Sunday, March 7, 2010

Panahon

Mabibili na po sa mga major bookstores ang libro ng blogger na si ellaganda. Di ko alam kung pang ilan na niyang libro ito. Pero sa pagkakaalam ko ay hindi ito ang una niyang libro. Ako pag makapunta ako ng National Bookstores ay hanapin ko ang book niya at bibili ako kasi gaya ng sinabi ko dati ng magrequest siya na sulatan ko ng tula ay naging controversial siya kasi kinasuhan siya ng libel dahil sa isa niyang sinulat. Para po malaman niyo ang lahat ay punta po kayo sa site niya na http://www.ellaganda.com/ at i hope kung makapunta kayo ng bookstores at may natitira pa kayong pera ay bumili kayo ng libro niya.

"Sometimes you have to run away, not just to create distance. But to see who really cares enough to run behind and pull you back"





















PANAHON
Ni: Arvin U. de la Peña

Hindi man tayo nagkita
Hindi ibig sabihin na ayaw ko sa iyo
Sa buhay ng tao ay may bagay-bagay
Na minsan kailangan muna natin iwasan.

Tayong dalawa ay mayroon pa naman komunikasyon
Siguro ay sapat na muna iyon
Huwag ka lang sana magtampo
Dahil balang araw ay magtatagpo rin tayo.

Magkakausap rin tayo ng harapan
Personal tayong magkakakuwentuhan
Baka magtawanan pa nga tayo na nagkita
Ang nagkakilala lang sa makabagong teknolihiya.

Basta lagi mo lang iisipin
Di ka nawawala sa isipan ko
Dahil kahit paano ang isang tulad mo
Nagbibigay din ng kasiyahan sa akin.

At kung kailan magtatagpo ang ating mga mata
Iyon ay wala pang katiyakan
Wala pa talagang kasiguraduhan
Panahon lang siguro ang makapagsasabi.

45 comments:

chingoy, the great chef wannabe said...

"Sometimes you have to run away, not just to create distance. But to see who really cares enough to run behind and pull you back"


in tagalog.... habulin nyo muna ako hehehe

peace!!;)

Anonymous said...

hang galing nman! ma silip nga xa! hehe.

hmm mukhang my nfifil akong lab s tula ah! hehe..

hang swittt.. :)

Mel Avila Alarilla said...

Mukhang magaling nga na manunulat si Ella Ganda kung nakapagsulat na siya nang ilang libro na nalimbag na. Maganda rin yung tulang dinedicate mo sa kanya. Maganda naman ang inyong pagiging magkaibigan at hindi kataka taka na magkita kayo sa hinaharap. Pareho naman kayo nang hilig na sining- ang pagsulat. Salamat sa artikulo. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

EngrMoks said...

Mukhang dumadami na ang mga blogger na sumusunod sa yapak ni bob ong ah..nagkakalibro na rin!

CaptainRunner said...

Galing naman, may libro siya :)

YAM said...

natutuwa talaga ako pag nakakabasa ng mga blog na ganito..

nice one:)

Yen said...

Aw, ka touch naman ng tula mo para k ella ganda. Sure Id look for her book at national bookstore.Ikaw ba kelan ka maglilimbag ng sarili mong book.. mukha kasing balak mong sundan ang yapak ni francisco balagtas. hehe. I wonder what title of the poem you'd be making me if you have the chance to make one for me? hmmm...

Arvin U. de la Peña said...

@Chingoy...........hehe..ganun ba..eh kung mabilis kang tumakbo ay mahirap kang habulin..paano kita mahahabol kung singbilis ka ng kidlat kung tumakbo,hehe..joke..

Arvin U. de la Peña said...

@kayedee..............magaling nga siya kasi may libro na siya na nalimbag at nabibili sa bookstores..kapag may nagawang libro ay ibig lang sabihin na magaling magsulat..malawak ang imahinasyon..wala akong masabi sa mga manunulat tapos may nagagawang libro..hanga ako sa kanila..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla.............yup, magaling nga siya..hindi mag aaksaya ang gumagawa ng libro kung hindi maganda ang malilimbag at walang katuturan..pinag uusapan kasi muna iyon kung puwede bang mailimbag para maging isang book at maibenta..di naman siguro malulugi lalo na kapag madami ang bibili..di ko alam kung kami ay magkikita balang araw..

