"Marami po ang nagkagusto sa sinulat kong tula na ang pamagat ay Ballpen na dapat talaga ay bigyan din ng halaga. Dahil doon ay nagpasya ako na magsulat naman sa kapares ng ballpen at ito nga ang papel. Pagbibigay din po ito para sa request ng kaibigan din dito sa blog. Nagrequest siya sa akin sa pamamagitan ng tagboard ko."
Mary Ann: PAPEL
Ni: Arvin U. de la Peña
Ikaw ay manipis lang na bagay
Ngunit napakalaki ng iyong halaga
Dahil ikaw ang sinusulatan
Nang kung anuman ang nais isulat.
Papel maraming salamat sa iyo
Isa kang malaking dahilan
Kung bakit ang mga tao
Natutong magbasa at magsulat.
Anuman ang isinusulat sa iyo
Maging ito man ay nakakasakit sa kapwa
Ayos lang talaga sa iyo
Wala kang pakialam anuman basahin sa iyo.
At ako bilang isang gumagamit rin sa iyo
Hindi naman kita masulatan
Ang hugis mo ay di ko makakalimutan
Lagi pa rin kitang maaalala.
Dahil ikaw na papel
Marami rin akong pinasayang tao
Pagkat pinapabasa ko sa iba
Sinulat mula sa iyo katulad ngayon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
32 comments:
Base!!! jejejeje wow ang galing mong makata! kakabilib ka talga... "Sa bukid walang papel... ikiskis mo sa pelapel..." jijijijii
Yan ang papel ng PAPEL hehehe...berinays bosing!
This is a good poem arvin, kung nagtuturo pa ako ngayon i could have share this ko my grade 1 pupils.
parang unconditional love lang eh... nagpapagamit ng walang hinihintay na kapalit.. kasi nga yan ang PAPEL nyan sa mundo. buti pa ang papel, MAY SILBI.
I admire poets kuya.. minsan na lang mga taong mahilig dyan eh... napagisipan mo na din ba na ilagay lahat ng ito sa isang libro? maganda sana noh? ayun bumisita ulet ako... kamusta na po kayo?! Bisitahin nyo naman ako parang awa nyo na LOL :) http://www.kumagcow.com
Ang papel ay talagang napakahalaga sa buhay nanag tao. Nuong hindi pa nauuso ang papel ay isinusulat nang tao ang nilalaman nang kanyang isip sa balat nang hayup, sa bato at kung ano pa mang bagay na pwedeng pagsulatan. Ngayon makabago na nga ang teknolohiya sa pagsusulat dahil pwede na sa computer at napapadala agad sa email. Subalit hindi pa rin maiiwasan nang tao na gumamit nang papel sa kanyang pagsusulat. Salamat sa tula mo tungkol sa papel. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
Papel. Walang halaga. Pero kapag liham mo ay naisulat mo na, magbibigay ito ng saya. :)
Ang ganda nga tula mo, Arvin. :)
Have a happy weekend.
as always nmn talaga. walang duda magalin g ka! kaya nmn two thumbs up!
waaaaaa....another impressive poem...keep up the good work!
@donster..............salamat sa sinabi mo..di naman yata ako magaling..mas may magaling pa..trip ko lang magsulat ng mga ganito..may papel sa bukid pero ibang klaseng papel,hehe..
@Jag............thanks po..lahat tayo naman ay nakasulat sa papel kaya nararapat lang talaga na magsulat ako ng ganito..
@Mama Ko............ganun ba..bakit di ka na nagtuturo.......retired ka na ba sa pagiging teacher,hehe..puwede mo naman ito ipabasa sa mga kaibigan mo kung sakali na humarap kayo sa computer,hehe..joke..
@simply_kim...............tama ka..kasi ang papel ay isang bagay lang..hindi nakapagsasalita,hehe..pero kung nakapagsasalita lang siguro ang papel siguro sasabihin niya na ang isulat ay iyong tama lang at walang anomalya..lalo na ngayong darating na halalan..sa papel rin tayo boboto..
@KUMAGCOW...............medyo napag iisipan ko na rin ang ganyan na ilagay sa libro itong mga sinulat ko..pero matagal pa siguro na mangyari iyon..kasi kaunti pa lang..di pa nga umaabot ng 500..baka pag lumampas na ng 1,000 ang naisulat ko..puwede na siguro iyon..oo bisitahin kita..
@Mel Avila Alarilla..........tama ka..wala pa ngang papel noong unang panahon..kaya ng maimbento ito marami ang nasiyahan kasi puwede na silang makasulat ng hindi sa dahon o sa bato..hanggang sa pagtagal ay naging high tech na nga dito sa mundo..sa computer na lang ang pagsusulat at pagpapadala ng mensahe..
@Hi I'm Grace..............tunay ngang nakapagsasaya sa atin kapag may natatanggap tayong sulat lalo na kung galing sa ating minamahal..
@tim.............hehe..salamat naman kung ganun..marami pa naman ang mas magaling sa akin,hehe..
@Dhemz................thanks..nag plaplano ako nga magsulat na ang pamagat ay aqua bendita..di pa ako nag uumpisa kasi madami pa akong naka save sa email ko na hindi pa napopost..
Wow! ang galing mong poet Arvin. Akala ko nalimutan mo na ang request ko. Sayang bakasyon na, pero ma share din ng mga teachers ang tulang ito sa darating na pasukan. I am so proud of you friend. Thank you so much for a job well done.
Wow, nice poem. Galing mo talaga Arvs..
Can I Have a comment here. When you cut down lines in a paragraph and make it into a form of a poem, that is not poem at all.
However, there is a FREEVERSE poem so I guess that is the thing you are using.
That is fine. Good
@ayu...............dami ngang puno ang napuputol makagawa lang ng papel..ang puno na iyon kung lahat nasa bundok ay makatulong sana na makapigil sa pag landslide,hehe..ok tingnan ko ang latest post mo..
@Mary Ann..............di ko malilimutan ang request mo kasi copy paste ko iyon at save sa email ko..kasi kung hindi ko save ay baka natabunan na masyado sa tagboard ko..salamat naman kung ipabasa mo sa darating na pasukan sa iba ang tulang ito na request mo..
@eden................thanks po sa sinabi mo..
@Soulhunted............read my other writings here in my blog.......no time for you to argue because you have no blog at all..
Weh... sayang ang papel... dami puno napuputol dahil sa paggawa nito... kaya maginternet na lang.... jowk!
Nice Poem!!
papel ang galing ☺
oo nga, napakahilig ni arvin dyan. :]. keep it up arvz
@I am Xprosaic......hehe..oo nga ano..mabuti pa ang mag internet na lang at mag blog o kaya kung ano pa..madami pa makilala na mga taga ibang lugar..
@Anney..............maraming salamat sa sinabi mo..kumusta ka naman..
@itsyaboykorki.............ganun ba..ikaw din naman magaling.....
@Glenn Kun.............di lang ako kundi lahat na mahilig magsulat ay mahilig sa papel..kasi ako minsan sa papel ako nag susulat ng ipost sa blog..ikaw din siguro ano,hehe..
Post a Comment