"Nakakalungkot isipin na dahil sa politika minsan may mga tao na pinapatay."
MASAHOL
Ni: Arvin U. de la Peña
Kung may tao man na napakasama
Siguro ay walang iba
Kundi ang isang tulad mo
Isang gahaman na politiko.
Sa kagustuhan lang ng isa
Na ikaw ay kalabanin
Sa posisyon mong kinatatayuan
Pinapatay mo mga kakampi ng makakalaban.
Hindi ka naawa sa mga biktima
Wala kang konsensya na tao
Mas masahol ka pa sa hayop
Para kang wala rin pamilya.
Nakukuha mo pang ngumiti
Sa kabila ng karumal-dumal na krimen
Na ikaw ang nag utos
Para iyon ay gawin.
Ang dapat sa iyo ay patayin
Pagpira-pirasuhin ang katawan
Kung ilan ang bilang ng mga biktima
Ganun din ang bilang ng ipiraso sa iyo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
25 comments:
Tama ka sa isinasaad nang iyong tula. Ang mga taong pumapatay o nagpapapatay ay talagang halang ang kaluluwa o wala nang konsensiya. Para bagang ang importante lang sa kanila ay ang posisyong pinagnanasaan nila at ang poder na idinudulot nito. Para bagang wala nang kinabukasan o paghuhusga silang haharapin. Ang nakalaan sa kanila ay kakila kilabot na paghuhukom kung saan sila ay mabubulid sa dagat dagatang apoy. Salamat sa makabukuhang tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
Ganyan talaga para lang makakuha ng puwang/puwesto sa pulitika
tama nga, may mga pulitikong ganyan na napakasama, pumapatay para lng maka kuha ng pwesto sa pulitika...maybe they became obsessed with their power and would do anything to retain it..
this is another great poem, by the way, who drew the sketch? you? it looks great.. :D
oi, ihandog mo kaya ito sa mga Ampatuan...:)
tama tama....nga naman...ang dumi nga pulitika...gutom na gutom sila for power....sana naman eh matigil na...
yan ang mga taong walang kaluluwa at walang konsensya....my gosh, ipagpanalangin nalang natin sila.
@Mel Avila Alarilla.........salamat naman kung ganun..mga demonyo na nga ang mga politikong iyon na nag uutos para pumatay sa makakalaban sa politika kasi pati mga inosente ay nadadamay..masyado silang hayok sa politika.......mga halang ang kaluluwa at wala silang konsensya..grabeh sila na mga tao..
@I am Xprosaic..............oo nga eh..bakit kaya ang mga tao kapag may nakopo ng posisyon sa politika ay mahirap na sa kanila ang bumitaw sa ganun,hehe..palagay it is all about power, influence, at higit sa lahat money..
@nice..........ang drawing ay kinuha ko lang sa google..hindi po ako ang nagdrawing..yup......kasi kapag sila ay nasa isang posisyon sa politika lalo na at mataas ay mayroon silang impluwensya..nagagawa nila ang kanilang gusto kahit labag sa batas..higit sa lahat ay may nakukuha silang pera..
@A.M.I.N.A.............haha..wala akong paghahandugan nito..basta sinulat ko lang ito..kasi may mga pangyayari na ganito talaga..
@ayu..........di ko alam kung noong unang panahon ang halalan ay malinis talaga..basta ng mamulat ako dito sa mundo ay napansin ko na marumi na talaga ang politika..siguro ganun din naman sa ibang bansa..may bansa din siguro na marumi ang tungkol sa politika..
@Sendzki.............hindi na po matitigil ang ganun......hindi maiiwasan na may mga lugar na nag aaway talaga dahil sa politika..ang iba ay nauuwi pa sa patayan..kasi sa politika kahit nga magkakapamilya ay naglalaban..lalo na kapag hayok sa posisyon..kapag naramdaman ng isang politiko na tagilid siya ay gagawa siya ng paraan para siya ang manalo..kahit pumatay pa sa makakalaban sa politika..ganun na iyon dito sa ating bansa..hindi naman sa lahat ng lugar..
@Dhemz..............ipagpanalangin natin sila na sana hindi na uli tumakbo pa sa halalan..kasi may mga ginagawa silang hindi talaga mabuti..pero palagay ko kahit pa ipanalangin sila ay hindi talaga bibitiw sa politika..nakakapit na kasi masyado,hehe..
Nakakalungkot talaga. Tila ba wala na silang takot sa Diyos at nagagawa nila ang ganyang mga bagay.
I agree with Dhemz, ipagpanalangin nalang natin sila.mahirap talaga sa atin pag nasa posisyon kahit ano ano nalang magawa. Kailan pa kaya ito matitigil..
Tama ka diyan kaibigan .... Magandang gabi sa yo!
Sana nga may solusyon sa problema ng political violence...
Di ko rin maintindihan kung bakit ganun ang kalakaran ng pulitika satin. Actually, magkano lng nmn honorarium (salary) nila eh. It's the power...and kickback money! ;)
@Captain Runner.............wala nga silang takot..pero mapapansin mo sila ay sumisimba..kunwari lang talaga ang lahat na ipinapakita nila na sila ay parang maamong tao..
@eden...............ipagpanalangin na sila ay huminto na sa politika lalo na iyong matagal na talaga kasi marami rami na rin naman ang na kickback nila,hehe..hindi na yata mahihinto ang ganun kasi masarap kung ikaw ay nasa isang posisyon lalo na may impluwensya talaga..
@Vernz..............salamat naman..sa iyo ay umaga,hehe..umaga kasi ngayon ng sumagot ako sa mga comment..
@Glampinoy.............sana nga..pero parang mahirap ng masolusyunan ang ganun.......kasi ang mga papalit sa mga matatanda ng politiko ay ganun rin ang mga gawain nila..minsan masama talaga..gagaya lang sila sa mga naunang politiko na hindi mabuti ang ginagawa..
@mishi.............tama ka diyan..maliit lang naman ang suweldo ng isang politiko kung ang pagbabasehan ay ang nakasaad sa batas..ang kickback at power talaga ang hangad nila..mantakin mo may mga namimili ng boto..kung bibilangin mo ang pera sa nagasto sa pagbili ng boto ay kulang pa iyon sa magiging sahod sa tatlong taon..kickback talaga sa mga proyekto at iba ang dahilan bakit sila nagnanais na tumakbo at manalo sa halalan..gagawin ang lahat mapagtagumpayan lang..
a nice poem
sana mabasa to ng mga politiko
di ko talaga makalimutan yung nangyari sa maguindanao =( i hate politics
Post a Comment