Saturday, May 1, 2010

Aking Iboboto

"Ngayong darating na halalan ay iboto niyo ang tao na palagay niyo ay magiging mabuti talaga ang pagserbisyo. Dahil bigayan din ng pera ay tanggapin niyo na lang ang pera. Pero huwag niyong iboto kahit pa siya nagbigay ng pera kung sa palagay niyo ay hindi siya magiging mabuti sa paglingkod sa bayan. At kung wala naman kayong gusto kahit isa sa mga kandidato dahil sa palagay niyo wala silang lahat silbi ay ilagay niyo na lang ang pangalan niyo bilang kandidato. Erase niyo ang isang pangalan sa balota at isulat ang pangalan niyo sa kung anuman ang nais niyo na posisyon, hehe."
AKING IBOBOTO
Ni: Arvin U. de la Peña

Kung may gusto man akong iboto
Ngayong darating na halalan
Walang iba kundi ikaw
Dahil ramdam ko magiging mabuti ang bayan.

Baguhan ka nga lang sa politika
Pero sinsero ang iyong layunin
Upang ang bayan ay umunlad
At maibalik ang dating kinang.

Hindi katulad ng katunggali mo
Matagal na nga sa politika
Pero ang bayan ay nalugmok
Nagdulot pa ng malaking kahihiyan.

Ikaw na nais kong iboto
Kapag ikaw ang nanalo
Huwag mo sana akong biguin
Sa hangad ko sa iyong panunungkulan.

Dahil nakahanda akong talikuran
Pag idolo ko sa iyo ngayon
Kung habang nakaupo ka sa posisyon
Katiwalaan at pangungurakot lang ang alam gawin.

51 comments:

Mel Avila Alarilla said...

Hahaha, natawa naman ako sa post mong ito, lol. Sana nga ikaw na yung kandidato at siguradong ikaw ang iboboto namin. Landslide ang pnalo mo kaibigan. Kaya lang, kathang isip lang ang lahat nang ito at kailangan nating harapin ang realidad. Sayang naman kung sarili mong pangalan ang ilalagay mo sa balota dahil siguradong mai invalidate ang iyong balota. Napakatagal na inagaw sa atin ang karapatang bumoto tapos ay sasayangin lang natin ang pagkakataon dahil sa ating pananaw na lahat sila ay pare pareho. Maski nga ganun ang situasyon ay kailangan pa ring pumili tayo nang iboboto kung hindi ay baka mahalal yung pinakabugok na lubha nating kinasusuklaman. Magtiwala lang tayo na may isa pa ring nakatunghay sa lahat nang ito at isasaayos Niya ang lahat lahat sa takdang panahon. Buboto ako at umaasa pa rin nang pagangat nang ating mahal na bansa at ito ay sususugan ko nang panalangin sa Puong Maykapal na Siyang may hawak nang kapalaran nating lahat. Salamat sa makabuluhang tula at artikulo. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Verna Luga said...

Kung ikaw ang kandidato iboto kita ... ahihihi. dropping by kaibigan salamat sa pasyal...

The Wired City
Spider On A Web

Sendo said...

me bigayan at bilihan talaga sa eleksyon..ah di bale na...basta sincere ka sa pagboto..kaya vote wisely!

kikilabotz said...

bumoto ng tama..ahaha.

EngrMoks said...

Kung makakaboto lang ako sa lugar nyo at ikaw ang tatakbo...malamang iboboto kita...Itaguyod ang Laban ng mga bloggers!!!

kimmyschemy said...

bilang isang botante, mas nai-stress ako sa alalahaning baka yung pinili kong ihalal at swertihing manalo ay matulad lang din sa iba na magsasamantala. masakit na ngang isipin na may mga nasa posisyon na nagpapahirap sa tulad nating pangkaraniwang mamamayan, pero mas masakit tanggapin na TAYO rin ang naglagay sa kanila sa ganoong kapangyarihan...

