"Minsan ang hustisya ay mahirap talagang makamtan lalo na kung ang nagbibigay ng hustisya ay panig sa isa. Nabubulag talaga ang batas lalo na kung kasangkot ang maimpluwensyang tao. Kaya minsan maganda na rin iyong gantihan na lang."
HUSTISYA
Ni: Arvin U. de la Peña
Ang hustisya ay huwag niyo ng hangarin
Na ito ay makamit
Dahil hindi niyo iyan makukuha
Lalo lang mag-iinit ang ulo niyo.
Ang nagbibigay ng hustisya
Kakampi ng kalaban niyo
Kaya wala kayong panalo
Gumanti na lang kayo.
Kung ano ang ginawa nila sa inyo
Ganun din ang gawin sa kanila
Kung kailangan mag ubusan ng lahi
Gawin ng walang pag-aalinlangan.
Huwag kayong matakot na mamatay
Dahil lahat tayo sa kamatayan rin mapupunta
Idaan sa kamay ang hustisya
Iyon lang ang tanging paraan.
Dahil sa kasalukuyang pangyayari
Ang hustisya ay binubulag ng pera
Kapag wala kang pera
Hustisya ay malabo mong makamtan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
43 comments:
totoong totoo....naman
Hi arv's! Andami ko nang utang sa'yo.. Pasensya na tlaga busy lng talaga ako... But I appreciate all your visits talaga... I miss reading all your poems... Someday mkakabawi rin ako...
you are right..
bag o r ko kabalik bosing cnxa na medyo busy lng hehehe...
Tama ka pero tana kanunay mudaog ang kamatuoran...ang hustisya...
Huwag naman kaibigan. Nakakatakot naman ang panukala mo. Tutuo, bulag ang hustisya sa marami nating kababayan, lalo na yung mahihirap, subalit meron namang matuwid na hustisya ang Diyos na hindi nakapikit ang mga mata. Tatanggapin nang mga yumuyurak sa hustisya at nangaapi sa mahihirap ang paghuhusga nang lunduan nang hustiya sa sansinukuban-ang Panginoon. Tunay na nakapanlulumo na pinayagan nang acting Justice Secretary Agra na mapawalang sala at palayain si Gov. Zaldy Ampatuan nang ARMM at pinsan niya. Sa talamakang pagyurak nang kalihim sa sense of decency and fair play, ay mismong mga prosecutors niya sa DOJ ang nag walk out at tumangging isubmit ang plea of no probable cause nang dalawang akusado sa korteng lumilitis sa kanila. Hindi maipagkakaila ang kamay nang Malacanang at PGMA sa kasong ito. Me kapal pa nang mukha si Gary Olivar (spokesman nang Malacanang) na tawaging obscene ang paratang na nagdadawit kay PGMA. Ito'y matapos katigan nang Korte Suprema ang karapatan ni PGMA na mag appoint nang bagong Chief Justice kapalit nang magreretirong Chief Justice Reynato Puno nang Korte Suprema. Halatang me niluluto na namang oplan ang Malacanang sa Mindanao para sa nalalapit na halalan. Pero hindi natin dapat ilagay sa ating mga kamay ang batas at basta gumanti na lamang hanggang magkaubusan nang lahi gaya nang panukala mo. Kung ganito ang gagawin natin ay para na rin nating sinabing inutil ang Diyos na magpatupad nang tunay na hustisya at reporma sa ating bansa. Hindi baga't parang walang katapusan na rin ang pamamayagpag nang mga Marcoses nuong dekada 60s, 70s at kalahatian nang 80s, pero nakialam ang Diyos sa pamamagitan nang mga tao na nagpatalsik sa diktadurya nuong 1986. Magtiwala lang tayo na iaaahon din tayo nang Diyos sa paninikil at lantarang pagwawalang hiya ni PGMA at mga alipores niya sa mga Pilipino at bansang Pilipinas. Salamat sa mabuyo mong tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
Tama naman si Kuya Arvin eh. Ang mga may kapangyarihan kasi e hindi malakas ang loob kasi kaya nila yung mga gaya nating poor.
http://noblevengeance.blogspot.com/
http://netleick.blogspot.com/
tama naman na sa panahon ngayon eh pera pera na lang
pero on the other side, parang masyadong nega naman pag ganun ang gagawin natin na gagantihan nalang natin ng pisikalan
pero kung iyon na lang talaga ang paraan edi go
GANTI (revenge) does not bring anyone any good...
