Wednesday, May 12, 2010

Boto

"Sa halalan ay malaki ang partisipasyon ng pera para ang mga botante ay mabulag sa mga pangyayari na may kaugnayan sa politika para sa isang lugar. Maging ito man ay hindi maganda na nangyari. Dahil ang pera malaking tulong para matakpan ang mabahong imahe ng isang politiko sa kanyang naging panunungkulan para siya manalo uli."

BOTO
Ni: Arvin U. de la Peña

Paanong hindi ka mananalo uli sa halalan
Namili ka ng mga boto
Namudmod ka ng maraming pera
Sa mga kababayan mong ganun ang habol.

Huwag mong sabihin na mahal ka nila
Kung bakit ka ibinoto
Dahil kung hindi sa pera mo
Malabo ka talagang magwagi.

Sapagkat ikaw ay hindi mabuti
Walanghiya ka na isang politiko
Sariling kapakanan mo lang ang iniisip
Wala kang malasakit sa iyong kapwa.

Sa kabila ng marumi mong imahe
Tinatangkilik ka pa rin sa halalan
Dahil ang pera mong pinamimili ng boto
Malaking tulong sa iyong kapwa.

Sa pera mo kahit paano nagkakalaman ang tiyan
Nakakabili sila ng kailangan sa buhay
Kaya bawat halalan lagi ka pa rin magtatagumpay
Lalo kung ang katunggali walang pambili ng boto.

50 comments:

Sendo said...

hahay....bigayan na kung bigayan...bilihan ng boto at kung ano pa man..pero sana eh maglingkod sila ng sakto ..

this poem goes to all who aced the elections

Faye said...

hi! arvin, are you satisfied with the election results? i knew some politicians only their names but their works and dignity, i know nothing.

Dhemz said...

tama si sendo...ehehehe! sana nanalo ang iyong kandidato!

Kim, USA said...

I kind of sad of the result in my home town. Kailan pa kaya mamulat ang mga tao sa amin hayyy naku ewan!!

Mel Avila Alarilla said...

Sa obserbasyon ko lang, ito na siguro ang pinakamalinis na eleksyon na nasalihan ko. Oo nga at nagkaroon nang konting aberya sa pcos machine sa umpisa pero naayos din namang lahat sa huli at lahat naman ay nakaboto pwera lang yung mga umuwi na. Sa sinabi mong malawakang pagbili nang boto ay parang sira ang ulo nang namimili nang boto dahil wala silang kasiguruhan kung ibinoto nga sila nung nabayaran. Isa pa, masyadong ganid yung mga lider na namimili nang boto kasi maliit na porsiyento lang ang aktual na ibinibigay nila sa botante at ang mas malaking porsiyento ay ibinubulsa lamang nila. Sa tingin ko, sa kalaunan ay mawawala na rin itong bilihan nang boto kasi mawawala na rin ang pandadaya sa bilanagn nang boto. Naitatransmit na kasi nang pcos machine ang aktuwal na boto mula presinto hanggang sa munisipyo. Marami lang talagang sore losers sa Pinas at hindi matanggap na natalo sila. Mabuti ang ginawa nina Manny Villar at Gibo Teodoro na nag concede agad at hindi na ngumiyaw nang kung anu anong kasinungalingan katulad nang ginagawa nang ibang natalong kandidato. Salamat uli sa madamdaming tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Xprosaic said...

Naku kahit sabihin man nating mga hangal yun pero nangyayari pa rin ang pagbili ng boto... naku... may alam ako... hehehehhehe... pero amin na lang yun... heheheheheh

Verna Luga said...

kung ako, tanggapin ko talaga yung pera .. pera parin ng taong bayan yun diba? pero di ko siya iboboto...

salamat sa pasyal kaibigan ...

Vivian said...

marami rami pa rin ngayon ang nagpapabili ng boto...pero mabuti nalang may pag-asa pa ring natitira sa salitang "sana".

Sana, sana, (medyo) mas matino ang mananalo. Hehehe. Medyo lang Arv's kasi lam mo naman, kokonti nalang matino sa world. hik!

Arvin U. de la Peña said...

@Sendo...........mabuti kung ganun..pero ang uunahin pa rin ng politiko na nanalo at malaki ang nagasto ay mabawi ang kanyang nagasto sa halalan..kung kailangan na mangurakot ay gagawin para maibalik ang nagasto..kasi sa politika ngayon parang negosyo na rin..mag invest na malaking halaga kasi kapag nanalo naman ay puwede na madoble ang nainvest sa politika..

Arvin U. de la Peña said...

