Saturday, May 8, 2010

Tag-araw (by request)

"Ang sinulat ko pong ito ay pagbibigay para sa request ng isa ring kaibigan dito sa blog na si Mel Avila Alarilla. Nagrequest po siya sa akin mula sa pagsagot niya sa naging comment ko sa post niya noong February 20, 2010 na ang pamagat ay may kaugnayan sa El Niño. Sa iyo po pasensya na kung natagalan bago ko napagbigyan ang request mo. Inuna ko po pag post ang iba ko pang mga sinulat at ang iba na nagrequest din."

http://melavilaalarilla.blogspot.com/


Hi Arvin,
Tutuo ang sinabi mo. Baka naman pwedeng makapag compose ka nang isang tula para sa ating inang bayan na laging sinasalanta nang kalikasan. Salamat sa dalaw. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

February 21, 2010 12:41 PM



TAG-ARAW
Ni: Arvin U. de la Peña

Hanggang saan tayo patutungo
Hanggang saan tayo hahantong
Itong nangyayari sa kasalukuyan
Hanggang sa dulo ba ng walang hanggan.

Bawat araw tayo ay nakikipagsapalaran

Nilalabanan natin mga hamon ng buhay
Hindi tayo umuurong sa ganun
Pagkat ang lahi natin ay lahing matatapang.

Hirap na bigay ng kalikasan

Pasakit na nagbibigay lungkot
Huwag tayo na magreklamo
May katapusan din iyon.

Tag-araw man ngayon ang nararanasan

Mainit man na panahon ang nararamdaman
Bigla rin iyon mawawala
Dahil may tag-ulan rin na darating.

Atin lang lahat isipin

Na ito ay bahagi ng ating buhay
Bilang mga alagad ng diyos
Na siyang lumikha ng lahat.

35 comments:

Kim, USA said...

Very nice poem Arvin. And it's not only the Philippines ang sinasalantala ng Inang Kalikasan dito din sa US. Ang malaking pangyayari sa ngayon is the flooding in Nashville, Tennessee na parang ganun din ang nangyari dyan sa Manila last year. Just hope and pray that the people who are directly affected had the strength to go on with life. Happy Sunday and Happy Mother's day to your mom!

Sunday Shot Sunday

Mel Avila Alarilla said...

Maraming salamat kaibigan sa isang makasaysayang tula na itinuturing kong obra maestra mula sa isang malikhaing manunulat. Madamdamin ang iyong tula. Nagbabadya nang isang napakalalim na hangarin sa pagbabago at pagunlad sa mga larangan nang buhay na lahat nating ginagalawan. Tutuo ang tinuran mo na tanging Diyos ang nagtatakda nang ating kapalaran at tayo ay umasa na mababago rin ang ating kapalaran tulad nang pagbabago nang ating klima sa bansa. Pagkatapos nang lubhang mainit na panahon ay darating naman ang pagulan at bagyo nang buhay at tayo naman ay mananalangin nang paginit nang panahon. Ganun kasi ang buhay- paikot ikot lang at tayo'y parang mga langgam na binabayo nang mga iba't ibang pagbabago sa buhay. Sa lahat nang ito ay dapat lang matira sa atin ang pananalig sa Diyos na siya nating timon sa buhay. Salamat ulit sa madamdaming tula. Ikinararangal ko ang pagsulat mong iyon. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Verna Luga said...

so true... salamat sa dalaw kaibigan .... tao yung problema tao din yung hahanap ng solution .... Good luck para bukas!

Coupling Scenes
Sansevieria kirkii
Cats and Women

Dhemz said...

tumpak na tumpak ang mga lines mo sa tula...great job.....bait mo naman at napaunlakan mo yung request ni KuyaMel....:)

pusangkalye said...

ang init talaga ng summer---at sing init pa ng election---wala na bang mas iinit pa? bring it on.hehe

Xprosaic said...

Ang init nga ng panahon ngayon... kaya mas kailangan natin ng maraming puno para naman mabalanse ang init ng hangin...

Yen said...

