Thursday, April 15, 2010

Mamang Pulis

"May mga alagad ng batas na ang batas ay nilalagay nila sa sariling kamay. Ang paghingi ng pera para sa isang tao ay minsan dinadaan na lang sa pag text. Sila iyong mga alagad ng batas na marami ang pinaggagastuhan."
MAMANG PULIS
Ni: Arvin U. de la Peña

Hoy mamang pulis bakit ganyan ka
Ginagamit mo ang iyong uniporme
Para perahan ang ibang tao
Mahiya ka naman sa iba.

Hindi ba sapat ang sahod mo
Para gumanun ka mangotong
Nakakahiya ka na pulis
Hindi ka magandang ehemplo.

Dahil sa iyo nadadamay ang ibang kapulisan
Nadudungisan ang departamento
Dahil sa isang katulad mo
Kasi ginagaya ka rin ng iba.

Itigil mo na sana ang ganyan
Dahil hindi iyan ang iyong sinumpaang tungkulin
Alagad ka ng batas
Kaya dapat hindi ka nang-aapi.

Hindi maganda na mula sa pangongotong
Ang pinapakain mo sa iyong pamilya
Ito ay payo ko lamang
Para sa isang katulad mo.

35 comments:

Sendo said...

nakuuuu naiinis talaga ako sa mga nangongotong..buti na lang wala masyado dito sa duma...at saka tingin ko inde lang pulis ang ganyan..ung walang dignidad sa gawain at trabaho nia...parang iniisip na lang nila eh ung pera na nakukuha nila sa trabaho at inde ung serbisyong binibigay nila sa tao..... >_< sana naman eh me pagbabago na tong istilong to kasi ito rin ang isa sa mga napakaraming dahilan kung bakit kulelat bansa natin..biktima tayo lahat ng krisis...kaya wag nating biktimahin ang kapwa natin biktima...

tama nga....wag daanin sa maruming paraan ang pambili ng pagkain sa pamilya

goyo said...

like. :))

John Bueno said...

Arvin, salamat ha... lalo na sa pagdaan sa site ko... Hanga din ako sa mga poetry mo... hindi ako marunong masyado nyan eh hirap ako sa tagalog hehe =) etong pulis malufet!

CaptainRunner said...

Sana maibalik ang dignidad ng mga pulis sa ating bansa.

Verna Luga said...

Hindi sapat ang sweldo ... kaya nangongotong ... hahahah..

The Bleeding Sky
Garden in the sky
GT: My most expensive soup

Arvin U. de la Peña said...

@Sendo..............marami nga ang tao ngayon na ang kapwa talaga ang binibiktima..wala namang iba na mas madali para magkapera kundi ang tao ang perahan..may mga ganun talaga na alagad ng batas..napansin ko na iyan..

Arvin U. de la Peña said...

@goyo...........mabuti naman at nagustuhan mo itong post kong ito..

Arvin U. de la Peña said...

@KUMAGCOW................ganun ba..siguro english speaking ka talaga,hehe..walang anuman po iyon..ganun kasi ako kapag nag blog hopping..halos lahat na nasa blog list ko ay puntahan ko..

Arvin U. de la Peña said...

@CaptainRunner.........may dignidad pa naman sila..kaso may iba na parang nag iba talaga ang layunin..sila iyong mga pulis na inaabuso ang isang tao lalo at alam nilang kaya nilang abusuhin..hinihingan ng kung ano ano..lalo na iyong tao na may gawain na medyo illegal..para manatili ang gawain ay dapat may proteksyon sa pulis..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz.................may punto ka rin..ang mga iyon na pulis sila iyong madami talaga ang dapat na kailangan na pera bukod sa suweldo kasi may mga habbit din sila..like iyong magsusugal o kung ano pa..dahil hindi sapat sa kanila ang sahod ay gagawa ng paraan para magkapera sila..at iyon na nga ang paghingi sa isang tao..

""rarejonRez"" said...

maganda to! dapat mabasa to ng lahat ng mga mamang pulis sa bansa!

