Sa umpisa pa lang ng pagsusulat ko nito ay nasabi ko sa sarili na kapag natapos na ito at mapost na sa blog ko ay may mga magbabasa na magagalit sa akin o kaya maiinis. At ewan ko kung tama ang hinala ko.
"You really don't have to be super nice always. Sometimes you have to show your bad side, so that you can sort out who can accept you at your worst mood".
WAKAS
Ni: Arvin U. de la Peña
Sino ang nagsasabi na ang bansang Pilipinas ay mahirap. Na kung ikaw ay dadaan sa bawat kalsada ay may makikita kang nagsusugal. Kung pupunta ka naman sa sabungan ay doon makikita mo ang mga tao na sinasayang lang ang pera. Kung pupunta ka naman sa mga mall makikita mo karamihan ng tao ay bumibili ng mga mamahalin na bagay. Ang iba ay kumakain pa sa mga mamahalin na restaurant. Kung pupunta ka naman sa mga internet cafe ay doon makikita na napakaraming gumagamit ng computer. Napakarami rin ang nagbabakasyon sa iba't ibang lugar. Sa pagbakasyon ay malaking pera ang nagagasto. Kung ang bansa ay mahirap dapat lahat na mga tao ay kayod ng kayod.
Nakakalungkot isipin na kapag halalan ang salitang kahirapan ay ginagamit ng mga politiko. Kung anu-ano ang sinasabi nila tungkol sa kahirapan ng mga pilipino. Samantalang sila na mga nagsasalita tungkol sa kahirapan ay mayayaman. Sila na mayayaman ang umaangal tungkol sa kahirapan. Samantalang ang mga pilipino na sinasabihan nila na mahirap ay hindi nagrereklamo tungkol sa hirap ng buhay. Ang ginagawa nalang nila ay magtiis at gumawa ng hakbang para may makain.
Kung ang lahat dapat na igagasto sa halalan ng bawat politiko ay pagsasamahin ay baka puwede iyon ipambayad sa utang ng ating bansa. Pero hindi nila iyon gagawin dahil masisira ang pansarili nilang interes. Mawawalan sila ng malaking halaga ng pera. Malungkot man isipin pero para sa akin ay pinapaikot lang tayo ng mga politiko. Para tayong mga tanga. Sa tv ay makikita mo at mababalitaan na nag-aaway ang mga politiko. Nagbabatuhan ng kani-kanilang baho. Kung anu-ano ang sinasabi laban sa isa't isa na akusasyon kahit ito ay nakakasakit. Pero pagtagal ay magbabati. Paglipas ng ilang buwan o taon ay magiging magkaibigan na. Tama ba iyon? Para sa akin ay hindi tama iyon. Dahil ang kawawa sa ginawang pagbabati ay ang kanilang mga taga suporta. Ang ipinaglaban noong may alitan pa ang bawat isa na politiko ay biglang maglalaho. Sayang lang ang lahat dahil walang kahihinatnan.
Sa mga matatanda na nakakausap ko ay nagsasabi sila na mas mabuti pa raw noong panahon ni Marcos dahil lahat na mga bilihin ay mura. Hindi mataas ang presyo ng mga paninda. Hindi raw masyadong nagugutom ang mga tao noong panahon ni Marcos. Hindi katulad ngayon na mahirap makahanap ng makakain. Konti lang ang sinusuwelduhan ng gobyerno na politiko. Pero ngayon ay napakarami na ang nakaupo na politiko sa gobyerno. Ang masakit ay kahit marami ng politiko ang nakaupo sa gobyerno ay hindi pa rin umuunlad ang ating bansa. Hindi pa rin umaasenso masyado ang bayan na pinagsisilbihan ng ibang politiko. Marami pa ring krimen na nangyayari. Marami pa ring insidente ng pagnanakaw at pagpatay. Marami pa ring mga alagad ng batas na umaabaso sa kapangyarihan. Ginagamit nila ang kanilang baril at posisyon para abusuhin ang isang tao. Higit sa lahat ay may mga krimen na pangyayari ng dahil sa politika.
