Wednesday, March 3, 2010

Tama ba

Kung may mali man sa sinulat kong ito ay kayo na lamang po ang bahalang magtuwid. Marami pong salamat.

"You can fool the people some of the time, but not all the time"
TAMA BA
Ni: Arvin U. de la Peña

Tama bang sabihin na nakamit na natin ang kalayaan. Kung karamihan sa atin ay hindi magawa ang gusto. Parang nakakulong pa rin. Hindi magawa ang nais dahil sa napakaraming hadlang. May batas nga tayo pero ay para lang sa mayroong pera. Napakarami ng nakulong ng walang kasalanan. Napagbintangan lang sila. Hindi makalaya dahil hindi makapagpiyansa. Kapag ang isang mayaman ay makabaril o may nagawang labag sa batas ay madaling makalabas ng kulungan dahil may pangpiyansa. Hindi agad makukulong dahil magkakaroon pa ng asunto. Dahil mabagal ang hustisya ay matatagalan pa bago madesisyunan. Bumibilang pa ng taon. Minsan bulag pa ang hustisya. Kahit may kasalanan ay hindi nakukulong. Lalo na kapag maimpluwensiyang tao. May kapit sa gobyerno. Kahit halata na siya ang utak sa ginawang krimen ay hindi agad mapaparusahan. Ang kalayaan ay masasabing nakamit kung tayong lahat ay nagagawa anuman ang naisin ng walang takot at pag-aalinlangan.

Tama bang sabihin na ang mga padalang pera mula ibang bansa ang nagsasalba sa ating ekonomiya. Para sa akin ay hindi. Tayong mga pilipino o karamihan sa atin ay mahilig sa mga imported na bagay. Tinatangkilik natin ang gawang banyaga. Araw-araw ay napakaraming importation. Sa pag import ng mga produkto ang binabayad ay dolyar o kaya ay pera ng kung anong bansa galing ang import na produkto. Halimbawa na lang ang mula sa Amerika. Araw-araw ay napakaraming pera ang pinapadala mula Amerika papunta sa ating bansa na Pilipinas. Pero araw-araw din ay napakaraming dolyar ang naibabalik papunta sa Amerika. Dahil araw-araw ay nag iimport tayo ng produkto mula sa Amerika kaya natural na ang ibayad ay dolyar. Oo araw-araw ay may umuuwing pilipino mula Amerika at may dalang dolyar. Ngunit araw-araw din ay may pumupunta ng Amerika at nagdadala rin ng dolyar. Baka nga araw-araw ay mas maraming dolyar ang nailalabas mula sa ating bansa kaysa dumarating. Para masalba ang ekonomiya ng ating bansa dapat nating tangkilikin ang produktong pinoy. Ang original bag na katulad ng louis vuitton o di kaya ang hermes kelly bag ay napakalaking halaga. Kung di ako nagkakamali ay hindi bababa sa 10,000 dollar ang presyo. Pero may mga pilipino pa rin na bumibili ng bag na ganun. Samantalang puwede na makabili ng bag na gawang pinoy na nagkakahalaga lang ng 500 pesos. Isang dahilan para sa akin kung bakit bagsak ang ating ekonomiya ay dahil sa pagiging sosyal ng ibang mga pilipino. Ang perang padala mula ibang bansa ay masasabi kong nagsasalba sa ekonomiya ng ating bansa kung hindi na iyon naibabalik sa bansang pinanggalingan. O di kaya kung may bumalik man ay kaunti lang.

Tama bang sabihin na ikaw ang magsisimula para sa pagbabago. Kung mismo sa iyong sarili ay may dapat na baguhin. Napakaraming pilipino ngayon ang nais na magkaroon ng pagbabago. Paano magkakaroon ng pagbabago kung ang naghahangad ay may dapat ring baguhin sa kanyang sarili. Bago maghangad ng ganun dapat ay malinis mo muna ang iyong pagkatao. Kung may bahid ng dumi ang sarili mo ay linisin mo muna para hindi ka mangamoy sa ibang tao na naghahangad rin ng pagbabago. Huwag sumakay sa isang hakbangin para lang makilala ka ng mga tao. Simulan mong baguhin ang dapat na baguhin sa iyong sarili bago ka maghangad ng pagbabago para sa lahat. At kung di mo alam ano ang dapat baguhin sa iyong sarili ay itanong mo sa mga nakakakilala sa iyo dahil tiyak alam nila iyon.

