MABUTI
Ni: Arvin U. de la Peña
Mabuti hindi ka tumakbo ngayong halalan
Nakakagulo ka lang kasi
Kapag tumatakbo ka nalilito tuloy ang mga botante
Kung sino ang iboboto.
Mabuti iyo ng naunawaan
Kapag kasali ka sa halalan
Nahahati ang mga boto
Dahilan para manalo pa rin ang nais patalsikin.
Mabuti hindi mo na kinapalan ang mukha mo
Kasi noon nakukuha mo pang mangampanya
Makihalubilo sa mga tao
Samantalang ikaw ay kinamumuhian na.
Mabuti nanahimik ka ngayong paparating na halalan
Sana lagi mo ng gawin iyon
Dahil malabo ng ikaw ay manalo pa
Pagkat hindi ka naging mabuting pinuno.
Mabuti bang ibenta mo ang sariling bayan
Para sa ibang politiko
Sa kagustuhan mong manatili pa rin sa posisyon
Pero ikaw ay nagkamali at nagsisisi na.
43 comments:
Base!!!! jijiji
Sana nga ganun n nga ang ngyari ang d na magnais n tumakbo...pero marami pa ring pulitiko ang Garapal...
Halatang bitter ako hehehe...
It's easier said than done... jijijijiji... obvious naman kung ano ang dahilan nila kung bakit ayaw pa nila bitawan ang mundo ng pulitika...jejejejejeje
sana mabasa to ng mga gahamang pulitiko na kapit tuko sa kani-kanilang posisyon!!!
Dapat talaga na yung mga nahalal na pero nagtaksil sa sinumpaan nilang tungkulin sa pamamagitan nang lantarang pangungurakot ay huwag nang tumakbo ulit. Suklam na suklam na ang tao sa kanila. Nagpakasasa na sila sa kulimbat na kayamanan. Magsisi na lang sila at mangumpisal baka mapatawad pa sila. Salamat sa madamdaming tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
galing mo ah..di ko kaya to haha..ang masasabi ko lang..vote wisely this coming election haha
tama ka..napatalsik na nga sila pero bumabalik pa din..sana hindi na lang sila kumandidato para naman maganda talaga laban.para hindi na mas mahati pa yung boto..
sana mabasa ito ng mga trapo...
basta pera ang usapan naglalabasan ang mga demonyo
Maraming pagkakataon na binigyan tayo upang ihalal ang mga lider na tunay na maglilingkod. Kung gagawin pa rin natin ang dating gawi, at ihahalal muli ang mga maling uri ng tao, walang iba ang dapat sisihin kundi ang sarli na rin natin.
Hi Arvin,
I added you in my blogs. Exchange links tayo. Salamat!
URL 1: http://doctorsronline.blogspot.com/
URL 2: http://gino510.blogspot.com/
Very true! Wala tayo magaagwa talagang ganyan.Hay buhay.
Nice post again Arvs! Sana mabasa nila ito..
Happy Easter
Ang kapangyarihan ay nakakaadik daw .. kaya dik na yan sila! lulung sa kapangyarihan ....
Masarap kaya ang magkaron ng posisyon sa gobyerno, try mo kaya' hehehe. You'll taste what its like. Hay buhay politiks nakaka stress friend. You care but they don't. Kaya I don't care na rin.( I'll sell my vote na lang para magka pera. ) haha joke lang.
nako idol na idol ko talaga yung kanta ni GLOC-9 na UPUAN!
eeee.
politics.
komplikado.
nakakainis.
haha!
hi kuya arvin!
salamat sa palagiang pagbisita!
^ - ^
ginagawa na nila kasing propesyon yan jejejeje
@Jag..............oo nga eh..siguro masarap talaga ang nakaupo sa posisyon kasi may kapangyarihan kahit paano..ang sa akin lang naman kung halimbawa naka tatlong termino na ay tumigil na..pero iyong iba ay nagnanais pa uli tumakbo pagkatapos nilang bumaba sa puwesto pagtagal..minsan din nagiging dahilan sila para mahati ang boto..badtrip talaga ang ganun kasi ang nais patalsikin ang siya talagang mananalo..
@I am Xprosaic...........may punto ka rin..may iba talaga na ayaw nilang bitiwan ang politika ay dahil may nakukurakot talaga sila..ang iba naman ay nais pa talagang maglingkod sa bayan..at ang nais nila ay tapat talaga at may napupuntahan na maganda ang bayan..
@vonfire...............hehe..sana nga mabasa nila ito at ng matauhan sila na sana pagbigyan ang ibang mga nagnanais sa posisyon na siya naman ang maupo lalo na kung malinis ang kanyang hangarin na maglingkod..
@Mel Avila Alarilla.............dapat nga..pero hindi eh..halos ang mga politiko lalo na iyong halata talaga na nangungurakot ay ayaw na bumitiw sa puwesto..pagkatapos na maka tatlong termino ay magpapahinga muna o kaya bababa ng posisyon at muli tatakbo din sa nais niya..kaya nga maganda kung ang isang politiko dapat ay may bilang ng kung ilang taon lang ang pagserbisyo..kaso hindi eh..dapat gumawa ng batas na may limitasyon ang pag upo sa posisyon para rin maiwasang ang masyadong pangungurakot at pagkagahaman..
