Tuesday, February 23, 2010

Malayo Pa Ang Umaga (by request)

Sa palabas na Agua Bendita kapag magpapatalastas na po ay naririnig ang lyrics ng themesong ng teleserye na "malayo pa ang umaga". Dahil doon ay na inspire akong magsulat na ganun ang pamagat. At ang naisulat kong ito ay pagbibigay sa request ng kaibigan ring blogger na si Vernz. Ilang ulit na rin siyang nagrequest sa akin. Nagrequest siya sa akin sa pamamagitan ng comment at sa tagboard ko.

vernz: tiningnan ko kung may tula ako .. LOL! (kafal)

Blogger Vernz said...

Wow! ako rin .. (kafal din) heheheheh! ang ganda naman ni Bambi Dear!

February 6, 2010 7:07 AM

http://inthissideoftown.blogspot.com/
http://www.anythingdavao.blogspot.com/
http://vernzfreestuff.blogspot.com/

"Maging gabi man ang iyong trabaho ay tanggapin ng buong puso kasi kahit paano ikaw ay kumikita ng pera"

MALAYO PA ANG UMAGA
Ni: Arvin U. de la Peña

Huwag kang magmamadali
Hinay-hinay ka lang
Baka ikaw ay matisod
Masisira ang iyong pangarap.

Malayo pa ang umaga
Matagal pa bago sumikat ang araw
Habang gabi ay samantalahin mo
Pagkakataon para ikaw ay kumita.

Pagbutihin mo lang iyong ginagawa
Huwag mong alalahanin ang bukas
Dahil kusang dumarating iyan
Kapag tapos na ang dilim.

Hindi magdudulot ng maganda
Kung hindi ka magdahan-dahan
Tanggapin mo na ikaw ay pang gabi
Sa gabi ka kumikita ng pera.

Gumaya ka sa iba
Tularan mo ang ibang tao
Hindi inaalintana ang puyat
Basta para sa ikabubuhay.

42 comments:

Xprosaic said...

Ahahahahha kapag nagtatrabaho ka sa gabi two way lapag sinabi mong malayo pa ang umaga... pwedeng nababagot ka at di na mahintay ang umaga o masyadong maraming ginagawa na feeling mo kukulangin ang oras mo bago mag umaga... jijijijiji

EngrMoks said...

sira talaga tong si XP natawa ako sa comment nya...
XP tumino ka na ha...
Another nice peom parekoy...

Arvin U. de la Peña said...

@I am Xprosaic................tama ang sinabi mo..ang iba kasi na pang gabi ang trabaho ang gusto ay mag umaga na agad para wala na silang trabaho..sa madaling salita binibilisan ang ginagawa,hehe..ganun ang dahilan bakit ito ang kinalabasan ng sinulat kong ito..

Arvin U. de la Peña said...

@Mokong..................ako din natawa..anyway comment lang naman iyon..matino naman talaga siya..palabiro nga lang,hehe..

Pretsel Maker said...

yan kantang yan lagi ko napapakinggan dati sa bukid ng lolo ko. paulit ulit lang yung kanta sa radyo nun. kaya lalong hindi ako makatulog dahil napapakinggan ko malayo pa ang umaga!

fiel-kun said...

graveyard shift ba si vern? :D

tuwing naririnig ko ang song na "Malayo pa ang umaga" laging unang pumapasok sa isip ko yung palabas ni Juday dati na "Ula" noong mga late 80's ata pinalabas yun.

Verna Luga said...

Wow Arvin! Salamat naman at tinupad mu ang promise mu na gawan mu ako ng tula ... SALAMAT .........! touch naman ako ..

pero teka lang ha ... baka akalain ng readers mu sa gabi talaga ang trabaho ko .... LOlz!

short info lang para tama ang interpretasyon ....LOL.

Sa gabi lang kimikita sa internet ng pera dahil fulltime mother of three ...

sa gabi kumikita dahil two hours of teaching as part-time job yan ay 6 hanggang 8 ng gabi ... LOL

SALAMAT HA!

