Nainspire akong isulat ang tulang ito dahil sa video na ito na aking nakita. Kasi ng makita ko at napakinggan ang nasa video ay medyo nalungkot ako. At alam ko kayo rin ay malulungkot kapag tiningnan niyo ang video na ito. Dahil nga dito sa post kong ito ay pansamantala ko munang tinanggal ang mga kanta na napapakinggan sa blog ko para pagbigyan daan ang nasa video na hindi kayo maabala habang pinapanood ang video at pinapakinggan ang mga sinasabi. Sa part 1 po kayo mag-umpisa tapos isunod na ang part 2. Ang mahalaga ay ang part 1 na video kasi diyan kayo makaramdam lalo ng lungkot , hehe. Enjoy watching the video.
BATA
Ni: Arvin U. de la Peña
Bata huwag kayong malulungkot
Kung ganun ang naging kapalaran niyo
Malayo sa ibang mga bata
Matiwasay ang kanilang pamumuhay.
Tanggapin niyo ang inyong kinamulatan
Hindi kagustuhan ng magulang niyo
Kayo ay maging ganun
Magtiis at magsikap na lang kayo.
Paglaki niyo ay inyong mauunawaan
Bakit naging ganun kayo noong bata pa
Ang mahalaga sa ngayon
Unawain kung anuman mayroon kayo.
Iwasan niyo ang mainggit sa iba
Lalo na sa ibang mga bata rin
Maganda ang damit at madaming laruan
Ang mga iyon ay kukupas din pagtagal.
Ganun man kayo ngayon
Mga bata na kapus-palad
Mahalaga pa rin kayo sa lipunan
Dahil sa inyo nakasalalay ang bukas.
Monday, May 17, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
37 comments:
i believe the children are our future... teach dem well and let dem lead da way... nyehehehehehhehh
hahhaha...kakatuwa naman yung comment ni Xprosaic...but he's correct....:)
thanks for sharing the vids and the poem....:)
Ganda nang video na ito but at the same time nakaka-depressed. Hope our next government elected officials will take time to solve poverty in our country at huwag naman sanang parang wala lang nangyari. Great poem too! Happy Tuesday.
Ruby Red Tuesday
Napakamadamdamin ang video na ipinakita mo. Nangungusap sa puso't kaluluwa. Ito ang bunga nang kahirapan sa ating bansa. Maraming kaluluwa ang nagdurusa at hindi alam kung bakit ganun ang naging kapalaran nila. Nagpapalipat lipat lang at nagpapagulong gulong lang ang buhay nang mga maralita. Hindi nila alintana nag mga isyu nang panahon. Ang tanging pinagtutuunan nang kanilang mata at isipan ay kung saan kukunin ang susunod nilang pananghalian o hapunan na kung minsan ay pinagiisa na lamang dahil sa kakapusan nang pambili. Masakit na makitang ang mumunting anghel na dapat naglalaro pa ay naghahanap buhay na at ang ilan ay nagiging biktima nang mga sindikatong tinutulak sila para mamalimos o magbenta nang kanilang murang katawan. Kailangan talagang umangat ang ating kabuhayan para maangat din ang antas nang ating pamumuhay. Salamat sa madamdaming video at makaantig damdaming tula mula sa iyo. Pagpalain kayo nang Diyos sa tuwina.
marami ka talagang di maintindihan pag bata ka---ako rin---lumaking inggetero kasi naiinggit ako lagi sa mga pinsan ko---naglalaro sila habang ako nagtatanim ng palay---sinu bang batang di maiinggit pag ganun?
naalala ko tuloy ang kabataan ko *sniff sniff*
you're right man. they are the light of this world.
Sarap maging bata... pero nalungkot ako sa video na to...
Napakanta tuloy si XP..Adik!!!
So touching and nakakaiyak ang videos. Thanks for sharing these and the nice poem, Arvs
@I am Xprosaic..........hehe..parang sa lyrics ng kanta..yah, ang mga bata ay dapat ngang turuan ng mabuti lalo na kung ano talaga iyong tama..mahirap na kung habang bata pa ay puro kasamaan ang tinuturo kasi paglaki niyan ay dala pa rin ang itinuro noong bata pa..