Init nga talaga grabe, pero ganun pa man tama ka sa sinabe mong, may ulan din naman after the heat. Balancing life. With all these challenges and struggles we are encountering right now, I know we can find a way to overcome because as you've said lahi tayo ng matatapang. We are strong because we have a BIG GOD. :-)

kimmyschemy said...

kung minsan siguro kailangan natin makaranas ng matining init para ma-appreciate natin ang malamig na panahon, makaranas ng tagtuyot para makita ang kahalagahan ng ulan. naniniwala ako na ang lahat ng nagaganap sa mundo ay may dahilan..

Arvin U. de la Peña said...

@Manang_Kim...........thank you..yup, lahat ng bansa ay nakakaranas ng dulot ng kalikasan..ganun ba..di ko iyon alam na may flood din pala sa lugar na sinasabi mo..dapat ganun nga..harapin pa rin ang hamon ng buhay kahit pa nagkaroon ng di magandang pangyayari na dulot ng kalikasan....

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla............walang anuman iyon..gaya ng sabi ko ay kapag kaya ko ang request ay pinagbibigyan ko talaga..minsan ay natatagalan nga lang..sana ang sinulat kong ito ay okey na para sa nais mo na isulat ko..ganun nga po..kapag tag init ay magnanais tayo na umulan..pero kapag ulan naman ng ulan ay nanaisin natin na mag tag araw naman kasi ang mga damit ay basa pa,hehe..tama ka na sa lahat na pangyayari dapat ay manalig tayo sa diyos..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz.............so true nga..ang lahat ay may solusyon nga basta hahanapan lang natin..sa iyo din ay good luck para sa iboboto mo..karapat dapat sana ang iboto mo para sa isang posisyon..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz..............maraming salamat sa sinabi mo..medyo nahirapan nga ako ng isulat ito,hehe..kapag kaya ko ang request ay pinagbibigyan ko talaga..may mga nagrequest pa nga na hindi ko pa napagbibigyan..pero alam ko kung sino sila..i hope sana balang araw pumayag ka na ang anak mo ay ma post ko sa blog ko with isang tula..pinag iisipan ko pa lang iyan..nahihiya nga ako sabihin sa iyo kasi baka umayaw ka..wala pa naman akong naisulat..kapag may naisulat na ako ay pagsabihan kita kung payag ka..

Unknown said...

ang galing mo nga naman talaga gumawa ng tula.. saludo ako sayo.. Happy mother's day sa mom mo!

Arvin U. de la Peña said...

@pusang_kalye............masyado ngang mainit ang panahon.....wala na sigurong iinit pa..talo ang election sa init..kasi ang init sa election ay patutsadahan ng mga kandidato..nagsisiraan sila..

Arvin U. de la Peña said...

@I am Xprosaic............kailangan nga natin ang mga puno kasi kahit paano nakakaprotekta din iyon sa atin lalo na kung tayo ay naglalakad sa daan at mainit..minsan sumisilong tayo sa puno..pero ang dami pa ring illegal loggers sa atin..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen..............thank din sa iyo..matapang nga tayo sa lahat ng pagsubok..pero duwag tayo para puksain ang mga salarin na nagpapahirap sa mamamayan..naduduwag tayo kasi natatakot na baka may mangyaring masama sa atin..napakaraming mga tao na masasama at salot sa lipunan na dapat ay bigyan na ng leksyon pero hindi pa rin naaaksyunan..binabalewala pa rin sila..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu............kaya nga post ko agad ito ng hindi pa nag tatag ulan..kasi kapag post ko ito na tag ulan na ay hindi angkop sa panahon ngayon..maraming salamat sa iyo..happy mothers day sa lahat na may mga mother pa..wala na po akong mother..noong 2007 po siya pumanaw..naka post po sa blog ko ang pangyayari..matagal ko ng post iyon..makita mo rin iyon kung titingnan mo isa isa..okey puntahan ko ang blog mo..

Arvin U. de la Peña said...

@simply_kim.........napaganda ng sinabi mo..korek ka.....ang lahat ay may dahilan talaga..may dahilan kung bakit umuulan..kailangan ng ulan para ang mga tanim ay madiligan..kailangan ng ulan para magkaroon tayo ng inumin..kasi kung hindi umulan ay baka mawalan ng tubig ang mga dam..kailangan ng tag araw kasi para matuyo ang ating mga nilabhan,hehe..at kung anu ano pang mga dahilan sa mga pangyayari ng dulot ng kalikasan..

