Sunday, February 7, 2010

Hangarin (by request)

Karangalan po para sa akin na ang isang blogger na si Ella ay magrequest ng isang tula. Dinaan niya ang pag request sa akin sa cbox niya. Hanga po ako sa uri ng pagkatao niya. Sikat po talaga siya para sa akin na blogger. Sa mga magbabasa nito hinihikayat ko kayo na puntahan ang site niya. Doon ay malalaman niyo na totoo ang sinasabi ko. Sa site niya sa side bar sa kaliwa ay doon may malaman kayo tungkol sa kanya. Basta di ko na lang sabihin dito. Puntahan niyo na lang siya,hehe. Controversial talaga siya sa ngayon, haha. Na news na yata at nabalita siya sa diaryo. Marami kayong malaman at matutunan mula sa kanya kaya punta na kayo sa site niya.

http://www.ellaganda.com/

ella: ei arvin, special request, igawa mo naman ako ng tula, puwede? Kahit maikli lang. I like the way you write in Filipino. Thanks in advance :)

HANGARIN
Ni: Arvin U. de la Peña

Dumating man sa iyo ang araw
Na may bumabagabag sa iyong isipan
Huwag ka lang mabahala
Maging kalmante ka lang.

Huwag mo iyon dibdibin masyado
Lalo at alam mong ikaw ay tama
Wala kang ginagawang di kanais-nais
Kaya walang dapat ipag-alala.

Lagi mo lang tandaan
Na ang masama ay walang panalo sa mabuti
Mga paninira lang talaga sa iyo
Kung ikaw man ay bigyan ng sama ng loob.

Panatilihin mo lang nakagawian mo na
Huwag kang mag-iiba aking kaibigan
Dahil marami ang humahanga sa iyo
Marami ang nagtitiwala sa iyong kakayahan.

Sa pakikibaka mo sa buhay
Hindi ka lang nag-iisa
Marami rin ang katulad mo
Sa lahat ng ginagawa malinis ang hangarin.

59 comments:

Jag said...

naintriga tuloy ako hmmm mabisita nga siya jijiji...

ingat!

☆Mama Ko☆ said...

Galing mo talaga sa tula arvin, panalo. Parang apo ka yata sa mga manunula ng ating bansa

Chyng said...

inadd na kita sa blogroll ko Ü

eden said...

nice and inspiring poem for her. thanks for sharing Arvs

Anonymous said...

Sige, ako'y tutungo na sa kanyang mundo :D

Verna Luga said...

Wow! dalawang kamay taas, dalawang paa taas! ang galing ha ... bakit si EllaGanda lang hehhehe.... Galing ... sige icompile mu yang mga tula mu at hanap ka publisher!

All the best Arvin..

Ella said...

Maraming salamat, dear Arvin.Napakaganda ng tulang ito. You made me smile. I posted it in my blog. Salamat ulit Mwah!

Anonymous said...

eh teka panu ba tau mgiging close pra mgwan u din aq ng tula?? hahhah..

Pretsel Maker said...

Ok yun 2 tula Ganda!!!!!

Anonymous said...

Sige, bibisitahin ko siya.

EngrMoks said...

haha.. madadagdagan na naman ang susubaybayan ko ah...

Xprosaic said...

Jejejejeje ayos ah... parang radio lang ah dami nang nagrerequest... jijijijiji

Arvin U. de la Peña said...

@Jag...........talagang maintriga ka kapag napuntahan mo siya at tiningnan mo ang nasa side bar sa kaliwa..controversial siya sa ngayon na blogger,hehe..doon mo na lang malaman kapag may mga binasa ka na sa blog niya..punta na..

Arvin U. de la Peña said...

@Mama Ko................salamat sa iyo..ngeh, hindi po ako apo ng mga manunula na iyon na nasa libro..marunong lang akong magsulat ng tula,poems,at short story..

Arvin U. de la Peña said...

@Chyng.............thanks at add mo na ang blog ko sa blog roll mo..masaya ako para doon..