...because in the end, you still will not find the peace that you want while you burn in hell in thinking like the devil!!!
PUT IT IN GOD'S HAND and find peace.
I think i agree with Jenie. Just pray it to the lord. And he will bless us the peace and the justice.
Jules
Soloden.Com
The Brown Mestizo
very well said. ;)
Kaibigan, tumpak! Si Batman na bahala sa atin .... nice write again .... salamat sa Dalaw ... o wait ... di na ako naniniwala sa Hustisya.
check :)
ello check my manila tour :)
@Sendo...............salamat at sumang ayon ka sa sinulat kong ito..may mga ganito rin talaga kasing pangyayari..lalo na sa ngayon..kung ano ano ang maririnig mo sa mga balita ng tungkol sa hindi patas na pagbibigay ng hustisya..
@kathy..........ok lang po iyon..gaya ng sabi ko sa iba kapag ng blog hopping ako halos lahat na nasa blog list ko ay puntahan ko..siyempre kasama ka..
@Prettymom.............yup,.....
thanks po sa iyo..kung walang pangyayari na katulad ng sinulat ko ay siguro hindi ako makapagsusulat nito..
@Jag...............walang anuman iyon..ok lang..kailan po mangyayari ang ganun na mananaig ang katarungan palagi..manaig man ang katarungan ay minsan lang..pero kung ang kasangkot ay malaking isda ay ang mali talaga ang mananaig..dahil sa takot sa malaking isda..o di kaya ay binayaran..
@Mel Avila Alarilla...........hindi naman sa ganun na nag uudyok ako na gantihan na lang..pero talagang ang iba na mga tao ay dinadaan na lang sa kanilang kamay ang pagbibigay ng hustisya kasi mahirap nilang makamtan ang tamang hatol kung idadaan pa sa korte..hindi rin ako sang ayon sa naging desisyon ng DOJ kasi halata naman talaga na nakaplano na ang gagawin para sa mga biktima..ewan kung ano ang pumasok sa isip at iyon ang naging desisyon,hehe.........ngunit kung anuman ang pasya ng bawat isa ay dapat nating igalang kasi desisyon niya iyon..kahit marami ang nasaktan sa naging desisyon ng DOJ ay wala tayong magagawa kundi tanggapin na lang..tingnan mo sa mga bilangguan..marami doon ang preso na ang kanilang kaso ay napakatagal na at hindi pa nadedesisyunan..sa kulungan na lang sila tumatanda..ang iba ay inakusahan lang kahit walang kasalanan..
@engr.kemm.coe............dito sa atin kapag ikaw ay makapangyarihan ay mahahawakan mo talaga ang batas..pati na rin ang nagbibigay ng hustisya..kaya iyon ang hindi nakakaganda sa utang na loob..kasi kung may utang na loob sa isang tao ay dadating ang time na hihingan ka rin ng tulong ng pinagkakautangan mo ng loob..
@Renz..............pera na nga lang ngayon..kapag ang isang tao nabigyan ng pera ay tumitikom na lang talaga ang bibig..pero may iba din na matapat talaga ay sinisiwalat ang tungkol sa mga panunuhol..may mga pangyayari na rin siguro na ang ginagawa ay gantihan na lang..dahil sa pera ang tama ay puwedeng maging mali at ang mali ay puwede na maging tama..
@JENIE..................para sa akin ang pagganti ay okey lang iyon..kasi kung hindi ka gumanti ay patuloy kang yuyurakan ng tao na umabuso sa iyo..dapat talaga kapag ikaw ay inagrabyado ang gawin ay gumanti nalang para patas..
@Jules....................ah ok..ilang taon na rin na laging may mga ganun na salita pero may mga pangyayari pa rin na hindi talaga katanggap tanggap lalo na iyong mga pangyayari na may kaugnayan sa politika..
@Vanny...........thank you very much..you have also a nice blog..