@Faye.............satisfied po ako kasi mabilis ang naging resulta..kaya lang marami ang hindi nakaboto..ang mga politiko ay makikilala nga natin lalo na kung nababalitaan sa tv o radyo o kaya sa diaryo..pero ang kanilang nagawa ay hindi natin alam lalo na kung hindi tayo nakatira sa kanilang lugar..nakikilala lang sila dahil sa mga issue na tinatalakay at naiinterbyu,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz...............talo po ang kandidato ko..ikaw panalo ba ang kandidato mo.......

Arvin U. de la Peña said...

@Manang Kim...........ganun ba..katulad pala tayo....kailan din kaya magigising sa katotohanan ang karamihan na mga botante sa aming lugar..so sad kapag ang nais na patalsikin ay hindi mapatalsik......panahon lang siguro ang makapagsasabi kung kailan mamumulat ang mga botante sa inyo..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla...........malinis nga ang halalan.....pero bago pa maghalalan ay magulo kasi may mga tao nga na pinpatay ng may kaugnayan sa halalan..pero ng araw na ng halalan ay maayos nga naman..kaso nga lang ang iba ay hindi nakaboto..ang isang kandidato ay susugal talaga..kung ilan ang bilang ng mga botante ay bibilhin niya..bibigyan niya ng pera..para kahit ang kalahati ay hindi bumoto sa kanya ay panalo pa rin siya..marami ngang lider ang naglilista lang ng pangalan at ibibigay sa kandidato pero ang inilistang botante ay hindi bibigyan ng pera.......malabo pong mangyari ang sinasabi mo na mawawala ang pagbibili ng boto sa kalaunan..dahil karamihan pa rin talaga ay hangad ay pera para sa isang kandidato na sila ay bigyan para iboto..

Arvin U. de la Peña said...

@I am Xprosaic..........tama ka..hindi talaga maiiwasan ang pamimili ng boto..pataasan din iyon..kung ang isang kandidato ang bigay na pera ay sabihin na nating 200 pesos..ang isa na nais manalo ay magbigay ng 500 pesos..at malaki ang tsansa na manalo ang nagbigay ng malaking halaga..kasi karamihan na mga botante kung sino ang nagbigay ng malaki ay iyon ang kanilang iboboto..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz...........kung ang lahat ng botante ay katulad sa iyo ay magiging mabuti sana ang lahat ng lugar..kasi kapag ang hindi na talaga gusto ng mga tao sa isang bayan na politiko ay tiyak hindi na mananalo sa susunod na halalan..kaso gaya ng sinabi ko na kapag bigyan ng pera ay iboboto pa rin..nakakasilaw kasi ang pera..

Arvin U. de la Peña said...

@Bing...............madaming madami pa po.....talamak talaga ang bilihan ng boto..ang matino na tao at naghahangad na pumasok sa politika ay kahit pa napakabuti ng layunin niya para sa bayan ay hindi pa rin mananalo lalo na kung walang pera para pambili ng boto..marami ang ganun..kapag wala kang pambili ng boto ay malabo kang manalo..

kcatwoman said...

at least ngayon ang mananalo nating presidente ay hindi namili ng boto. pero hindi ko alam kung sya pa rin talaga ang dapat na maupo sa presidency. what do you think?


bestpinay

blog?

kcatwoman
ldspinay
Bookneneng

fiel-kun said...

Di talaga maiiwasan ang mga ganyang vote buying tuwing eleksyon... dito din sa aming lugar, may mga rumors na nag vote buying daw ang soon to be mayor namin... so sad, yet its true.

nice poem btw.

eden said...

Another nice poem, Arvs. Sana tutuparin lahat ang mga pangako sa mga "nakadaug" ngayon sa eleksyon.Congratz nalang sa kanila. Sa hometown namin,I am happy sa resulta.

Jag said...

Nakakalungkot pero parang ngiging parte na ata ng kultura nating mga pinoy iyan hayz! Sana mabago pa...

pusangkalye said...

mautak na rin ang mga tao ngyon--kinukuha nila ang pera tapos binoboto ang gusto nila.hehe

a4one said...

money makes d world go round as d saying goes...pro sna naisip dn ng mga botante na yng pera na binigay sa kanila,bukas makalawa,wala na pro ang nailuklok sa position ay 3yrs na mangungurakot....jz like in carigara....anu pa ba ang kelangan nlang gawin na 2matakbo pa cla nangaun? bkit hndi nla i2 gnawa when they were in the position? personal interest....corrupt leaders....klan kaya mgka2roon ng 2nay na pgba2go for carigara?

a4one said...

i2 pa ang isang issue, tinangka nilang suholan ang mga bei(d nman lahat ngpa'suhol but there are some.....tapos mgka2roon kpa threat ng dhil lng sa pg'suporta mo sa isang kandidato...& imagine meron mga ballots in one of the barangay's here in carigara na sa cong,board member & mayor position ay meron ng shade(yung mga tao running 4 said position belongs to 1 family & been in politics for 24yrs d pa kasama ang result ng ngaung election @ kung isasama ay 33yrs na)..but look at carigara...getting worse & even worst...