Dear Hiraya said...

kung kumakandidato ka nga dito sa amin, malamang iboto kita! lol! tutulungan pa kitang magcampaign dito sa blog! lol! apir!

www.myfjordz.com

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla...................hehe..kahit ako natawa ako ng matapos kong gawin ang picture na ito na ginawa ko na parang isang kandidato..salamat naman kung ganun na kung sakali ay iboboto niyo ako..pero parang malayo yata na mangyari iyon kasi wala akong balak na pumasok sa magulong mundo ng politika..ang tanong lang ay kailan mangyayari na may mauupo sa isang posisyon na siyang magtataguyod ng tunay na pagbabago o dahilan para maiba ang pananaw ng mga tao tungkol sa politika..sino kaya ang magpapabago sa tuwing halalan na..ako din ay boboto ako pero piliin ko talaga ang sa tingin ko karapat dapat sila..d

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz..............salamat kung ganun..hindi ko na kailangan pa na bumili ng boto sakali,hehe..alam mo naman bilihan talaga ng boto kapag halalan..naglalabasan ang mga bagong pera galing sa banko..

Arvin U. de la Peña said...

@Sendo............oo hindi nawawala ang ganun..kasi paraan iyon para sakali manalo..malas lang kung ang kandidato ay kinain lang ang perang bigay niya..ibinulsa lang at hindi siya binoto..

Arvin U. de la Peña said...

@kikilabotz...........yup, para naman kung manalo siya ay wala tayong pagsisisihan kasi ang nahalal ay karapat dapat na maglingkod sa bayan..sana rin iyong iboto atin ay hindi matulad sa iba na naging corrupt..

Arvin U. de la Peña said...

@Mokong...............ganun ba..thanks sa iyo..gaya ng sinabi ko ay mahirap yata sa akin ang pumasok sa politika..puwede lang ako kritiko ng mga politiko,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@simply_kim..............maraming salamat sa sinabi mo..tama ka na may pag aalala talaga tayo na botante na baka ang iboto natin ay di pala karapat dapat..ang maiboto natin ay maging dahilan para maghirap ang bayan..masakit nga ang ganun pero wala na tayong magagawa kundi ang maghintay na lang ng panibagong halalan para hindi na siya iboto..ang problema lang kung sa muli niyang pagtakbo ay marami na siyang supporter na tao na pera lang ang katapat..

Arvin U. de la Peña said...

@Fjordan Allego..........salamat po kung ganun..paano po kung ang makalaban ko sa halalan ay malakas talaga at incumbent,hehe..malayo yatang mangyari iyon kasi wala akong balak na pumasok sa politika..

fiel-kun said...

Haha, ganyan din ang tumatakbo sa isip ko. Kung may magbibigay ng pera, tatanggapin ko pero di ko iboboto yung sasabihin nilang kandidato. Hindi naman nila malalaman kung sino ang iboboto ko eh kase bawal sila sa loob ng voting precinct. Very clever idea! haha lolz XD

Nice poem parekoy!

Jhiegzh said...

Very nice poem you have. The contents overload! I am amazed how you able to express out your point of views about this coming election. Buying of votes is usually happening every election time. We just dont have that courage to take a video to document this fraud because even ourselves can't even assure that even we vote the right candidate still its on them if they'll gonna be true to their words they have thrown or advertised before they were elected. But the bottomline there is we practice our right to vote which is stated in Article V of the Philippine Constitution. Keep posting. Keep it up!

Unknown said...

galing ng post mo ah.. sana nga lahat ng hinangad mo sa tula na yan ay mangyayari..

thank you sa concern mo ha.. salamat at na meet kita sa blog!

Don said...

You have my vote... Lol salamat sa palagiang pagdalaw.. hehehe hayaan mo ilalagay ko rin name ko sa president hahahaha wala akong gusto sa presidentiables eh hahahaha

Yen said...

Hahahaha, nice post here. Love it. Magkano ba ibibigay mo sakin kung ikaw iboboto ko? hmmm. Suporta friend panalo ka sa puso ko. Pramis. Aw! Talagang ang effort mo ha' infairness ang picture kuhang pampulitiko, hehe.

Glenda is the name. =) said...

HAHAHA ang kulet!

pusangkalye said...

ala--for Mayor---lumivel up sa election campaign.lol

since election post ito---di na ko papipigil sa manok ko ha....

si Villar. takot ako na manalo si Noynoy---wlang mangyayari sa Pilipinas sa loob ng 6 years...... 6 years na tag-tuyot.scary.......