Arvin U. de la Peña said...

@eden...............yup, post nga niya sa blog niya ang sinulat kong ito na para sa kanya..siguro naman ay pinuntahan mo siya..may malaman ka about her pag binisita mo ang blog niya..

Arvin U. de la Peña said...

@mynurevealedthoughts...............ok, sige puntahan mo siya ng malaman mo na totoo ang sinasabi ko..salamat sa pagdalaw uli sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz..............parang circus ganun,haha..ikaw ay pagbibigyan ko rin..balang araw ay mag post ako sa blog ko ng by request at para sa iyo..huwag kang mag alala kasi gagawin ko iyon..sana puntahan mo ang blog ni ella ganda..thanks..maganda nga talaga kung ma compile sa libro lahat na mga sinulat ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Ella..............walang anuman..mahirap pong tanggihan ang request lalo na at ikaw..sikat ka kasi para sa akin..para kang celebrity blogger sa akin..at alam ko mapagtatagumpayan mo ang kinakaharap mong problema sa ngayon..alams na kung ano..di ko na lang sabihin,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@kayedee............puwede naman kitang gawan ng tula para sa by request pero hindi pa sa ngayon..puwede po bang maglagay ka ng cbox sa blog mo..

Arvin U. de la Peña said...

@Pretsel Maker...............haha..ganun ba..ibig mong sabihin ay maganda ang tula tapos para sa isang babae na ang pangalan ay may salitang ganda..

Arvin U. de la Peña said...

@philippineplace..............ok..salamat sa iyo na siya ay bibisitahin mo kasi para malaman mo ang tungkol sa kanya lalo na sa ngayon na medyo controversial siya,hehe..kung anuman iyon ay malaman mo na lang doon sa blog niya..

Arvin U. de la Peña said...

@Mokong................eh di mabuti para marami kang makaibigan sa mundo ng blog..hehe..sige subaybayan mo siya kasi sinusubaybayan ko rin siya..

Arvin U. de la Peña said...

@I am Xprosaic.............oo nga ano..parang sa radio na nagrerequest ng paboritong kanta..basta kayang patugtugin ay pinapatugtog..

Glampinoy said...

Kailangan nga ni ella ganda ng suporta

Mel Avila Alarilla said...

Kahanga hanga ang paglilikha mo nang tula para sa mga kaibigan mo. Tunay ngang ikinagagalak nila ang pagsulat mo nang tula patungkol sa kanila. Hindi ko kilala si Ella pero binisita ko na ang blog niya. Salamat sa tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Fex said...

wow, another meaningful poem..thanks for sharing :)

Yen said...

hello Arvin gawa ka pa madami tula endorser ka na din ng mga ka blogs mo. nakakatuwa. Keep up your good poems and keep inspiring.

Enhenyero said...

gandas!

(your poem and her)

Dhemz said...

ayay! dami na talaga nag rerequest...dapat may charge...lol!

about pala sa tanong mo..nako, 5 years pa kami maka uwi ulit...mahal kasi yung pamasahe from here to pinas...waaaa!ger

anney said...

Very nice poem! I'm sure magugustuhan nya to!

D.L. Verzosa said...

ang galing naman...

BTW..check out my dad's north american adventure!
http://passionatestar92.blogspot.com/2010/02/photoblog-201004.html have a great day!!!

Pretsel Maker said...

Follow mo naman ako sa Facebook ko
I need Verification kasi LOL nasa blog ko Thanks!!!!!
http://pretselmaker.blogspot.com/

gege said...

ang galing mong mang-engganyo kuya arvin!


:P

Arvin U. de la Peña said...

@Glampinoy............oo nga..dapat talaga siyang suportahan na blogger din..pero palagay ko kaya niya lusutan ang kinakaharap niya..madami kayang tumutulong sa kanya..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla.............salamat sa sinabi mo..tama ka gusto talaga nila na sila ay pinagbibigyan ko para sa request nila..madami na nga ang nagrequest..iniisa isa ko lang..mahirap silang lahat pagsabayin pero i will do it na lahat sila mapagbigyan..alam ko naman kung sila sino ang nagrerequest..salamat sa iyo at pinuntahan mo ang blog niya..

