Sa tagboard ko ay may nabasa akong message na nagrerequest na magsulat ako ng tula para sa kanya. Nang mabasa ko iyon ay nasabi ko sa sarili na challenging sa aking isip kasi ang request niya ay iyong something inspiring na tula. Ito po ang sinabi niya sa aking tagboard.
mar:
PAGLISAN
Ni: Arvin U. de la Peña
Darating ang araw sa atin
Na tayo ay mamamaalam
Iiwan natin ang mundo
At hindi na tayo makikita pa.
Sa paningin ng tao ay mawawala tayo
Alaala na lang ang maiiwan sa kanila
Kaya habang tayo ay nabubuhay pa
Tayo ay magpakabuti sa ating kapwa.
Huwag tayong manloko sa tao
Lalong huwag na mang-api
Dahil ang gawain na ganun
Ay masama at hindi maganda.
Masarap kung tayo ay lilisan
Na may magandang naiwan sa kapwa
Para tayo ay lagi nilang maaalala
Kahit tayo ay wala na.
Maging ikaw man ay anong klaseng tao
Mayaman man o mahirap
Kapag malinis ka sa iyong kapwa
Ikaw ay mabango sa kanila.
(Ngayon ko lang ito gagawin na ang next post ay isabi ko. Ang next post ko ay isang tula na para sa isang blogger na naging malapit sa akin. Nakatext ko siya at nakaka chat din minsan last year. Ang malungkot nga lang ay close na niya ang kanyang blog. Nang isulat ko nga ang tula na iyon ay nag-iinuman kami ng mga kaibigan ko. Kunwari ay nagtetext ako pero ang totoo ay nagsusulat ng tula at save sa draft. Ganun kasi ang madalas kong ginagawa sa cellphone ko na lang ako nagsusulat ng tula. Madami na rin akong nagawang tula na post na dito sa blog ko na sa cellphone ko lang sinulat. At ang sinulat ko pong tula na para sa kanya ay para sa akin iyon ang maganda kong naisulat ngayong taon,hehe. Abangan niyo ang next post ko kasi may malaman pa kayo ng tungkol sa aming dalawa. )
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
43 comments:
thnks for dropping by. sorry, i seldom visit ur blog bec. i have a problem with my computer.
naks naman! na miss ko yung mga original na compositions mo kaya ako nandito...
pabisita din naman ng new blog ko...
www.iblogtoday.info
salamat.
Maganda nga yung tulang isinulat mo para sa kaibigan mo dahil tumatalakay iyon sa pagiiwan nang mga magandang halimbawa nang pakikipagkapwa tao na magsisilbing alaala sa atin nang ating kapwa kapag tayo ay wala na. Kung baga, ito ang magiging legacy natin kapag tayo ay pumanaw na sa mundo. Maganda ang ganoong topic sa tula. Salamat sa makabuluhang tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
kaya pala ang title paglisan... jijijijijiji
Isa na namang napakagandang tula mula sa iyo parekoy. Very inspiring indeed. Keep it up!
galing galing
Isa na namang magandang tula... at... aabangan ko ang susunod na kabanata... eheste, tula pala. (he-he-he)
Ambait mo naman kuya..hehe..sana gawan mo din ako..haha! about "DeejGeek".. hehe..
DeejGeek of http://deejgeek.blogspot.com
hello kuya. ang nice nung tula very inspiring.
jus visiting u friend nice post
@Faye................walang anuman..kapag nag blog hopping kasi ako ay halos lahat na nasa blog list ko ay puntahan ko at mag message ng iisang message lang,hehe..copy paste..ganun ba..anong problema sa computer mo..may sira ba,hehe..
@admin................salamat naman..sumaya ako sa sinabi mo..makabisita ka sana lagi sa blog ko,hehe..
@Mel Avila Alarilla..........oo nga..tama ka..ang tula nga na ito na sinulat ko ay tungkol sa kung tayo ay wala na dito sa mundo..there is no permament in this world kasi..magpakabuti at magpakabait talaga para masayang alaala ang maiiwan sa ating kapwa..
@I am Xprosaic..............oo nga..may kanta rin na Paglisan na inawit ng bandang color it red..
@fiel-kun.................opo, ito ay isang tula na para rin talaga mabasa niyo na mga bumibisita sa blog ko..with this ay ma inspire sana kayo,hehe..kasi iyon ang request niya..
