Thursday, March 25, 2010

Samahang Walang Kapantay (by request)

"Time may change our looks and experience may change our thinking. But I want you to know you will always be my friend."

Nakakailang beses na rin nag rerequest ang kaibigan ko ring blogger na ito para sa isang tula. At hindi ko muna napagbibigyan kasi may mga inuuna pa ako o kaya nakalinya para ipost. Pero sa post kong Pinuno at Pagsamantala sa pag comment niya ay nagpasya ako na pagbigyan na talaga ang request niya para siya ay sulatan ko ng tula. Kasi ng mabasa ko ang comment niya ay napatawa ako, hehe.



Yen said...

Ramdam ko ang bitterness sa tula mo ah. Yari ka pag may nakabasang politiko jan sa tula mo, pag pina kidnap ka halaka buong buo pa mandin ang panagalan mo ang dali mo hanapin,hahaha oh no.. mamimis kita friend saka panu na ko, di mo pa ko nagagawan ng tula.hehe.

March 22, 2010 6:05 AM

Delete


SAMAHANG WALANG KAPANTAY
Ni: Arvin U. de la Peña

Ikaw ay aking nakilala
At tayong dalawa ay naging magkaibigan
Anuman ang mangyari
Mananatili kang kaibigan ko.

Hindi ako mag-iiba sa iyo
At lalong hindi magbabago
Pahahalagahan talaga kita
Dahil ikaw ay mabuting kaibigan.

Tumanda man tayong dalawa
Ganun pa rin ako sa iyo
Sana ganun ka rin sa akin
Para hanggang kamatayan pagkakaibigan natin.

May magtangka mang sumira
Matibay natin na pagkakaibigan
Huwag na lang natin pansinin
Dahil naiinggit lang iyon sa atin.

Pundasyon ng ating pagkakaibigan
Alagaan natin na hindi matinag
Huwag hayaan na masira ito
Pagkat masarap ang samahang walang kapantay.

40 comments:

Unknown said...

Samahang walang kapantay nga nmn oo. Oh ayan, cguro nmn nyan di kana ma-mi-miss ng friend moh. At nagawan mo na sya ng tula. Lolz. Just kidding. ;D

Solo
Travel and Living
Job Hunter

edison said...

Kuya, next time magrerequest din ako ha?hheheheh!

salamat nga pala sa laging pagbisita sa blog ko..

Anonymous said...

oh yes! meron din ako nyang ksamahang wlang kapantay!hhe..

aww i mis my frenz 2loy. tsk!
nkapila p rin un skin? hehh.

Mel Avila Alarilla said...

Maganda yung tula mo para sa kaibigan mo, madamdamin at sinsero. Masarap nga magkaroon nang isang kaibigan na magsi share nang mga pangarap mo sa buhay at kakalinga sa iyo sa oras nang iyong kabiguan. Bihira ang tunay at sinserong kaibigan lalo na sa panahon ngayong uso ang plastikan. Salamat sa tula, napakaganda nito. Pagpalain ka sa tuwina nang Panginoon.

EngrMoks said...

samahang walang katulad = SMB + me

Nice Salcedo said...

wow..like this post..tnx for sharing.. ;D

Jag said...

Ang galing ng pagkakaibigan nyo hehehe...napatawa nga din ako sa comment niya hehehe...

Verna Luga said...

Hi Arvin, parang beer ah .....

Salute to you kaibigan... salamat sa dalaw.. salamat din sa pagadd mu ..

BTW, add kita dito sa tatlong ito.. add mu rin ako ha ... salamat muli Kaibigan..

Some Things Are Free
Woman’s elan vital
In This Side of Town

Azumi's Mom ★ said...

Para sa kin din siguro to, nakakarelate eh lol.. kahit di kami madals magkita ng mga kaibigan ko, wala pa rin nagbabago kapag nagkikita kami, mabababaw pa rin ang kaligayahan.. happy weekend

Xprosaic said...

Naks! mukhang yan mismo ang sasabihin mo sa kanya sa oras na makidnap ka ah... jowk! jijijijijiji

Dhemz said...

hahaha...pakidnap ka daw....lol! ang galing...another creation na naman!

KESO said...

naks. samahang walng kpntay, parang pamilyar ung linya. hehe,

eden said...

Another nice poem, Arvs. napatawa din ako sa comment niya. Thanks sa dalaw at comment. Really appreciate it. have a good weekend

Yen said...

Wow friend, nakaka touch naman. Di kana mabiro, talagang ginawan mo ko tula. Aw!! hehe kidding aside friend, na appreciate ko ang effort mo. Many thanks and kisses for you:-)
Ayan kahit makidnap ka na di mo na ko aalalahanin pa dahil nagawan mo na ko ng tula. hahaha. The best ka talaga friend.
Knowing a person like you is such a privilege. Keep rockin!

Arvin U. de la Peña said...

