Friday, February 12, 2010

Bato

"Ang lahat na mula sa kalikasan ay dapat binibigyan ng halaga. Maging ito man ay isang bato. Dahil ang bato naging malaking parte na ng ating buhay lalo na noong tayo ay mga bata pa. Siguro sa sinulat kong ito ay maaalala niyo na noong kayo ay bata pa ay may pinulot kayong bato para batuhin ang isang tao na nakaaway niyo o di kaya kayo ang binato. Kung hindi man ay may pinupulot kayo na bato para lang batuhin ang isang kaibigan na biro lang ang pagbato."

BATO
Ni: Arvin U. de la Peña

Naglalakad ako isang tanghaling tapat
Nang may madaanan akong bato
Isang maliit pero magandang bato
Hinawakan ko at pinagmasdang mabuti.

Habang tinitingnan ay nasabi ko
Kaygandang bato nito naiiba ang hugis
Parang hindi siya ordinaryong bato
Noon lang ako nakakita ng ganun klaseng bato.

Gusto kong dalhin ang bato sa amin
Pero nagpasya akong ibalik sa lupa
Dahil diyan siya nararapat
At nagpapaganda sa kalsada.

Kinabukasan sa muli kong pagdaan sa kalsada
Sa kung saan doon ko nakita at nahawakan ang bato
Laking gulat ko ng hindi ko na makita
Hinanap ko nguinit wala na talaga.

Nanghinayan agad ako sa bato
Sana ay dinala ko na lang sa amin at itinago
Hindi sana siya mawawala
Lagi ko pang makikita kung nanaisin ko.

Sa di kalayuan ay may nakita ako
Mga batang naninirador ng ibon
Agad ay nasabi ko sa aking sarili
Na baka sila ang kumuha sa bato.

Pinuntahan ko at kinausap ang mga bata
Sinabi ko ang tungkol sa bato
Dinala ko pa sila
Sa kung saan nakita ko ang bato.

Doon ay sinabi ng isang bata
Namulot sila ng mga bato diyan
Para gamiting bala sa pagtirador sa ibon
Nanghina ako ng marinig ko iyon.

Umalis na ang mga bata
Pero naiwan pa rin ako
Iniisip ko pa rin ang tungkol sa bato
Nasaan na kaya iyon.

Hanggang ngayon kapag naaalala ko
Ang bato na iyon na aking nakita
Hindi ko maiwasan na hindi sisihin ang sarili ko
Kung bakit hindi ko iyon kinuha at itinago.

47 comments:

enhenyero said...

di napupulot ang alam kung bato jejejeje

Arvin U. de la Peña said...

haha..alam ko na kung anong bato ang tinutukoy mo..bato rin kasi ang tawag doon..

Unknown said...

ganun ba yun? hehehehehe.. parang kung ako kasi bigyan ng bato ni Darna nako mag kakagulo ang buong kabaklaan world, eh bato din yun.. hehehehehe

Nanaybelen said...

sayang naman baka mamahalin bato pa yon o kaya may halong ginto pa o dayamon sa loob. Kung kakaibang bato alam mo naman ang mga tao, ginagawang mamahalin, gaya nang diamond sa africa alam nila ay bato lang yon pero ginawa nang dayuhan na mamahalin bato.

Anonymous said...

May bato na galing sa langit, kaya nga bato bato sa langit ang tamaan huwag magagalit.

Eph 2:20 Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok;

Pero may isa pang bato na pandugtong ng buhay, kahit isa lang ang matira sa iyong bato, ikaw pa rin ay mabubuhay.

Xprosaic said...

noong bata pa ako kumukuha ako ng bato sa mga lugar na napuntahan ko tapos susulatan ko ng date kung kelan ako nakapunta dun... kaso nung tumagal dumami na....ayun tinapon ko na rin lahat jijijijiji

lolit said...

hello po, dumadalaw lang po at naaliw ako sa post mo, happy valentines kapatid. salamat sa dalaw mo ha.
teka follower mo na ako ngayon, hehehe.

eden said...

di bali Arvs baka may makita ka pang mas maganda sa bato na yon. my son collects stones and he has heaps in his room. ang iba tinatapon ko kasi ang dami..hehehe

Arvin U. de la Peña said...

@tim.....................haha..ganun ba..ibig palang sabihin ay fan ka ng darna..baka nga ang bato na iyon ay bato ni darna..sayang at ginamit lang sa pagtirador sa ibon,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Nanaybelen...................siguro nga mamahalin na bato iyon..sa sinabi mo ay naaalala ko ang palabas na Blood Diamond..iyong si leonardo de caprio ang starring at ang isa na lalaki..kuwento na tungkol sa diamond..sa africa yata iyon nag shooting..maganda ang palabas na iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@kasparingan...................may salita ngang ganyan..ang tinatamaan ay nagagalit kapag di nakapagpigil..may bato din ang ating katawan..oo kahit isa na lang ay mabubuhay pa..

Arvin U. de la Peña said...

