Monday, May 24, 2010

Lapis

"Katulad ng sinulat kong ballpen. Ang lapis ay dapat binibigyan rin ng halaga kasi ang lapis ang nauna natin na gamitin noong tayo ay nag-uumpisa pa lang para matuto na magsulat. Sa sinulat kong ito alam ko maaalala niyo ang lapis na Mongol 1 at Mongol 2,hehe."

Lapis
Ni: Arvin U. de la Peña

Natuto akong magsulat na ikaw ang una kong ginamit
Isang pansulat na ayos lang kung magkamali
Dahil ikaw ay mayroon pambura
Sakaling hindi tama ang naisulat.

Iba ka sa ibang mga ginagamit pagsulat
Dahil kailangan pa na maging matulis
Para maisulat sa papel
Ang nais mabasa na letra o salita.

Hindi ko naman ikaw ngayon nagagamit
Ang iyong anyo hindi ko pa rin nalilimutan
Lalo na kung ako ay nakakakita
Nang mga batang estudyante.

Lapis maraming salamat sa iyo
Sa napakalaking halaga mo
Habang ang tao ay buhay bata
Musmos at wala pa masyadong alam.

Sa sandaling ikaw ay ginagamit
Hanggang sa ikaw ay di na mapakinabangan
Malaki ang iyong naiaambag na kaalaman
Para sa isang batang gustong matuto.

43 comments:

Sasarai said...

Nice nice! galing mo talaga tumula kuya! Lapis lang ang main idea pero lam mo yun, nabigyan mo sya ng magandang tula! AYOS! ^_^

Unknown said...

bigla ko ngang na-aalala sila mongol.. adik din yang mongol na yan muntik na kong di makapag-compredahil dyan.. ehehe!

nice poem po.
nakaka-inspire mag-aral! ^^

anney said...

heheeh! bumalik nga ang alaala ng nakaraan. Cute ng poem!

Jag said...

Naalala ko tuloy nung highschool pa ako. I made an article about the students' prerogative on what to use, MONGOL 1 or MONGOL 2 pencil? hehehe

Makabuluhan ang tulang ito bosing!

Chyng said...

...fied trip sa may pagawaan ng lapis. ay katulad ng buhay natin. isang mahabang pila. mabagal. at walang katuturan.

- ely buendia

Mel Avila Alarilla said...

Napakaganda naman nang kuha ni Akesha na anak ni Dhemz sa litrato. Isa si Akesha sa paborito kong bata sa blog world. Ang lapis ay parang bata. Ang lapis ay may pambura para kapag nagkamali ang sulat nang bata at pwede pang burahin. Subalit nuong lumaki na tayo ay ballpen na ang gamit natin. Subalit ang pagkakamali sa ballpen ay hindi pwedeng burahin. Pwede na lang itong takpan nang pagtakip sa maling naisulat. Ganun din ang buhay nang isang may kaalaman na at lumagpas na sa pagkabata. Kapag nagkamali ay hindi pwedeng burahin ang pagkakamali kundi pinagtatakpan na lamang ngunit kitang kita pa rin ang naunang pagkakamali. Subalit ang Diyos ay may permanenteng pambura sa ating mga pagkakamali. Kapag tinanggap natin si Hesus sa ating buhay bilang Panginoon at tagapagligtas ay buburahing lahat nang kamalian sa ating buhay na para bagang hindi tayo nagkamali. Salamat sa tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

eden said...

this reminds me of my school days:) btw, bisan karon mongol sad gamit sa akong mga cheketing..hehehe

Nice poem!

Sam D. said...

hello! Kaibigang Arvin. Wala na akong masabi saiyo galing mo talaga. Pero namiss kita sa blog ko bihira na kitang makita. Sana one day mag-guest post ka naman sa akin.