Arvin U. de la Peña said...

@Mokong...................dumadami na nga......ang mga libro na nabasa ko na sinulat ni bob ong ay iyong mga quotes lang..may nakita kasi akong libro ng mga quotes na gawa ni bob ong..magaling din si bob ong..

Arvin U. de la Peña said...

@CaptainRunner.............magaling nga talaga kasi may libro.......sarap isipin na ako ay mayroon ding ganun,hehe..who knows balang araw ay magkaroon din ako ng libro ng mga sinulat ko,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@ambiguous_angel..............talaga..salamat naman sa iyo..add ko na pala ang blog mo sa blog list ko..salamat sa pagbisita mo sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen................di ko alam kung kailan ako maglilimbag ng mga sinulat ko para maging libro..matagal pa siguro..dapat umabot muna ng thousand,hehe..kung susulat ako ng poem para sa iyo ang pamagat ay SA WAKAS..iyon talaga ang gusto ko kasi sa wakas nakita at nakilala ko ikaw na blogger..i really like you..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu...............ang libro niya ang pamagat ay may salitang diary......di ko alam kung ano ang mga nakasulat doon kasi wala pa akong kopya......pero bibili din ako ng book niya..ikaw sana ay bumili din ng libro niya..

Dhemz said...

ayay! masilip nga...ehehhehe....ganda ng tula ah.....good job!

Verna Luga said...

Ikaw ang sunod niyan arvin, sana balang araw mabasa ko rin libro mu at hanapin sa national bookstore ....

In This Side of Town
Anything Davao
Some Things Are Free
Woman’s elan vital

Xprosaic said...

ayos ah... may book na sya... galing! galing!

CaptainRunner said...

Oo nga, ako naman sana magkaroon ako ng magazine about photography and places that I've been :)

Glenda is the name. =) said...

beautiful!

eden said...

nice poem again, arvs.. keep on writing..

Have a nice day

Genefaith said...

parang interested akong bumili ng book nya, yan if may natira pa sa bookstore if ever I'll get back home jan sa Philippines.

Galing mong gumawa ng tula Arvin. Keep it up! Have you planned to publish your work too in hard copy? I hope you would:)

Thanks for dropping by pala:)


By the way I joined a contest "Kaye and Pehpot's Blogversary Contest" and I need referrals to earn a whooping 50 points from just one person. Would you be my referral? Very easy lang friend ang pagjoin- no blog review needed, all you have to do is just copy the html code they provided and post. Here's the simple step:

Step 1: Open your dashboard and create a new post, put in a title of your choice.

Step2: Copy the codes that can be found http://randomwahmthoughts.blogspot.com/2010/01/required-blog-about-our-contest.html

Step 3: Publish your post and copy the URL or link location then comment with the URL of your post http://randomwahmthoughts.blogspot.com/2010/01/required-blog-about-our-contest.html

Step 4: Create a new post in your blog and copy the codes that can be found http://randomwahmthoughts.blogspot.com/2010/01/required-review-major-sponsors.html

Step 5: Publish your post and copy the URL or link location and comment with the URL of your post http://randomwahmthoughts.blogspot.com/2010/01/required-review-major-sponsors.html

If you join could you please include pala that GENEJOSH is your referrer:)You also have tons of chances to win if you'll join:)

Thank you so much . Nakakahiya man mag-ask ng favor but I need to...*blush*...

March 18 pala ang end of the contest:)

More details here: http://www.genejostory.com/2010/03/would-you-be-my-referral.html

Jag said...

Ang galing nmn ni Ella...aba teka nakadalawang feature na xa sa blog mo ah? uhmmm...jijiji...

Azumi's Mom ★ said...

another great tula.. sana ay makapag-pa-publish ka di ng libro mo balang araw.. marami ka na rin tulang naisulat at na-ishare sa amin.. nwei, kamusta na kaya si ella? ay naku uminit ang dugo ko nung nabasa ko ang controversy... naniniwala ako sa kanya.

anney said...