Ngayong halalan na darating ay iboto niyo na lang ang kung sino ang nais niyong iboto. Sa pagboto niyo ay huwag niyong isipin na siya ang iboboto niyo dahil kapag siya ang manalo ay aangat ang ating bansa. Kung bakit?. Iyon ay dahil mahirap ng umasenso at umunlad ang ating bansa. Ang mga pangyayari sa ngayon na dulot ng politika na nakakaapekto sa taumbayan ay magpapatuloy pa iyon. Hindi na iyon magwawakas. Magtiis na lang tayo. Mas mabuti pa nga ang isang pelikula, kanta, komiks, nobela, teleserye, tula, at kuwento ay may wakas. Katulad ng sinulat kong ito na ang pamagat ay Wakas. Dito na nagwawakas.
Friday, February 26, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
49 comments:
hi arvin ;)
alm mo s aking pnnwla, hnd nmn tlga sobrang hirap ng pilipinas e. ang ngiging problem lng eh s totoo lng mrmi kc s mga pilipino ang ganid s yaman at hindi marunong magshare ng blessing kya nman mrami pa rin tlga ang sobrang hirap s mga pilipino na mkkta u s kalsada db..
kung tutuusin tama ka e, pag pumunta s mall e ang dming kumakain s mga resto, nagssyang ng pera pang com everyday ng ilang oras, at kung anu anu p.. eh kung icpin ntin n mamahagi ng konting blessing meron tayo s iba marahil ay wlang pulubi sa lansangan! :)
Medyo fatalistic ang pagkakalarawan mo sa ating bansa. Me mga itutuwid lang akong mga pananaw nang sinasabi mong matatandang nakausap mo. Hindi tutuo na mas madali ang buhay nuong panahon ni Marcos. Ke Marcos nagumpisa lahat nang ating mga paghihirap ngayon dahil binago ni Marcos ang moralidad nang mga tao. Inumpisahan niya ito sa sapilitang pagnanakaw nang poder sa gobyerno gaya nang gustong mangyari ngayon ni Gloria. Hindi na nagkasya si Marcos sa 8 taon niyang panunungkulan at idineklara niya ang martial law sa loob nang 14 years. Samakatuwid mahigit na 20 taon niyang hinawakan ang poder nang gobyerno na sobrang nagpalugmok nang ekonomiya nang bansa. Ang lalo nating paglubog ay dahil sa hindi pa rin binago nang tao ang mga masasamang kaugalian na namana nila kay Marcos. Halos lahat nang naglilingkod sa gobyerno ay nangungurakot. At nawalan na rin nang kahihiyan ang mga taong ito dahil kapag nasisita ay hahamunin ka pang maghabla. Kaya nga takot si Gloria na mawala sa poder dahil takot siyang mahabla nang plunder. Hindi natin dapat tanggapin na lamang nang ganito ang kalakaran ngayon dahil wala sa ating mga kamay ang ikapagbabago nang ating bansa kundi nasa kamay nang Diyos. Habang ipinipilit nang tao ang kanyang kaparaanan ay lalo tayong lulubog sa ating kalagayan. Manalangin tayo na tulungan tayo nang Diyos na makamit ang tunay na pagbabago at sa ating sarili mismo ay umpisahang magbago. Bumalik tayo sa dating daan nang katapatan, kasipagan, katuwiran at banal na pagkatakot sa Diyos at tayo ay unti unting iaangat nang Diyos mula sa lugmok nating kalagayan. Salamat sa iyong artikulo. Pagpalain ka nang Diyos tuwina.
Napakasensitive talaga ng issue kapag politics... kung tutuusin kahit sino ay parang magkakaroon ng "debate/arguement" kung kaninong termino ang mas magaling... pero yun nga lahat ay may sarisariling point... jijijiji... anyway mahaba na ito... ngayong eleksyon... di ako boboto.... di rin ako magrereklamo kung sino man ang mananalo... hahayaan ko na lang ang kapalaran ang magdidikta sa bayan natin... kung bakit? naku halos isang libro ang sagot ko sa haba di bale na lang... jijijijijiji
mabuhay ka sa post mong ito brod... nakuha mo ang iniisip ko...
actually, yung mga mayayaman nga ang kayod nang kayod at todo impok ng pera. the gamblings are just signs of poverty coz it's an act of desperation para lang maging biglang yaman.....
wow, pareho pla tayo ng pananaw sa buhay anu?> it is about waking up, hindi na dapat matulog, kasi sobra na.. baka mamatay na tayo.. this is one of your best post man!
ayos ayos. tama, para saken ito din ang best post mo dude, ano pbng idadagdag ko, nsbi mo ng lahat. hehe. apir.