Dhemz said...

oh my....napakagaling naman ng tula mo Arvin...as always! bravo!!! naalala ko tuloy yung kabataan ko....ang mongol 1 ang pinakaunang lapis ko...ehehehe! I still use lapis...pero d na mongol 1....lol! mongol 2 na...eheheehe!

salamat for featuring my daughter here Arvin...much appreciated.....:) thumbs up!

Nice Salcedo said...

wow..ang galing! :D pencils are really useful in our life! :)

Ruby said...

waaaah...parang daming nakakarelate nito..eh kasi popular nga ung mongol pencils bastat nag-aaral pah...hehehe....ehh...ano bang diff ng mongol 1 at mongol 2...ba't may 1 at may 2 pah?...di pwdeng isa nalng..hehe..bastat loyal mongol 2 ako...feeling ko mas magaling sumulat ung mongol 2..hehehe....

Xprosaic said...

nung bata pa ako kinakagat kagat ko yung lapis hanggang magmukha na siyang cactus an walang tinik... ahahaahhahahahhaha

gege said...

favorite ko ang Mongol 2!
ewan ko, hehe. siguro dahil yun ginamit ko sa mga entrance exam! haha!
meron pa rin ako nun!
PALAGI!
^ - ^

NICE KUYA arvin!!!

Prinsesa said...

Nice Poem. :)

Although minsan lapis pa rin gamit ko. Mechanical nga lang. Para kunwari sushal. Haha.

jenifaa said...

aah. kahit hanggang ngayon gusto ko pa din ng lapis. if i use pen dapan sign pen kung hindi di tlga ako susulat. hehehe :)) I remember my hs days, my english teacher . I was using pencil in taking a quiz she didn't get my score kahit perfect dahil lapis daw gamit ko. i wal like huh ? hehee :DD
-- http://www.pixeledheart.uni.cc

Unknown said...

sana parang lapis ang buhay, para pag tayo'y nagkamali ay isang bura na lang...sigh!

Arvin U. de la Peña said...

@ayu.................ganun ba..madami nga ang uri ng lapis pero sa paaralan lalo na kapag elementary pa ang gusto ng guro ay madalas mongol 1 talaga,hehe...pero iba pa rin kapag mechanical pencil kasi maganda siya..sosyal,haha.....siguro madami ng lapis ang naubos mo sa pagdrodrawing mo..

Arvin U. de la Peña said...

@Sasarai...............maraming salamat..eh kasi nagsulat akong ballpen, tapos sinundan ng papel..so ngayon ay lapis naman..kumbaga nakapagsulat nga ako ng ballpen, lapis pa kaya..thanks at nagandahan ka sa tula kong ito na sinulat..

Arvin U. de la Peña said...

@Mharliz.............bakit naman..ano ang nangyari......baka hindi matulis kaya hindi mo nagamit,hehe..hanggang ngayon ay sikat na sikat pa rin ang lapis na mongol..hindi iyan pahuhuli sa ibang mga lapis na binebenta..

Arvin U. de la Peña said...

@Anney............thanks..alam ko ng basahin mo ito ay naalala mo ang mga panahon na gumagamit ka ng lapis..sarap balikan ano ang elementary days natin sa school......mga tuksuhan tapos bigla ay mag aaway..magbabatuhan ng kung ano..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag...............wow ganun ba..kung naaalala mo pa iyon puwede mo iyon ipost sa blog mo..lalo at malapit na ang pasukan..siguro maganda ang pagkakasulat mo..nagandahan ng iyong guro..kayo bang lahat na mag aaral ang gumawa ng tungkol sa mongol 1 or 2..o kaya ikaw lang at iyon ang napili mong isulat na article..marami pong salamat..mahirap makalimutan ang lapis sa buhay natin..

Arvin U. de la Peña said...