37 comments:

EngrMoks said...

Naks makatao at makabayan na tula... good job Arvin

Verna Luga said...

Siguro nga ... subukan ko sa sarili ko ..LOL.... Nice post again Arvin ....

In This Side of Town
Anything Davao
Some Things Are Free
Woman’s elan vital

Pretsel Maker said...

Sa Pinas meron tayong Department of Injustice. Implowensya ng mga politiko at mga pastor.

Kaya kung boboto kayo huwag kayo pumili ng pulitikong takot sa religious lider pero hindi naman takot sa Dios

Mel Avila Alarilla said...

Tama lahat nang obserbasyon mo. Walang makakakontra duon. Ang lahat nang tinuran mo ay nagdudumilat sa ating lahat. Madali ang pumuna nang ating mga kamalian, duon magaling ang mga Pinoy pero sa solusyon, duon tayo nagkakaiba iba. Naniniwala ako sa sinabi mo na ang pagbabago ay kailangang magaling sa ating sarili at hindi sa iba dahil wala naman tayong kapangyarihang baguhin ang iba. Malalim ang pagbabagong kailangan nating gawin. Iyon ay ang pagbabago nang ating core values. Nawala na yung banal na pagakatakot sa Diyos at ang napalit ay kagahaman sa mga bagay na materyal. Nawala rin yung pagmamahal sa ating sariling bayan at ang napalit ay ang pagtangkilik sa kultura at prudukto nang iba. Nawala yung ating kinaugaliang katapatan, pagkamasinop, pagkamagalang, respeto sa magulang at ibang matatanda, ang pagpupunyaging umasenso sa sariling sikap at tiyaga at napalitan ito nang madaliang pagpapayaman, panggugulang sa iba at kawalang katapatan sa Diyos at kapwa. Nakapagtataka bang bumagsak tayo nang ganito kababa? Pagkatapos nang giyera ay number 1 tayo sa Asya. Lugmok nuon ang Japan, Korea, China, Singapore at iba pang maunlad na bansa ngayon. Subalit ang pinagtuunan nang atensyon nang Pinoy ay ang madaliang pagpapayaman at ang paggaya sa kalakaran at kultura nang Amerika. Mula sa pagiging numero uno nang Asya, tayo ngayon ay nangungulelat na dahil din sa ating pagkakanya kanya. Ang tanging solusyon dito ay ang totohanang pagbabalik nang loob nang mga Pinoy sa Diyos at ang tunay na pagmamahal sa ating bansa. Hanggang hindi natin nagagawa iyon ay hindi tayo makakaahon sa kinasadlakan nating lusak. Salamat sa iyon makabuluhang artikulo. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Xprosaic said...

Pareho kami ni Mel... pwede ba copy paste na lang?! jijijijiji

lolit said...

ang sarap balik balikan ang mga post mo kapatid, malalim at may kahulugan, truly worth reading, maligayang araw at salamat po muli sa tuwinang pagbisita sa aking site.

Grace said...

Aba, magandang "piece" ito ah.
Umangat na ang level mo, bro. :)

Anonymous said...

actually hindi lng nmn dhil s mga nangingibang bansa.. pero malaki tlga ang participation nla.. :)

xge ittnung q nga sa mga frens q! hehe

fiel-kun said...

Kelan ba naging patas ang justice system sa Pilipinas? ang dami nang naging headlines sa mga balita na mga mahihirap ang inaapi at inaagrabyado ng mga mayayaman pero ilang taon na ang lumilipas ay pa rin silang nakukuhang hustisya...

