"Minsan malaki talaga ang naidudulot na pagbabago sa buhay ng tao ang politika. Kasi kapag siya ay may balak na tumakbo sa halalan o kaya ay nag file na para sa kanyang kandidatora ay asahan na ang kanyang pagiging matulungin o di kaya kung noon ay di siya mahilig mamansin ay ngayon mamamansin na sa ibang tao."
TUNAY
Ni: Arvin U. de la Peña
Kung tunay kang may malasakit sa mahirap
Dapat noon pa tumutulong ka palagi
Para sa mga nangangailangan
Na wala masyadong pera at makain.
Sa araw-araw ay makikita mo sila
Kailangan talaga na sila ay tulungan
Dahil ang buhay nila ay ibang-iba
Kaysa sa mga taong nakakasalamuha mo.
Ngunit iba ang ginagawa mo
Kung kailan ka kandidato sa halalan
Diyan ka tumutulong masyado
Para sakali ikaw ay iboto.
Hindi iyon mabuti para sa katulad mo
Napagtatawanan ka lang tuloy
Pumasok sana sa isip mo
Na ang pagtulong dapat taos puso.
Huwag mong gawin instrumento ang halalan
Para ikaw ay makilala ng taumbayan
Dahil ang halalan ay hindi palagi
Ngunit palaging mayroon gustong damayan.
Sunday, April 4, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
45 comments:
easier said than done. honestly. parang sa palagay ko ung mga tao na nasa ganong mga position..mahirap sa kanila maging totoo sa kanilang dapat panunungkulan kasi cguro nasisilawan na cla sa kanilang position at 'power'. ewan ko pero ayoko talaga makisawsaw sa anong bagay na related sa politiks...parang hindi na nga cguro ako boboto eh..heheh...meron namang mga tao na tumutulong sa kapwa di kailangang tumakbo sa halalan..tsk2x...no wonder the philippines has one of the highest rate in graft and corruption...magbabago pa kaya ito? parang ang labo noh?
meron pa bang 'tunay' na pulitiko ngaun?...parang wala na! }:
AMPAPLASTIC NG MGA PULITIKONG IYAN! Prang gusto ko n tuloy mgboycot...
nag iingay nga lang ang mga iyan tuwing mlapit n ang halalan....
bitter pa rin ako hehehe...
Ang tunay na pagtulong sa taong mahirap ay iakay siya sa landas nang kasapatan at kasarinlan. Madaling magbigay nang limos subalit pulubi pa rin ang nilimusan. Madali ang tumulong sa mahirap subalit pagkatapos nang pagtulong ay mahirap pa rin sila. Kaya nga mas marami ngayon ang mahirap ay puro tulong o limos na lamang ang ating ibinibigay sa kanila. Kailangang maturuan silang magpunyagi sa sarili nilang sikap at tiyaga. Yun lamang ang tanging paraan nang pagasenso na hindi kailangang mangurakot o magnakaw. Habang kinaaawaan natin ang mga mahihirap at binibigyan nang tulong na pinansiyal ay lalo natin silang ibinabaon sa lusak na kanilang kinasadlakan. Kasabihan nga na bigyan mo nang isda ang mahirap at siya'y mananatiling mahirap parin. Pero turuan mo siyang mangisda at siya ay makakaahon sa kahirapan. Salamat sa makabuluhang artikulo at tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
di natin napapansin kasi mostly indirect ang effect---but we really have to realize that politics affects all our lives BIG TIME~~
Yan ang plastik!!
wow
aus toh ah :)
tama sinabi mo
ang pagbibigay atos sa puso
IBOBOTO KITA :0
haha, nice nice... maraming ganyang kandidato sa ngayon. Kung talagang gusto ng isang taong tumulong, hindi na nya hihintayin pang magkaroon siya ng tungkulin sa gobyerno para gawin yun. We can help in our own little way. Kahit gaano kaliit pa ang naitulong mo sa kapwa mo, basta taos sa puso mo, yan ang masasabing TUNAY/GENUINE at hindi plastik na pagtulong sa kapwa ^_^
kailangan kasi na manalo kaya lahat ginagawa kahit sa panlabas lang. Parang mga artista din kailangan ngumiti sa mga fans kahit di sila in the mood.