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun..........opo hindi nga malalaman..isa pa kahit pa malaman ay hindi naman babawiin ang pera na bigay kasi malalaman tuloy na nag vote buying ang isang politiko..ang mangyayari na lang ay sa susunod hindi ka na pagkakatiwalaan,hehe..may mga tumatanggap naman ng pera na ibinoboto talaga nila kung sino ang nagbigay sa kanila..ngayon kung marami ang nagbigay ay pumipili na lang sila kung sino ang iboboto..

Arvin U. de la Peña said...

@Jhiegzh.............you are right..saka na natin malalaman ang tunay na kulay ng isang politiko kapag siya ay nahalal na..kasi habang hindi pa naghahalalan at oras pa ng pangangampanya ay marami ang nagbabalat kayo..kunwari lang ang mga kabutihan na ipinapakita..

Arvin U. de la Peña said...

@tim............sana nga..sana hindi siya masilaw sa pera kapag siya ay nakaupo na sa puwesto..kung ano ang para sa bayan ay ibigay talaga..tutal may suweldo naman siya..hindi maging corrupt para umasenso ang nasasakupan..

Arvin U. de la Peña said...

@donster............walang anuman iyon..ganun ba..mataas pala na posisyon ang paglalagyan mo ng iyong pangalan,hehe..pero boboto po talaga ako para sa presidente kasi iyon ang mahalaga..baka naman puwede diyan mo na lang sa mga senador ilagay ang name mo..kasi 12 naman iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen..............para sa Mayor ang pinakamababang bigay ay 100 pesos..minsan din ay umaabot ng 700 pesos para sa pagboto..depende po iyon sa kung sino ang makakalaban..kung ang makakalaban ay mataas ang bigay na pera para sa mga kandidato ay magpapataas din ang isa lalo na kung siya ay may pera talaga para ibili ng boto..salamat sa iyo..ikaw ang kunin ko na campaign manager kung sakali man,hehe..joke lang..

Arvin U. de la Peña said...

@Glenda..............pagpasensyahan mo na ako,hehe..ganun kasi ako minsan makulit..kumusta ka naman diyan..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu.............salamat naman at kahit paano nagandahan ka sa picture kong lagay na parang campaign poster..hoping for that na ang mapili talga ay the right one para walang pagsisisi..

Arvin U. de la Peña said...

@pusang_kalye.........ganun ba..magkaiba pala tayo ng presidente..ako baka si Noynoy ang iboto ko..ayaw ko kay villar kasi ang mga intriga sa kanya ay parang totoo talaga..paano pa kung siya ang manalo..pero it is you choice..kanya kanya naman kasi tayo ng manok sa halalan..

Jag said...

Wla bang BLOGGERS party list? Ikaw ang representative namin bosing! hehehe

Dhemz said...

agree ako sa panukala ni kuyaMel....:)

kaya good luck nalang sa halalan...vote wisely!

eden said...

Great post, Arvs.Good luck for this coming election.
Arvs, sana ikaw nalang ang nag kandidato.

Thanks sa visit at mga comments mo.

mishi said...

hmm...parang kilala ko kung cno nasa tula mo hehe! We'll vote for u arvs! :) Samalat sa palaging pagdalaw! :)

Arvin U. de la Peña said...

@Jag..........hahahahaha..mas madami pa ang deserving siguro kaysa sa akin kung sakali man magkaroon ng ganun,hehe..malayo yatang magkaroon ng ganun na partylist..baka mga bloggers lang ang boboto,hehe..pero kung sa online idadaan ang pagboto tiyak mananalo talaga..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz..........salamat..pero sa mga balibalita sa tv parang magkakaroon ng problema ang halalan..kasi ang mga machine palpak yata......anong klaseng plano iyon para mag automated election..ang hirap sa atin ay nagpapaka high tech..samantalang hindi pa naman nararapat..

Arvin U. de la Peña said...

