PAGKAKAMALI
Ni: Arvin U. de la Peña
Dapat kumakandidato ka na lang uli
Para talaga nalaman ng mga tao
Na ikaw ay walanghiya
Nagpupumilit pang manalo kahit ayaw na sa iyo.
Ang ganda ng imahe mo noon
Naging mabuti ang bayan dahil sa iyo
Tiningala ka dahil sa maganda mong pamamalakad
Ngunit ikaw rin mismo ang sumira.
May ginawa kang hindi kanais-nais
Ang bayan mong pinaganda
Para mong inilako sa isang politiko
Na ngayon ay hindi mo na mababawi pa.
Kahit ano pa ang gawin mo
Wala ka ng magagawa pa
Kundi ang magsisi na lang
Sa napakalaki mong pagkakamali.
Mga magaganda mong salita
Hindi na iyan pakikinggan
Huwag ka na lang sumuporta
Sa ibang kandidato dahil basang-basa ka na.
24 comments:
mahirap talaga pag nagkamali ang isang tinitingala...mahirap bawiin ang tiwalang basta-basta na lang nawaldas dahil sa isang maling galaw...
pakapalan nalang yata ngayon ah...mga tao din naman minsan patangahan na rin...di natututo eh. Woot!!!
Maaaring sa politika ay mahirap nang bumangon ulit ang isang politikong minsan nang pinagkatiwalaan pero gumawa nang lisya at hindi na muling pinagkatiwalaan pa. Pero sa buhay ay may pagkakataon palaging ituwid ang mga nagawang pagkakamali. Sabi nga sa Bibliya, "kung sinong walang kasalanan ay siyang maghagis nang unang bato." Sa tunay na buhay ay wala tayong karapatan na humusga nang kapwa dahil ang karapatang iyan ay para sa Diyos lamang. Sabi ulit sa Bibliya, "huwag kang humusga para ikaw ay hindi mahusgahan." Ang importante kapag tayo ay nagkamali o nagkasala ay humingi tayo nang kapatawaran sa Diyos at sa taong ating pinagkasalahan at tayo ay patatawarin. Salamat sa madamdaming tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
napaka TIMELY talaga ng tula mo, ha?
isa na namang obra kaibigan. okay lang ako sobrang busy lang talaga. Lam mo naman mamuhay dito sa U.S hindi biro. salamat sa lagi mong pag dalaw sa blog ko. sana maganda ang buong linggo mo. God bless :)
Minsan yung kahit mali na yung tinitingala, nagbubulagbulagan pa yung mga humahanga kunwari ok lang sa kanila yung ganun.nuh????
@Sendo..............tama ka diyan..kasi kapag nagkamali na talaga at matalo sa halalan ay mahirap na siyang manalo pa uli..dahil ang papalit sa kanya ay pagbubutihin talaga ang pagserbisyo para siya pa rin ang manalo..
@Bing............may punto ka..kasi ang ibang mga politiko ay makapal talaga ang mukha..kahit ayaw na sa kanila ng kanilang mga kababayan ay tumatakbo pa rin sa halalan.......ang gagawin para sakali manalo ay mamigay na lang ng pera..isang halimbawa ng politikong makapal ang mukha ay iyong pinapatakbo lang sa halalan para magiba ang isang politiko..ibig kong sabihin ay para mahati ang boto at manalo pa rin ang isang maimpluwensyang politiko..
@Mel Avila Alarilla..............kung sa isang tao lang ay puwede pang patawarin ang isang politiko na nagkamali..pero kung buong bayan ang naapektuhan dahil sa may ginawa siyang mali ay mahirap siyang mapatawad..kasi buoong lugar ang apektado sa ginawang kamalian..ang isang politiko mahirap para sa kanila na umamin sa mga nagawa nilang kamalian..mahirap po sa kanila iyon..mabuti pa nga ang isang kriminal umaamin sa kanilang kasalanan..pero ang politiko ay hindi..kung mayroon man kaunti lang..
