Umaasa ako na sa post kong ito ay hindi kayo makaramdam ng lungkot. Isa sa mga naging kaibigan ko talaga dito sa mundo ng blog ay walang iba kundi si Patola. Nang makilala ko siya ay agad nagtanong ako sa kanya kung puwede ko siyang handugan ng tula. Pumayag naman po siya at iyon ay ang post ko noong August 18, 2009 kasama ng picture niya na ang pamagat ay WAGAS NA PAG-IBIG. Nakakatext ko rin siya at minsan nakakachat pa. Tapos minsan ng magkatext kami ay sinabihan niya ako kung puwede daw na magpost ako ng tula na gawa naming pareho. Ibig sabihin ay mag e-mail ako sa kanya ng tula tapos edit niya at may ibang baguhin na mga salita sa original kung sinulat. Pumayag naman po ako at iyon ay ang post ko noong October 22, 2009 na ang pamagat ay KAGUBATAN, ILOG, AT DAGAT. Sa pag edit niya doon ay nasabi ko na magaling talaga siya magsulat. Kasi para sa akin ay mas maganda ang ginawa niyang pag edit kaysa sa original kong sinulat. Tapos pagtagal ay hindi na siya nag post sa blog niya. Magkaganun pa man ay patuloy ko pa rin binibisita ang blog niya. Hanggang isang araw ng bisitahin ko ang blog niya ay blog not found na. Binalewala ko lang muna iyon pero pagkalipas ng ilang araw na ganun pa rin ay doon nakaramdam na ako ng lungkot. Tinawagan ko siya sa cellphone at inamin niya na close na niya ang kanyang blog kasi di na raw niya maasikaso. Wala na raw panahon para doon sa blog. At ng tanungin ko siya kung ibabalik pa niya ang kanyang blog ay sabi niya hindi niya raw alam. Malungkot sa akin ang ganun kasi puwede naman na hindi na siya mag post para lang manatili ang blog niya. Pero iba ang ginawa niya. Close niya talaga ang blog niya para wala ng makakita at makabasa kung anuman ang mga post niya doon. Siya pala ay magtatapos na ngayong marso sa kursong Accountancy at baka raw hindi siya magreview kasi mag proceed siya sa kursong Law. Sa iyo Patola hangad ko ang tagumpay mo sa buhay. Di ko ikaw makakalimutan kahit na ako ay nalungkot ng iclose mo ang iyong blog.
http://www.akosipatola.blogspot.com/
"Treasure everything that is special to you. Make as many memories as you can. Because remember, life is not measured by the breaths we take. But by what takes our breath away."
KAY PATOLA
Ni: Arvin U. de la Peña
Akala ko hanggang sa pagtanda natin
Tayong dalawa ay magsasama
Dito sa mundo ng mga sulatin
Sa daigdig na kung tawagin ay blog.
Malungkot man na ikaw ay namaalam
Ang tangi ko na lang magagawa
Tanggapin na ayaw mo na dito
Marahil mas gusto mo ang sa totoong mundo talaga.
Magkaganun pa man kaibigan ko
Nais ko pa rin na ikaw ay pasalamatan
Na sa sandaling nagtatagpo tayo
Sa mundo ko ngayon ay sumasaya ako.
Nagbibigay sigla ka sa buhay ko
Kahit na magkalayo tayo
Wala ka naman sa ngayon
Ang iyong alaala di ko malilimutan.