Kahit ako hindi ko alam kung paano masusulusyunan ang suliranin ng bansang Pilipinas...
Ang mga bilang ng taong pumupunta sa mall at bumibili ng mga gamit, pati ang mga nagsusugal ay hindi basehan na maayos ang kalagayan ng bansa. Para sa akin ang sukatan ay ang value o purchasing power ng peso, at ang kalagayan ng pambansang merkado. Uhmn 'yong palitan ng mga trades, goods and services ng iba't-ibang mga companies. Sa tingin ko dito bumabagsak ang Pilipinas.
Hindi rin ako nagpapaloko sa mga politiko, hindi ako fan ng politics.
...basta ako, ginagawa ko talaga ang mga bagay na legal, moral at hanggang kaya 'yong bagay na pasado sa batayan ng aking pananampalataya sa Maykapal. Sa tingin ko sa pamamagitan nito ay makakatulong akong iahon ang bansa sa kahirapan.
@ayu...................salamat at nagandahan ka sa post kong ito..totoo naman talaga na pinaglalaruan lang ang isipan ng mga tao ng mga politiko..sa tv mapapansin mo ay nagsasalita ng di maganda laban sa isat isa..pero sa mga party o pagtitipon ay kapwa dumadalo..haha..ang kagustuhan na maglingkod pa sa bayan kahit tapos na ang termino o kaya ayaw pa ng tao ay dahil gusto pa ng politiko na manatili sa poder..korek ka..kapag tapos na ang termino ng asawa ang papatakbuhin ay ang anak o kaya ang asawa para ang pamilya pa rin nila ang nasa politics..
@kayedee............hindi naman talaga mahirap..pero ang ibang mga tao ay nagsasabi na ang bansa natin ay mahirap..lalo na ngayon na malapit na ang eleksyon..laging pinag uusapan ang kahirapan ng mga pilipino..bihira lang ang pinoy na kapag yumaman na ay mag share ng blessings sa kapwa..ang iba kapag yumaman na ay gusto pang yumaman lalo..
@Mel Avila Alarilla..............kung mayroon man masama noong panahon ni Marcos para sa akin ay iyong mga militar..kasi ang batas ay nasa kanila..oo pangulo siya pero hindi siya nag utos sa mga militar na umabuso sa kapwa..walang kaalam alam si Marcos sa mga pinaggagawa ng mga militar na di kanais nais noong panahon niya..ang mga militar mismo ang gumawa ng hindi maganda na ikinasira ng imahe niya..iyon ang pagkakaalam ko at pagkakaintindi base sa mga nakakausap ko at nabasa rin sa diaryo na sinabi ng isang batikang reporter..di ko na lang sabihin kung sino siya..pero nabasa ko sa column niya na siya noong panahon ni Marcos ay sinabihan na magreport ng mga pang aabuso ng mga militar..sa palagay mo ang mga pangyayari noong panahon ni Marcos alin ang mas malala sa mga pangyayari sa ngayon..hindi masyadong nagugutom ang mga tao noong panahon niya..madali daw ang pera noon kaysa sa ngayon..noong panahon niya ang utang ng Pilipinas sa ibang bansa ay konti lang..ewan ko kung ilan..pero ngayon napakalaki na ng utang ng ating bansa..nasa isang politiko ang kasamaan..kung may plano siyang maging masama ay nasa kanya iyon..hindi niya iyon para sa akin minana kay Marcos..Mas mabuti pa nga raw noong panahon ni Marcos konti lang ang rebelde..pero ngayon napakarami na..
@I am Xprosaic..............yes..sensitibo nga kapag politika ang pinag uusapan..mahirap mag kumpara ng panunungkulan ng mga nagdaang presidente ng ating bansa..pero para sa akin ang the best na naging pangulo ay si Marcos..nakamit nga ang kalayaan na sinasabi..pero palagay mo ba malaya tayo hanggang ngayon..kahit nga pagsusulat dito sa blog ng kung ano ay may nagagalit..malaya ba iyon..haha..natatawa ako....................