@Chyng..............kung bakit iyon nasabi ni ely buendia ay dahil kung di ako nagkakamali ay fine arts siya..silang nasa banda ay kursong fine arts yata ang kinuha..at dahil doon madalas silang gumamit ng lapis,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla.............maraming salamat sa mga sinabi mo..ako nga din ay bilib sa pagkakakuha ng picture..nice shot talaga..tama ka sa mga sinabi mo..ang bata kapag nagkamali ay hindi na uulitin pa ang ginawa lalo na kapag pinagalitan talaga..pero kapag lumaki na ay kahit may ginawang mali ang tao ay uulitin pa rin..iyon ay dahil kapag lumalaki na ang tao ay minsan matigas ang ulo..kapag nagkamali sa ballpen ang gagawin ay lagyan na lang nga kulay puti na white out yata ang tawag,hehe..pero ang lapis ay buburahin na lang..mapagtawad nga ang ating panginoon..ang ating kasalanan ay mabubura basta lagi lang tayo manalig sa kanya..

Arvin U. de la Peña said...

@eden..............ganun din ang iba na bumasa nito..naalala rin nila ang school days..ganun ba..akala ko walang lapis na mongol diyan..ibig pa lang sabihin ay worldwide ang mongol na lapis..

Arvin U. de la Peña said...

@SAM...............marami pong salamat...nakakainspire sa akin ang sinabi mo......marami ka pang mababasa na mga tula mula sa akin.....busy rin kasi ako minsan..abala ako sa pag tingin tingin sa facebook at friendster at sa nba kasi malapit na ang nba finals.......iyon ang madalas kong tingnan sa computer..paborito ko pong team ay ang phoenix suns..puntahan kita ngayon sa blog mo..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz...............thank you..marami pong salamat sa pagpayag mo na ang anak mo ang gawin kong model sa post kong ito na lapis..katulad ka rin ng iba o kahit ako naaalala ang bata pa na madalas gumamit ng lapis..ganun ba..ano nga ba talaga ang pagkakaiba sa mongol 1 at 2,hehe..siguro maitim ang sa mongol 1..gaya ng nasabi ko kay eden ay may mongol rin pala sa ibang bansa..akala ko dito lang iyon sa ating bansa na mongol..

Arvin U. de la Peña said...

@nice...........salamat po sa iyo..makabuluhan nga ang lapis sa buhay natin kasi kung walang lapis baka maraming papel ang nasayang noong nag uumpisa pa lang matuto na magsulat kasi tiyak magkakamali talaga..at pangit kung marami ang na erase na sinulat..

Arvin U. de la Peña said...

@Ruby.............yup, madami nga kasi halos lahat tayo na nag aral ay gumamit talaga ng lapis..at sa mga lapis na iyon ay mongol talaga ang madalas na ipagamit..ang pagkakaiba siguro nila ay mas maitim yata ang mongol 1......haha..ganun ba..pareho lang iyon..mongol 1 or 2 ay kung ano ang nasa isip mo ay iyon pa rin ang maisusulat..pero bawat tao ay may kanya kanyang kinahihiligan..siguro sa iyo ay hiyang ka talaga sa mongol 2 na lapis..

Arvin U. de la Peña said...

@I am Xprosaic.............haha..may mga estudyante talaga na kinakagat kagat ang lapis o kaya ballpen..kahit ako ay kumakagat din ako sa pansulat..sa lapis at sa ballpen..sa lapis ang madalas kong kagatin ay sa dulo..doon sa kinakapitan ng pambura,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@gege...............talaga..bakit ayaw mo sa mongol 1 na lapis..baka naman suwerte sa iyo ang mongol 2 kaya iyon palagi ang ginagamit mo..pero kapag sinabi ng guro na mongol 1 ang gamitin ay tiyak iyon na lapis ang gamitin mo kasi pagagalitan ka kung mongol 2 pa rin ang gamitin mo..baka sabihin na matigas ang ulo mo at hindi nakinig sa kanya,hehe..nakakahiya sa ibang kaklase kung ikaw lang ang maiiba na gamit na lapis..

Arvin U. de la Peña said...