Patola, isang blogger na nakilala ko
Gulay kong tawagin ng iba
Hangad ko lagi ang iyong kabutihan
Maraming pong salamat sa lahat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
66 comments:
Baka naman nabusy lang... nagtour, nagpahinga... kaya out of reach muna...jijijijijijiji
kala ko naghahamon ng away kasi PATOLA means PATOL sa gay linggo. hihi
Nagko commiserate ako sa iyo. Mukhang close kayo nang kaibigan mong si Patola. Pero ganuon talaga ang buhay nang blogger, madalas may mawawala na kaibigan. Napansin ko na mas marami ang mga kaso nang mga blog nang mga babae na nagsasara o hindi active. Mas fickle minded kasi ang mga babae at kung minsan hindi sila focused sa purpose nila sa pagba blog. Marami ang naguumpisa na naa attract sa kitang pera sa pagba blog at pag hindi nila nakuha ang inaasam nila ay nagki quit na lang. Maaaring nagbago na ang priorities nang kaibigan mo dahil gusto niyang mag pursue nang abugasya at siguro sa kanyang pagiisip ay hindi na kasama ang pagba blog sa bago niyang buhay. Salamat sa malungkot na artikulo. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
hindi naman kaya magalit si patola nyan na ibinandera mo sa publiko ang istorya nyo? hehehe... bata ka pa, marami ka pang makikilala, pero siyempre iba si patola. pero eka nga... 'you know when it's time to let go..'
That's life naman that there are things we have to prioritize. i have few contacts too that closed their blogs for personal reasons. Paki Congrats nalang sa kanya at Good luck sa Law study niya.
ah. xa pala si patola.
nakakalungkot naman.:(
sana bumalik xa..
meh kaibigan din ako sa blog taz un nagaway kami tas un wala na.
un, naalala ko lang.
hm. cheer up.
maaalala ka din nun pag lawyer na xa.hehe
minsan ko na nadalaw si patola. yap galing nga nya magsulat. uhmm. walag problema na mamaalam sya sa blog db? kasi may number nmn kayo sa isat isa eh.
hi arvin :)
ang danda ni patola :)
sayang namn at mwwla xa.. bka nmn magpapahinga lng xa. dadalawin q xa pagbalik nya.. hehheh..
oh..how sad.. :( maybe she's just busy..
hope she'll come back.. :/
take care and God bless! :D
nakapalungkot naman nito...hopefully...sa darating na panahon ay magkita kau muli...baka di na dito sa blog world...baka sa totoong mundo na ;)
ay.. kakalungkot naman. niwey sayang din ang blog niya pero ganun pa man desisyon niya yun. I text mo na lang lagi c patola para di ka malungkot:-) or hanap ka nalang ulit ng mga bagong friendship sa blogosphere para maibsan ang kalungkutan mo k patola.
hahaha....kakatuwa naman yung screen nya..."patola"....lol!
baka nga lang busy....:)
salamat sa dalaw at comment!
Sayang ang nasimulan niya ano, well choice niya yun. Study niya ang priority niya and she did a good choice though.
may iba pa namang medium para magcommunicate kayo..ayus lang yan
Mukhang bata pa nga sya.
Busy na nga siguro sa studies nya lalo na at Accountancy pa ang course nya.
sa'n ng-aaral si Patola? and what's her real name??..she looks familiar..san xa mgpproceed ng law?..
hope she comes back..
Nice naman... I think busy siya... Wala talagang update...
Mahirap kasi ang LAW...
"Life is not measured by the breaths we take. But by what takes our breath away." Nice... I love it! :)
@I am Xprosaic.............noong mag bagyong Ondoy ay nabusy nga rin siya kasi nag volunteer din siya para sa mga nasalanta..iyon kasi ang sabi niya sa akin ng magkatext kami that time..baka close na niya talaga ng tuluyan..ang haba naman ng pahinga kung ganun na di pa niya binabalik..
@ayu.............medyo malungkot nga talaga kasi di na siya nag blog..mga 2 weeks na sigurong close niya ang blog niya..nasa blog list ko rin siya..kung nagtingin tingin ka sa mga nasa blog list ko ay siguro nakita mo ang blog niya dati..nasa letter a siya sa blog list ko..
@Chyng..............hehe..di po naghahanap ng away..kaw talaga..kumusta ka na diyan..mabait po siya kaya di iyon mahilig makipag away..