@Chingoy................ikaw rin mabuhay..pareho pala tayo ng iniisip..so ibig pa lang sabihin ay hindi ka na magsusulat ng medyo katulad nito,hehe..
@pusang kalye...........pareho lang silang kayod ng kayod..kapwa nga lang sa ibang pamamaraan para kumita ng pera..marami talaga ang nakikipagsapalaran sa gambling kasi kapag sinuwerte ay biglang magkaroon ng malaking halaga ng pera..
@tim................ah ok..medyo naunahan lang kita sa pagsulat ng ganito,hehe..thanks sa iyong sinabi..best post ba talaga..baka magka award ako sa post kong ito..hehe..
@KESO..............ok apir tayo..baka naman binobola niyo lang ako ni tim na ito ang best post ko so far..kung may kulang pa ay ikaw na lang ang magsulat at post mo sa blog mo,hehe..
@RJ...............mahirap masolusyunan ang problema ng ating bansa..kahit ano pang gawin na pagpapabuti ng isang tao kapag hindi sinuportahan ay wala rin..isa rin sa nagpapahirap sa ating bansa ay ang hilig sa mga imported..hilig ng mga materyal na galing sa ibang bansa..ang sariling atin, gawang pinoy ay hindi natin masyadong tinatangkilik..
May kanya kanyang pananaw ang tao pagdating sa usaping pulitika at wala tayong magagawa kundi igalang at irespeto ang opinyon ng bawat isa.
Sa paglalahad mo ng iyong saloobin tungkol sa usaping ito, hindi lahat aayon sa inyong pananaw ngunit dapat lang na pairalin ang pag intindi at respeto sa opinyon ng bawat isang blagera at blagero.
Isa lang naman ang solusyon dyan, gamitin ng bawat isang botante ang kanyang karapatan at ihalal ang nararapat sa posisyon.
well said Kababayan. ang galing mo tumbok na tumbok mo. Mga politiko naman concern lang naman sila sa kikitain nila habang sila ay nasa posisyon. Kaya ako nung nandiyan pa hindi talaga ako bumuboto kasi ayaw ko magsisis katulad ng iba na kapag hindi okay iyong ibinoto nila sobrang pinagsisihan ang pagboto nila. So, mas okay na hindi ka bomoto. hehehehe have a great weeked kababayan ko. salamat pala sa laging pagdalaw mo sa blog ko. God bless always
Wow...politics...like that subject...hehehe...ang ganda nang post mo ngayon...I´ve got to much to write but it´s to long and complicated kaya...I just wanna say just do the things you wanna do and don´t give a damn on politics because it´s ridiculous...
have a good sunday...
Galing ng post mo, I love it. Comment lang ako ha, Para sakin may Pag asa pa ang Pilipinas na makaahon sa lugmok na kurapsyon. And during election we have the power to change our future by electing the candidate whose heart desire is to uplift the lives of every filipino people. Madalas nalilinlang tayo sa pagpili kasi nakakalimutan natin hingin ang patnubay ng Poong maykapal.Saka wag din natin isisi ang lahat ng problema sa politiko dahil isa tayo sa rason kung bakit sila naluklok sa pwesto ngayon. If we can't change our leaders greediness, we can always bring the issue with God, let God fix everything for us. But before anything else we must obey.Minsan nabubulagan tayo, at nakikita lang natin ang mga mali ng mga politiko lets face the mirror. Kung talangang gusto natin ng pagbabago simulan natin sa ating mga sarili.
Tama ka sa lahat ng sinasabi mo... pero sayang ng energy mo kumpara sa kapal ng mukha ng mga pulitiko...hehehehe... makapal na talaga ang mukha ng mga pulitiko natin.... Let's start the change within ourselves na lang... lahat ng pd gawin na makabubuti sa kapwa natin at bansa, gawin na lang natin para kahit papano, mabawasan ang hirap ng mga pinoy di ba...
Tingin ko may pag-asa pa and pinas.