@Sarah............salamat at nagustuhan mo ang tula kong ito na sinulat..haha..sa hayskul na yata nag umpisa na gumamit ng mechanical pencil........gumamit na rin ako ng ganun..maganda din iyon kasi hindi na magtutulis para magamit sa pagsulat kasi pinipindot na lang ang dulo at iyon puwede na makapagsulat..maganda rin ang mechanical pencil kasi manipis siya at maliit kumpara sa mongol na lapis..

Arvin U. de la Peña said...

@jennie...............ganun ba..ako mas hiyang ako pagsulat ballpen ang gamit kaysa sign pen..ang lupit naman ng guro mo na iyon......dapat pag pumapasok sa paaralan ay titingnan talaga kung may ballpen kang dala..at dapat siguraduhin din na may reserba na ballpen kapag malapit ng maubos kasi mahirap makahiram ng ballpen..kasi ang karamihan na mga estudyante ay isang ballpen lang ang dala..kung ganun pala ay na zero ka sa quiz,hehe.....sayang kung perfect score ang nakuha mo dapat..

Arvin U. de la Peña said...

@vonfire.............sana nga..para kung may mali man tayo ay agad mabubura sa paningin ng ibang tao..pero dahil hindi ay dapat mag ingat na lang tayo o kaya umiwas para magkamali sa buhay..

fiel-kun said...

Wow, another nice poem Arvin ^_^

Bagay na bagay sa nalalapit na pasukan :)

Nung Grade 1 ako, di pa Mongol ang ginamit kong lapis.. yung kulay itim na matabang lapis - nakalimutan ko anung tawag dun hehe.

Sendo said...

una akong natutong magsulat sa lapis ^_^ kaya mahal ko rin ang lapis..mwah!

Sam D. said...

dito ako ulit nang-iistorbo saiyo kaibigang Arvin. Sana lagi kang safe. God bless you always. Sino na ba President diyan sa atin ngayon?

Yen said...

Monggol #1 hehe.Naalala ko nun mabilis maubos ang pambura ng lapis ko kakabura ng mali mali kong sagot sa pagsusulit. So hows my dearest friendship?

kimmyschemy said...

hmmm... lapis? mas preferred ko pa rin siya, kasi pag nagkamali pwedeng burahin. sana sa buhay ganun, kapag nagkamali pwedeng ulitin, di ba?

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun..........maraming salamat..next month ay pasukan na nga..tiyak dadagsa na naman ang bibili ng mga school supplies..at siyempre kasama na ang lapis,hehe..alam ko ang sinasabi mong lapis..itim nga ang kulay nun..di ko na rin alam kung ano ang pangalan ng lapis na iyon..basta ang hindi ko lang makalimutan ay ang lapis na mongol..

Arvin U. de la Peña said...

@Avri221IE_Pryce1...........ic..okey..thanks for the words you said..

Arvin U. de la Peña said...

@SAM.........salamat po..ikaw din sana..si Noynoy Aquino po ang nanalo na presidente..at ang vice president ay si Binay......iyon ay kung wala na talagang bulilyaso,hehe..magulo pa kasi..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen...............ganun ba..akala ko matalino ka masyado at ang mga sagot ay tumpak agad,hehe..joke lang..ganun ba..dapat may pambura ka na hindi ang sa lapis lang..may nabibili naman ng ganun di ba..eraser..okey lang po ako..ikaw kumusta diyan..

Arvin U. de la Peña said...

@simply_kim..........tama ka..sana nga ganun ang sa buhay kaso hindi eh..mapapatawad tayo sa ating pagkakamali kapag nagkumpisal tayo..patatawarin tayo ng diyos..pero iyong tao na nasakitan natin kapag pinatawad man tayo ay wala pa rin kasiguraduhan kung sincere talaga siya sa pagpatawad..ang iba kasi nakikipagplastikan lang..kunwari pinatawad na pero hindi pa pala..kung ano ano pa ang mga sinasabi laban sa iyo..