Melvin Riel January 19 at 4:39pm
just want to ask kung pwede kung magamit sa video ko yong mga nagawa mong poem? oks lang ba sayo, parang nagustohan ko kasi..
gawa ka ng ng poem na yong TEMA ay comparison sa panahon noon at sa panahon ngayon. thanks!
gawa ka ng ng poem na yong TEMA ay comparison sa panahon noon at sa panahon ngayon. thanks!
PINUNO
Ni: Arvin U. de la Peña
Nahalal ka lang na pinuno ng bayan
Akala mo na kung sino ka
Lahat na kumontra sa iyo ginigipit mo
Hindi ka naaawa sa kanila.
Gusto nilang magkaroon ng hanap buhay
Pero hindi mo binibigyan
Ayaw mo silang bigyan ng permiso
Ngunit kung kakampi mo iyong pinagkakalooban.
Anong klase kang tao
Bakit ganyan ka sa ibang tao
Dapat magsilbi kang magandang halimbawa
Dahil ikaw ay punong bayan.
Ngunit hindi ka ganun
Dahil para kang buwaya
Nananakmal ka ng tao
Pero sa ibang pamamaraan.
Kung alam mo lang
Lagi kang pinag-uusapan
Dahil hindi ka lang ganun
Pati pera ng bayan kinakamkam mo.
PAGSAMANTALANi: Arvin U. de la Peña
Habang ikaw ay nasa posisyon pa
Samantalahin mo ang pagkakataon
Magnakaw at mangurakot ka sa bayan
Para ikaw ay lalo pang yumaman.
Huwag mong intindihin ang iyong mga kababayan
Dahil halos lahat sila ay mga tanga
Ibinoto ka nila sa halalan
Kahit hindi ka karapat-dapat na manalo.
Hindi ka naman nila masisisi
Kung hindi mo gawing maganda
Ang iyong serbisyo sa publiko
Dahil lahat sila halos ay binayaran mo.
Kahit ano ang gawin mo
Wala silang karapatan na magreklamo
Kaya gawin mo ang lahat
Maging ito man ay labag sa mata ng taumbayan.
Pagkat kung ikaw ay mawala na sa posisyon
Hindi ka na lilungunin ng mga tao
Nararapat lang talaga habang nakaupo pa
Gamitin ang kapangyarihan sa pansariling interes.
39 comments:
Wow! That was great bosing! Very Timely! Unti unti nang nadidiscover ang mga compositions mo. Keep it up!
Sana maraming makakabasa n mga politicians nito...
you deserved it Arvin. Sumisikat ka na sana hindi ka makalimot. Sorry, pala kung ngayon lang ako nakapag-reply sa mga messages mo. Siguro naman nabasa mo sa blog ko ang dahilan. Anyways, thank you so much sa mga sayings mo everytime na nagvivisit ka. I love them all very inspiring. salamat din at lagi mo akong naalalang i-visit. God bless and more and more na magagandang tula ka pa sana na gawin. Hopefully I will keep on track after April 16 here. sobrang busy lang talaga. God bless and keep in touch my friend.
Ramdam ko ang bitterness sa tula mo ah. Yari ka pag may nakabasang politiko jan sa tula mo, pag pina kidnap ka halaka buong buo pa mandin ang panagalan mo ang dali mo hanapin,hahaha oh no.. mamimis kita friend saka panu na ko, di mo pa ko nagagawan ng tula.hehe.
ayos na ayos yan ser. im sure sakling sakli yan para sa mga tumatakbo ngayon. minsan naniniwala pa rin ako na may mga public servant pa rin paminsan-minsan, pero sadly mas marami ang mga "politiko". which has a very distinct difference.
keep it up. apir!
bigatin! ang ganda ng background music sa tula.....makabagbag ng damdamin.....:)
wow, this is good. keep it up! more good things to come for you.
timely... tamang tama ngayong eleksyon.
hello, pls join or be sponsor of my giveaway..visit this link for details..
http://ruthrush.blogspot.com/2010/03/aphrodites-first-giveaway.html
Galing naman talaga! Sobrang bilib ako sayo! Siguro sa susunod e magkakaroon ka na ng sarili mong book na puro compositions mo at bebenta talaga!
ang husay! :)
Ang daming fans mo na. Di lang sa blog pati na rin sa FB. hehehe.. galing mo talaga. very popular ka na Arvs. keep writing.
