"Money is kind of a base subject. Like water, food, air and housing, it affects everything yet for some reason the world of academics thinks it's a subject."
Likas na sa mga tao na kalalakihan na kapag nagkaroon ng maraming pera ay nagpapakita ng kayabangan sa pamamagitan ng pera. Halimbawa na lang ay magpapainom, magpapakain, pupunta sa mga bar, magsusugal, at kung ano pa na noong wala pang pera ay hindi iyon ginagawa. Ang pera nga naman minsan nagdudulot ng malaking pagbabago para sa ugali ng isang tao.
YAMAN
Ni: Arvin U. de la Peña
Simula pa man noon
Napakarami ko ng nakilala
Mga tao na mula sa mahirap
Yumaman paglipas ng ilang taon.
Pero sila ay naging mapagkumbaba
Hindi nila pinapangalandakan ang yamang nakamit
Kung ano sila noong mahirap pa
Ganun pa rin ng yumaman.
Hindi katulad mo na yumabang
Isinisiwalat mo ang iyong karangyaan
Pinapainggit mo ang mga tao
Sa napakarami mo ng pera ngayon.
Kung may interes ka man
Gawin mo sa tahimik na pamamaraan
Huwag ang dahil sa pera ang ipadama
Dahil ang yaman di nadadala sa kamatayan.
Magbago ka na sana
Itigil na ang pagyayabang sa kayamanan
Sapagkat may mga nagdududa pa rin
Kung bakit mo iyon nakamit.
Monday, March 29, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
46 comments:
this once happened to me and my huny.. Those times that he was blessed in his work an over flowing income[ non exaggerating to!] But it was also the times na sobrang nasa rough road ang relationship namen.. Naging mayabang kasi. but now he learned his lesson and where ok na.. :D
Korek ka jan. Wala eh wala tayong magagawa. May mga bagay din kasi tayong bilhin.
Sorry.. KAILANGAN palang bilhin hehehe.. :)
PLUG lang po: http://techykikay.blogspot.com
^^
sana nga hindi na naimbento ang pera...
pag may pera kz, usually mas pinaniniwalaan, mas malakas ang impluwensya. Parang kaya na nilang gawin lahat! Pero darating din nmn yung time na pagsisisihan nila lahat kung hindi man pagbayaran. God is fair...and He has His plans in time! ;)
ganun talaga buhay, eh kung gusto mo mag tipid,lalo ka pang gagastos.. hahai, ako nga, kailangan na bili ng gamit, but naku hirap ng pera..
nice post man.. happy holy week. sayo!
korek! ang buhay nga naman talaga...pag wala kasing pera mahirap mag survive...
***
salamat pala sa dalaw at comment....oo, mahilig si papa sa mga manok...at sumasali din sya sa mga derbies...minsan natatalo...ehehhee!
Ang taong naghahambog sa kanyang kayamanan at nananatiling bulag sa pangangailangan nang iba na nakikita niya ngunit hindi tinutulungan ay nakamit na ang kanyang gatimpala dito sa lupa ngunit sa kabilang buhay ay siya naman ang magdurusa. Kaawa awa ang magiging kalagayan niya kapag siya ay humarap na sa paghuhukom at hindi niya mapapakinabangan ang kayamanang labis niyang pinahalagahan. Salamat sa makabuluhang artikulo at tula. Pagpalain ka sa tuwina nang Diyos.
Ang pera talaga ang ugat ng kasamaan dito sa mundo...
Ang kayamanan ay dapat binabahagi sa kapwa, hindi pinagkakait or pinagyayabang...
nice poem Arvin ^_^
Naku mukhang mga politiko ulit natatamaan niyan ah... jijijijijijiji
Hndi bat wala nmang pera noon? Puro kalakalan lang.