@ayu..............yes, tama ka..lalo na kapag sa totoong buhay talaga..masarap iyong lagi kayong nagkakausap o kaya nagkakainuman ng isang tunay na kaibigan,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Solo.................haha..ewan ko kung mamiss pa rin niya ako kahit nagawan ko na siya ng tula..kung di pa dahil sa pag comment niya baka di ko pa nga siya napagbigyan,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@engr.kemm.coe.................wala pong problema..pagbibigyan rin kita balang araw..

Arvin U. de la Peña said...

@keyedee..............siguro marami ka ring kaibigan na walang kapantaya talaga..kagaya ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla................salamat sa sinabi mo.........iba nga kapag may kaibagan ka na lagi mong naaasahan anumang oras..kasi ang kaibigan ay maituturin na pangalawang pamilya..

Arvin U. de la Peña said...

@Mokong................medyo parang sa san miguel beer ba.....hehe..mahilig ka rin siguro uminom ng beer..

Arvin U. de la Peña said...

@nice.............mabuti naman at nagustuhan mo rin uli ang post kong ito..sana ay may mga kaibigan ka rin na ang samahan ay walang kapantay..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag................akala ko ako lang ang makakatawa sa comment niya..ikaw din pala..ano kaya kung magkatotoo ang naging comment niya..ang sakit sigurong isipin iyon,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz...............walang anuman iyon..salamat rin sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..ok add ko rin ang tatlo mong ito na blog sa blog list ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Bambie dear................iyon ang masarap talaga sa isang kaibigan..na kahit ilang taon kayong di nagkita at kapag nagkita na ay walang pagbabago sa samahan..may iba kasi na naging kaibigan at pagtagal ay nag iiba na ang ugali o pakikisama sa kaibigan..

Arvin U. de la Peña said...

@I am Xprosaic...........hehe..wala naman sigurong magtatangka para ako ay kidnapin..kung mayroon man ay siguro matindi ang galit sa akin ay may gawa,haha..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz...............at kung ako ay makikidnap nga ay baka doon na lang ako sa nag kidnap kasi walang pang ransom,hehe..baka pakawalan na lang ako kasi wala naman silang makukuha..

Arvin U. de la Peña said...

@KESO..............ang pamagat na ito kapag maririnig ay parang maiisip talaga ang san miguel beer.....kaya mo siguro nasabi na parang pamilyar sa iyo ang linya dahil umiinom ka rin ng beer,hehe..joke..

Arvin U. de la Peña said...

@eden................thanks..maganda nga rin ang sinulat kong ito na tula..isang tula na para sa kaibigan..si Jag din ay napatawa sa comment niya..nakakatawa naman kasi talaga..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen................ayan nagawan na kita..kung di mo pa iyon na comment baka di muna kita gawan ng tula..may mga nakalinya na kasi akong ipost..ang mga susunod kong post ay may mga kaugnayan sa politika..december ko iyon naisulat..magtatagal pa muna bago ako mag post uli ng by request..baka pagkatapos na ng eleksyon ako uli mag post ng tungkol sa pag request..maraming salamat sa sinabi mo..

Glenda is the name. =) said...

Kay sarap naman ng pag mamahal na ganyan! =)

fiel-kun said...

Haay, ang ganda naman ng tula na ito ^_^

Pero parang may naaamoy akong kakaiba... baka more than friends na ang pagtitinginan nyo sa isa't-isa :)

kimmyschemy said...

may pinaghuhugutan?

eden said...

Hi, Arvs, Just dropping by to thank you for the visit.

Have a good week!

Grace said...

Isa na namang magandang tula. Ang swerte ng mga kaibigan mo. (Isa na ako duon. he-he-he)
Super in-demand ka na ngayon ah. :)

Arvin U. de la Peña said...

@Glenda..............talagang masarap kung ganun talaga para sa isang kaibigan..kung lahat na kaibigan ay walang pagbabago sa pakikitungo tiyak maganda ang relasyon..

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun..........salamat at nagandahan ka sa tula na ito..hehe..ganun ba..parang iniintriga mo naman kaming dalawa..tingnan lang kong may kahantungan pa na malalim ang pagkakaibigan namin..basta mahalaga siya sa akin..nasa puso ko,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@simply_kim.............oo naman kasi nag isip talaga ako ng malalim paano ko magawa ang tula na ganito,hehe..siyempre habang sinusulat ay siya ang iniisip,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@eden...........thanks also for visiting me..have a nice day to you..

Arvin U. de la Peña said...

@Hi I'm Grace............salamat..masuwerte nga sila kasi pinagbibigyan ko ang request nila na magsulat ako ng tula..kaya ko naman kasi ang ganun kaya ayos lang..katulad mo ng magrequest ka na magsulat ako ng isang tula ay pinagbigyan ko ikaw,hehe..

Glenn said...

yun oh. yen :]