"Minsan ang pagtulong sa kapwa ay dinadaan pa sa politika. May mga tao na matulungin talaga.Pero para makatulong pa lalo ay gustong pumasok sa politika. Gayong alam nilang magulo ang mundo ng politika. Siguro may ibang pakay kaya nais na pumasok sa politika."
BISTADO
Ni: Arvin U. de la Peña
Kung tutuusin puwede ka naman tumulong
Dahil ang pagtulong walang pinipili
Kahit sino ay may karapatan dumamay
Para sa isang nangangailangan.
Ngunit ikaw ay kakaiba
Ang lakas ng loob mong magsabi
Na kaya ka tatakbo sa halalan
Para makatulong sa iyong kababayan.
Ang sabihin mo kaya ka kakandidato
Para kung ikaw ay manalo man
Pera ng bayan ang itutulong mo
Hindi ang nasa sariling bulsa.
Dahil ayaw mo na mapunta lang sa iba
Ang pera na pinaghirapan mo
Hindi mabuti ang ganun para sa katulad mo
Lalo at may kakayahan ka talagang makatulong.
Huwag ka ng maging ganun
Huwag ipagsigawan ang iyong hangarin sa pangangampanya
Pagkat bistado na ang iyong layunin
Halata na ang motibo mo sa pagtakbo.
Ni: Arvin U. de la Peña
Kung tutuusin puwede ka naman tumulong
Dahil ang pagtulong walang pinipili
Kahit sino ay may karapatan dumamay
Para sa isang nangangailangan.
Ngunit ikaw ay kakaiba
Ang lakas ng loob mong magsabi
Na kaya ka tatakbo sa halalan
Para makatulong sa iyong kababayan.
Ang sabihin mo kaya ka kakandidato
Para kung ikaw ay manalo man
Pera ng bayan ang itutulong mo
Hindi ang nasa sariling bulsa.
Dahil ayaw mo na mapunta lang sa iba
Ang pera na pinaghirapan mo
Hindi mabuti ang ganun para sa katulad mo
Lalo at may kakayahan ka talagang makatulong.
Huwag ka ng maging ganun
Huwag ipagsigawan ang iyong hangarin sa pangangampanya
Pagkat bistado na ang iyong layunin
Halata na ang motibo mo sa pagtakbo.
31 comments:
hanggang sa kampanya't pangako lang ang karamihan sa kanila...halos walang nagsasabi ng totoo.. kung sino mang mahalal na presidente ngayon eh sana iba siya sa tinutukoy mo rito
Kaya dapat ang mga boboto ay pumili ng maayos na lider...
Maganda yang "you're speaking your mind" sana mas marami pang kabataang mas interesado sa politika o sa mga mamumuno ng bansa natin kaysa mag-facebook at mag-twitter!!! Sana nga maayos na ang politika sa atin!