@Mel Avila Alarilla..........salamat sa sinabi mo..tama ka na maraming babae na nag blog tapos ay close pag tagal..napansin ko rin iyon sa aking mga nasa blog list..may click ako tapos blog not found na..matalino siya at alam ko magiging lawyer siya balang araw..
@simply_kim.............di naman siguro iyon magagalit..baka matuwa pa nga iyon,hehe..madami rin ang nakakakilala sa kanya dito sa blog world..
@eden..........yes, alam ko na sa bawat tao ay may mas pinapriotize talaga..iyon ang mas mahalaga para sa kanila..pero puwede naman na ang blog niya ay hindi iclose para makita pa..sana mabasa niya itong sinabi mo at ng iba pa..
@ambiguous_angel.............oo siya si Patola..di mo ba nakita ang blog niya dati..ganun ba..ibig mo bang sabihin ay sa pag away niyo ay close niya na lang ang blog niya..siguro naman kahit paano kapag kaharap niya ang computer ay maaalala niya ang isang tulad ko,hehe..
@kikilabotz..........mabuti naman at nadalaw mo na dati ang blog niya..magaling nga siya..para sa akin ay iba pa rin kung may blog pa rin siya..di naman kami madalas mag katext eh, basta may number lang ako sa kanya..
@kayedee..........maganda nga siya..kaya nga nung una ko siyang makilala agad ay sinabihan ko siya kung puwede ko siyang handugan ng tula..hayaan mo kapag bumalik siya sa pag blog ay pagsabihan kita..
@nice...............busy nga siya lalo at graduating na siya..thanks sa iyong sinabi para sa kanya..
@Ruby.............ibig mo bang sabihin ay nakaramdam ka ng lungkot..sana nga ma meet ko siya sa totoong buhay talaga..i am hoping for that..
@Yen..............wala nga akong magagawa kasi desisyon niya iyon..minsan ko lang po etext si patola at isang beses ko pa lang siyang tinawagan..salamat at ikaw ay isa kong kaibigan dito..pumipili ako ng hihingan ko ng number,hehe..
@Dhemz...................ako din noong bago ko pa lang siyang makilala ay medyo napatawa sa name niya dito sa blog..kaya nga ang tawag din sa kanya ng iba ay gulay kasi ang patola ay nakakain..walang anuman iyon..
@shydub.............medyo sayang nga pero wala akong magagawa kundi tanggapin ang pasya niya..tama ka nasa good choice siya na mas piliin talaga ang pag aaral..para sa kinabukasan niya iyon..
@Renz..............oo nga pero kung may blog pa rin siya ay mababasa ko ang mga sinusulat niya..
@Nanaybelen..............bata pa nga siya..tiyak malaking handaan kapag nag graduate na siya ngayong marso..march 25 yata o 27 ang graduation nila..
@beanizer_05..................talaga..baka naman nakita mo na talaga siya diyan sa manila..Kathleen po ang real name niya..di ko alam kung saan siya mag proceed ng law..di niya naman sinabi sa akin ng tawagan ko siya..sana nga bumalik siya sa pag blog..kung hindi man ay okey na rin iyon kasi baka mas gusto niya talaga ang walang blog..sa ateneo po yata siya nag aaral..
@Mangyan Adventurer.............thanks at nagustuhan mo rin uli itong post kong ito..busy nga siya..talagang mahirap ang kursong law..sangkaterbang memorization ang gagawin,hehe..
@rarejonRez...........maganda nga ang quotes na iyon na send sa aking cellphone at save ko lang..madami kasi akong save na quotes sa cellphone ko..
Kung anuman ang hangarin ni Patola sa buhay niya, suportahan natin siya.
hehehehe, masakit ayata sa akin to ah.. nakakarelate ako..
pero ang swerte naman ni patola ... nice one Arvin ... Sa sunod na many blog siya ... baka lawyer na siya.
ay patola sino kaya yan!
