BOTANTE
Ni: Arvin U. de la Peña
Ang mga botante sa isang bayan ay tuwang-tuwa
Kasi ay maghahalalan na
Binibigyan kasi sila ng pera ng mga kandidato
Para sila ang iboto.
Silang mga botante ay ayos lang
Kung maghirap man ang kanilang bayan
Dulot ng mga politikong ibinoto nila
Kasi binayaran naman sila.
Ang kawawa lang ay ang mga anak nila
Mga anak na hindi pa bumuboto
Dahil sila ang tunay na naaapektuhan
Sa bilihan ng boto sa halalan.
Kung hanggang kailan ang ganun
Kapag nagkakaroon ng halalan
Iyon ang mahirap alamin
Sapagkat nakasanayan na ang pamimili ng boto.
42 comments:
kaya nga vote wisely... :)
Accept the money don't vote for them!
Magkaroon sana kayo ng mapayapa at malinis na botohan. Sayang at wala ako dyan. :(
I think i need to agree with Manang Kim. Just accept the money they are giving away. We need right?! =D But pls, still vote for the deserving person. =D
Jules
Soloden.Com
The Brown Mestizo
TAMA---that's the sad part about politics in the Philippines...kaya ako---mas gusto ko ng dual-party system ng US......2 lang na major parties and malinaw ki=ung saan galing ang mga contributions para walang under the table business.....
weird, yung botanteng corrupt, ayaw sa politikong corrupt!
ay nako tama ka dyan.. dapat palitan na rin ang system ng pangangampanya.. sino pala boboto mo?
korek ka diyan kaibigan, kaya kilatising mabuti... pero tama din si Manang Kim, total naman pera ko din yun ... tangapan ko na ... wag iboto..
naku, tumugma sa akin ang post mo parekoy.. apir!
Naku sa totoo lang hopeless case na para sa akin ang bayan natin dahil sandamakmak ang corrupt o kung hindi man corrupt naku sobra sobra ang pera na winawaldas ng mga nakaupo sa gobyerno... Kaya di ko alam kung may iboboto pa ba ako...
people should vote for the deserving candidates, vote wisely! ;)
thanks for dropping by and leaving a comment on my post by the way! :D
hhahaha....natatawa ako kay ateKim....accept the money daw but don't vote for them....lol!
ganon naman talaga ang politika sa pinas....lahat binibili...I can attest that kasi my family is a politician....lol!
Talamak na sakit na talaga nang Pilipino ang pagbebenta nang boto at ang sinasabing patronage politics. Kung minsan naguumpisang tapat sa panunungkulan ang isang halal na pinuno nang bayan subalit kapag lumapit na sa kanya ang kanyang mga kababayan para sa kung anu anong kadahilanan ay maguumpisang masira ang kanyang prinsipyo na maging malinis sa panunungkulan. Maraming hihingi kasi sa kanya nang tulong para sa KBP- kasal, binyag at patay at kung anu ano pang pangangailangan. At ini expect nang mga botante na matutugunan nang isang halal na opisyal ang lahat nang kanilang pangangailangan kaya't sa dulo ay gagawa na rin siya nang paraan para matugunan ang pangangailangan nang kanyang mga kababayan. Kung hindi ay imposible na siyang mahalal na muli. Ang karamihan kasi sa mga botante ay pangsariling kapakanan lang ang hangad. Mabait ang tao habang siya ay natutulungan kesehoda kung saan nanggagaling ang ipinantutulong sa kanya. Kaya't paano titino ang pulitika sa ating bansa kung ang mismong mga botante ang dahilan sa pangungurakot nang mga opisyal. Kailangan nating lahat nang isang moral revolution na magpapabago sa makasariling prinsipyo nating lahat. Salamat sa makabuluhang tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
what else is new?...sana naman matauhan na ang ilang kababayan nating gumagawa nyan!
and plz wag ng iboto ang mga trapo!!!
@Chingoy.................bawat halalan ay lagi na lang dapat mag vote wisely..kahit ginagawa iyon hindi pa rin tayo minsan kuntento sa serbisyo ng ibinoto natin dahil sa may mga anomalya minsan na ginagawa..
@Manang Kim....................ganun minsan ang ginagawa ko..tumatanggap ako ng pera pero kapag di ko siya gusto ay hindi ko ibinoboto..
@HiI'm Grace..............sana nga..pero parang malabo yata..lalo na ngayon na automation..di pa nga nag uumpisa ang halalan parang magulo na kasi baka daw magkaroon ng failure of elections..
@Jules..................ganun naman talaga ang ginagawa ng iba..kahit ako ay ganun din..tanggapin na lang ang pera kasi bigay iyon eh..nakakahiya naman kung hindi tanggapin,hehe..minsan ang karapat dapat na iboto ay walang pera panggasto sa halalan kaya natatalo..mahalaga din kasi ang pagbili ng boto kahit paano..
