"Akala ko dahil automated na ang sa election ay magiging maganda na ang kalalabasan. Wala ng mga iskandalo kagaya ng dayaan. Nagkamali pala ako. Kasi lumantad ang tao na kung tawagin ay Koala Bear alyas Robin at nagsasabi na may dayaan na nangyari sa halalan. Para sa akin ay nakakahiya na talaga para sa ibang bansa ang mga nangyayari sa ating bansa lalo itong sa ngayon na may kaugnayan sa halalan. Palibhasa karamihan na mga pilipino ay likas na matapang at buo ang loob ay likas rin na wala ng hiya."
MASKARA
Ni: Arvin U. de la Peña
Ang iyong paglantad sa publiko
Upang isiwalat na may dayaan sa nangyaring halalan
Hindi kabayanihan para sa iyo
Kundi iyon ay katatawanan.
Bakit kailangan kang magmaskara
Gayong mayroon ka naman mukha
Kung totoo ang sinasabi mo
Dapat ikaw mismo ay magpapakatotoo rin.
Walang duda na nanggugulo ka lang
Sa naging resulta ng botohan
Dahil kung hindi ganun ang pakay mo
Tatahimik ka na lang.
Huwag ka ng gumanun
Uusigin ka ng iyong konsensya
Alalahanin mong marami ang naaapektuhan
Sa pagsasalaysay mong nakatago ang pagkatao.
Tandaan mo na ang tunay na bayani
Hindi takot malaman ng mga tao
Dahil ang hangad nila sa kapwa
Sila ay pamarisan sa kabayanihang nagawa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
28 comments:
Tama ka bosing sa sinasabi mo. Parang nanggugulo nga lang siya. Matapang lng siya kasi nakamaskara siya.
hay naku pakawala lang yan ng mga natalong kandidato!...
tama ka nga.. alam mo minsa may mga taong ganun talaga umasta. Matapang lang sa dilim..
Duda ako sa intensyon ni Koala Bear. Maaaring pakawala ito nang mga natalong kandidato o nang mga pwersang ayaw bumaba sa pwesto at gustong magkagulo sa bansa. Sa aking pananaw ay malinis naman ang eleksyon generally. Merong ilang insidente katulad nang nangyari sa Lanoa del Sur na nagkaroon nang failure of elections dahil sa panggugulo nang mga armed goons. Ang mga Pinoy kasi ay sore losers. Walang natatalo sa halalan. Either nanalo sila o sila ay dinaya. Walang pruweba na nagkaroon nang widescale na dayaan. Yung lumapit kuno kay Morato ay mga sindikato na gusto lang magkapera pero hindi kayang baguhin ang resulta nang eleksyon. Pati yung nahuling nagaalok daw sa Buhay party list at ibinabandong taga Malacanang sila ay puro manlilinlang lamang. So far sa aking pananaw ay ang huling eleksiyon ang pinakamalinis at mabilis na eleksiyon na naganap sa Pinas. Sa susunod ay mapa fine tune na nila ang sistema at magiging acceptable na sa lahat ang resulta nang eleksiyon pwera nga lang dun sa mga perennial sore losers. Salamat sa lathala. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
Ay si Koala Bear, di totoo yan. Kasi ang taong may proof na may dayaan nga ay hinde takot sasabihin lahat kasi nga may proof. I heard in one tv news sabi nung isang congresista or whoever he is, kung wala daw maskara si koala bear baka daw patayin!! hello!! Ano siya hilo? Kung tama ang mga proof niya na may dayaan nga wala siyang ikakatakot dahil marami ang proprotekta sa kanya.
i truly agree..na ang tunay na bayani ay hindi takot malaman ng mga tao dahil ang hangad nila sa kapwa sila ay pamarisan sa kabayanihang nagawa..yan si koala bear (alyas robin) ay nanggugulo lng tlga.. :/
haaay. nakuu. lalabas rin ang katotohanan. kung totoo man ang sinasabi nya o hindi,. walang lihim ang hindi na tutuklasan. kakarmahhin din yan kung naga tikal lang yan. I hope our country will have a better life. tsk
- http://www.pixeledheart.uni.cc
I agree with your, Arvs. Really nice poem. Nanggulo lang talaga siya.
@Jag.............tama ka na matapang lang siya kasi nakamaskara..hindi siya katulad ni Jun Lozada na matapang talaga kasi ng magbulgar ng katiwalaan ay hindi nakamaskara..pero ang koala bear na iyan nakatakip ang mukha..kung ganun ay puwede talaga na puro kasinungalingan ang sabihin..
@vonfire..............marahil nga ay pakawala lang siya para malito ang taumbayan kung sino ba talaga ang nanalo..madami rin ang nagsasabi na pakawala lang iyan ng ibang natalo na presidentiable..siguro hindi nila matanggap na si noynoy ang nanalo sa pagkapangulo..ang sa akin sana kung talo ay talo..tanggapin kung ano ang kinalabasan ng resulta..
@tim.............kasi kapag nagpakita talaga ng mukha ay magiging delikado ang buhay nila..ganun ang ginagawa nila..case to case basis lang iyan..kapag halimbawa krimen ang ginawa..madami ang namatay ay puwede na magtakip ng mukha kapag interview sa tv pero kapag nasa loob na ng korte ay hindi na magtatakip ng mukha..eh itong si koala bear ang sinasabi ay tungkol sa halalan..dapat hindi siya mag maskara lalo at ang mga sinasabi niya ay malayo sa may kaugnayan sa halalan..iyon kasi ang obserbasyon ng iba..