About sa imported products, hindi na natin siguro mapipigilan ang mga pinoy na bumili ng mga yan... pero dapat pa rin sigurong pagibayuhin ng gobyerno natin ang pagsulong sa local tourism at products para naman hindi matalo ng mga imported products ang mga local products natin.

Unknown said...

hehehe.. naiinspired ako lage pag ikaw na sa mga ganun ag sulat!

Jag said...

U made a good point on that...kahapon nasa cebu ako jijijji...

ITSYABOYKORKI said...

check .. ang galing mo ;)

Dhemz said...

galing naman talaga....matalas!

Arvin U. de la Peña said...

@Mokong................salamat sa iyo..minsan lang ako magsulat ng mga ganito na mahaba kasi ginagamitan ng papel at ballpen..di katulad ng sa tula na sa cellphone ko na lang ako nagsusulat..sana marami nga ang mamulat sa sinulat kong ito..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz...............sige subukan mo sa sarili mo..pero sa tingin ko wala naman yatang dapat ng baguhin sa sarili mo,hehe..kasi para sa akin ikaw ay malinis talaga na tao..mula pagkatao at sa isipan..

Arvin U. de la Peña said...

@Pretsel Maker...........haha..ang mga ganun na sangay ng gobyerno ay naiimpluwensyahan talaga ng mga politiko..kasi ang nakaupo ay nilagay ng politiko..kaya kong may mali man ang politiko ay hindi napaparusahan kasi ang dapat na maggawad ng hustisya sa kanya ay kakampi................ewan ko ba kung bakit may mga religious lider pa..di naman sila lahat sinusunod ng mga kasapi nila..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla...........marami pong salamat sa lahat na sinabi mo tungkol sa sinulat kong ito........marahil ay wala nga talagang kokontra dito sa sinulat kong ito dahil totoo naman talaga..iyong mga tao ngayon na naghahangad ng pagbabago sana tingnan muna nila ang kanilang sarili kung may dapat bang baguhin..tayong mga pilipino ay mahilig talagang magkanya kanya..di na iyon naiiwasan..bihira lang ang mga pilipino na may pagpapahalaga talaga ng tapat para sa kapwa..sana nga tayong lahat mahalin ang bansa at ang mga gawang pinoy ay tangkilikin..ang isang tao na pinoy lalo na politiko kapag may paraan para lalo pang yumaman ay ginagawa talaga..kahit pa may nasasaktan na tao o kaya naaagrabyado..

Arvin U. de la Peña said...

@I am Xprosaic..............hanga talaga ako sa mga paliwanag ni Mel..bilib ako sa mga comment niya..oo walang problema iyon..copy paste na lang,hehe..sige kung ano ang sinabi ni Mel ay ganun din ang sa iyo..

Arvin U. de la Peña said...

@lolit....................thanks..na touch naman ako sa sinabi mo..hayaan mo magsusulat pa ako ng magsusulat..salamat rin sa pagdalaw mo lagi sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Hi I'm Grace............ganun ba..level up ba para sa iyo..hehe........puro na lang kasi tula dati ang post ko kaya ngayon ay iba naman..pero babalik din ako sa pag post ng mga tula..

Arvin U. de la Peña said...

@kayedee............sige itanong mo sa mga friends mo kung tama ba itong sinulat kong ito..oo malaki nga ang participation nila pero gaya ng sabi ko araw araw din ay may lumalabas na pera galing ibang bansa dahil sa pag import ng mga produkto..........

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun..............di ko alam kung kailan naging patas.....ang iba ay nakakamit talaga ang hustisya pero natatagalan muna..mabagal kasi ang pagbibigay ng hustisya dito sa ating bansa..matagal bago maparusahan ang nagkasala..oo alam ko na di natin maiwasan ang imported na bagay..kasi kapag mayroon tayo nun ay puwede na ipagmalaki sa kapwa........dapat ngang pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang gawang pilipino kasi de kalidad naman talaga ang gawa natin..

Arvin U. de la Peña said...