Nice poem again.
ay sayang di ko ma-view kasi private..lam mo, totoo tong mga tula mo, sad but true.. sana ang susunod na mga magiging pinuno natin ay hindi kurakot at mapaganda nila ang economy tutal sila rin ang magiging bida sa mundo kapag nagawa nila yun diba..
add mo naman ako sa fb
mukhang tatawagin na kitang multimedia king nyan....me mga tula sa blog., me admirers sa Fb at ngyn---pati ang youtube...pangalan mo na ang nakikita. ibang level na talaga to. hehe
@Jag............salamat sa iyo..by next month baka ang mga post ko ay iyong may kaugnayan talaga sa politika..marami na akong naisulat at inuunti unti ko lang kasi matagal pa naman ang halalan..sana nga kapag nabasa ito ng ilang politician na hindi mabuti ay matauhan sila..
@Sam.....................ganun ba..walang anuman iyon..ganun ako kapag bumibisita lalo at may new post..oo nabasa ko ang dahilan..lagi kitang pupuntahan kapag mag iikot ako sa mga blog..dahil mabuti ka naman sa akin..
@Yen..............hehe..natawa ako sa comment mo..hindi naman siguro ako pag iinitan ng ibang politician kapag nabasa nila ang post kong ito..ang dami ngang masasakit pang salita na nababasa sa diaryo about sa politician..huwag kang mag alala at malapit na kitang magawan ng tula..huwag ka lang mainip,hehe..
@ayu..................salamat sa iyong sinabi..nakita niya lang ang blog ko mula facebook at nag request siya..mahilig yata siya gumawa ng mga video tapos ilagay sa youtube..
@manik_reigun............may mga tumatakbo pa rin sa halalan na mabuti talaga ang kanilang hangarin..pero mayroon din na hindi..lalo na iyong mga datihan na may mga ginagawa laging labag sa batas..nais na ipagpatuloy pa kasi para rin naman sa kabutihan nila iyon,hehe..bawat kandidato ay iba iba ang pananaw nila kung bakit gusto nilang maglingkod sa bayan..
@Dhemz..............maganda nga ang background music ng nasa video..di ko nga alam kung ano ang pamagat..kapag nalaman ko ang pamagat mula sa kanya ay ilagay ko sa mixpod dito sa blog ko..
@Chyng...............thanks sa iyo..sa iyo din sana marami pang magagandang bagay ang dumating..
@simply_kim..............oo nga..ang mga susunod ko pang post ay may kaugnayan pa rin sa politika..malapit na kasi ang halalan..ipagpaliban ko muna ang by request portion dito sa blog ko..
@Ruthy.............ic..pag iisipan ko pa po..salamat sa muli mong pagbisita sa blog ko..
@Anney.................gusto ko rin talaga na malagay sa libro itong mga sinulat ko..by volume..ibig sabihin volume 1 ay halimbawa ay 200 lang na mga sinulat ko..tapos ganun din sa volume 2 and so on..kapag nangyari iyon sana bumili ka,hehe..
@Chingoy...............salamat..maganda nga ang pagkakagawa niya ng video..
@eden.............sa friendster ko ay naroon din sa shout ang tungkol sa blog ko..sa facebook ay ganun din po..minsan nag popost ako sa wall ng ilang friends para tingnan ang blog ko..kaya iyon ang dahilan bakit may nag message sa akin para malagay sa video ang mga sinulat ko..