I'll check out her book! Thanks for sharing!

kikilabotz said...

matagal ko ng kilala si ella ganda. as in sikat naman talga siya eh. gusto ko nga bmili ng libro nya kaya lang wala ako pera. hehe

about sa poem. nauuso na ata ang nagkakainlovevan sa net noh? haaay

gege said...

hahanapin ko yan sa bookstore!

hi kuya arvin!
:p

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz...............sige puntahan mo ang site niya..maganda rin ang site niya..nakakatuwang basahin ang tungkol sa controversy niyang kinasangkutan..read mo rin ang sinulat niya na naging dahilan para siya ay makasuhan..thanks at nagandahan ka rin sa tula..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz...............hehe..ganun ba..sana nga..pinag iisipan ko na rin iyan na ang mga naipost ko ay gawing libro..gusto ko ngang mag email sa mga publisher kung puwede itong mga naisulat ko maging isang libro..

Arvin U. de la Peña said...

@I am Xprosaic................magaling nga siya..wala akong sinabi..may libro na kasi siya kaya dapat na hangaan talaga..

Arvin U. de la Peña said...

@CaptainRunner...........puwede rin ang plano mo na gawing libro ang mga lugar na pinuntahan mo..tapos sa bawat lugar ay magsabi ka ng kung ano tungkol doon sa lugar.........mga magaganda sa lugar..para kaakit akit..madami rin ang bibili ng ganun lalo na iyong mga turista..........

Arvin U. de la Peña said...

@Glenda...................maganda nga..lalo na siya na tao.......kung maganda ang libro tiyak maganda rin ang author,hehe..joke..

Arvin U. de la Peña said...

@eden...............salamat sa muli mong pag appreciate sa tula kong ito na sinulat..magandang araw din sa iyo..walang anuman..mamaya bisitahin rin kita sa blog mo..

Arvin U. de la Peña said...

@Genejosh..............sana nga may kopya pa ng libro niya pag umuwi ka na..balita ko kay ellaganda ay madaling maubos ang libro niya..try mo lang hanapin sakali na umuwi ka..puwede rin na mag text ka sa mga kakilala mo kung puwede ay bili sila ng libro niya..minsan naiisip ko rin kung ano kaya ay may libro din ako ng mga sinulat ko..tingnan ko lang..di ako makapag promise sa iyo..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag................yes, tama ka..nakakadalawa na nga..ibang klase kasi siya,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Bambie dear............i hope so..sana nga..gaya ng nasabi ko na ay minsan naiisip ko rin na sana ay maging isang libro itong nasa blog ko sa ngayon......siguro naman ay may bibili din ng libro ko sakali,hehe..ayos lang naman siguro siya..ako din ay naniniwala na wala siyang intensyon na makasakit o manira ng tao sa post niya na naging dahilan para siya ay makasuhan..ayos basahin ang mga sinulat ng tungkol sa kanya,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Anney.............ok..sana ay magkaroon ka ng kopya ng libro niya..walang anuman..thanks sa muli mong pagbisita sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@kikilabotz...............ic..last year ay nabisita ko na ang site niya..pero ngayong taon lang talaga na siya ay nakaibigan ko na..at dahilan para lagi ko siyang mabisita kapag nag iinternet ako..haha..talaga..mag ipon ka ng pambili ng libro ni ella..marami na rin ang nagmahalan ng dahil sa net..

Arvin U. de la Peña said...

@gege..............ok, hanapin mo at bili ka po sana..hi din gege..kumusta ka na diyan..kumusta ang pag aaral mo..malapit ng mag summer..

fiel-kun said...

whee! galing naman! sana magkaroon ako ng budget at enough time para makabili ng book ni ella. ^_^

CaptainRunner said...

Yup! Okay nga 'yung naisip ko, mahirap lang imaterialize :)

Unknown said...

oh my God!!! nakaktindig balahibo ang mga sinabi mo dito... two thumbs up!

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun..................magaling nga siya..sana nga para naman magkaroon ka ng kopya ng libro niya..mag ipon ka ng pambili,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@CaptainRunner...............ok nga iyon..at siguro naman may magkakagusto rin talaga kapag libro lang ng mga magagandang lugar ang makikita tapos gaya ng sabi ko ay ano ang maganda sa lugar na iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@tim.....................ganun ba..maraming salamat..mahilig ka siguro manood ng mga horror movie,hehe..joke..