Solo
Travel and Living
Job Hunter
tama iyan..may mga taong nagbabagong ugali nang dahil sa pera, at may ginagawang kayabangan kasi alam nilang they have a higher level than those who don't have as much money as theirs..but even though there are people who are like this, some also maintain their well-being and make good of their money.. :) like helping others with it.. :D
kailangan natin may pera para mabuhay.. :)
this is a great post you got here..thanks for sharing.. :D
Happy Holy Week! :)
take care and God bless!
Hello, Arvin!
Really fantastic posting. Congratulations. Terima Kasih.
GOD BLESS
korekk dapat humble lang tayong lahat about the blessings we receive
Nagkakaganun talaga kapag ang Pera na ang diniyos ng tao,which should not be the case kasi were supposed to have control over money and not money over us.Tapos sasabihin ng tao na "money is the root of all evil" but come to think of it, its just a paper it has no life they are powerless that paper was just an accessory of man's greediness. Hay ewan kawawang pera nasisis pa sa mga kasamaan ng tao.
@kha..................ganun ba..mabuti naman at naging ok rin kayo pagtagal..baka naman tinakot mo na hihiwalayan mo siya kapag hindi ibinalik ang ugali niya noong bago pa lang kayo magkakilala at hindi pa siya masyado may pera,hehe..
@Meg.................oo alam ko..ng dahil sa pera ay nabibili natin ang ating gusto..ang masakit nga lang kapag masyado ng marami ay nagpapakita na ng kayabangan..ang iba pa nga dahil may pera ay tumatakbo sa halalan at ang pera nila ang ginagamit para manalo at iboto ng mga tao..
@Mokong..............ano nga kaya kung hindi naimbento ang pera..mahirap isipin iyon..para magkaroon ng bagay na nais dapat ay pagtrabahuin at iyon ang kapalit..mahirap masyado yata ang ganun..
@mishi.................tama ka..pera ang isang dahilan kung bakit ang isang tao ay nagiging maimpluwensya..binibigyan ng pera ang isang mataas ang katungkulan na tao para sila ay maproteksyonan..ganun kahalaga ang pera sa ngayon..
@tim...............haha..nasa tao na rin iyon kung ang ginagawa niyang pagtitipid ay para talaga sakali may pangangailangan siya..gamitin ang pera para sa mas makabuluhan na pangangailangan..iyon talaga ang maganda..
@Dhemz.....................yup..mahirap mabuhay kapag walang pera na sangkot..sikat siguro na sabungero ang papa mo..at siguro malaki kung pumusta ang papa mo,hehe..mahal kasi ang mga manok lalo na kapag texas at high breed kaya nararapat lang na malaki ang pusta para sulit ang pag alaga at pagkondisyon..ganun talaga iyon..may panalo at talo sa sabong..
@Mel Avila Alarilla...........bihira lang ang tao na nag bibigay rin sa iba ng biyaya nilang natanggap..nagbabahagi sa kapwa ng kung anu man..may mga tao rin talaga na mula sa mahirap at yumaman ay madalas talaga ang pag share ng yaman niya para sa ibang mahirap na tao..ngayong halalan tiyak madami ang mabibiyayaan ng mga politiko mula sa pera nila..
@fiel-kun..............oo dahil biruin mo may mga taong hired killers at binabayaran sila ng malaking pera para ipapatay ang isang tao..marami ang gumagawa ng kasamaan dahil sa pera..may mga nagnanakaw dahil walang pera..maganda nga kung ang bawat naging matagumpay ay lubos lubos na nagbibigay biyaya para sa nangangailangan..
@I am Xprosaic................hehe..medyo may punto ka..politiko at hindi ay puwedeng matamaan sa sinulat kong ito..
@Solo............oo noon iyon..para mo makuha ang isang bagay na gusto mo ay may ipapalit kang bagay din o kaya ay pagtrabahuin mo para iyon ang kapalit..barter..exchange of goods with other goods and services..
@nice............bilib ako sa mga tao na kahit nagkaroon na ng karangyaan sa buhay ay hindi nagbago ang ugali..nanatili pa rin kung ano sila noon......higit sa lahat ay hanga ako sa mga tao na nagbibigay talaga sa iba ng kaunting tulong para sa nangangailangan..salamat sa sinabi mo..