@eden............ganun ba..mahirap po sa akin ang pumasok sa larangan ng politika gaya ng nasabi ko na..baka ibulsa lang ang mga bigay kong pera sakali para ipambili ng boto,hehe..walang anuman iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@mishi..............haha..kasi ako iyon eh..ginawa kong parang campaign poster ang pic ko.......salamat naman kung ganun..pero parang malabo yata iyon na tumakbo ako sa halalan..

Chyng said...

kulang ang pagiging sincere lang ang qualification mo sa isang kandidato.. kelangan sincere + at may napatunayan ng magagawa. Ü

eden said...

Salamat for stopping by, Arvs..

Grace said...

Sino?
Nalungkot ako dahil hindi ako maka-uwi ngayong buwan. Sana manalo ang karapat-dapat, at yung tunay na nagmahal sa bayan at sambayanan. :)

edison said...

Kuya! invite kita to add length to my geostring. Please read this post. thanks!

http://noblevengeance.blogspot.com/2010/05/longer-better.html

Anonymous said...

Mabuhay ang kandidato mo!

hehehehe..

speaking election, sana maging maayos talaga ang dadating na halalan.

at bukod dun, sana manalo din ang karapat-dapat.

go G1BO! lols.

Fex said...

GOodluck sa darating na eleksiyon, di man ako makaboto sa taong ito, pero inaasahan ko na kung sino mang lilingkod para magserbisyo sa ating bayan ay yung taong karapat-dapat at handang tumulong sa kapwa.

Yen said...

Hahaha, Talaga? ako kukuhain mong campaign manager? hahaha sigurado na panalo mo. ang baba lang pala ng bigayan sa pag boto. Di na sa halagang 100 tapos kapalit 6 years na paghahakot nya ng kaban ng bayan. Ang gandang negosyo pala ano?

Arvin U. de la Peña said...

@Chyng............tama ka nga rin..dapat iyon talaga ang titingnan ng mga botante..iyong may nagawa na talaga..nagawa na naging gusto ng mga kababayan niya..nakatulong sa kanyang mga tao..pero kahit wala pang nagagawa masyado kapag nagpaulan ng pera para ipambili ng boto ay tiyak mananalo pa rin..

Arvin U. de la Peña said...

@eden..............walang anuman iyon..kapag nag blog hopping talaga ako ay napupuntahan ko lagi ikaw..sa iyo din salamat sa pagbisita sa blog ko uli..

Arvin U. de la Peña said...

@Hi!I'm Grace.........di ko na lang sabihin kung sino ang iboboto ko sa halalan,hehe..madami kasi akong pinagpipilian..manalo nga ang mga tao na may layunin talaga na mabuti para sa kanyang mga kababayan..ganun ba..kailan ka uuwi,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@engr.kemm.coe...............ganun ba..salamat naman kung ganun na invite mo ako......sige titingnan ko ang sinasabi mo..puntahan kita sa blog mo..

Arvin U. de la Peña said...

@akosichinokho...............sana nga maging maayos..pero kapag nagkaroon ng brownout tiyak hindi magiging maayos..sana rin mabasa ng mabuti ng machine ang mga balota..kay GIBO ka pala,hehe..ako iba ang presidente ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Fe...........lahat tayo ay umaasa talaga sa ganun na tao na siyang magseserbisyo ng mabuti sa ating bansa o kaya sa ating lugar..sana nga ganun ang mangyari..ang manalo ang siyang may hangarin talaga na mabuti..pero may mga traditional politician pa rin na tumatakbo at kahit ayaw na sa kanila ay may posibilidad pa rin na manalo kasi malakas ang makinarya para sa halalan..at isa pa malaking pera ang naibibigay sa mga botante para sakali sila pa rin ang manalo..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen...............oo ikaw ang kukunin kong campaign manager..pero huwag kang mag alala kung sakali man na mangyari iyon kasi ibabalik ko rin sa iyo ang mga nagasto mo,hehe..joke lang..pero ang perang ibabalik ko ay hindi sa pangungurakot galing..secret na lang kung saan,hehe..ginagawa na nga rin na negosyo itong halalan..ang ibang tao ay gumagasto talaga ng malaki kasi kapg nanalo sila ay mababawi rin naman nila iyon..