LHEY :))
May iba iba talagang motibo ang mga kandidato sa kanilang pagtakbo. Tutuo ang sinabi mo na kung gustong makatulong nang tao ay hindi na siya kailangang tumakbo pa. Tumulong na lang siya diretso sa tao. Pero sa ating kultura at sa masamang nakagawian nang mga tutulungan ay nangangailangan nang napakaraming pondo kung talagang gusto mong makatulong. Hindi advisable na ipagkawang gawa mo ang bulto nang perang iyong pinaghirapan o pinaghirapan nang mga magulang mong nagpamana nang iyong salapi. Malaking bagay din talaga ang perang makukuha sa CDF o pork barrel para sa pagtulong sa mga mahihirap. Katulad na lang nang Sectoral Congressman namin dito na si Joel Villanueva. Kitang kita mo ang biyayang napamudmod niya sa bayan nang Bocaue, Bulacan na teritoryo nang kanyang amang si Eddie Villanueva. Halos lahat nang barangay dito ay binigyan niya nang mga bagong service vehicle at marami siyang ipinatutupad na in frastructure project at ni isang bahid man nang anumalya ay wala kaming nadinig patungkol sa kanya. Yun din siguro ang hangarin ni Manny Pacquiao. Hindi advisable na ipamahagi niya ang kanyang kayamanan sa kanyang nasasakupan dahil pinuhunanan niya iyon nang dugo at pawis at sa malaon at madali ay talagang masisimot lahat yun kung tutulong siya sa lahat nang lumalapit sa kanya. Kaya nga napagpasiyahan niyang tumakbo nang Congressman nang Saranggani para maitulong niya ang kanyang pork barrel sa kanyang mga kababayan. Huwag naman sana siyang matuksong gumawa nang anumalya para makatulong lamang sa kapwa. Ang makakaliwa naman ay ginagamit ang pork barrel nila para ibagsak ang gobyernong nagbibigay nang kanilang pork barrel. Katawa tawa hindi ba? Kanya kanyang motibo sa pagtakbo sa politika. Salamat sa makahulugang tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
Pare-pareho naman talaga sila ng motibo. Yun ay ang magpa GOOD SHOT sa ating lahat para maitago ang mga baho nila. Good Luck na lang sa ating lahat sa kung sino ang mananalo.
http://noblevengeance.blogspot.com/
http://netleick.blogspot.com/
ayos 'to! papabasa ko 'to sa mga friends kung BISTADO! =) hehehe
tama-- kung tutulong ka, wag mo na ipagsigawan. gawin mo na lang.
iba kasi ang lumalabas pag pinagsisigawan mo pa ang gagawin mo kesyo nakabubuti sa marami. Muka kang nagpapalakas.
Sangayon ako sa iyong panukala ^^
Halos lahat nmn ata ng tao sa politika ay ganyan eh. Parang nakakasawa ng bumot, although ngayon lang ako boboto, Sa lahat ng nakita kong kampanya at botohan ay parang la nmn nangyari.
Jules
Soloden.Com
The Brown Mestizo
Syempre garapalan na makaupo lang sa pwesto! jejejejejeje
Basta hindi ko iboboto sa ikakampanya ng may tatlong kulay
I very much enjoyed your music.
Magandang tula ito. Napapanahon.. Malapit na ang eleksyon.. pero tama ka hindi mo kelangan tumakbo sa pulitika para lang makatulong..
Pareng arvin me bibilhin sana akong oto eh kaso kapos sa budget baka pwede mo akong tulungan.
ache-che! joke lang =)
Lagi namang pangako mga yan. Buti ay kung natutupad.
Dapat bumoto ng maayos,
@Sendo.............tama ka na hanggang doon lang ang ilan sa kanila..may budget naman talaga para sa isang lugar o barangay..kaso ang iba ay binubulsa..kapag halalan kasi malaki ang nagagasto ng kandidato kaya kapag nanalo siya ay babawi siya sa kanyang mga nagasto..
@Jag.............sana nga ganun talaga..pero sa ngayon parang ang kapalit ng boto ay pera..kapag binigyan ka ng pera ay dapat iboto mo iyon kasi baka malaman ka na hindi ka bumoto..tiyak pagalitan ka..isa pa iyong mga politiko na may lupa sila at may mga naninirahan..kapag sinabi na iboto sila ay iboboto talaga kasi kung hindi bumoto baka mawalan ng tirahan..
@kombo.yata.to............nahahalata ko nga eh..ang daming nahihilig sa mga farmville..para sa akin mas maganda kung ang itanim ay iyong totoo talagang prutas o kaya puwede na makain ang bunga..kaysa ganun na pag harvest ay paglipas ng ilang oras..ako hindi ako mahilig sa mga ganun na laro sa computer..kailan kaya magiging maayos ang politika..parang mahirap na yatang maayos..