At saka hindi ako nagpapasuper nice para lang matanggap bilang kaibigan.
Nice post Arvs.I just hope that this coming election people will open their eyes and vote for the right candidate. Sa sarili natin mag umpisa ang lahat. Vote wisely.Yan lang ang masabi ko. May pag asa pa and we'll not lost hope.
hinihintay ko na lang ang pagwawakas ng aking buhay...
Hmmm.. I have to agree with some of the comments above.
We should remember that the elections won't instantly solve all our problems. It is just the beginning and what happens in the next six years is much more important.
You reminded me when I was in first year high school. Our school is invited to offer a few minutes show during the Commemoration of the EDSA REvolution and Wakas was the song we used. I love the lyrics and I will always love it.
This is such an interesting post man. ;D I enjoy reading it for it has something to learn on it. Kahit sino nmn mag-po-post ng ganitong ka-sensitibong usapin eh magkakaraon ng sitwasyong may agree at hndi agree. Pero don't worry hndi ako isa sa mga yun. ;D
Keep on writing.
Solo
Travel and Living
Job Hunter
@Misalyn................oo tama ka..bawat isa sa atin an botante ay may sinusuportahan na kandidato..minsan nga ang magkakapamilya ay nagkakaroon ng alitan dahil lang sa politika..alam ko bago pa man ipost na may ma agree at hindi agree sa sinulat kong ito..at nakahanda naman ako anuman ang sabihin dahil sa sinulat kong ito..may politiko pa sana na karapat dapat talaga..
@Sam..................hindi talaga maiiwasan na ang ibang politiko ay maghangad ng maraming pera habang nasa posisyon pa..ang pondo na para sa bayan ay malaki ang binubulsa nila..kasi kapag halalan ay malaki ang nagagasto nila..at isa pa ang binubulsa nila ay para rin pang gasto sa susunod nilang pagtakbo sa halalan..walang anuman..salamat rin sa pagbisita mo lagi sa blog ko..
@Me......................salamat sa iyo at nagandahan ka sa post kong ito..karapatan ng bawat isa na isulat at ipadama ang nais niya..
@Yen................kung mayroon pa mang pag asa ay matagal pa..bibilang pa ng ilang taon..sa nangyayari sa ngayon sa ating bansa ng tungkol sa politika mahirap ng baguhin..tingnan mo na lang kahit tapos na ang termino ay maghahangad pang kumandidato uli kahit ayaw na sa kanya..tatakbo sa mas mababang posisyon o kaya mataas..sa tingin mo ba matutuwid pa ang ganun..na kapag ang ama o ina ay wala na sa politika ang anak ang siyang tatakbo para lang manatili silang nasa politika......sa politika kapag halalan marami ang nagbabalat-kayo..maganda lang sa salita pero kapag nahalal na ay nalilimutan na ang mga pangako noong panahon pa ng kampanya..
@donster................salamat at agree ka sa sinulat kong ito.....napakakapal na nga ang mukha ng ibang mga politician ngayon..grabe na..hindi nagsasawa na sila ay isang politician..eh paano sa pagiging politician sila ay may powers,heheh......yeh, dapat sa sarili mag umpisa ng pagbabago kaysa maghangad ng pagbabago para sa iba o sa lahat..
@Glampinoy...................may pag asa pa naman talaga..pero ang tanong ay kailan..isang quotes lang iyon..ganun din ako..kung gusto talaga tayo na maging kaibigan ng isang tao ay gagawin niya..
@eden................bawat halalan ay naghahangad talaga na iboto ang karapat dapat..ilang halalan na ba ang nagdaan mula ng tayo ay naghangad ng ganun pero wala pa ring nangyayari..kapag may halalan laging may ganun na mga salita.."vote wisely"..kung may naiboto man tayong karapat dapat talaga ay iilan lang..ang ibang ibinoto ng tao na sa tingin nila ay karapat dapat pagtagal ay nag iiba ang ugali..pinababayaan na lang ang bayan..
@ice................bakit mo naman nasabi iyan..may problema ba,hehe..ayos ka lang ba..