isa sa pinaka-ayaw kong event sa pinas ang eleksyon. Plastikan dito, plastikan doon. Curious nga ako, hindi ba cla npapagod sa pangangampanya? lahat nkangiti eh, lahat parang ambabait...parang kilala nila lahat ng mkasalubong nila. Pero pag nanalo na, di mo na mahagilap...hay! Ang eleksyon sa Pinas, BOW! ;)
Naku talaga namang nakakasuka mga ginagawa ng mga politiko. Magpapamudmod ng mga kung ano ano na nakalagay ang mga FES' sa balot. MAs mahal pa ang imprenta sa mga mukha nila kesa dun sa talagang laman na iniabot sa pobre, Darn** politics here. KUng ano anong gimik ang ginagawa para makakuha lang ng simpatya sa mga botante, Ginawa na nilang negosyo ang maka upo sa gobyerno.
rang bansang madaming nagugutom, ibig sabihin madami sa lugar na yun ang walang pakealam.
lahat tayo may tungkulin. kaso nga, mas madalas wala tayo pakealam. lahat dapat sisihin.
may mabuti rin palang nadudulot yun, ibig sabihin tumutulong din! We need help talaga ang mga pinoy!
Naku mga 80%-90% hindi sila totoo... nagpapakitang tao lang... jijijijijiji
@Ruby................ang isang tao kapag nakaupo na talaga sa posisyon at doon may nakukuha sila ay mahirap na nga sa kanila ang bumitaw pa..tatakbo at tatakbo pa rin iyon sa halalan..hanggang sa pagtanda..palagay ko ay hindi na magbabago..padami ng padami ang corrupt na tao sa ating bansa..kahit hindi politiko ay may corrupt din..
@vonfire.................kung sa panlabas na kaanyuan tayo titingin sa isang kandidato sa halalan ay masasabi natin na may tunay pang politiko..pero kapag nakaupo na doon marealize natin na hindi pala siya tunay..
@Jag...............huwag kang mag boboycot.......sayang ang boto mo..bumoto ka pa rin kahit nag iingay lang sila kapag halalan..registered voter ka kaya dapat bumuto ka,hehe..
@Mel Avila Alarilla.............maraming salamat sa mga naging comment mo..yup, tama ka na kahit tulungan ang isang mahirap ay mahirap pa rin sila..kasi ang binigay na pagtulong ay naubos na..halimbawa na lang magbigay ng pera..tiyak paglipas ng ilang araw ay mauubos din iyon..kung ang ginawang pagtulong ay ipasok sa trabaho o bigyan ng trabaho iyon ang maganda kasi laging magkaroon ng pera mula sa pagtrabaho..
@pusang_kalye..............talagang malaki ang effect ng politika sa ating buhay..kahit sa mga pang araw araw..ang isang kandidato kapag nanalo na doon na natin mahuhusgaan kung isa nga siyang mabuting politiko..
@Manang kim.................sinabi mo pa..........plastik nga talaga kasi may mga kandidato na namamansin lang sila kapag halalan na..mahirap silang mahagilap kapag hindi halalan..
@Renz.............hindi po ako kandidato..sakali mang ako ay tumakbo ay hindi mo ako maboboto kasi magkaiba tayo ng lugar,hehe..ang tunay na pagbibigay talaga dapat taos puso..nagbibigay ng walang pag aalinlangan..
@fiel-kun...............marami nga ang ganun na kandidato ngayon..sa inyong lugar siguro ay mayroon din..ang taong matulungin talaga kahit hindi pa siya kandidato ay tumutulong na talaga..hindi katulad ng iba na nagiging matulungin lang kapag kumandidato na..
@Glampinoy...............tama ka..lahat talaga ng paraan gagawin para sila ay may makuhang boto..lalo na iyong sa palagay nila ay mahirap silang manalo,hehe..marami rin sa showbiz ang plastik na tao..may mga artista na pagkatapos makipagkamay sa mga fans ay kukuha agad ng alcohol at punasan ang kanilang kamay..
@mishi.............pero mas marami ang gusto ang eleksyon..kasi may mga tao na nagkakapera talaga dahil sa halalan..halimbawa na lang iyong magbibigay ng pera para sila ang iboto.......napapagod din siguro iyon..nagpapahinga din..tama ang sinabi mo na ang mga kandidato talaga ay parang kilala nilang lahat ang tao sa kanilang nasasakupan..kasi ngingitian ka kapag nangangampanya..ang iba nga bigla ka na lang lalapitan at makikipagkamay at sabihin na huwag sila kalimutan sa halalan..
