Ang pinakamasakit na kabiguan na aking naranasan ay noong second year college ako. Akala ko talaga ay magiging kami na. Siya na ang aking for life. Hindi rin pala. Kapag sumasakay ako noon ng barko papunta Cebu mula Leyte o kaya Cebu pabalik ng Leyte habang ayaw ko pang mahiga o matulog ay sa may gilid ng barko muna ako pumupuwesto. Tinitingnan ko ang karagatan. At minsan naiisip ko na tumalon na lang. Bakit kailangan pa na ikaw ay pagsabihan ng " i love you too" kung iiwan ka rin lang naman.
"When I was a child I wanted to grow up and fall inlove. Now that I've grown up and fallin. How I wish I was a child. Because it is easier to heal a broken knee than a broken heart."
KASAWIAN
Ni: Arvin U. de la Peña
Marahil hindi talaga tayo para sa isa't isa
Dahil kung tayo ang nakatadhana
Nagmamahalan pa sana tayo
Masaya na pinagsasaluhan ang pag-ibig.
Napakarami ng pagsubok nilampasan natin
Ang iba muntik ko pang ikamatay
Pero nauwi pa rin sa wala
Ang naging pag-iibigan natin.
Pinilit kong ayusin ang lahat
Pinilit na magkabalikan tayo
Dahil ikaw lang ang mahal ko
Pero wala pa ring nangyari.
Iniwan mo ako at nagpakalayo ka
Kinalimutan mo sumpaan natin
Na kahit anong mangyari
Hindi tayo maghihiwalay.
Pinakamamahal ko sa buhay
Kung naroon ka man sa mas higit sa akin
Gusto ko na malaman mo
Mahirap sa akin ang wala ka.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
41 comments:
:(
kuya ganyan talaga.. kailangan natin ma-experience kung paano ma broken heart para mas lalo natin malalaman ang tunay na meaning ng pag-ibig.. At isa pa, nagiging mas maingat na tayo.. ika nga nila, kung kayo ay kayo... lilipas din ang sakit.. naku kung iisipin ko nga ang first heartache ko, natatawa ako sa sarili ko..
This is sad! I am so sorry about that. Sometimes life is unfair, but those things make us strong and wise. So hang on there! One of these days, the right one will come a long your way. Visiting you back! I hope electricity is back this time. :)
ganyan talaga ang buhay, marami ka pa makikilala :)
share mo naman ang poems mo at magpakilala dito:
you're invited to a BLOG PARTY!
the blog party will give you more links, more followers, more traffic :)
please also follow the admin: rj's mama
and don't forget to join us on
facebook for updates
rjb2001@gmail.com
marami diyan ... LOL... nice one kaibigan ...
Napakalungkot naman nang tula mo, nanggagaling sa kaibuturan nang iyong puso at kaluluwa. Pero talagang ganyang ang buhay. Matuto tayong tanggapin ang ating kapalaran. Basta magtiwala lamang tayo na ibibigay sa atin nang Diyos ang the best para sa atin. Ganun din ako nung nakaranas nang katakot takot na pighati sa buhay hanggang sumadsad ako sa pinakamababang antas nang aking buhay at nagkaroon nang napakaraming sakit. Itinatanong ko nuon kung bakit lubhang malupit angh kapalaran. Hanggang matagpuan ko ang Diyos at pinaram Niyang lahat nang aking agam agam. Nakita ko ang kadahilanan nang aking buhay kung saan maluluwalhati nito ang Kanyang pangalan. Magtiwala lamang tayo sa Kanya at ating masusumpungan ang ating minimithi sa buhay. Salamat sa makaantig damdaming tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
@Little Princess.............malungkot nga kasi that time ay medyo naiisip ko ang tumalon sa dagat..pero hindi ko magawa kasi baka ano ang sabihin sa ng aking mga kaibigan din na kasabay sa pagsakay ng barko sakali na ako ay mailigtas..baka pagtawanan pa ako kung sabihin ko na tungkol sa pag ibig ang dahilan..