@pusang_kalye..............maganda nga sa amerika kasi dalawa lang ang kandidato..hindi nakakalito sa mga botante..kapag hindi nais ang isa ay tiyak na ang panalo ng isa..di ito sa atin kapag ayaw natin sa isa ay puwede pang manalo kasi mahahati ang boto..paano ay inaayawan na politiko ay may mga tagahanga din..kapag marami kasi ang kandidato ay nahahati ang boto para sana sa isang politiko lang..
@Chyng...................hehe..vice versa ganun..haha..ang mga botante na corrupt ay kinokorapt din ang isang politiko,hehe..hinihingan ng hinihingan..ang mga lider ay jackpot talaga lalo na kung bumubuhos talaga ng pera ang kandidato..kasi ang lider ang pinagkakatiwalaan ng politiko at sa ganun ang lider ang inuutusan na siyang bumili ng boto sa mga botante..minsan may lider na hindi lahat ng botante binibili..sa ganun ay may nakukuha na pera ang lider..
@Bambie dear...............mahirap mapalitan ang sistema ng pangangampanya kasi nakasanayan na iyon..ang mga susunod pang mga politiko ay ganun ring sistema ang gagawin..di ko pa alam kung sino ang iboboto ko..pag iisipan ko pa kung sino talaga ang karapat dapat..
@Vernz................dapat ngang kilatasin na mabuti......pero minsan may lugar na ang tumatakbo ay kahit anong kilatis ang gawin ay hindi talaga karapat dapat na manalo..pero nananalo pa rin sila kasi walang ibang kandidato na mabuti talaga..ibig kong sabihin sila sila na inaayawan pa rin ang naglalaban laban sa halalan..
@tim.................ganun ba..ang post mo kasi ay may kaugnayan din sa politika..nagkataon lang siguro,hehe..pero ang mga susunod ko pang post hanggang sa maghalalan ay may kaugnayan talaga sa politika..nakaplano na iyon..ang iba ay sinulat ko pa noong december..katulad nito na post ko ngayon..december ko pa ito ginawa..naka save ito sa draft sa email ko..marami..
@I am Xprosaic..................tama ka diyan..napakalaki kang halaga ang nagagasto ng isang politiko para sa halalan..kaya nga kapag hindi siya nanalo ay tiyak malungkot talaga kasi malaking halaga ng pera din ang nawala sa kanya..pero kung manalo naman ay babawi na lang sa pag corrupt sa pera ng bayan,hehe..
@nice....................oo nga..pero minsan mahirap ng pumili ng karapat dapat talaga..kasi may mga halalan na nagdaan na binoto natin siya kasi karapat dapat..ng manalo na ay nag iba na..kinamuhian na..sana nga mayroon pang politiko na hanggang sa huli ay mabuti talaga ang hangarin sa bayan na nasasakupan niya..walang anuman iyon..salamat din sa iyo..
@Dhemz...............ic..nasa politika din pala ang pamilya niyo..pero ramdam ko na mabuti kayong pamilya na nasa politika..ganun po minsan ang ginagawa ko..tinatanggap ko ang pera pero hindi ko ibinoboto ang nagbigay kasi hindi ko gusto..
@Mel Avila Alarilla............maraming salamat sa mga sinabi mo..tama ka na ang isang botante hanggat may nakukuha siya sa isang politiko ay mabait talaga siya..pero kapag wala na ay kung anu ano na ang sinasabi laban sa politiko..may mga botante talaga na sinasamantala minsan ang kabaitan sa pagbigay ng tulong ng isang politiko..ang isang politiko minsan nangungurakot sila para rin sa kanilang mga tagasuporta..bibigyan nila ng kung ano..tutulong o ano pa kapag sila ay nilapitan..siyempre pera ng bayan ang ibibigay minsan na tulong..
@vonfire............parang walang bago..ganun pa rin..ang bago lang sa ngayon ay automated ang halalan..ewan kung magtatagumpay talaga iyon..paano na lang kung mag brownout..o masira ang machine..dapat nga mga bago ng pasok sa politika ang mauupo..pero di maiiwasan na may makasamang trapo talaga..ang mga trapo kasi tested na sila sa halalan,hehe..
Napadaan lang... maganda kaibigan ang isinasaad sa tula mo tungkol sa isang sakit ng ating sistema sa pilipinas. medyo bitin lang ako kaya idadaan ko nalang sa tanong. Sa palagay mo may solution pa ba sa problemang ito? sa paanong paraan mababago ang isipang nakatatak na sa mga "Botante"? sasabay nalang ba sya sa sistema?
walang lang.. pwedi rin naman hindi mo sagotin un. Maraming salamat.
sino ang iboboto mo?
kahit gaano pa kagaling ang iboboto natin kung hindi rin tayo magbabago, nothing will happen to us. we will be like what we are today. napag iiwanan na tayo. dinagdagan pa talaga ng supreme court natin. nakakahiya na talaga. naturingan pa naman sanang pillar of morality eh ang daming ginagawa na di mganda. nakakahiya mang aminin nasa korte din ako nagtatrabaho pero ganun talaga.nagpapasarap cla kami naman nasa ibaba kawawa kahit desenteng courtroom wala. aircon sira sira. just try to read marites vitug' Shadow of Doubt so you will know what i am talking about.
wait, am i still commenting or making a blog post? hahaha! sorry nadala ng damdamin eh.
check out my blogs too.
http://themountainsings.blogspot.com
http://scribblingmoments.com
Bribery yata tawag sa ganyan. Anyway matatalino naman tayong lahat, Ang akin lang din, vote wisely guys.