Visiting you uli to thank you for the comment. Really appreciate it. Have a nice weekend.
hi arvz. miss ko na kau. wahaha. kelan k bbli ng domain mo? may balak ka bang bumili? comment ka
ah si patola,napadaan n din ako sa blog niya. saayang nman at sinarado niya na, gayon pa man, ok lng yan, nkktxt mo pa din pala hehe
Ganyan talaga ang buhay estudyante... dumadating sa point na sobrang hectic na talaga ng schedule at hindi maasikaso ang iba pang mga bagay-bagay.
Goodluck kay Patola sa kanyang pag-aaral.
Sana makabalik siyang muli sa mundo ng blogosperyo sa darating na panahon.
Sayang naman yung blog nya. Pero malay mo oneday e bigla na lang uli sya bumalik sa pagba blog.
baka gusto n ni Patola na manahimik na lang kaya sinara n nya ang blog niya...
Ang lungkot naman. Napansin ko lang ha, parang palagi ka na lang iniwanan. :(
Ay, mali pa. Andito pa naman pala kami. :)
tama!
baka naman busy lang si patola...
babalik din sya.
HI KUYA ARVIN!!!
^ - ^
si patola ba yung nasa picture? maganda sya ha!
kaya lang sana maging masaya ka nalang para sa kanya. if blogging isreally her cup of tea, hahanapin at babalikan nya rin yan.
@CaptainRunner............oo..dapat natin siyang suportahan kahit na ba sa blog lang natin nakilala..kahit sino pa man iyon na tao basta ba naging mabuti dapat ay bigyan halaga..hangad na lang ang kanyang tagumpay..
@tim...........bakit naman naging masakit para sa iyo ang post kong ito..may nakilala ka na rin bang blogger tapos naging close kayo at isinara niya ang blog niya..
@Vernz.................ganun ba..masuwerte nga siyang tao..i hope na kapag maging lawyer na siya ay bumalik siya sa pag blog..hihintayin ko pa rin siya..
@Pretsel Maker............isa po siyang blogger..may blog din siya..nagtagal din siya dito sa mundo ng blog..sayang at di mo nabisita ang blog niya noong di pa niya sinasara..
@eden.............thanks din sa iyo..walang anuman iyon..kumusta ka naman..
@Glenn Kun..................wala po akong balak bumili eh.....di ko alam kung sa susunod na mga panahon ay bumili ako,hehe..
@KESO.............ganun ba..nilagay din ba niya ang blog site mo sa blog list niya..ayos naman di ba ang blog niya..sayang talaga pero desisyon niya iyon na iclose..
@fiel-kun.................tama ka..ganun nga kapag estudyante talaga at gustong pahalagahan ang kanyang mga nais sa buhay..maganda rin naman ang nais niya na mag aral din ng abogasya..sana nga bumalik siya pero kung hindi na ay tanggapin ko na lang at ng iba pa ang pasya niya..
@Anney................oo sayang nga..as i said puwede naman na hindi niya iclose kahit di na siya mag post..pero ang sagot niya sa tanong ko bakit niya close ay dahil hindi na raw niya mabisita lagi..busy siya siguro masyado lalo at graduating na..
@Jag.................ang sabi niya lang sa akin ay di na raw niya maasikaso ang blog niya..wala na siya time sa pag blog..
@Hi I'm Grace.............hehe..napansin mo pala..salamat at nandiyan pa rin kayo para sa akin..masaya ako na hindi niyo ako iniiwanan..kayo na mga natitira ko pang kaibigan dito sa blog..hindi lang ikaw pati na rin ang iba pa..
@gege............busy nga siya lalo na at graduating na siya..kung kailan siya babalik ay iyon ang hindi ko alam..hi din sa iyo..
@gege............busy nga siya lalo na at graduating na siya..kung kailan siya babalik ay iyon ang hindi ko alam..hi din sa iyo..
@admin..............opo si patola ang nasa picture..maganda talaga siya..masaya naman ako para sa kanya..medyo nakaramdam lang ako ng lungkot ng close niya ang blog niya..
sweet naman hehe ^_^
ok lang yan..marami pang iba diyan..^_^
Post a Comment