@Sendzki.............marami pong salamat sa sinabi mo........dapat nga talaga vote wisely talaga..pero ilang beses ng nagkakaroon ng eleksyon at laging may ganun na salita..pero wala pa rin magandang nangyayari sa pangkalahatan..
@darklady.............yup, kasi maganda talaga kung ang naglalaban ay dalawa lang..iyong isa ay ang incumbent na kinasusuklaman na nahalal at hindi naging maganda ang pamamalakad..at iyong isa ay mabuti ang hangarin atnais na patalsikin..pero kapag pumasok sa eksena ang dati na ring nag lider na hindi na nanalo dati ay tiyak mahahati talaga ang boto at mananalo ang incumbent..sa ganun ay kawawa ang bayan..at ang mga naninirahan..
@roanne.............sana nga mabasa ito ng mga traditional politician..ewan ko lang kung tumitiningin sila sa blog ko,hehe..talagang malaki ang epekto ng pera sa isang politiko..nadedemonyo talaga sila sa pera na madali lang mahawakan dahil nasa posisyon sila..
@Dr. Gino C. Matibag..............tama ka..paano ang mga taong muling nahahalal kahit ayaw na sa kanila ay namimili ng boto at ang mga botante naman ay nagpapabili..mabuti kung sa isang bayan ay puro mayayaman at ayaw magpabili..pero hindi eh..hindi ganun..sa isang bayan mapapansin mo talaga na sobra kalahati ng mga botante ay nais na magkaroon ng pera mula sa kandidato..ang sinasabi kong ito ay sa probinsya..tinatanggap nila ang pera kasi pera rin naman ng bayan iyon..at isa pa kahit paano ang ibibigay na pera para sila ang iboto ay nakakatulong din ng malaki sa kanila..ok..salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..add din kita..
@Anney..............wala nga tayong magagawa kasi hindi talaga natin hawak ang pagkatao ng lahat ng botante..kaya kahit tayo ay maghangad na ang maupong lider ay ang ating gusto minsan hindi pa rin nangyayari..
@eden.............thanks..sana nga may makabasa na politiko sa sinulat kong ito..
@ayu..............talaga pong maganda kung dalawa lang ang kandidato kasi makakapili ka ng iboboto na sa tingin mo ay ayos talaga..mahirap nga talaga kung tatlo o higit pa ang kandidato kasi madami kang pagpipilian..hindi ko pa iyon napapanood na palabas..
@Vernz..............siguro nga..parang sa droga din na nakakaadik,hehe..paano kasi kapag isa kang politiko ay may kapangyarihan ka sa anuman ang gusto mo lalo na kung nasa mataas ka na posisyon..
@Yen...........hindi ko alam kasi hindi pa ako tumatakbo sa isang posisyon sa gobyerno kahit konsehal lang..kahit nga SK ay hindi ko nasubukan noon..palagay ko masarap ang nasa posisyon kasi madami ang ayaw bumitaw sa tungkulin,hehe..ganun ba..ikaw talaga..tiyak magkakapera ka rin ngayong halalan kasi mamimigay ang ibang politiko sa inyong lugar,hehe..joke lang..
@gege...........hindi ko pa naririnig ang kanta na iyan..walang anuman iyon..salamat rin sa muli mong pagbisita sa blog ko..
Hi Arvin,
Maraming salamat sa pag-add mo ng blog sites ko. Cheers!
gino510
dito sa pinas marami ang nauuhaw sa kapangyarihan pero meron din namang pagkatapos manilbihan ay retired na sa pulitika tulad ni dating Senador Flavier.
Isa lang kasi ang dahilan kung bakit gusto pa nilang tumakbo ulit - PERA!!! malaki ang kikitain (or makukurakot) pagnahalal sila sa puwesto :)
Parang kilala ko tinutukoy mo jijijiji di lang iisa ang dami nila jejeje
sana naman totohanan na yan. baka kasi nagpahinga lang, hehehe...
@Dr. Gino C. Matibag...........walang anuman..salamat din sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..makakaasa ka na muli at muli ay mapupuntahan kita,hehe..
@Glampinoy............oo tama ka..pero ang mga iyon ay nabibilang lang..mas marami talaga ang hayok sa politika..
@fiel-kun............walang duda na karamihan na politiko ay iyon ang dahilan..tungkol sa pera ang nais talaga kaya gusto na mahalal sa posisyon na nais..
@donster..........hehe..ganun ba..madami nga sila..ang kilala ko ay hindi mo kilala..ganun din ako ang kilala mo ay hindi ko kilala..
@simply_kim.................haha.. sana nga totohanin na ang hindi talaga pagtakbo kahit sa mga susunod pang halalan kasi malayo na talagang manalo dahil may ginawang mali sa bayan,hehe..
@vin---oo nga eh....tingin ko sa susunod eleksyon pako makakapag vote wisely..inde ako registered T_T...pero sana nga ay umabot to sa kanila
@Sendzki..................ganun ba..akala ko ay bumuboto ka na..pansin ko kasi sa picture mo,hehe..vote wisely ha pag puwede ka ng bumuto..
Oo, marami ngang ganyan. Hay, mga pulitika talaga.
ingliwihalatang meron talagang hidden agenda!
KAINIS.
^ - ^
Post a Comment