@simply_kim..............oo kasi malapit na ang halalan......ang sinulat kong ito katulad ng iba pa na napost ko na dito ay ang iba naisulat ko december pa..dalawa na lang yata ang ipost kong tula na may kaugnayan sa halalan bago mag botohan na..abangan mo ang tula na last week ko lang sinulat na ang pamagat ay AKING IBOBOTO..
@Sam............salamat sa iyo..ganun ba..walang anuman iyon..talagang lagi kitang mabibisita kasi ganun ako kung mag blog hopping..halos lahat na nasa blog list ko ay mapuntahan ko,hehe..
@engr.kemm.coe...........ang mga ganun na tao ay iyon ang mga tagasuporta ng politikong may mali ang ginagawa..sila iyong mga nabibiyayaan ng politiko..dahil sa politiko ay may nakakain sila kaya okey lang sa kanila kung may gawin mang mali..kung magreklamo kasi sila ay mawawalan sila ng pagkakakitaan..ang mga tao na nagbubulagbulagan lang madala ay iyong mga empleyado ng politiko..
Pards taga tacloban ka pala? alam mo pa magwaray? taga n.samar ako.
pareho din tayo mahilig gumawa ng tula. cguro nasa lahi na natin to heheeh
Good luck sayo! Sulat ka pa...
ayay! another direct to the point na tula....:)
totoo yan. i think dapat ang mga politiko magkaron ng delikadesa na bumaba pag kailangan at hindi magpadala sa udyok ng iba. konsyensya naman nila ang magsasabi na mali sila e.
ldspinay
kcatwoman
Yan ang sinasabing mahirap bawiin ang nasirang tiwala.
Jules
Soloden.Com
The Brown Mestizo
Oy arvin, dapat kanta sayo " walang kadala dala" hehe tapang mo talaga. na sige ka pa din pag himo hin mga sugad hini nga blog.Baga man daku tim galit ha mga politicians, hmmm.. naiintriga ak ha im tuloy.
@YUCO...............yup, alam ko ang pag waray kasi waray ang salita dito..ganun ba sa samar ka..saan ka na lugar sa samar.............pansin ko nga sa blog mo mga tula rin at kuwento..good luck din sa iyo..
@Dhemz...................ganun ba..medyo kasi malapit na ang halalan,hehe..pero totoo talaga na may mga ganun na pangyayari talaga..kapag nawalan ng tiwala ang mga tao sa kanilang naging pinuno sa isang bayan ay mahirap na talagang maibalik ang pagtitiwala uli..kaya dapat habang nakaupo sa posisyon ay be careful talaga sa mga desisyon..kasi baka di sang ayon ang mga kababayan..
@kcatwoman............ang mga ganun na politiko na kusang di na lang tatakbo kapag alam nilang mahirap na silang manalo ay bihira lang..ang isang tao kapag pumasok na sa larangan ng politika at doon may mga nakukuha siya ay muli babalik balikan niya iyon..pansinin mo madami pa ring mga politiko na matatanda na talaga..kahit nga lampas yata 80 ang edad ay tumatakbo pa sa halalan..
@Jules.................oo..ganun nga..kapag pinagkatiwalaan ka na ng mga kababayan mo dapat ay hindi masira talaga ang pagtitiwala kasi mahirap na iyon na maibalik kasi buong lugar ang naapektuhan..
@Yen...............isa lang itong sinulat katulad rin ng mga nababasa na mga artikulo sa mga diaryo..ang mabasa sa diaryo ay malupit pa nga kaysa dito..at isa pa doon sa diaryo ay may tinutukoy talaga na tao..wala naman po ako masyado galit sa mga politician..natutuwa nga ako sa kanila kasi sila sila nagbabatuhan ng kanilang mga baho,hehe..
taga calbayog&catarman parents ko, pero dito na ko manila nakabase. Ayos a puro election topic mo dito! may account din ako sa FW.
sige pade maupay nala na aga sa imo dda!
I agree with dhemz, direct to the point itong tula mo. Sana mabasa ito sa lahat. Thanks for sharing Arvs.
Malapit na ang elekyon, ready ka na ba who you're going to vote? Pwede kaming maka vote but I haven't decided yet?
Post a Comment