@tim.....................hehe..alam mo naman ang mga sinusulat ko madalas ay makabuluhan talaga..kahit ang mga tula kong sinusulat nakakaantig ng damdamin ng tao..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag.............salamat..ano ang ginawa mo sa cebu..bumakasyon ka ba doon..wala na kasi ako sa cebu..nasa leyte ako..doon lang kasi ako nag aral..

Arvin U. de la Peña said...

@itsyaboykorki............tama pala ang sinulat kong ito..pasado pala ako kung ito ay isang pagsusulit,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz.................maraming salamat sa iyong sinabi..matalas parang sa mata ng pusa,hehe..

eden said...

Another great post , Arvin.Galing mo. Keep on writing. Have a great weekend

Sam D. said...

check na check na naman itong article mo Arvin. salamat at lagi ka nakakaalala dumalaw sa napakasimple kong blog. have a blessed and fun weekend. :)

Ruby said...

that's reality dude...that's life...the world is not perfect and you gotta accept the fact that life is REALLY unfair but somehow despite of this, we can still make a difference for things that we can change ...and if the world is not perfect..so is the individual...we have different flaws and mistakes..different personas and it's not as easy as 1-2-3 to become a person who can make a great change if he or she desires to...no one can come out really clean...that's because humans fall down some times..they might be saying this but what they're doing is contradictory to what they are saying. that's reality.

sorry kung english...parang di nationalistic nho..kung pwd lang sana magcecebuano ako dito..hehe...mas komfortable kasi ako sa english eh...soweee

Anonymous said...

Ditto! Totoong hindi pa tuluyang malaya ang Pilipinas dahil sakop pa rin ito ng Amerika pati na ang ibang bansa -- sa isip, sa salita at gawa.

LOL nahawa tuloy ako hehehe...

Galing! Inspiring naman :)

Arvin U. de la Peña said...

@eden...............maraming salamat sa iyong sinabi.........opo i will..magsulat pa ako ng magsulat kasi may mga sumusubaybay sa mga sinusulat ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Sam..............kung ganun ay perfect ang score kung ito ay isang exam,hehe..halos lahat kasi ay agree sa sinulat kong ito..........ayos lang iyon, walang anuman..simple lang ang blog mo pero maganda naman..salamat rin sa pagbisita mo uli sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Ruby.............yeh..alam ko na walang tao na hindi nagkakamali..lahat tayo ay may mga pagkakamali talaga..pero kung ang isang tao ay maraming nagawang pagkakamali ay dapat maging malinis muna siya bago manghikayat sa ibang tao ng tungkol sa pagbabago..kasi hindi maganda iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu...............kung may tao man na nakamit na ang kalayaan ay iilan lang sila..pinili lang ang tao na malaya talaga at nagagawa anuman ang gusto sa buhay maging ito man ay nakakasakit..

Arvin U. de la Peña said...

@Meg.....................tama ka..ang ating bansa ay hindi makatanggi lalo na kapag amerika ang magrequest..kasi maliit lang ang ating bansa..hindi puwede na magtigas tigasan,hehe..

kimmyschemy said...

HIndi natin kailangan magpokus lang sa ating bansa kapag pinag usapan ang kalayaan. Subukan din natin tanungin kung malaya tayo sa 'ating sarili'? Sa mga paniniwalang ating kinalakhan? Sa mga galit na hindi mailabas? At mga damdaming hindi maipahayag dahil sa simpleng dahilang 'hindi talaga pwede'. Papano nga matatamo ng ating bansa ang tunay na kalayan gayong halos bawat isa sa atin ay nakabilanggo pa rin sa paniniwalang materyal na bagay ang makapagpapapsaya sa tayo...Ang kalayaan (kung posible man) ay dapat magsimula sa sarili..

Ruby said...

kung ang isang tao ay maraming nagawang pagkakamali ay dapat din patawarin at di dapat pino point natin ung kamay natin sa kanya o kinukutya dahil tao lang din siya kagaya natin...dadating din ang araw na malaman nya na hndi maganda ang pinag-gagawa nya...who are we to judge? ^_^v peace!