Maraming ganyan!! Grabe talaga!
hay, so far wala pa namang nakabili ng boto ko pero kung meron man, i would definitely accept the money. sira na lang yung kandidatong aasang iboboto ko sya.
nawawalan ng integrity ang isang tao kapag tinatanggap ang money pero hindi bumuboto...it's the same story..just don't accept and don't vote!! lol! heheh..sorry no offense meant..just speakin my thoughts (sorry nasa english rin...:(
kahit anong system pa yan...i don't think it will make a difference..kahit nga sa U.S. meron pa ding mga tao na di sang ayon sa gobyerno nila...i guess it all goes down to being unified and being nationalistic enough to make your country stand proud :D
talaga namang nakakasilaw ang kayamanan at power na makukuha ng mga politiko pag nasa gobyerno kaya naging corrupt cla..kaya nga mas na aapreciate ko pa ung mga taong hindi kailangang tumakbo sa halalan para paglingkuran ung sambayanan :)
sorry sa english..heheh...
@YUCO................sa palagay ko wala ng solusyon..dahil sa may mga bata pa ring mga politiko na gumagawa na ng ganun..at hanggang sa pagtanda nila na sila ay tatakbo pa rin sa halalan ay ganun pa rin ang gagawin..at ang susunod sa kanila lalo na kung sa pamilya rin nila ay ganun din ang gagawin..mamimili ng boto para manalo..gumaya din sila sa mga nauna ng politiko..sa mkatuwid ay ginagaya ng isang politiko ang ginawa ng nauna ang paraan para manalo sa halalan..kasi sa ngayon kung hindi ka bibili ng boto ay mahirap kang manalo..dapat talaga may kasamang pera kung ikaw man ay naghahangad na kumandidato..sasabay na lamang po sa sistema kasi iyon ang paraan para niya matupad ang ambisyon na pumasok sa larangan ng politika..
@Len..............hindi ko pa alam kung sino ang iboboto ko..pero ang gusto ko ay si Noynoy..tama ka sa sinabi mo na tayong mga mamammayan ang magpapabago talaga sa ating lipunan..maging ito man ay may kaugnayan sa politika..pero siguro wala ng katapusan ang ganito nangyayari sa ngayon..tungkol naman sa supreme court siguro sila ay naiimpluwensyahan lang ng nasa politika na tao..pansin mo may mga disesyon ang korte na minsan ay hindi pala tama ang naging desisyon..
@Yen.................ilang halalan na rin ang nagdaan tapos laging may sinasabi na mag vote wisely..pero ganun pa rin ang nangyayari sa ating bayan o bansa..hindi naman kasi tayo nakakasiguro kung ang iboboto natin ay magiging mabuti talaga ang pagserbisyo..sa pangangampanya ay mapapansin natin na siya ay may magandang hangarin..pero minsan kapag nakaupo na sa posisyon ay may ginagawa ng hindi maganda..minsan nagagawa nila iyon dahil naimpluwensyahan lang ng isa pang politiko..
@Anney...............napakarami nga..halos lahat ng lugar yata ay may ganun..parang pasko talaga kapag malapit na ang halalan kasi bigayan talaga,hehe..
@admin............hehe..ibig mo palang sabihin ay tatanggapin mo lang ang pera tapos hindi ka boboto sa nagbigay..ang ganun po ang kawawa ay ang lider..ang inutusan na mamigay ng pera kasi nabibilang iyon ng kandidato kung ilan ang binigyan niya ng pera sa isang presinto..pero okey lang ang ganun kasi wala naman karapatan na magreklamo ang kandidato sa pulisya kasi malaman na nag vote buying siya..
@Ruby.............ang pamimigay ng pera ay masasabing grasya iyon,hehe..kaya natural lang na tatanggapin talaga..wala naman sigurong tao na tumatanggi sa perang ibinibigay..kung mayroon man ay iilan lang siguro..mahirap magkaisa talaga ang mga politiko kasi may kanya kanya silang partido na kinaaaniban..pansin mo kahit may ginawang mali ang isang miyembro ay pinagtatanggol pa ng kakampi..ang mga tao na tumutulong talaga kahit wala sa politika ay mabait talaga sila..kasi namamahagi sila sa kapwa sa biyayang natanggap nila..unlike na nasa politika ang perang ginagamit sa pagtulong ay hindi sariling pera..kundi pera ng bayan..
So true, Arvs. Sa lugar namin ganyan din..
Post a Comment