Sa ulitin ...

In This Side of Town
Anything Davao
Some Things Are Free

Jag said...

Ewan ko ba at parang kaytagal ng umaga pag itoy inasam asam mong marating...

☆Mama Ko☆ said...

Hi Arvin, dropping by at your tula section para mag basa ng original na tula sa isang batang may ginitoang talento sa pagsusulat ng tule. waaa hindi talaga ako marunong mag tula, kaya you are lucky arvin to be given a great talent like that. keep doing what you love to do.

Anonymous said...

gez wat pinapanuod q ang agua bendita ngyon :)

alm mo bang umiiyak aq twing pinapatugtog nla ang malayo pa ang umaga! dunno y! kaiyak kc ang song tapos sabayan p ng karakter ni agua, kaiyak! hehhhe..

CaptainRunner said...

Ang hirap nyan, graveyard shift, ayoko ng ganyang trabaho :P

eden said...

wow, ang dami mo ng nagawan ng poem. another nice poem. thanks for sharing Arvs

Dhemz said...

ayay! hehehe...another request....galing naman!

Arvin U. de la Peña said...

@Pretsel Maker................talaga..naging hit rin kasi ang kanta na iyon..mahirap nga makatulog kapag may ingay kahit sa radyo lang..pero kung huni ng mga ibon ay okey lang..siguro habang nasa bukid ibat ibang huni ang naririnig mo kapag gabi na..

Arvin U. de la Peña said...

@sakthi...............thanks for visiting my blog..

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun............hindi po pang gabi ang trabaho ni Vernz......di ko alam kung nagtrabaho na siya sa gabi..nagawa ko lang iyon na tula base sa minsan na nakakapanood ako ng agua bendita......doon ako nainspire magsulat ng ganun na pamagat at iyon ang kinalabasan ng tula..siguro ang sinasabi mong palabas sa pelikula na ULA ay iyon ang unang paglabas ni Juday..diyan yata na palabas una siyang nakilala..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz..............walang anuman..natural lang na ang isang tulad mo ay pagbigyan ko..hindi naman siguro mag aakala ang mga makakabasa na pang gabi ang trabaho mo..by request portion lang naman sa blog ko,hehe..walang kaugnayan sa kung anuman ang kinalabasan ng request na tula para sa isang buhay ng nag rerequest..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag...............korek ka..mabagal nga ang oras sa gabi kung hintayin natin na mag umaga..pero kung hinahayaan lang natin at tayo ay natutulog na lang ay bigla magigising tayo na umaga na pala..matagal mag umaga sa atin kung di tayo makatulog at may iniisip ng kung ano..

Arvin U. de la Peña said...

@Mama Ko...........maraming salamat sa iyong mga sinabi sa akin..parang lalo pa akong naiinspire dahil sa mga salita mo..try ka lang magsulat at makakagawa ka rin ng tula..may iba talagang tao na mahirap para sa kanila ang magsulat ng tula..lalo na noong nag aaral pa para sa subject na Pilipino..pero ako di ako nahihirapan kapag may pinapagawa ang aming guro..ang iba ko ngang kaklase ay ginagawan ko ng tula..

Arvin U. de la Peña said...

@kayedee..................ako rin ay nanonood ng agua bendita pero hindi lagi..madrama nga ang palabas na iyon.....lalo na si agua ay inaapi api ng kapatid niyang si bendita..magaling na artista ang bata..bagay silang pagsamahin ni santino sa isang palabas,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Paulo.............ang ganun na trabaho na pang gabi ay sanayan lang iyon......parang katulad lang din iyon ng sa araw ka nagtratrabaho na kapag gabi ay matutulog ka..kung pang gabi ka ay kapag araw ay matutulog ka..ang hirap nga lang kapag ang mga barkada ay may inuman sa araw kasi mahirap tanggihan,hehe..baka hindi na lang pumasok sa gabi na trabaho..