@Bambie dear................yah, pero may mga tao naman na hindi naranasan ang ganun..iyon ay kung sino ang minahal talaga nila o first love talaga ay sila na ang nagkakatuluyan..ibig mo palang sabihin ay may kabiguan ka rin sa pag ibig,hehe........minsan talaga ang pagsasabi ng mahal ka rin niya ay di dapat paniwalaan masydado..
@inday_adin............malungkot nga kasi akala ko ay siya na..pero iyon ang naging dahilan para maging matatag ako sa pagharap sa sumunod na pag ibig na dumating sa aking buhay..naging daan iyon para kung anuman ang kalabasan ng relasyon ay hindi ako mag iisip ng masama para sa akin..
@admin..............oo nga..madami nga ang makikilala pa pero iba pa rin kung talagang inakala mo na siya na ang makakatuluyan..kasi iyon ang talagang nagbibigay ng inspirasyon sa iyo..ah ok..tingnan ko po..
@Vernz..................oo nga marami..pero gaya ng sabi ko iba pa rin kung ang tao na sa palagay mo ay siya na ang para sa iyo ay kayo ang magkakatuluyan..kasi kung hindi kung magmahal ka uli ay maiisip mo pa rin ang una na minahal..salamat po at nagustuhan mo rin ang sinulat kong ito..
@Mel Avila Alarilla.............maraming salamat sa mga sinabi mo..kasama na talaga sa buhay natin ang mabigo lalo na kung pag ibig ang pag uusapan.........pero kahit paano kung tayo ay mabigo at lumapit sa diyos ay gumagaan din ang ating pakiramdam..kasi ang mga salita ng diyos ay tunay na nagpapagaan na ating kalooban..
"When I was a child I wanted to grow up and fall inlove. Now that I've grown up and fallin. How I wish I was a child. Because it is easier to heal a broken knee than a broken heart."
Ang bigat ah. :)
Pero in fairness, parang familiar sa akin ang friend mo. Hmm... saan ko kaya nakita yan... eh taga-Cebu rin naman ako.
I agree with Admin, marami ka pang makilala... Go on with your living na lang. You are loved, Arvin. :)
thanks for frequenting my blogs Arvin :)
Arvs,pang ilan naman ito. parang dami mong minamahal ah..:) pssttt(joke lang)
thanks for always visiting my blog. medyo na busy kasi ang beauty ko ngayon kaya di ako naka blog hop.
nakakatouch naman to...life is unfair...make the best of it....thanks for sharing!
Let go dear, tagal na nyan.
Charge to experience nalang. Ü
Sadyang ganun talaga. Pag ika'y umiibig, ikaw din ay masasaktan...
Love hurts...
Love wounds...
Love scars...
Pero alam ko masaya ka na sa asawa mo ngayon...yntr
ang saklap...
(✬._.✬)Hello, my blog site had been idled for a couple of months now. And I am sure that I am BACK.
Care to visit my newest post, THANK YOU!
(✬._.✬)
@Hi I'm Grace............talaga..baka sa sm mo nakita,hehe..marami nga akong nakilala at minahal din after ng relationship namin..
@admin........no problem............kaw pa..
@eden...........madami na nga..pang dalawa po siya since high school pa ako..after that ay may mga sumunod pang iba,hehe..okey lang iyan..na busy ka nga kasi di ka masyado nag post ng post,hehe..ako ang next kong pag post ay sa may 2 yata at mag post uli pagkatapos ng halalan..
@Dhemz..............wow ganun ba..naantig pala ang damdamin mo sa sinulat kong ito na base sa naging karanasan ko sa pag ibig noong second year college ako..life is unfair nga minsan para sa atin..minsan lang naman..
@Chyng..............matagal na nga ito..yup, naging charge for experience nga ang nangyaring ito sa akin kasi sa mga sumunod na nakipag relasyon ako ay handa na ako kung sakali man na hindi pa rin kami ang magkatuluyan..ganun naman kasi ang pag ibig..di natin alam sino talaga ang para sa atin..
@Jag............tama ka..dapat kung umibig talaga tayo ay nakahanda tayo anuman ang mangyari..nakahanda na masaktan at mabigo............kasi hindi natin alam kung ang ating minamahal sa kasalukuyan ay siya na ang ating for life..................