@Mel Avila Alarilla..........madami talaga ang duda sa paglantad ni Koala Bear..lumantad siya ng tapos na ang halalan..kung gusto niya na maging bayani sa paningin ng tao dapat bago pa maghalalan ay isiniwalat na niya na may nag ooffer para papanalunin sa halalan kapalit ng pera..ganun dapat ang ginawa niya..ng malaman niya na may dayaan na mangyayari kapag nagbigay ng pera dapat nakipagtulungan siya sa mga NBI para sa entrapment operation..maganda kung iyon ang ginawa niya..
@Manang_Kim.............oo..puwede siya na humingi ng proteksyon kasi magiging delikado talaga ang buhay niya..ngayon kahit hindi humingi ng proteksyon ay walang dapat ipangamba ang koala bear na iyan kasi hindi siya kilala..palagay ko nga pagkatapos siyang iniinterbyu sa tv ay tumatawa iyan kasi may maloloko na naman siya..
@nice.........salamat sa iyo na agree ka rin sa sinulat kong ito..lahat ng tao na gumagawa ng kabutihan ay nais talaga na sila ay pamarisan..sila ay gayahin ng ibang tao..pero iyang si koala bear ay makapal ang mukha ng tao na gagaya sa kanya..
@jenni.............malalim ang imbestigasyon ng tungkol sa mga sinasabi ni koala bear..kaya malalaman talaga kung totoo o hindi ang mga sinasabi niya..ang tanong lang ay kung kailan pa..kasi pagtagal ay makakalimutan na rin iyan lalo na kung magpalit na ng administrasyon..ang mga nag iimbestiga ay marami rin silang inaatupag na trabaho..malalaking tao ang involve kung totoo nga ang sinasabi ni koala bear..kaya mahirap iyon na maparusahan..
@eden............thanks..siguro ang hangad talaga ni koala bear ay walang maiproklama na presidente at vice president..kasi ang mga sinasabi niya ay tungkol lang naman sa pangulo na may binawasan na mga boto..sa mga senador ay wala naman yata iyan sinasabi na may binawasan ng boto..
waaaaaaaaa....may dayaan parin kahit automated? kakaloka naman talaga....akala ko ba it works....ang tao nga naman...we don't really know who's telling the truth or who's lying...baka isa lang tong hoax.
Both ways naman kasi... like yung kay jun lozada may mukha nga pero ganun din naman makikitang kalaban siya ng gobyerno... hayz... depende kasi kung sino ang nakaupo at madalas kung sino man ang kumakalaban sa gobyerno eh mahihirapan makahanap ng supporta... wala lang just a thought... hehehehheheh
The truth will always prevail!
mahirap din---kasi marami namang lumalantad.....tapos kung anu anu sasabihin tapos gugulo lang kasi mas maraming Pinoy na mapaniwala kesa critical thinker. Ako , naniniwala parin ako ng on the large scale---the election was a success.....and it has never been as accurate as ever.
hmmmm! same story pa rin pala diyan when it comes sa politics. Salamat friend sa informations mo. Hindi pa rin ba tapos counting. Hay! wala na akong balita masyado diyan kaya salamat ng marami dito sa blog mo. Keep it up my dear friend. God bless always
@Dhemz.................may dayaan pa rin kasi iyon ang sabi ni koala bear..may posibilidad din ng dayaan kung iyong mga balota ay mayroon ng shade para sa isang kandidato..gabi pa lang ang mga balota ay puwede na iyon buksan ng pasikreto tapos mag shade na para sa kandidato na gusto talagang mandaya..pakawala lang yata ang tao na iyan para manggulo..
@ayu..........ako rin at ang iba pa siguro ay hindi naniniwala sa kanya..kung talagang nagsasabi siya ng totoo dapat ang paglantad niya ay walang sikreto..ipakita niya ang kanyang mukha..paano siyang paniniwalaan gayong hindi kilala ang pagkatao niya..
@I am Xprosaic..............talagang mahirap kalabanin ang sino mang nakaupo sa gobyerno lalo na kung presidente..mapapabagsak lang kung magkakaisa na talaga ang taumbayan pati na ang mga militar..gaya ng nangyari kay dating presidente joseph estrada..pinagtulungan talaga siya para mapatalsik sa puwesto..ang kay gma ay iba..hindi sumuporta ang militar at karamihan na mga tao..
@Anney...............i hope so..pero bibilang ng buwan o taon bago mahusgahan kung ang sinasabi niya ay totoo talaga o siya ay inutusan lang para manggulo..malalim pa ang imbestigasyon..
@pusang_kalye.............tayo ngang mga pinoy ay mahilig mapaniwala..madali tayong maniwala sa mga sinasabi kahit hindi naman pala totoo.......nag aaksaya tayo ng panahon sa mga ganun..katulad rin ng koala bear na iyan..inaaksayahan ng panahon gayung halata naman na malayo sa katotohanan ang kanyang mga sinasabi..matagumpay nga para sa akin ang halalan kahit may ilan talaga na hindi nakaboto..kahit paano ay medyo umaasenso na tayo pagdating sa halalan..kaya lang magasto,hehe..
@SAM..............same pa rin talaga..magulo kapag natatapos na ang halalan..may mga lumalantad na kaya sila natalo ay dahil dinaya..nandaya ang kalaban..panalo na po pagka presidente si noynoy pero ang sa vice president ay hindi pa sigurado kung si binay ba talaga o si roxas..pero malaki na ang tsansa na si binay talaga ang mananalo..
Wow perfect for June brides ito pare! ^_^
Post a Comment