@Vernz.....................pati si robin dapat bahala na rin,hehe..nabawasan na ang pagtitiwala ko sa pagbibigay ng hustisya..kasi iyong mga maimpluwensayng tao ay malaya pa rin na nagagawa ang gusto..
@itsyaboykorki..........thanks at you agree for this..
Tama ka arvin, grabe na talaga sa bayang ito.. =(
waaaaaa...tumpak! parang revenge nalang ang sulosyon....:)
Salamat sa pagbisita! It has been a long while since last na visit ko sa blog mo.
http://itssewtasticmama.blogspot.com/2010/04/green-bag-ladys-40th-earth-day-freebie.html
justice on earth isn't justice at all. but in the end, only God's justice shall prevail!
Aww... at some point medyo tama ka pero naniniwala pa rin ako na dapat dumaan lahat sa tamang proseso at huwag mong ilagay sa iyong mga kamay ang batas.
Sa mga nagmamalabis at umaabuso sa kapangyarihan, makakarma din sila lolz!
tama ka dyan ang hustisya minsan para mga mayayaman lang.
kung bulag man ang hustisya bahala na ang dyos ang magpurasa sa mga taong nagkakasala.
i agree with u arvin, i am disillusioned too with our present justice system. but we may not know it, it has been rotting all these years, it only smoke now.
Wah! Masyado namang negative yung tula... Hindi naman laging pag may pera nakukuha ang hustisya. Kahit din ang mga mayayaman na kayang ibigay lahat, hindi pa rin nila nakukuha ang hustisya para sa mga taong mahal nila. Sabihin na lang natin na tinatamad lang sila at walang improvement ang sistema natin.
@KUMAGCOW.............hindi lang grabeh,hehe..malala pa..lalo na iyong maimpluwensya talaga..kahit halata na sila talaga ang may kasalanan at may ginawang labag sa batas ay hindi pa rin maparusahan..
@Dhemz.............yup, kasi hihintayin lang ang desisyon sa korte ay matagal pa..at isa pa baka hindi makamit ang hustisya..alam mo naman minsan ang batas ay may pinapanigan..
@inday_adin.............walang anuman iyon..pasensya na rin kung minsan ko na lang madalaw ang blog mo..medyo nakakalimutan ko kasi,hehe..but now siguro ay lagi na kitang mapupuntahan..kumusta ka naman diyan..
@rarejonRez................kahit noon pa naman ang hustisya ay hindi para sa lahat..kasi may mga tao na nabibigyan ng tamang hustisya at mayroon naman hindi..sa madali pong salita ay hindi pantay pantay ang pagbibigay ng hustisya..
@fiel-kun.............minsan kung idadaan talaga sa tamang proseso ay matagal pa bago lumabas ang desisyon..matagal bago matanggap ang hustisya......ang iba ay nabubulok na nga lang sa bilangguan pero sila ay hindi pa nasesentensyahan kung may kasalanan ba talaga sila o hindi......ang iba na nilalagay na lang sa kanilang kamay ang batas ay para makaganti agad..at isa pa medyo naniniwala sila na hindi nila makakamtan ang tamang hustisya kaya gumaganti na lang sila sa kalaban..
@MitsuMikotoChstr.............may hustisya rin sa mahirap..kaya lang mahirap nilang makamit iyon..iba kung mayaman talaga kasi kaya nilang magbayad para mapabilis ang kaso..
@imelda..............kahit noon pa man ang hustisya na tama ay hindi para sa lahat talaga......siguro ngayon lang ito nag usok kasi may mga balibalita na ang isang akusado ay pinapawalang sala sa kasong murder,hehe..
@Meg..............oo may mayaman na hindi nakakamit ang tamang hustisya kasi paano ang kalaban nila ay mas maimpluwensya sa kanila..iba pa rin kung maimpluwensya talaga o kaya may tinatanaw na utang na loob ang nagbibigay ng hustisya kasi tiyak papabor sa iyo ang desisyon..
isa lang ang masasabi ko
we can always hope for change but it's always just a bleak...of our imagination..
ika nga...la na tayong magagawa kasi tiwala na talaga lahat dito sa pinas..
lumaki na sana mga students ko..wahahahah
sana naman maging fair na ang judicial system dito sa bansa. haaays
Post a Comment