@Mel Avila Alarilla.............maraming salamat sa mga sinabi mo..tama ka na mahirap nga naman itulong ang perang namana talaga o kaya pinaghirapan masyado..pero kung ang isang tao ay masasabing sobra sobra na ang pera sa kanya at magnanais pang tumakbo sa halalan para makatulong sa mga tao ay parang hindi yata maganda iyon..kasi marami ng pera na puwede talagang makatulong kahit hindi na pumasok pa sa politika..sa mga binanggit mong politiko sa inyong lugar ay hanga ako sa kanila na ang pondo ay ginamit talaga para sa kanilang lugar..
@engr.kemm.coe.........siyempre naman ganun.....kasi para sila ay manalo pa rin.....kung kung ilantad talaga ang baho ay makakaapektyo iyon sa kandidatura..sana iyong manalo talaga ngayong halalan ay iyong puro kabutihan sa lugar ang nasa isip..hindi iyong pansarili lamang..........
@Glenda..............salamat.....ibig palang sabihin ay may mga kaibigan ka ngayon na kumakandidato at kaya sila tatakbo ay para makatulong sa mga kababayan..sige ipabasa mo sa kanila..
@Renz..............yup, gawin talaga kaysa magsalita pa sa harapan ng maraming tao..kung ipagsisigawan pa kasi ay lumalabas na nang eengganyo siyang siya ang iboto sa halalan..ang ganun na style ay humahakot din iyon kahit paano ng boto..
@Jules............ganun nga..halos lahat ng kumakandidato ay iyon ang hangarin nila..ang makatulong talaga sa kababayan kung bakit sila tatakbo..ang masakit nga lamang minsan may mga nananalo na sa halip na makatulong sa kababayan ay nagdudulot pa ng perwisyo kasi may mga ginagawang hindi maganda sa lugar na nakakaapekto talaga sa mga tao..
@I am Xprosaic..............korek ka diyan..pakapalan ng mukha talaga sa pangangampanya..kahit alam ng mga kababayan na hindi siyang mabuting politiko ay tumatakbo pa rin at nakukuha pang ngumiti at makipagkamay sa mga botante..maraming politiko talaga na makapal ang mukha..
@Pretsel Maker............vote wisely ka na lang..tiyakin mong ang iyong iboboto sa inyong lugar ay malinis talaga ang hangarin at pagkatao..para walang pagsisisi sa huli..
@Glennis...............thank you for that words you said..i appreciate it..
@ayu............ganun ba..hindi kasi ako mahilig manood ng tv.....kahit sino ay puwede talaga na makatulong..kahit sa simpleng pamamaraan lang ay masasabi pa rin na tulong iyon..anong oras mo pinanood ang palabas na iyon..
@Goryo............matagal kang nawala,hehe..siguro nag luto ka na ng kalderatang kambing sa kaldero mo..busy ka siguro sa digmaan,hehe..joke lang..lumapit ka sa politiko at baka matulungan ka nila..joke.......jackpot na naman ngayong halalan ang mga tao na kinukuhang lider kasi ang ibang pera na para ipamigay sa mga botante ay hindi binibigay..
@Patricia Maurie...........may mga pangako naman ang ibang politiko na tinutupad talaga nila..kaya lang hindi lahat na pangako ay kanilang tinutupad..kung bakit ay baka wala ng budget para doon..
korek ka dyan! kung talagang gustong tumulong ng isang tao, kahit di siya pumasok sa politika eh pwede siya tumulong. kung marami lang akong pera at di ko na kailangan maghanapbuhay para kumain, magtuturo ako sa mga bata sa lansangan o sa ampunan. LIBRE. sana mabigyan ako ng pagkakataon..
@simply_kim...........ipagdarasal ko na ang hangarin mo ay matupad..magkaroon ka sana ng maraming pera para makatulong ka sa ibang tao na hindi ka na papasok pa sa politika..mangyari sana iyan..
I agree with you Arvs, di na kailangn tumakbo sa politika para lang makatulong.
I really like your blog. Its awesome...
I admire your knowledge.
Zaklina
Post a Comment