@I am Xprosaic..................maganda rin ang naging gawain mo na iyan..koleksyon kung tawagin..ang iba ay lupa ang kinukuha at nilalagay sa supot tapos sulatan kung anong lugar..maganda ang ganun kung lupa na mula ibat ibang bansa..ang ibang sea man ang koleksyon ay flag ng bawat country na nadadaungan..

Arvin U. de la Peña said...

@lolit...............walang anuman..salamat rin sa pagdalaw mo..salamat naman at isa ka ng follower sa aking blog..

Arvin U. de la Peña said...

@eden............sana nga ay may makita pa akong higit pa roon..pero palagay ko mahirap na kasi halos lahat ng kalsada ngayon ay sementado na..di katulad noon na hindi pa..ganun ba..mahilig din palang mag collect ng stone ang son mo..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu......................salamat sa iyo..bakit naman di masaya ang valentine mo..at bakit hate mo kapag ganun..anong dahilan..

Anonymous said...

Ngayon iba na ang kahulugan ng bato, he he he..

EngrMoks said...

Happy valenTiger Arvin... ang akala kong bato eh batong-bato yung tuod...hehehe

Yen said...

Anong klaseng bato ba yang binabanggit mo at hinayang na hinayang ka? hehe. Grabe friend pati bato sa kalsada ngayon napagtutuunan mo na ng pansin. Nakaka high ka. Hahaha.

Mel Avila Alarilla said...

Ang batong iyon ay sumisimbolo sa mga lost or missed opportunities sa buhay. Sa lahat nang tao ay dumarating ang mga pagkakataon na naharap na siya sa isang magandang oportunidad na kanyang pinabayaan at pinakawalan. Kaya nga kasabihan na ang buhay ay parang isang eskwelahan kung saan tayo ay natututo sa mga eksperiensya natin, mabuti man o masama. Ang importante ay meron tayong leksiyong natutunan. Kung hindi tayo mauumpog ay hindi tayo matututo. Mas makapangyarihang guro ang pagkakaunpog kaysa salita o pangaral na hindi naman natin pinakikinggan o binibigyan nang pansin. Kaya kung tayo ay makakakita nang magandang bato sa daan ay dalawng bagay lamang ang pwede nating gawin- pulutin iyon at pahalagahan o iwanan iyon para mapulot naman nang ibang taong bibigyan yun nang pahalaga. Salamat sa makabuluhang artikulo. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Dhemz said...

hahhaha...bato bato sa langit...lol! mahilig ako sa mga bato na kakaiba ang hugis....:)

Anonymous said...

hmm.. aq wlang binato ng bato nung bata aq pero tinapay meron pramis! hehhe.. nung grade 2 aq haha..

arvin.. i dunno how 2 put cbox e :(
cbox b un?

Admin said...

Marami niyan sa amin... Pang decorate ng Mommy ko...

Glampinoy said...

Bato bato sa lupa dahilan ng aking pagdapa...

KESO said...

wow, hello kuya arvin ngayon lng ulit ako nkdalaw dto, nice nice. balik ako ulit.

Arvin U. de la Peña said...

@philippineplace..............oo alam ko..ang isang bawal na gamot ay bato din ang tawag..delikado kapag nahuli..mahal iyon kaysa sa marijuana,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen.............isang bato lang naman siya..katulad lang din ng mga bato na nakikita mo sa kalsada..pero parang naiiba siyang bato..maganda ang hugis ng bato na iyon na ginamit lang sa pagtirador sa ibon..haha..natawa naman ako sa sinabi mo na pati bato pinagtutuunan ko ng pansin..high ba ako..siguro hign na ako sa iyo,hehe..joke lang..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla..............nagagalak ako sa mga paliwanag mo..sa isang bagay na narito sa lupa ay maaari nga iyon may halaga kung atin lang pahahalagahan..kapag pinakawalan natin o hinayaan lang ang halaga ay tayo rin ang magsisisi kasi hindi natin napakinabangan..minsan sa isang tao ang ibinigay niya para sa ibang tao ay iyon ang nakikinabang talaga..dahil doon ay may panghihinayang talaga..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz..............kung ganun ay marami ka ring koleksyon ng mga bato..at siguro ay nasa aquarium ang iba kung mayroon kang aquarium,hehe..madami ka bang tinago na bato na iba iba ang hugis o hitsura..

Arvin U. de la Peña said...

@kayedee..............oh talaga..ibang klase ka naman kung noong bata ka pa ay wala ka talagang binato na tao kahit biro lang..siguro ay binato ka kaya binato mo siya ng tinapay..may kasabihan kasi na kapag binato ka ay batuhin mo ng tinapay..ganun ba ang ginawa mo..madali lang paglagay ng cbox..copy paste mo lang ang code sa side bar ng bloog mo at iyon na magkaroon ka na..

Arvin U. de la Peña said...

@Mangyan Adventurer.............wow..siguro noong bata pa ang mommy mo ay nakahiligan na niya ang bato na magaganda ang hugis..at kung di ako nagkakamali ang bato na decorate ng mommy mo ay galing pa sa iba't ibang lugar..