@Bambie dear...............ang sinulat kong ito ay medyo may katotohanan nga para sa ibang mga politiko..sa politika kasi ginagamit ang impluwensya..kung sino ang malapit sa kanila o kaya tumulong sa halalan ay iyon ang malakas ang kapit sa kanila..ganun talaga eh..inuuna ang sumuporta sa kanila para manalo kung may hinihiling man..ok add kita sa facebook ko..ano ang facebook account mo..
@pusang_kalye...........haha..maraming salamat sa mga sinabi mo..pati po sa friendster ko ang nasa shout ay ang tungkol sa blog ko..sa facebook ko kasi ay makita doon ang tungkol sa blog ko..nag request siya kaya nararapat lang na pagbigyan lalo at ilagay sa youtube,hehe..
Wow! Your poems had reached the persons who needed them. Galing!
naks naman! yan ang maganda... nagkakaroon ng kabuluhan ang sariling gawa dahil naipapaabot mismo sa taong dapat makabasa... jejejejejeje
Masakit mang pakinggan pero tutuo lahat ang sinabi mo sa iyong dalawang tula. Nakalulungkot na isipin na bumagsak sa ganitong antas ang kalidad nang mga namumuno sa ating bayan. Lahat tayo ay dapat sisihin dito sa kinasadlakan nating situasyon. Tayo na nagbebenta nang ating boto. Tayo na nagbibingi bingihan lamang habang ang mga opisyal nang bayan ay gumagawa nang lahat nang klaseng anumalya. Tayo na ang interes din ay pangsarili lamang. Tayo na palaging nakatingin sa itaas at nahirating umasa na lamang sa ating kapwa para sa lahat nang ating pangangailangan. Tayo na nakalimot sa Diyos na Siyang lumalang sa atin at Siya ring nagbibigay nang lahat nang mabuting bagay sa atin. Tayo na tinalikuran na ang ating prinsipyo at idealismo na hawak natin nuong tayo ay bata pa. Tayong lahat ay naligaw kaya pati ang mga namumuno sa atin ay ligaw na ligaw din. Tayo rin ang aahon sa ating sari sarili sa tunany na pagbabago. Sana tayo ay matauhan at tunay na magbago na. Salamat sa amakahulugang mga tula, Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
galing-galing Arvin! keep the good writings coming! ;-)
thanks my friend for being so nice. and always remember to visit my site. I am sure that I will always visit you back. Have a great week
ibang level ka na kuya arvin!!!
super sikat ka na!!!
WAG MO KONG LIMUTIN AH!!!
:PPP
@CaptainRunner...............ganun ba..salamat naman kung ganun.......sana nga lang sa sinulat kong ito ang tamaan ay huwag magagalit,hehe..
@I am Xprosaic..............oo nga eh..iyon ang maganda sa blog kasi puwede na mabasa ng hindi rin bloggers,hehe..
@Mel Avila Alarilla............maraming salamat sa mga sinabi mo..talaga pong hindi natin alam ang tunay na kulay ng isang tao na ibinoto natin hanggat hindi siya nauupo sa puwesto..maraming mga politiko ang mapag balat kayo..sa pangangampanya ay makukumbinsi ka talaga na siya ay mabuti..pero kapag nahalal na ay nag iiba na..ang pamimili ng boto ay normal na iyon kasi paraan din iyon para manalo..at tayo naman na ibinibenta ang boto ay hindi rin siguro masisisi masyado kasi pera na iyon na binibigay..magsusulat lang tapos may pera na,hehe..
@rarejonRez..............thanks..patuloy pa rin ako na magsusulat ng mga tula, kuwento, at poems........iyon pa rin ang laging mababasa sa blog ko..
@Sam..............walang anuman..thanks din na binibisita mo rin ako..hayaan mo na kapag mag iikot ako sa ibang blog ay madadaanan talaga kita..
@gege...............oh talaga..thanks sa iyong sinabi..oo di kita makakakalimutan, ikaw pa..
Post a Comment