Wednesday, March 31, 2010

Mata

"Sa kahit saan ay masakit kung sa bawat galaw mo ay may nakatingin sa iyo. Higit na masakit ay kung ang di magandang nakikita sa iyo ay ipinagsasabi sa mga kakilala na tao."

MATA
Ni: Arvin U. de la Peña

Kailan kaya mabubulag ang mata
Na kapag may nakikita ay nag-aalburuto
Parang bulkan na gustong sumabog
Ipinapaalam ang hindi magandang nakita.

Hindi naman siya pinapakialaman
Pero ganun na lang ang ugali niya
Mahilig pumuna sa kapwa
Samantalang siya ay marumi naman.

Marami ng galit sa kanya na mata
Ngunit hindi niya lang pansin
Kasi siya lang ang inaasahan
Nang mga mata ring kapit-tuko sa kanya.

Kung titingnan mo ang mata
Disente naman ang dating
Pero sa likod pala ay masamang budhi
Ewan kung kanino nagmana ang mata.

Sa paglakad-lakad niyo
Dapat ay malinis kayo
Kasi ay baka makasalubong niyo ang mata
Ipagsabi sa iba hindi maganda sa iyo.

32 comments:

Glenn said...

Arvin, kuya arvin, papa arvin, gabing gabi na, ang ingay mo sa chatbox. BWAHAHA. pwede penge ng tula? ung para sa crush ko sana. wahaha. damot ni ayu e.
galing ka naman sa tula. though tagalog. :*

Unknown said...

ganun naman talaga buhay, sabi nga " pag walang panganib walang adventure" so parang ang buahy din, pag walang mga mata naktinign sayo, wala din silbi, kasi wala kang challenge na makikita, walang pupuna sa mga mali mo, at yung pag puna na yun will determine how strong you are as a person, mahirap din, but essence of life na yun.. kasama na yun sa araw araw na buhay..

kimmyschemy said...

teka, parang yung kapitbahay ko lang yan ah, hehe...

pusangkalye said...

aha--me kilala ako na ganyan. pero shut up nalang ako---kasi baka maging isa pa ko. hehe

Verna Luga said...

hi kaibigang Arvin, ang mata ang may kasalanan ng lahat ... heheh.. salamat sa dalaw..

Xprosaic said...

Tama yan...kaya dapat maging sensitibo tayo sa lahat ng ating galaw... lalo na kapag lagi tayong mainit sa mata... jijijijijijiji

KESO said...

awww, daming gnyan, ang bad. haha

Dhemz said...

hahhaha....makaksalanan talaga ang mata....lol!

darklady said...

nice!!! ^_^
mahilig ka pala gumawa ng tula noh?
hmm..yup korek ka!! yun ang pina worst sa lahat..( pinaka na,worst pa!) ^_^ nakaka sad at nakakainis na kung ano yung hindi magandang nakikita ng mata ay yun pa yung chinichika ever sa ibang tao, tingin tuloy nila sayo panget na. Yun bang parang wala na tuloy maganda para sayo.Yan ang nagagawa ng mga dilang walang masabi..

Nice Salcedo said...

tama yan, makasalanin ang ating mga mata..dami tlga ganyan, like me at times.. :( but i refrain from doing it now, knowing it's bad.. :D

thanks for dropping by, take care and God bless! ;)

Mel Avila Alarilla said...

Ang mata ay nakokontrol nang isipan. Kung malinis ang puso at isipan ay malinis din ang pananaw nang mata. Napapakinabangan natin ang mata para bigyan tayo nang impormasyon sa pali paligid at hindi dapat gamitin sa pamimintas o pagyurak sa kapwa. Salamat sa artikulo. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Arvin U. de la Peña said...

@Glenn Kun...............kasi gabing gabi ko ito post,hehe..madami na po akong mga naisulat na tula ng tungkol sa pag-ibig..tingnan mo ang mga post ko noong nakaraang taon at noong 2008..madami ang makita mo doon..try mo lang tingin tingin ng mga previous post ko at tiyak ay may makita ka..at iyon ang ibigay mo sa crush mo..ano ang facebook account ng crush mo,hehe..email mo na lang sa akin kung payag ka na malaman ko..nasa blog ko ang email ko..

Arvin U. de la Peña said...

@tim............tama ka..pero may mga tao na mahilig talaga tumingin sa mga mali ng iba at iyon ang ibinabalita..dahil sa mata ay nalalaman natin kung ang ating ginawa ay mabuti o masama..ang masakit nga lang ay nasosobrahan masyado lalo na kung sinasalita na ang enterpretasyon sa nakita sa mata..

gege said...

guilty ako dayn minsan...
pero di OVERS!!!
haha.

magbabago na ko...