@Sendo............masaklap nga..ikaw naranasan mo na ba ang nangyaring ito sa akin..
@ayu.................malungkot nga..pero pag tagal ay naka move on naman ako kasi may mga nakilala pa at naging espesyal sa akin..
@Ailee Verzosa..............pansin ko nga iyon..pero naunwaan naman kita..ganun kasi dito sa blog,hehe..minsan hindi tayo nag popost..minsan naman post ng post..sige puntahan ko ikaw..
Love. Ganun tlga yun eh. Hay naku, ewan ko nga ba bakit nausu pa ang i love you. Haha. pro kidding aside, ganyan tlga pag nagmahal. Pwd mong danasin ang lahat ng pait at lahat ng saya. Pro mas maganda ang maransan mong masaktan para ma-appreciate mo ang pagmamahal ng isang tao sayo. At kung na-broekn hearted ka, eh just go on and look for your next step. ;D Panibagong kabanata ng buhay. ;D
April
Stories from a Teenage Mom
Mom on the Run
hai... bket ba tau kelangang iwan ng mahal naten sa buhay...
at totoo, sana bata ulet ako, nangangarap na MASARAP AT MASAYANG magmahal... its really hard to heal a broken heart, especially if its your first time. been there, done that... kaya now i know how it feels... saket kaya!
anyways, thanks for commenting on my recent post...
arvin, sana panoorin mo to. sana matapos mo ang video na to please :) thanks
http://www.youtube.com/watch?v=AimivBp0MU4&feature=player_embedded#!
Feelings.....................
Blogger fiel-kun said...
Aww... ganyan talaga sa larangan ng pag-ibig parekoy. Kung siya talaga ang nakalaan para sayo, the para sayo talaga siya. Then if not, tanggapin mo na lang ng maluwag sa kalooban mo and move on.
Ang sabi nila masarap umibig. Pero bakit ang sakit-sakit pag ikaw ay nabigo? Ang sakit ay parte lamang ng pag-ibig. Kailangan mong maranasan ito, para malaman ang tunay na meaning of love.
May 1, 2010 5:28 AM
Nice blog. You are so cute. I think I love you.
PS: Let's vote for Dick Gordon and Bayani Fernando!
Check this out:
Gordon SLAMS Noynoy, Villar, Erap and Gibo
http://www.youtube.com/watch?v=AimivBp0MU4&feature=player_embedded
@April...........oo nga eh..kapag tayo ay nabibigo sa pag ibig doon ay may natutunan tayo..minsan naiisip pa natin kung ano ang ating kulang para sa kanya..the best thing sa ganun ay mag move on kahit mahirap..
@Ailee Verzosa.............kung bakit iniiwan siguro ay may kulang sa atin na kanyang hanap talaga sa isang minamahal.......masarap ngang maging bata kasi doon di natin masyado feel ang tungkol sa pag ibig..laro ng laro o kung ano pa na nakahiligan..
@kuwentonimaya...........ok..tungkol sa kandidato ang video.magaling naman si gordon kasi ang lugar na pinanggalingan niya ay umunlad talaga..pero now parang mahirap para sa kanya ang manalo kasi malakas ang mga kalaban niya..
@fiel-kun...............tama ka sa sinabi mo na kung para sa iyo ang isang tao ay magiging iyo talaga kahit pa naging marami ang hadlang..oo..kapag nabigo tayo at nasaktan doon natin malaman na ganun pala kasakit kapag nabigo sa pag ibig.......mahirap po ang ganun lalo na kung inakala talaga natin na siya na ang makakatuluyan..
@The Snappy Sparrow.............nakita ko na ang video mula sa comment ni kuwentonimaya............salamat sa sinabi mo..
It's a sad, bitter, yet ironically sweet poem for your beloved. Well composed. I like it...
Well... malungkot yang tula mo Kuya! Pero ang mas nakakatuwa sayo, ang galing mong bumuo ng tula! ASTIG! Kaya minsan, ang buhay, parang unfair lage... pero yun pala may nakatago palang mas masarap para sayo! ^_^
Post a Comment