Arvin U. de la Peña said...

@Fe....................yes, para iyon kay Ella..salamat sa iyo..ang request mo ay saka na lang..huwag kang mag alala at ngayong buwan ay mapagbibigyan ko ikaw..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen.................thanks..talagang binabanggit ko din ang blog ng mga nagrerequest kapag napagbibigyan ko na sila..salamat sa muli mong pagbisita sa akin..

Arvin U. de la Peña said...

@I AM ENHENYERO, AND THIS IS MY BLOGS.............salamat..maganda nga siya..lahat yata na ang pangalan ay ell ay maganda,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz..............talagang madami na..karangalan sa akin kung sila ay nagrerequest..ganun ba..matagal pa pala bago ka uli makauwi..

Arvin U. de la Peña said...

@Anney..............talagang nagustuhan niya..post nga rin niya sa blog niya ang sinulat kong ito..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu...................salamat sa sinabi mo..yup, kapag kaya ko ay pinagbibigyan ko ang request..isa pa hilig ko naman ang magsulat ng ganito kaya okey lang iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@Ailee Verzosa................ikaw din ay magaling para sa akin.....okey puntahan din kita..

Arvin U. de la Peña said...

@Pretsel Maker...........ganun ba..sige puntahan kita sa blog mo..

Arvin U. de la Peña said...

@gege...............hehe..ganun ba..di naman masyado..ikaw ng basahin mo ito ay pinuntahan mo din ba ang blog ni ella..sana ay pinuntahan mo..

pusangkalye said...

hmmm...macheck nga ang website....me special request section pala to ha---- you are a poem dj---lol

Verna Luga said...

Talaga! sabi mu yan ha LOL! yeheyyy! ako din ... hahahah!

Unknown said...

hehehehehe, wow! scoop yata ito..

Pretsel Maker said...

My Red Shoes Story. Would You Steal For Love?

http://pretselmaker.blogspot.com/2010/02/my-red-shoes-story.html

Grace said...

Maganda! Maganda! May pinasasaya ka na naman, Bro. :)

Arvin U. de la Peña said...

@PUSANG-kalye................sige check mo ang website niya ng malaman mo na totoo ang sinasabi ko.......haha..medyo kasi katulad ng sa mga radio station kapag may nagrerequest ng kanta ay pinapatugtog nila..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz................oo mayroon ka..ngayong buwan ay ipost ko iyon..ikaw pa..hehe..mahirap rin tanggihan ang isang tulad mo na nagrerequest..

Arvin U. de la Peña said...

@tim.................yup, nabalita na po siya..punta ka sa site niya..sikat siya..

Arvin U. de la Peña said...

@Pretsel Maker.................ah ok..sige tingnan ko sa blog mo......oo i would steal for love,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Hi I'm Grace...............salamat at muli ay nagandahan ka sa sinulat kong ito..oo kasi nagustuhan niya..nasiyahan po siya..

Azumi's Mom ★ said...

wow ang ganda naman ng intro mo. SIguro isa ka sa mga fans nya hehe..

well, isa na naman magandang tua ang nagawa mo =) nice =)

Azumi's Mom ★ said...

totoo ba yung nabasa ko? kaya pala controversial.. ay nako, nakalimutan ko tuloy yung matalingahaga na phrase -- kung wala usok wala apoy ba yun?

Azumi's Mom ★ said...

grabe kuya, na-hi blood ako sa post nya na naging controversial.. hay nako mga buwaya, defensive. Thanks sa url ha

Arvin U. de la Peña said...

@Bambie dear.............totoo po ang nasa blog niya na mga nabasa mo..may case po laban sa kanya..naging controversial po siya dahil sa sinulat niyang iyon pati na ang mga pictures..nag request po siya sa akin kaya natural lang na pagbigyan ko..walang anuman..ayos at siya ay pinuntahan mo..