Arvin U. de la Peña said...

@eden..........madami na nga..may mga nagrequest pa na hindi ko pa napagbibigyan.....iniisa isa ko lang kasi..salamat sa muli mong pagbisita sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu.............oo nga..siguro ang mga tao na nagtratrabaho sa gabi kapag nabasa nila ito ay may mauunawaan sila,hehe..o di kaya mainspire pa lalo..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz..............yes another request from a friend here in blog world from davao...........

edison said...

kuya, next time ako naman magrerequest sayo ha?

chingoy, the great chef wannabe said...

naging theme song din ito ng isang mini telenovela sa channel 9. nakalimutan ko lang ang pamagat parang yun din ata hehehe. kasabayan ng Boracay, Cebu, Davao etc. na nagpasimuno ng mag maaayos at on location na teleseryes...:)

Azumi's Mom ★ said...

kaya siguro merong quote na SLOWLY BUT SURELY =)

anney said...

I love that song! Great poem for a friend!

pusangkalye said...

ANG GANDA NG PALABAS NA YAN TAPOS YUNG KANTA PA. napka-inosente ng pagkakakanta ng bata so ramdam ng mga tao yung buong istorya....nice one

enhenyero said...

ako idadaan ko na lang sa tulog para pag gising ko umaga na jejejeje

Verna Luga said...

Arvin, akoy napadaan .... ganun talaga ang mga writer ... kailangan ng inspiration .... walang probs ....

all the best ... sa madaling salita .. ang galing mu! LOLz.

In This Side of Town
Anything Davao
Some Things Are Free

Yen said...

Bat ganun para sakin ang bilis mag umaga kaya tuloy pagdating sa opisina panay ang hikab ko. waah!!! anlaki na tuloy eyebag ko!

Arvin U. de la Peña said...

@engr.kemm.coe.............ok..walang problema kung ikaw ay magrequest..mapagbigyan ko rin ikaw..

Arvin U. de la Peña said...

@Chingoy....................ganun ba..di ko iyon napanood..siguro matagal na iyon..di rin kasi ako mahilig manood masyado ng tv,hehe..anong taon mo iyon napanood sa channel 9..abs cbn kasi ang paborito kong istasyon..

Arvin U. de la Peña said...

@Bambie dear...............haha..siguro nga..kahit di mabilis ang trabaho basta ba polido at maganda ang kinalalabasan ay ayos iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@Anney..................marami nga ang nagagandahan sa kanta na iyon..inspirational song kasi iyon..nagbibigay ng inspirasyon ang kanta na iyon..oo nga eh, nagustuhan niya po ang tula kong ito na sinulat para sa request niya..

Arvin U. de la Peña said...

@3d...................thanks for your visit to my blog.................

Arvin U. de la Peña said...

@pusang kalye..............maganda nga ang palabas na iyon..sa sinabi mong ito ibig palang sabihin ay nanonood ka ng agua bendita,hehe..hanga ako sa karakter ng bata..magaling siyang artista..

Arvin U. de la Peña said...

@enhenyero................haha..lalo na kapag lasing ka tiyak makakatulog ka talaga pag gabi..higit sa lahat di mo mamalayan umaga na pala..baka nga kapag nagising ka ay tanghali na dahil sa ikaw ay nalasing,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz................salamat sa muli mong pagdaan sa blog ko..salamat sa sinabi mo..minsan ay kailangan nga talaga ng isang manunulat ng isang inspirasyon para maging ganado ang pagsusulat..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen...............anong oras ka ba kapag natutulog na kung gabi..baka naman madaling araw ka na kung matulog,hehe..try mo kaya matulog ng 7 pm palang..tiyak masasabi mo na ang tagal bago mag umaga,hehe..kumusta ka na diyan sangkay..

Anonymous said...

Instrumentation ModelKit Windows Forms Edition Full License