Arvin U. de la Peña said...

@tim..............ganun ba..maraming salamat naman kung ganun..ako din saludo ako sa buhay mo..wala na po akong mother..nakapost po sa blog ko matagal na ang tungkol sa pagpanaw ng aking ina..may naisulat nga akong tula na napublish sa diaryo na para sa kanya..ang napublish na iyon ay nasa blog ko sa side bar sa kanan..ang pamagat ay Sana..kapag click mo iyon ay makita ang naka scan sa diaryo at ang tula na sinulat ko.............

Enhenyero said...

tag-ulan naman :)

eden said...

Ganda ng poem. Well done, Arvs. Very timely for the situation ngayon.

fiel-kun said...

Another nice poem Arvin ^^

Well, kaya tayo nakakaranas ng hagupit ni inang kalikasan ay dahil sa kagagawan na rin nating mga tao. Di tayo marunong magpahalaga sa kanya kaya tayo rin ang kanyang binabalikan.

Hindi pa naman huli para magbago. may pag-asa pa!

anney said...

Sa mga hamon ng buhay tayo tumitibay!
Another great poem!

Jag said...

ito'y maihahalintulad sa ating buhay...minsan may tag-araw, minsan may unos din...

Belated happy mother's day to ur mom!

John Bueno said...

Tol ayun nakaboto nako, nanalo naman hehehe

Ganda ng tula, pang environmental thingy.. hindi ko maarok hehe

Arvin U. de la Peña said...

@I AM ENHENYERO, AND THIS IS MY BLOGS.....marami nga ang umaasa na mag tag ulan na naman..ako din ay ganun..pero wala po tayong magagawa kung hindi pa napapanahon para umulan..

Arvin U. de la Peña said...

@eden............oo nga..kasi tag araw talaga ngayon..ang daming natutuyo dahil doon..kaya nga ng maisip ko nga baka mag tag ulan na ay agad post ko ang sinulat kong ito na para sa kanya..di ko naman puwede na ipost pag tag ulan na kasi hindi bagay,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun..............tama ka diyan.....katulad na lang ng mga pagtatapon ng basura..kapag nabara ang daluyan ng tubig ng basura ay tiyak babaha talaga..at ang tubig baha ay mapupunta sa mga nagtapon ng basura..may pag asa nga pero marami pa ring tao na ang mga ganun na maaaring makaapekto sa kanila ay binabalewala na lang..

Arvin U. de la Peña said...

@Anney.............oo dahil sa ganun tayo ay nagiging matatag..dahil sa mga pagsubok tayo ay tumitibay..naiisip natin na hindi magpadaig....dahil alam natin na ang pagsubok ay malalampasan rin natin..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag...........tama ka..we have all ups and down......ang mahalaga pa rin ay hindi tayo umuurong sa mga hamon ng ating buhay..pilit tayong naghahanap ng solusyon para malutasan..

Arvin U. de la Peña said...

@KUMAGCOW...........mabuti naman at nakaboto ka na..kung di ako nagkakamali katulad ka rin ng iba na inabot muna ng ilang minuto o oras bago nakaboto,hehe..kasi ang iba ay inaabot ng dalawang oras o higit pa mula pagdating sa presinto bago nakaboto..maraming salamat at nagandahan ka sa tula kong ito..

Grace said...

Ang galing. Isa ito sa mga paborito kung tula na ginawa mo.
Go! Go! Go! Arvin! :)

Mel Avila Alarilla said...

Please visit my How's Your Blog. You and your blog are featured there. Hope you like it. Thanks for the post. God bless you always.

Arvin U. de la Peña said...

@Hi! I'm Grace.............marami pong salamat sa iyo..lalo na sa iyong sinabi na isa mo itong paborito sa mga naisulat ko na..sana may mga maisulat pa akong muli ay magagandahan ka at magkakagusto..higit sa lahat maging paborito mo rin,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla.............ganun ba..sige tingnan ko iyon..marami pong salamat kung ganun..walang anuman iyon..kaya ko kasi ang request mo..