@Dhemz............ako nga din ay napakanta..maganda nga ang lyrics na iyon..sikat iyon na kanta at para talaga sa mga kabataan..walang anuman iyon..nakita ko lang kasi ang video na iyon sa isang friend dito sa facebook at iyon habang nanonood ako ay medyo nag isip ako na magsulat ng tula ng may kaugnayan sa napanood ko..
@Manang Kim.........tama ka..i hope so ang susunod na administrasyon ay bigyan talaga ang mga bata ng pansin..lalo na iyong mga bata na halos sa lansangan na lang natutulog..napakadami po nila lalo na sa maynila..sa sobrang hirap ang iba ay nagnanakaw na lang..nakakaawa din talaga tingnan ang mga bata na namamalimos sa kalsada..
@Mel Avila Alarilla............marami pong salamat sa mga sinabi mo......madamdamin nga ang nasa video..ang ganun na pangyayari sa mga bata ay sana matugunan iyon ng pansin na hindi na dumami pa..maraming bata talaga na namamalimos na sa lansangan..hindi nila alintana ang panganib na maaari silang masagasaan..malayo sa ibang mga bata na sa ganun na oras ay nasa bahay o kaya nasa paaralan..naghahanap talaga sila ng pantawid gutom..sa mga basurahan ay doon may makita ka rin na mga bata kasi naghahanap na puwede maibenta..
@pusang_kalye.............korek ka..kasi habang bata pa ay di pa talaga natin alam ang kahalagahan ng buhay..ang mahalaga lang sa bata lalo na iyong hindi mga pulubi ay maglaro sa lansangan..maglaro ng mga games o kung ano pa na laro..tapos kumain kapag ginugutom na,hehe..ganun ba..nakakainggit nga iyon..mabuti naman at masunurin ka talaga sa mga magulang mo..hindi mo alintana ang init ng araw kapag nagtatanim ng palay..mahirap nga rin ang ganun na buhay ng mga magsasaka..
@Jag..........ganun ba..ako nga rin eh ng matapos ko na itong maisulat sa pamamagitan lang ng cellphone ay naalala ko agad ang panahon na bata pa ako..mahilig manirador ng ibon kasama ng iba pang kaibigan..tapos maglaro ng habulan o kaya taguan kapag gabi..iba talaga kapag bata pa..ang mga iyon ay alaala na lang talaga sa atin..
@tim...........i hope ang lahat na mga bata pa ngayon kapag lumaki sila at ang iba ay naging mga politiko ay hindi talaga gumaya sa mga ibang politiko ngayon sa ating bansa na mga corrupt..silang mga bata ngayon ang magpabago talaga sa ating bansa..
@Mokong.............masarap ngang maging bata..kahit naaalala lang ang mga nakaraan noong bata pa ay medyo nalulungkot na tayo kasi hindi na iyon maibabalik pa..ganun ba..ang iba rin ay nalungkot talaga sa video na ito..magaling ang gumawa ng video lalo na iyong mga sinabi niya..napakanta nga siya dito..
@ayu..............thanks..salamat at nagustuhan mo uli ang tula kong ito na sinulat..
@eden.............nakakalungkot nga ang video na ito.....kaya nga pansamantala ko munang tinanggal ang mga kanta dito sa blog ko dahil sa post kong ito..pero ibalik ko rin iyon kapag mag post uli ako..walang anuman iyon..ibinahagi ko ang video na ito na aking nakita kasi maganda po ang pagkakagawa ng video..lalo na iyong mga sinasabi sa video.......
hello :D ,aganda ang tula ^^. i like it :D katotohanan nga yon ^^.
- http://www.pixeledheart.uni.cc linked you . link me too ^^
maganda yang vid na yan.. ilang beses ko na napanood dahil sa reflections namin
Haayz... kakalungkot naman. Mga kabataan talaga lagi ang naapektuhan sa mga usapin tulad ng kahirapan... sana our new president can something about poverty in our country.
@jenni.............thanks at nagandahan ka rin sa tula na ito..salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..add ko din ikaw..salamat sa pagbisita sa blog ko..
@Renz..............ganun ba..madami nga rin video sa youtube ang may gawa ng video na ito..ng esearch ko kasi sa youtube ay marami ang nag appear na video na siya ring tao ang may gawa..magaling talaga..magaling din mag pinta..