@Yen...............ginagawa na nga negosyo ang sa politika kasi may mga tao na sumusugal talaga..lalo na iyong mga first time pa lang na tumakbo sa halalan..gagasto talaga sila..mamigay ng pera, mag imprinta ng t shirt at ipamigay, gumawa ng banner, at kung anu ano pa na pinapadikit sa pader..gumagasto talaga sila kasi kapag nanalo sila ay mababawi nila ang kanilang nagasto..taktika ng isang kandidato na ang kanyang mukha ilagay sa isang plastik para siya ay maalala..kahit itapon ang plastik ay nandoon pa rin ang mukha niya..
@Chyng............ganda ng sinabi mo..eh kasi ang bawat tao ay may tungkulin din para sa kanilang sarili..mas inuuna nila ang kanilang sarili kaysa sa iba..tumutulong lang sila kapag may sapat sila para tumulong..halimbawa na lang marami ng pera..doon ay mamigay na sila sa iba na walang pera..
@Pretsel Maker............oo nagdudulot din ng mabuti kasi nakatulong sila..pero parang wrong timing kasi ginagawa ang ganun kung kailan kandidato sa halalan..kapag nanalo na ay mahirap na silang mahagilap at halos mahirap ng malapitan..
@I am Xprosaic............baka nga 100 percent ay pakitang tao lang kung anuman ang kanilang ginagawa sa kampanya..kung anu ano ang mga sinasabi pero napapako lang kapag nakaupo na,hehe..
Ahahahahahhahahahha..pwede! jijijijiji at napansin talaga ang pic ko... nyahahahahahahha... yaan mo na summer/nature trip lang... jijijijijiji
Bato bato sa langit tamaan wag magagalit! hehehe!
ganon naman ang usual na ugali ng politiko di ba? kapag nangangampanya, kala mo ang babait, once nakaupo na, lilitaw na ang tunay nakulay. Very rare yugn true to their words..
kung talagang gustong tumulong, pwede naman kahit wala sa posisyon, diba?
@I am Xprosaic...............oo naman kasi nagulat din ako na iyon na ang pic mong gamit..summer trip mo pala,hehe..
@Anney.................wala naman siguro silang dapat ikagalit kasi tula lang naman ito,hehe..magsulat na rin lang sila ng kung ano ang isusulat nila..
@Mommy Liz..................talagang sa pangangampanya ng bawat kandidato ay makakaasa ka ng matatamis na salita..sa isip mo ay masasabi mo na totoo ang kanyang sinasabi lahat..pero pag nakaupo na ay medyo nakakalimutan na ang mga sinabi noong nangangampanya siya..
@simply_kim..............puwede iyon kaso sariling pera nila ang magagasto sa pagtulong..unlike kong ikaw ay nakaupo sa isang posisyon ay pera ng bayan o hindi mo pera ang magagamit sa pagtulong..hindi mababawasan ang pera mong naipon,hehe..
Classic example of TRAPO.
you never fail to make me smile with your posts! =)
-Glenda
Sana may tao parin na handang tumulong ng bukal sa puso. Sana makatagpo pa tayo ng ganun sa panahong ito. =D
Solo
Travel and Living
Job Hunter
While I was still in PI there were few elections that I didn't vote.
Nice post, Arvs especially that election is approaching. Thanks sa dalaw and Have a nice day always
@CaptainRunner............puwede rin na para sa mga trapo ito.....kasi sila iyong halos ayaw ng bumitiw sa politics..
@Glenda.............wow, ganun ba..kung ganun isa ka rin pala sa mga sumasaya kapag may new post ako..maraming salamat kung ganun..
@April...............marami pa naman ang may ganun sa puso nila..pero ang iba ay hindi tumatakbo sa halalan kasi magasto..bihira na lang ngayon sa mga politiko na may bukal talaga sa puso ang pagtulong..karamihan ay hangad talaga ang pansariling interes..
@eden................bakit naman ganun na may mga eleksyon na hindi ka nakakaboto..anong dahilan..baka naman hindi mo type ang mga kandidato sa iyong lugar,hehe..malapit na nga ang eleksyon..palapit na ng palapit..
Philippine Politics!!!
Post a Comment