@kikilabotz...................para sa akin ay mas magaling ka,hehe..salamat naman kung ganun..
@Hi I'm Grace...................kapag na post ko na ang tula na sinasabi ko ay malalaman mo kasi mag message ako sa blog..tiyak ay magagandahan ka sa tula na iyon na handog ko para sa isang blogger na ang blog niya ay close na niya..siguro ay kilala mo rin siya..
@Darrel Jester Ecdao............kapag kaya ko ang request ay pinagbibigyan ko..madami pa nga ang nagrequest na hindi ko pa napagbibigyan..
@KESO................iyon kasi ang request niya..something inspiring daw na tula kaya ito ang naisulat ko..ayos naman at nagpasalamat siya na napagbigyan ko ang request niya..
@IYAN1982............thanks for visiting my blog..welcome ka dito..
another inspiring poem.. siguro marami ka na rin napa-inlove sa mga tula mo.. kelan mo nga pala nakahiligan sumulat ng tula? anywa, wait na lang namin ang next post mo.. sayang at na close na nya ang blog nya, sana mabasa din nya if ever.. have a nice weekend =)
Parang kakilig next tula mo arvin, gf mo na ba siya? hehe
ang ganda ng poem mo..^^ very inspiring talaga...ito pa ung unang poem na nabasa ko sa iyo...heheh...aabangan ko ung next post mo ^_^
kaka-intriga ah...
galing:)
Nakaka inspiring naman nito for Mar...
Haha!
@Bambie dear..............elementary ako ay kapag may project sa pilipino na subject ay nakakapagsulat na ako ng tula..hanggang mag high school at college ako..pero gumawa ng gumawa ako noong may napublish ng sinulat ko sa diaryo..nakita ko kasi sa diaryo na may column para sa pag padala thru email ng tula at pinapublish kapag maganda siguro..kaya ayun ng may mapublish na sinulat ko ay gumawa na ako ng gumawa..at send para sa diaryo..ang iba napublish at ang iba ay hindi..oo nga eh..puwede naman na hindi na siya mag post para ang blog niya ay nandoon pa rin..pero mas pinili niya ang iclose na lang ang blog niya..malaman mo kapag post ko na kasi mag message ako ng isang quotes sa iyo..siguro naman basahin niya kapag post ko na kasi mag text ako sa kanya o kaya ay mag email..
@shydub..................hehe..ganun ba..no, hindi ko po siya gf..pero nagkagusto ako sa kanya,hehe..kaibigan ko po siya..abangan mo iyon ha kasi tiyak magustuhan mo rin iyon na tula..
@Ruby.............ah ok..basahin mo pa ang iba ko pang mga tula na sinulat,hehe..baka abutin ka ng ilang oras bago mo matapos..salamat sa pag abang mo para sa susunod kong post na tula..
@simply_kim...................parang sa showbiz ah..may intriga din kasi dito sa blog..
@ambiguous_angel...............
maraming salamat sa iyong sinabi..ikaw rin naman ay magaling..
@Mangyan Adventurer...............nagpasalamatna po siya na pinagbigyan ko ang request niya..medyo nakaka inspire nga ang tula kong ito na sinulat.........
bkt ung skin wla p rin:(
waaaaa...grabi nato...ehehhehe!
wow! this post is inspiring! great job! :D keep it up..
meron tayong tinatwag na art of letting go--and I think it's one of the best things that we can learn in life coz life is about hellos and goodbyes talaga....
Wow.... sisikapin ko kahit na monsters ang nasa paligid ko ....LOL... bitter sa physical world?... Galing Arvin....
@kayedee................huwag kang mag alala at mapagbibigyan ko rin ang request mo..di ko naman puwede pagsabayin lahat..
@nice..............thanks..kumusta ka naman diya..kumusta ang pag aaral mo..malapit na ang bakasyon,hehe..walang pasok na..
@pusang kalye..............oo dahil dito sa mundo ay walang permamente..kahit ano pa man iyon wala talagang forever..
@Vernz................ganun ba..matapang pala kung ganun..di ka pala umuurong sa laban kasi kahit monster ay kaya mong labanan..
inspiring poem indeed! thanks for sharing arvs..I am sure your friend likes this poem. take care
Post a Comment