Sam D. said...

wala pa rin palang pagbabago mga pulis diyan sa atin Vin. Ipagpatuloy mo ang paggawa ng mga ganitong poetry para naman magising ang mga taong mapagsamantala sa kapwa. Sorry, pala kung ngayon lang ako ulit naka dalaw saiyo after kasi ng Cruise namin balik trabaho ako agad. Eh! lam mo naman dito sa U.S. wala kang ibang maasahan super mahal kumuha ng maid :-) Thank you so much my friend for keeping in touch regularly. Makakabawi rin ako saiyo. God bless always

Dhemz said...

amen to that! ang buhay nga naman.....dito bawal ang pangongotong pagdating sa mga alagad ng batas....kung meron man..siguro hindi kasing lala sa pinas....lol!

salamat pala sa birthday greetings!

Anonymous said...

mga buwayang pulis sila! ang
mga katulad nila ay dapat ng
mawala sa mundO...

Julianne said...

meron ding mga pulis nananadya na lang manghuli. kahit walang violation pilit kang hahanapan tapos ang tagal maggumawa ng report. halatang nagaantay ng lagay. sori sya!

mjomesa said...

i hope yung image na ganyan can be erased. you know, that will reflect on what kind of safety and security our country offers. parang degrading naman ata sa bansa natin.

Arvin U. de la Peña said...

@rarejonRez.............maraming salamat..sana nga mabasa nila at sana rin no offense para sa kanila..kasi totoo naman na may ibang pulis na ganun talaga..

Yen said...

Hay naku konsomisyon abot mo sa mga yan pag dinidbdib mo mga kalokohan nila, hahhaha. Pero friend naniniwala ka ba na "walang mangongotong kung walang naglalagay"? But because people violates simple law such as traffic laws but don't like to face the penalty because it will cause hassle in their part, so they tend to bribe the cop in charge, these is where temptation fall into their hands.:-)

Arvin U. de la Peña said...

@Sam..............ganun ba..mahal pala ang maid diyan..ibig palang sabihin ay wala kayong katulong,hehe..sa palagay ko ang tao na may masama talagang ginagawa ay minsan lang sila matauhan na mali talaga ang kanilang ginagawa..hindi sila basta basta natatauhan lang..ugali na yata iyon nila na mahirap ng baguhin..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz...............baka wala nga iyan diyan..masyadong mahigpit diyan kasi baka bawat kalsada mayroon camera na mamonitor sa mga nangyayari sa daan..wala silang kawala kung ganun..dito ay marami..lalo na siguro kung gabi..tiyak mananamantala talaga sa kapwa para may makuhang pera kapag gusto nilang perahan..walang anuman iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@Tonyo...........ang lupit mo naman kung ganun,hehe......dapat lang po ay parusahan..suspindihin para sila ay matuto..o di kaya ay tanggalan ng lisensya..kasi kung suspendihin lang ay puwede pa iyon ulitin pagtagal..

Arvin U. de la Peña said...

@Rej...............tama ka sa sinabi mo..maraming paraan na puwede ka hanapan ng violation..lalo na kung about sa sasakyan ang pag uusapan..kapag pumito ang isang nanghuhuli ng sasakyan ay suwerte ka lang kung wala kang makuhang violation..sa ganun kapag binigyan ng lagay ay hayaan ka na lang..lalo na kung minor lang ang violation..

Arvin U. de la Peña said...

@mjomesa...............ang ganun ay mahirap ng ma erased.........baka habang tumatagal ay lalong padami ang mga alagad ng batas na sila mismo ay lumalabag sa sinumpaang tungkulin..ang mga nangyayari ngayon tingnan mo na lang..doon pa lang ay malaman ng hindi talaga minsan maganda ang imahe nila..

Glampinoy said...

May kilala akong pulis na ilang taon lang nagpulis dito sa Maynila pero mayaman na. Diko sinasabing kotongero sya pero hindi ko alam kung pano sya yumaman sa maikling panahon.

Arvin U. de la Peña said...

@Yen.............hindi po puwede na hindi ka maglagay kapag may violation ka kasi may mali ka..at dapat na pagbayaran mo..halimbawa na lang mahuli ka na nagdradrive at wala kang seatbealt at ikaw ay nagmamadali..ang gagawin mo na lang ay maglagay para hindi ka na mahuli pa at hindi maabala..ilan lang iyan na halimbawa..kung maimpluwensya ang hinuli sa traffic laws ay okey lang kasi baka ang nanghuli pa ang kasuhan at madiin,hehe..kapag maimpluwensya kasi ay medyo inaabsuwelto na lang minsan ng mga pulis..