@fiel-kun..............tama ka dahil..dahil ang bata lalo na kung musmos pa ay wala pang alam paano kumita ng pera para siya ay may pambili ng pagkain..i hope so na ang darating na administrasyon ay magbigay ng ikauunlad kahit paano ng bansa at ang mga tao ay hindi masyadong mahirapan na dulot ng krisis..maging mura sana ang ibang mga bilihin..
ang lungkot naman nitoo...beautiful but sad... =( lalo na mga bata ung theme ng video..nakaklungkot talaga... :(
ang ganda ng painting...lots of beautiful yet sad stories behind it...
haaayz...ang cute ng mga bata...nakakalungkot lang ung kanilang mga storya sa buhay...
maganda ung tula mong ginawa...sana nga magtulungan talaga ang mga pilipino para ma-agapan ito...para matulong sila...para hindi magiging mahirap ang buhay para sa kanila...hindi kailangan maging government official para matulungan cla...kahit tayong ordinaryong mamamayan pwdeng matulungan cla bastat magkaisa at magtulungan tau...
Napadalaw lang uli bosing!
di na ko bata ..kaya di nako future..sila na naman! haha
Hello Kuya Arvin. Kamusta na? Napanood ko na mga ito dati pa pero pinanood ko ulit at parehong pareho ang naramdaman ko dati, nalungkot at medyo nakonsensha. Sana marami pa makapanood nito, lalo na ang mga may kaya.
Salamat for this post.. Sigurado marami makakapanood nyan dahil sa pagpost mo. Pasensha na pala at ngayon lang ako nakadalaw.. Busy kasi ngayon May, pero babawi ako sa June.. Ingat at happy weekend =)
@Ruby.................malungkot nga ang video na ito.........lalo na iyong mga sinasabi ng nagpipinta tungkol sa mga bata..tama ka na kahit hindi maging government officical ay puwede na tumulong talaga..pero kung ganun ay sariling pera sa bulsa ang gagamitin,hehe..kaya ang iba nagnanais na ang pagtulong ay idaan sa pagiging government official ay para naman hindi niya pera ang gamitin sa pagtulong kundi pera ng bayan..
@Jag...............salamat sa muli mong pagbisita sa blog ko..
@Sendo................hehe..ako din at ang iba pa na nagblablog ay hindi na bata..haha.....naranasan na natin ang pagkabata..
@Bambie dear............okey lang po ako..i hope ikaw rin..ganun ba..ako lately ko lang ito napanood na video at dahil doon ay nainspire akong magsulat ng tula na Bata ang pamagat......marami na nga rin ang nag view sa video na ito sa youtube..nauunawaan kita..thanks na lang uli sa pagpunta uli sa blog ko..
another inspiring poem you have here Arvin....way to go...:)
woi sensya na at ngayon lang naka reply...busy kasi weekend namin....about pala sa "LAPIS"....sure na sure...it will be my pleasure...ehehhee...kung oks lang bukas ko na ibigay yung pic ha....have to take a picture of Akesha....may pic sya pero she's not using lapis....ballpen...hehhehe...will let you know bukas kung oks lang.....:) thanks ulit!
@Dhemz............sige bukas na lang..maraming salamat sa pagpayag mo..kaya nga hindi muna ako nagpopost ng bago kasi hintayin ko ang sagot mo..tiyak magagandahan ka rin sa sinulat kong tula na ang pamagat ay lapis..gaya ng sinabi ko na bago ko pa iyon isulat ay ang nasa isip ko na ay maging model sa sinulat kong iyon si akesha..take ka ng picture na humahawak siya ng lapis at grab ko na lang sa blog mo tapos iyon ang ipost ko sa blog ko kasama ng tula..kahit nagsusulat siya basta ba lapis ang hawak o kaya kahit hinahawakan niya lang ang lapis..ikaw na lang ang bahala basta ang nasa kamay niya ay lapis......salamat uli..
hi arvin, this is the link of the pic....:)
http://i122.photobucket.com/albums/o248/akesha_2006/DSCF9377.jpg
http://s122.photobucket.com/albums/o248/akesha_2006/?action=view¤t=12.jpg
salamat...can't wait to read your poem....:)
@Dhemz............marami pong salamat..kapag nakita ko na po ang picture ay agad ipost ko ang sinulat kong tula na ang pamagat ay lapis..
Post a Comment