@J.D. Lim..................ayos at agree ka at disagree sa mga naging commment ng iba..kaabang abang nga lagi ang mga mangyayari kapag natatapos na ang halalan para sa magiging performance ng mga nanalong politiko..may nagsisisi dahil iyon ang ibonoto nila at ang iba naman ay natutuwa dahil nanalo ang binoto nila..
@analou.................ganun ba..isa nga iyong magandang alaala na mahirap mong makalimutan..naging makasaysayan kasi ang pangyayari na iyon..ako din nagagandahan sa kanta na iyon..maganda ang lyrics..sa anong paaralan ka ba nag aral..
@Solo..............maraming salamat sa iyong sinabi..salamat rin sa pagbabasa mo..abangan mo ang next post kong Tama Ba..baka mas interesting pa iyon kaysa sa sinulat kong ito..oo nga..may agree at disagree sa sinulat kong ito..pero okey lang iyon kasi opinyon nila iyon..
Very well said indeed parekoy!
Kahit sino naman ang mahalal at maupong bagong presidente ng bansa ay talagang mahirap nang tanggalin ang kahirapan...
at hindi mahirap ang Pilipinas...
MAYAMAN tayo!
... Mayaman tayo sa corruption.
... Mayaman tayo sa basura. lolz
Pero ang tanong, kelan yayaman ang mga mahihirap? Kelan aaksyon ang gobyerno upang masugpo ang kahirapan sa ating bansa?
^____^ bato bato sa langit ang tamaan ay wag magalit.
agree agree ^_^ pero parang na nosebleed ako nun..ang haba...heheh...but you have a point! keep it up ^_^
@fiel-kun.............hehe..mayaman nga tayo sa mga corrupt official........at ang ganun ay patuloy pang mangyayari..muli at muli ay may sisibol na magiging corrupt official..panahon lang siguro ang makapagsasabi kung kailan yayaman ang naghihirap sa ngayon..mahirap sugpuin kasi walang masyadong umaaksyon..
@Ruby...............ganun ba..okey lang iyon at least may nalaman ka sa sinulat kong ito,hehe..dati kasi puro maiksi lang ang sinusulat ko..ngayon ay mahaba naman..maiba naman tayo..
ay naku i so much agree sa lahat ng mga sinabi mo.. hindi ko na masasabi kung bakit dahil magiging nobela ang aking comment. Tama ka din sa sinabi mo tungkol kay Marcos. Kahit siguro marami din ang hindi sang-ayon sa kanyang pamamalakad, mas maganda nga ang economy natin nung panahon nya.. at isa pa, sya lang yata ang presidente na super nirerespeto ng mga hapon dahil may word of honor daw.. hindi kagaya ng mga nagdaan, lalo na yung ngayon... sabi lang ng hubby ko ha..
@Bambie dear.................salamat at agree ka sa sinulat kong ito..kapag naririnig ko na may di magandang sinasabi kay Marcos ay naiirita talaga ako..tingin nila masamang naging presidente iyon..noong panahon niya ang tao may makain talaga kasi mura lang ang mga bilihin at wala masyadong nakaupo na mga politiko..di katulad ngayon na napakarami na pero bagsak ang bayan..may isa nga siyang salita..dapat talaga siyang respituhin kasi kagalang galang siya..
Alam mo sa palagay ko di na kelangan maging matalino para maintindihan natin ang kalagayan ng Pilipinas. Kung tayong mga simpleng mamayan nakikita natin ang mga kabulukan ng sistema. I'm sure mas alam yun ng mga nakaupo sa pwesto, kita mo nga kino komercial pa nila ang kahirapan ng iba nating mga kababayanan. So, ridiculous. E kung tutuusin mo, sa knila din naman mag rereflect yun. Hay ewan nakkabobo ang mga nangyayari.
@Yen...................tama ka..alam ng mga politiko kung ano ang nangyayari at kalagayan ng ating bansa at ang mga naninirahan..pero karamihan ay nagbubulagbulagan lang..mas iniintindi nila ang para sa sarili nila..hindi nga mabuti na ipatalastas pa ang kahirapan kasi napapanood iyon buong mundo,hehe..
galing naman nito, I agree with it. ewan ko ba kung maaayus pa ba natin ang ating ekonomiya. Buy anyway, thanks for sharing this.
Post a Comment