Arvin U. de la Peña said...

@kcatwoman.............ang bilihan ng boto ay sa mga ibang posisyon lang sa gobyerno..wala akong alam na sa pagbigay ng pera ay bigay ng presidente..di ko rin alam kung siya na nga ang presidente na hinahanap talaga ng mga tao kasi hindi pa naman siya nakakaupo..pero palagay ko mabuti naman si noynoy..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu..........parang di po yata sila naguguilty..kasi halos halalan ay laging ganun ang ginagawa..pamimili ng boto para manalo..ang nagpapabili naman hindi nag iisip na ang perang bigay sa kanila ay galing sa pangungurakot..sila sila rin na mamamayan ang maaapektuhan..

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun.........tama ka diyan..nakagawian na talaga..kawawa ang kumandidato na marami ang nagasto sa halalan kasama na ang pamimili ng boto tapos hindi pinalad na manalo..masuwerte ang nanalo kasi ang nagasto niya sa halalan ay maaarin niyang mabawi habang siya ay nakaupo sa puwesto........

Arvin U. de la Peña said...

@eden...........maganda kung tuparin nila ang kanilang sinabi habang nangangampya pa......pero palagay ko unahin muna ng mga nanalo na mabawi ang kanilang nagasto sa eleksyon,hehe..ganun ba..mabuti naman at nanalo ang nais mong manalo sa halalan na kandidato na gusto mo..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag..............hindi na po iyan mababago.....bawat halalan ay laging ganun na may bigayan talaga..dahil high tech na tayo baka darating din ang panahon na ang pagbili ng boto ay idaan sa banko ang pera,hehe..ipadala sa bank account ng botante ang pera ng kandidato para siya ang botosan..

Arvin U. de la Peña said...

@pusang_kalye..........may ilan na tao na ganun ang ginagawa..binubulsa lang ang perang bigay tapos iba ang binoboto..pero karamihan pa rin sa mga botante kung sino ang nagbigay sa kanila ay iboboto talaga nila kahit pa hindi iyon mabuti na kandidato..

Arvin U. de la Peña said...

@a4one.............hindi na po iyan naiiisip ng mga botante na ang perang bigay sa kanila ay tatlong taon na serbisyo ng politikong nagbigay..ang mahalaga sa mga botante ay makahawak ng pera at ng may maibili kahit paano..political dynasty iyon..marami ring mga lugar na iisang angkan lang ang namumuno..sa kanila lahat ang mataas na posisyon sa gobyerno..hawak nila ang lugar..isang pandaraya ang ganun na ang balota ay may shade na at pabor sa politikong nais na manalo..ang mabuti na gawin ay bigyan ng leksyon ang mga guro o tao na namamahala sa presinto na iyon..

Grace said...

Isa na namang magandang tula. :)
Na-miss ko ang pera na yan ah.
By the way, may tanong ka sa post ko, if balikan mo siya at titingnan mong mabuti ang image, anduon ang sagot. Mababasa mo sa image and word. :)

chingoy, the great chef wannabe said...

im just happy noy won... sana di nya ako i-disappoint... :)

Nanaybelen said...

tapos na ang election, sana naman ay umayos na ang mga nanalo at tulongan nila si Aquino sa ikauunlad ng bansa.

Yen said...

Hoy arvin bakit mo ko pinadalhan ng text about noynoy and bro.V, natalo na nga ang kandidato ko niloloko mo pa ko. hmp! Hay naku di ko makakalimutan itong halalan na to, memorable sakin to. Aside from the ink that I still have in my finger nail na di matanggal tanggal hanggang ngayon. But above all dami kasi nangyari sakin sa halalang ito. God bless us all.Thank you

shelovesyou16(on twitter) said...

Haii naku k0rekek ka dyan kuya! Nakakainis talaga ung mga bumibili ng b0to! Hnd ba nla alam na mas naka2degrade un..Kaloka! Tsaka pg binili nla sure nb un? Dba hnd!Hahaha kung ako kunwari..Binili ung v0te ko.i'll keep the m0ney tap0s d q xa ib0b0to hahaha :))

jerome_lee062790 said...

bago lang po ako here....
as I am reading your blog im so amazed kasi tutuo lahat yon....
Money can really make a big difference.

CaptainRunner said...

Ako, kahit magkano pa 'yan, hinding-hindi ko ipagbibili ang boto ko.

Arvin U. de la Peña said...