Arvin U. de la Peña said...

@Glampinoy.............baka naman may prinoprotektahan siyang illegal..kasi kung ganun ay may pera talaga ang pulis..o baka naman may niraid sila na tungkol sa mga drugs at nakapuslit siya..halimbawa na lang ay shabu..eh malaki ang halaga ng shabu..baka naman nanalo ng lotto at inuunti unti lang ang pag labas ng pera para hindi mahalata,hehe..

kimmyschemy said...

korek! feeling tuloy ng mga tao lahat ng pulis kotong...

Mel Avila Alarilla said...

Ang problema nang pulis ay problema din nang politika at liderato sa ating bansa. Hindi nga mangingiming gumawa nang pandarambong o pangingikil ang isang pulis kung ang tingin niya sa mga nakaluklok sa kapangyarihan ay mandarambong at magnanakaw din. Kailangan talaga nang isang strong moral leadership mula sa itaas pababa para matakot o mahiya ang mga pulis na gumawa nang lisya. Isa pang problema ay ang kakarampot na kita nila na pilit nilang pinagkakasya sa pamilya o mga pamilya nila. Kasabihan nga nang mga bata, pulis, pulis, matulis. Lapitin nang mga babae ang pulis kaya natutukso silang magnakaw o mangotong para lang masustentuhan ang marami nilang pamilya. Karamihan din sa pulis ay tadtad nang bisyo katulad nang ABS- alak, babae, sugal at saan nila kukunin ang ipanggagastos nila sa kanilang bisyo? Katulad nang lahat nang mga kawani sa gobyerno, tulad nang mga titser, sundalo at ang mataba nating government bureaucracy, ang kailangan ay itaas ang antas nang kanilang sweldo, proper training and strict discipline para mawala ang graft and corruption sa gobyerno. Nakalulungkot na mula sa presidente hanggang sa pinakamababang baranggay official ay talamak ang graft and corruption. Kailangan natin ang isang pinuno na mawawakasan ang ating kahirapan at magiging muog nang ehemplo nang isang strong moral leadership upang mabago natin ang maling kalakaran sa gobyerno. Salamat sa makahulugang tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

fiel-kun said...

Masakit man isipin na may ganyan talagang mga pulis, pero hindi naman lahat ng alagad ng batas ay ganyan. Hindi pa rin mawawala ang mga tapat sa sinumpaan nilang tungkulin sa batas.

Nice poem Arvin ^^

Arvin U. de la Peña said...

@simply_kim...............oo nga..kasi ang gawa ng isa ay kasiraan ng departamento........kapag may maling ginawa ang isa ay parang buong departamento ang may mali kasi makakaladkad ang pangalan ng departamento ng pulis..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla............marami pong salamat sa mga sinabi mo..tama ka na mula itaas hanggang sa baba ay may graft and corruption..natural lang po na ang nasa ibaba ang posisyon kapag may pagkakataon para siya magkapera na hindi sa sahod ay gagawin niya kasi ang nakakataas sa kanya ay gumagawa din ng ganun..unfair naman kung magpapakabuti talaga siya gayong ang ibang kasamahan niya ay gumagawa ng hindi kaaya aya..sana nga magkaroon tayo ng mamumuno na magbibigay talaga ng matatag na samahan ng bawat isa..pero sa kasalakuyan na pangyayari o sa kasalukuyan na mga politiko ngayon parang hindi sa kanila mangyayari iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu...............yup, araw araw ay may ganito talaga na pangyayari..gaya ng nasabi ko na mahirap ng mawala ang ganun..hanggang sa pag wish na lang yata tayo..ganun ba..akala ko may mga drawing ka na nasa manga..

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun.............may mga tapat pa rin naman sa kanilang tungkulin..hindi naman talaga lahat ng pulis ay nangongotong o kaya nilalagay ang batas sa kanilang kamay..

Anonymous said...

me point ka din although hindi nman lahat eh mga gahaman sa pera o position.. bakit di nlng for the good of all ang gawin nating lahat para umunlad nman ang bansa natin.. people are people talaga! :D

eden said...

korek ka dyan, Arvs.may mga pulis na ganoon di naman lahat. Sana ma realize nila ang lahat pagkakamali nila. pati pa mga enosente bibitikmahin pa nila.