AYOKO NA DUMAGDAG SA KANILA!!!

^ - ^

Arvin U. de la Peña said...

@simply_kim.............hehe..ganun.......siguro ang kapitbahay mo ay mahilig kang itsismis..baka naman may mga ginagawa kang hindi kaaya aya ng kapitbahay mo kaya ginaganun ka..

Arvin U. de la Peña said...

@pusang_kalye................hindi lang ikaw..pati ako at ng iba pa ay may kilala na ganun..para bang hinihintay ka lang na magkamali para siya ay may ibalita sa iba,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz..............oo kasi ang mata ang ating paningin......sa mata nakikita natin kung tama ba o mali ang ginagawa ng isang tao..

Arvin U. de la Peña said...

@I am Xprosaic...........hehe..ang hirap lang kung ganun na parang may mata lagi na nakatingin ay di agad magawa ang gusto..medyo mahina kung kumilos kasi kung magkamali ay tiyak ibalita agad..

Arvin U. de la Peña said...

@KESO...............madami nga ang ganun.......bad sila kasi nakikialam sila sa buhay ng ibang tao..hindi mabuti iyon....ang dapat atupagin na lang ang sarili..huwag ang sa iba..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz...............makasalanan nga ang mata..kasi ang mata ang ating paningin at kapag may nakitang di maganda ay maghuhusga agad kahit di pa alam ang tunay na dahilan bakit nakagawa ng di maganda..

Arvin U. de la Peña said...

@darklady..............yup, mahilig akong magsulat ng tula....hindi lang tula kundi kuwento at poems pa..malaman mo naman kung tingnan mo ang mga previous post ko..siyempre naman ganun..kung ano ang di magandang nakita ay iyon ang ibalita kasi para maging tsismis..may mga ginagawa naman mabuti at ibinabalita pero bihira lang..

Arvin U. de la Peña said...

@nice..............kahit ako ay makasalanan din ang mata,hehe......tayong lahat dito sa mundo ay nagkakaroon ng kasalanan ng dahil sa mata..walang anuman iyon..salamat rin sa pagbisita uli sa aking blog..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla...........salamat sa iyong mga sinabi.....ang mga tao na may ganun na mata ay iyon ang tao na hindi mahilig makialam sa buhay ng ibang tao..kung may nakita silang hindi maganda ay hinahayaan na lang nila para hindi pa lumaki ang isyu......may mga tao kasi na mahilig makialam sa iba..hindi maganda iyon para sa akin..

Arvin U. de la Peña said...

@gege..................guilty ka ba..huwag kang mag alala kasi hindi lang naman ikaw.....lahat tayo ay nagkakaroon ng kasalanan ng dahil sa mata..kasi gumagawa tayo ng interpretasyon ng dahil sa nakita ng ating mata..maging ito man ay mali o tama..

""rarejonRez"" said...

galing!

Anonymous said...

my pinatatamaan kb arvin? hehhe..

Jag said...

Ika nga " ang mata ang bintana ng ating kaluluwa"...

Kung maraming mata ang nakatingin sau
ibig sabihin lng nun celebrity ka hehehe...

Have a blessed holy week bosing!

Arvin U. de la Peña said...

@rare jonRez................salamat naman sa iyong sinabi..nakaka inspire iyon sa akin..

Arvin U. de la Peña said...

@kayedee...................wala naman po.....kung may tamaan man sa sinulat kong ito ay bahala na lang sila..wala na akong pakialam ano ang maramdaman nila..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu..............thanks po sa iyo..pag bigyan mo na kaya ang hiling ni Glenn Kun........puwede naman iyon na magbigay ka sa kanya ng tula basta ba kapag binigay niya sa crush niya ay nandun ang pangalan mo na ikaw ang nagsulat,hehe..di naman po niya iyon ipost sa blog niya..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag................ganun ba..marahil ay tama ka..kapag marami ngang tumitingin sa iyo ibig lang sabihin ay curious sila sa pagkatao mo o kaya hanga sila..ang di lang maganda ay kung ang makita sa iyo ay di nila magusutuhan ay ikuwento agad sa iba para ikaw ay matsismis..

eden said...

Gnayan talaga ang buhay. Kahit saan tayo meron mga ganyan.

Salamat sa visit Arvs.