@david santos..............thank you..i hope you will visit again my blog..
@donster...............yup..at ang ganun ay mabuti talaga dahil hindi ka itsismis ng mga kaibigan mo na nagbago ka na..kasi kapag nag bago ang ugali ng dahil sa pera ay tiyak mapag uusapan iyon..
@Yen.............sa ngayon kasi parang ang pera na ang dinidiyos ng tao..kasi kapag may pera ay nagagawa ang gusto..nakakakain ng gusto nilang kainin..sa madaling salita kapag walang pera ay mahirap mabuhay..iba kasi ang dating ng pera para sa tao..kapag may pera ay masigla talaga,hehe..dahil sa pera minsan nagiging masama ang tao..
para ba yan kay Manny V? Ü
Manny Villar---ikaw ba yan? tunay na mahirap.lol
pero tama. mahirap kasi nakasanayan na e. na mayayabang ang mga mayaman---kung baga part na ng kultura . so, ang mga lower class at middle class kapag gumanda ang buhay, ginagawa din nila yun.....
Dapat kasi kapag may yumaman tayo, sabayan natin ng panalangin na nawa'y bigyan tayo ng Diyos ng wisdom para turuan tayo kung paano gamitin sa tamang paraan ang yaman natin. Kapag walang panalangin, maraming gulo and dala ng yaman.
ay naku marami akong kakilala ganito na biglang yaman at biglang yabang lol.. pero madami din ako kilala na until now ay down to earth at ni minsan hindi nagyabang.
naiisip ko din yun eee.
haha!
minsan nga naiisip ko,
PAPEL LANG NAMAN 'TO!!!
tapon ko kaya???
WAG NA NUHH!!!
hehe.
nice kuya arvin!!!
^ - ^
agree naman ako dito
bakit kasi kailangan pang ipagyabang diba? minsan yan pa ang nagiging mitsa ng buhay
@Chyng...............hindi po iyon para sa kanya..habang sulat ko ito ay hindi ko siya naiisip..
@pusang kalye............tama ka..kung mayaman lang ang nag yayabang ay may karapatan din na magyabang ang mahirap kapag nakaahon na sila sa kahirapan..pinapakita rin nila na may sapat sila para magmalaki sa kapwa..
@Hi I'm Grace...........iyon ang mabuti..ang hindi nakakalimot sa diyos kahit na mayaman na..ang iba kasi ay halos pera na ang sambahin nila..nakakalimutan na minsan nila ang ating lumikha..
@Bambie dear............ganun ba..ako rin ay ganun kaya nga nakagawa ako ng tula na ganito..ang mga ganun na tao ay hinahayaan na lang iyon..desisyon niya iyon kung magbago man ang ugali niya..
@ayu............maraming salamat sa iyo......ikaw din naman magaganda ang mga post mo..
@gege...........oo nga papel..pero isang mahalagang papel..kasi nagagamit iyon sa pagbili ng kung ano ang nais natin kapag may ganun na papel........huwag mong itapon..bili mo na lang ng pagkain o kaya load para text ng text,hehe..joke..
@Renz..............nagyayabang sila sa kayamanan na nakamit kasi ang pagkatao nila simula pa man noong bata ay may pagkamayabang na..ganun sa palagay ko..kapag mayabang talaga ang isang tao ay mayabang talaga..
hahahaha in fairness tama ka..bwuahahaha
@kha..................mabuti naman at tama ang tungkol sa tulang ito para sa ibang tao..tungkol sa pagpapakita nila ng kanilang yaman sa iba..
Hi, arvs!
Dami kong nami miss na post mo..hehehe. sorry for the late visit. medyo busy lang ako ngayon.
this is so true Arvs. Thanks for sharing
Like they said money is the source of all evils hehe. thanks for the post.
Post a Comment