anuman iyon..ganun nga dapat..kasi bawat isa sa atin ay mayroon talaga dapat na baguhin..tingnan muna natin o alamin ano ang dapat baguhin sa ating sarili bago maghangad ng pagbabago para sa lahat..

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun............salamat rin sa iyo..ang isang baguhan mahirap nga para sa kanila ang manalo except lang kung talagang inaayawan na ang politiko na kalaban na kahit pa mamigay ng maraming pera ay hindi pa rin iboboto..pero kung ang umaayaw sa isang politiko ay kaunti lang na porsiyento para sa bilang ng mga botante sa isang lugar ay mahirap pa rin na matalo..kasi ang isang politiko kapag alam niyang tagilid siya sa kandidatura ay mamumudmod talaga ng pera para sa mga botante..at dahil doon malaki pa rin ang pag asa na manalo..kasi binoboto pa rin ng iba..o kaya karamihan na binigyan ng pera ay boboto para sa politiko..

Arvin U. de la Peña said...

@ice............ganun ba..sana ang mga pagrereklamo ay napapakinggan talaga..mahirap kasi kung reklamo lang ng reklamo pero nagbibingibingihan lang ang politiko..okey lang po iyon..nauunawaan ko ikaw..walang anuman iyon..ganun talaga ako kapag nag blog hopping ay marami akong pinupuntahan na mga blog..

Arvin U. de la Peña said...

@Patz...........sana nga..pero parang mahirap na yatang makamit iyon..kung titingnan mo ang sistemang politikal sa ating bansa ay mahirap na iyon na mabago..lalo lang yata na nagiging worst habang tumatagal..marami pa ring mga iskandalo na nangyayari na dulot ng halalan..

Arvin U. de la Peña said...

@RiA GeSiLVa............tama ka..ang diyos na lang siguro ang ating pag asa para mabago talaga kung anuman ang dapat na baguhin dito sa ating bansa..matauhan na sana ang maraming mga politiko o kaya mga tao na malakas talaga ang impluwensya na dapat magkaroon na ng pagkakaisa para sa ating bansa..para naman umunlad..salamat po sa award..salamat sa sweet award mo sa akin..tingnan ko iyan..

Arvin U. de la Peña said...

@sheri amor...........maraming salamat sa iyong pagdaan sa blog ko..puntahan ko rin ikaw..

Arvin U. de la Peña said...

@Nanaybelen............salamat naman at agree ka sa sinulat kong ito..hindi ko po alam..mahirap ng mawala ang mga politiko na mga corrupt..kasi halimbawa mang tumigil na sila sa politika ay nandiyan naman ang kanilang mga anak na susunod sa yapak nila..ganun talaga iyon..kapag tapos na ang ama o ina sa pagserbisyo sa bayan ay ang kanila naman mga anak ang tatakbo para ipagpatuloy ang nasimulan ng magulang..paano kung ang nasimulan ay maraming pangungurakot..eh ganun din ang gagawin ng anak..may kasabihan yata na like father,like son,hehe..maging matagumpay sana ang pag upo ni noynoy aquino bilang presidente ng ating bansa..

Arvin U. de la Peña said...

@donster.............korek ka..isa ngang dahilan kung bakit mahirap sa baguhan ang manalo ay ang makinarya nila..halimbawa na lang ay iyong sa posisyon na pagka mayor..ang incumbent mayor ay halos hawak talaga ang mga kapitan ng barangay..kaya kapag kumandidato uli ang mayor ay halos lahat ng kapitan ay susuporta talaga sa mayor..kasi kung hindi sumuporta at manalo pa rin ang dating mayor ay hindi bibigyan ng proyekto para sa barangay..takot talaga ang mga kapitan na kumalaban sa mayor..

Nash said...

Hi!

THE WAIT IS OVER!!!!!

I ♥ N The Official Blog Launch!

my new blog is UP NOW!!! I hope you can drop by and leave some comments ;)

Follow the link thanks!
http://ilovenashyboy.blogspot.com/

LOVE,
N

Dhemz said...

agree ako sa mga sinasabi mo Arvin...so kudos for what you did!

Arvin U. de la Peña said...

@Nash............ok..walang problema..pupuntahan ko ang new blog mo..

@Dhemz..........salamat po..oo nga..anong pakialam nila sa sinulat kong ito,hehe..obserbasyon ko lang naman ito..

Dhemz said...

hi arvin....sensya na at ngayon lang naka reply...sure! it would be my pleasure....:)

pero pedeng later tomorrow ko na gawin yung pic...ala kasi akong dalang notebook dito...libro at papel lang ni Akesha...ehehhe...bibili nalang ako nang notebook bukas....ehhehehe!

sige, have a good weekend!