Arvin U. de la Peña said...

@Glampinoy................haha..di na maiwasan na noong tayo ay bata pa ay madapa talaga dahil sa bato..kahit ako ay nadapa na rin ng dahil sa bato..pero ang ngayon na mga bata siguro ang iba ay di madadapa ng dahil sa bato dahil karamihan ng kalsada sa ngayon ay sementado na..pero may mga lugar pa rin na ang kalsada ay hindi pa semento..

Arvin U. de la Peña said...

@Sharm............thanks for visiting my blog..

Arvin U. de la Peña said...

@KESO..............ok lang kung ngayon lang ulit..ang mahalaga ay narito ka pa rin sa aking mundo ng blog..at higit sa lahat kahit paano ay di mo ako nakakalimutan..

Anonymous said...

eh kc nabwibwict tlga aq s babaeng un! e dumaan ata xa s rum q pra magtnda ng tnpay at mjo nagkainitan kame kya ayun bnato q xa ng tinda nya! bwahhhh..

shalamat s lecture teacher hehe..
xge try q n ilagay) :)

Azumi's Mom ★ said...

sayang naman.. sana may collection ka na ng bato ngayon.

Natatawa ako sa ibang comments about sa bato..

Nancy Janiola said...

ay mahilig akong mangolekta ng bato lalo na pag nasa ibang lugar ako. wala lang nilalagyan ko lang ng label para di ako malito, hahaha!

kamusta ka na nga pala, me ire-request ako sayo..hindi tula pero kung sakaling mapaglaanan mo ng panahon, ok na rin :D

pero, pwera biro, paki change naman yung URL ng link ko, pati yung name ng blog, bago na din. asahan kita sa dun ha...salamat

Nancy Janiola said...

nakalimutan ko yunh new link :D
www.iblogtoday.info

naman!!!

Verna Luga said...

ako ang nakapulot ng bato ... hehehe . jdyuk lang

as always great to know a great mind like you ...

Mabuhay ka Arvin ....

ps.. ang tula ko heheh.... (kafal)

Jag said...

Nice! Trip ko nmn ang itago ang mga maliliit n bato na sumisingit sa spike ng sapatos ko jijiji...mangilan ngilan n din ang mga nakolekta ko hehehe...

satya said...

ur blog is so nice!By the way at your free time try to visit my site.I'll also visit yours often.I'll add you in my blogroll as soon as you visit mine.Hope you'l visit soon.
http://orangee.myjoyz.com

Arvin U. de la Peña said...

@kayedee............bakit naman kayo nagkainitan..baka naman gusto niyang bumili ka tapos wala kang pambili..kung ganun ay pinabayaran sa iyo ang binato mo..marami rin siguro ang nakakita sa ginawa mo..

Arvin U. de la Peña said...

@Bambie dear.............wala po akong collection ng mga bato..at saka di ko iyon kakahiligan kasi ang dami kayang bato..ako nga din natatawa sa ibang comments nila kasi may karanasan din sila ng may kaugnayan sa bato..

Arvin U. de la Peña said...

@admin..............talaga..napakarami mo na sigurong na collect na mga bato..tungkol sa request mo ay mahirap ko iyon mapagbigyan kasi unang una ay di alam paano gawin iyon..basta itong site ko na arvin95 ay kuntento na ako nito..iyong una kong blog dahil mahaba ang ginawa ko ay gumawa ako ng isa pang blog..iyon na lang siguro ang gawin mo gumawa ka ng isang blog na palagay mo ay ayos na para sa iyo..di ko naman puwede hingin ang email mo at password ng blog mo kasi private iyon..itong blog ko ang template nito ay rounders 4..sa name ng blog mo ay puwede iyon mapalitan..log in ka lang sa blog mo at punta ka sa SETTINGS..at doon ay palitan mo ang name ng blog mo na iblog today..tapos save settings..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz............haha..ikaw talaga..ang layo naman siguro ng lugar mo para ikaw ang makapulot..dadaan pa ng dagat,hehe..salamat sa iyo..huwag kang mag alala basta ngayong buwan ay mapagbibigyan ko ang request mo..ipost ko dito..may naisulat na ako para sa request mo..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag.................talaga..kung nag umpisa ka noon pang nag aaral ka ng high school tiyak baka sobra na iyon isang kilo,hehe..kailan ka nag umpisa mangolekta ng bato na sumisingit sa spike ng sapatos mo..

Arvin U. de la Peña said...

@satya............thanks..i will visit you now..thanks for visiting my blog..

fiel-kun said...

di pa pala ako nakakacomment dito...

I still remember nung bata pa ako, nangongolekta ako ng iba't-ibang uri, hugis at maukulay na bato... gustong-gusto kong mangolekta ng bato tuwing pagkatapos ng isang ulan.. kasi parang kumikinang sila sa sikat ng araw ^_^

nice poem again!