@Hi! I'm Grace..............salamat sa iyo.....ganun ba..dapat kapag bumabalik ka ng amerika pagkatapos mong magbakasyon dito ay magdadala ka rin ng pera mula dito,hehe..dollar kasi ang pera mo diyan kaya miss mo nga ito..ganun ba..sige titingnan ko iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@Chingoy.............marami ang nasiyahan dahil siya ang nanalo..hindi katulad ng iba na manok ng administration ngayon kaya nahirapan na manalo..maging mabuti sana ang panunungkulan niya..

Arvin U. de la Peña said...

@Nanaybelen.............tapos na nga..pero karamihan pa rin na mga nanalo ay mga datihan ng politiko..makipagtulungan sana lahat sa panunungkulan ni Noynoy para naman walang gulo..at maging maganda ang takbo ng ating bansa..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen.............hehe..kasi wala naman talagang kapanalo panalo ang manok mo..kahit pa siguro tumakbo iyon na senador ay malabo na manalo..kaya ayun biniro kita sa text..ang ink na iyon ay matatanggal na lang ng kusa kung hahayaan mo lang..pero kung pipilitin mo talagang tanggalin ay mahihirapan ka..siguro marami kang natanggap na pera mula sa kandidato kaya mo nasabi na memorable sa iyo ang halalang ito,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@shelovesyou16............ang mga bumibili ng boto na kandidato ay hindi talaga sure na iboboto sila lahat..kaya ang ginagawa ng ibang kandidato ay kung ilan ang bilang ng mga botante ay bibilhin lahat..bibigyan lahat ng pera para sila ang iboto..sakali man na ang kalahati o kaya 40 percent ay hindi bumoto ay panalo pa rin sila..ganun ang ginagawa ng ilan..lalo na iyong tumatakbo sa pagka mayor, vice mayor, at councilor......tama iyong gagawin mo..iboto mo kung sino sa palagay mo ay mabuti na kandidato at ang hangad ay ikagaganda ng lugar..

Arvin U. de la Peña said...

@jerome_lee062790...............ganunba..maraming salamat at pinuntahan mo ang blog ko..salamat sa iyong sinabi......nag iiba nga ang isip ng tao lalo na kapag halalan kapag nabigyan na ng pera..kahit hindi niya nais ang isang kandidato ay iboboto pa rin niya dahil binigyan siya ng pera..

Arvin U. de la Peña said...

@CaptainRunner...........iyon ang isang mabuting botante hindi nasisilaw sa pera..sana ang lahat na botante ay katulad mo,hehe..ang mga kandidato kasi na namili ng boto kapag nakaupo na ay tiyak bawiin ang nagasto sa kanyang panunungkulan..diyan nag uumpisa ang pangungurakot sa kanyang pagserbisyo sa bayang nasasakupan..walang politiko na ang nagasto ay hindi maghahangad na mabawi..kung mayroon man ay kaunti lang siguro,hehe..

Sam D. said...

Kumusta kaibigan kong Arvin? Hay! kaya hindi umuusad ang bansa natin dahil diyan sa mga politiko na bumibili ng boto. Kapag nanalo na sila syempre babawiin nila iyong nagastos nila sa halalan lahat ng para sa taong bayan sa bulsa nila napupunta. Sana naman mabasa nila ang tula mo kaibigang Arvin baka mauntog sila at matauhan hehehe. Sino ba nanalo for President? Dito ko lang nalalaman sa blog mo mga pangyayari diyan sa atin. Thank you po. :)

Arvin U. de la Peña said...

@Sam...............tama ka diyan..ang mga nagasto ng mga politiko sa halalan ay babawiin talaga nila iyan habang sila ay nakaupo para na rin sa preparasyon ng sa susunod na halalan..si noynoy aquino po ang nanalo na presidente..tapos ang vice president baka si binay na ang manalo..dikit lang ang boto nila ni mar kaya di pa naproproklama sino talaga ang nanalo kasi may bibilangin pa..ewan ko lang kung may nakabasa ng politiko sa sinulat kong ito..

""rarejonRez"" said...

vote buying has been prevalent nationwide during the very recent election. shame on anyone who bought votes!

Fedge said...

Nice ahahahaha

pa exchange links guys

Fedge Shacks

Arvin U. de la Peña said...

@rare jonRez............hindi na po mapipigilan ang pamimili ng boto..madami pa ring botante ang nasisilaw sa pera na bigay ng kandidato..hindi man lang nila iniisip na ang perang kapalit ng boto ay pagseserbisyo sa loob ng tatlong taon..paano pa kung ang pagserbisyo ay hindi maganda..magiging kawawa ang bayan..

Arvin U. de la Peña said...

@Fedge...........salamat naman..walang anuman..we can exchangel link..add mo ang blog ko sa blog list mo at add din kita..