"Sa mga bata kung kayo man ay bibigyan ng chocolate ng hindi niyo magulang ay tanungin niyo ang nagbibigay kung ang pagbibigay ay bukal ba sa puso at walang hinihintay na kapalit pagtagal. Sa mga nagbibigay naman ng chocolate sana huwag niyong ipaalala sa isang tao na binigyan niyo ng chocolate ang ginawang pagbibigay lalo na kung nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Kasi lumalabas na parang nagsisisi pa na nagbigay pa ng chocolate."
CHOCOLATE
Ni: Arvin U. de la Peña
Sa iyo ay maraming nanggigigil
Kahit pa ang kapalit maghirap muna
Matikman ka lamang masaya na
Balewala na ang pawis na naranasan.
Ang nagnanais sa iyo ay pumapayag
Kahit ano pa ang iutos basta kaya
Sadyang malakas ang karisma mo
Malaki o maliit ka man.
Halos ang kulay mo ay iisa lang
Ngunit ang sarap mo iba-iba
Nakakabaliw ang iyong lasa
Lalo na sa mga kabataan.
Ang hindi lang maganda sa iyo
Ang nagmay-ari sa iyo para ka ibigay
Paglipas ng panahon nanunumbat
Sinusumbatan minsan mga taong kumain sa iyo.
Ipinapaalala mga pagbibigay sa iyo
Kulang na lang ay murahin
Na kung hindi dahil sa kanila
Hindi makakatikim ng iba't ibang tulad mo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
59 comments:
wag na lang magbigay kung labag naman sa kalooban.. kung magbigay man lang at inisip na ang kapalit wag nalang..
Thanks for visiting my blog. Have a nice day!
Hahahaha I knew somebody that after you have a misunderstanding, she started to count and remind you what she did for you or what she gave to you. Nasaan ang blessing doon ^_^
Yun ang nakakainis di ba, binigyan ka ng tao ng tsokolate, tapos pag may away kayo, bigla na lang maaalala mo sya dahil sa binigay nya. Parang pag-ibig. ^_^
sarap sarap ng picture....chocoholic ako!!!! haha
Tutuo ngang katakam takam ang lathalain mong ito, lol. Paborito ko rin ang chocolate lalo na yung dark chocolates dahil mahusay daw ito sa puso. Gusto ko rin ang chocolate cake at ice cream. Wala yatang taong ayaw nang chocolate, lol. Salamat sa masarap at katakam takam mong lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
fave ko yan. wala akong paki-al;am kung lagi akong tinatakot ng tatay ko na baka magka-diabetes ako. sarap e,.hehe
mukhang masarap ang chocolate...kahit na wala akong hilig sa matatamis...
loved it..hehe. lalu na yung nasa pix1
@charmie..............iyon ang dapat..kasi kadalasan talaga kapag nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ay ipinamumukha sa nakailatan na laging binibigyan ang mga ginawa niyang pagbibigay..nakakainsulto iyon..walang anuman iyon..
@Manang Kim...........marami nga ang ganun..kaya nga dapat iwasan talaga ang makipagtalo sa tao na madalas kang bigyan ng kung ano ano..hindi lang chocolate kundi kahit anong bagay..
@Sasarai..........mahirap po makalimutan ang tao na nagbigay sa iyo ng kung anuman..kaya kahit po mag away kayo ay naroon pa rin sa isip ang kanyang binigay sa iyo..parang sa pag ibig nga rin..kahit wala na kayo ng mahal mo ay maiisip mo pa rin siya dahil sa mga masasayang alaala noong kayo pa..
@Sendo..............haha..ganun ba..sa google ko lang po nakuha ang picture na iyon..siguro ibat ibang klase na ng chocolate ang natitikman mo..paborito ko ang chocolate na snickers,hehe..
@Mel Avila Alarilla...........maraming salamat po sa iyong mga sinabi..nakakatakam nga ang lalo na ang picture..kahit sino ay gusto talaga ang chocolate..pero minsan po ang mga chocolate na binibigay ay mayroon kapalit..utusan ka muna ng kung ano tapos ay bigyan na ng chocolate,hehe..
@pusang_kalye............hehe..bata pa naman kaya okey lang siguro ang kumain ng kumain ng chocolate..pero kapag lampas na ng 50 ang edad tapos may mga karamdaman na siguro ay hindi na puwede kumain ng chocolate lalo kung diabetec ang isang tao..
@Mokong...........bakit naman wala kang hilig sa matatamis..mula noon ba ay ganun ka na..
@ambiguous_angel...........ako din ng makita ko ang picture na iyan sa google ay gusto kong kumain ng chocolate..nakakatakam kasi,hehe..
Wala namn akong bad experience sa ganyan. Lahat naman ng nagbigay sa akin ng chocolates o kahit anong bagay na material mula nung bata pa ako magpahanggang ngayun e bukal sa kalooban at di nanunumbat.
May kasabihan If you love somebody give him/her chocolate
I can't resist chocolates..lolz.. paborito ko yan, lalong lalo na ang white chocolates.
Thanks for always visiting my blog. I really appreciate it. Tc always
i love chocolates! :)
Based from personal experience ba 'yan? Masarap talaga ang chocolate, matanda man o bata. Ang paborito ko ung dark chocolate. Pero gaya ng sabi mo, sana nga ay wala ng manumbat, sapagkat ang maikling kaligayahan na dulot ng tamis nito ay balewala kung ang kapalit ay kawalan ng kapayapaan ng isipan dahil sa panunumbat ng may bigay.
whoa, sarap naman nyan!!!
fave ko rin ang chocs....pero not all though...yung ultimate fave ko is yung cloud 9...ehhehehe! walang makakapantay sa chocolate natin...hehehehe!
@anney...............ganun ba..mabuti naman kung ganun..ang mga nagbibigay sa iyo ay mapagkakatiwalaan talaga na walang pagsumbat paglipas ng mga panahon ukol sa mga binigay sa iyo..ang iba kasi ay nanunumbat tungkol sa mga ginawang pagbibigay sa isang tao..
@Pretsel Maker..............may ganun nga na kasabihan..ang chocolate kasi ay naiiba talaga na ireregalo para sa isang tao..kapag nagbigay ng chocolate ang pakiramdam ng binigyan ay espesyal talaga siya para sa tao na nagbigay..
@eden..........ako kahit ano basta chocolate ay paborito ko,hehe..masasarap ang chocolate diyan hindi katulad dito..walang anuman iyon..
@goyo.............ako din ay gusto ko ang chocolate lalo na noong bata pa ako..
@MinnieRunner...............basta nasabihan na rin ako ng di maganda ng tao na nagbigay ng chocolate sa akin..at isinabi ang ginawa niyang pagbibigay ng chocolate..iyon ang dahilan kung bakit ko ito naisulat..tama ka na ang sarap sa pagtikim ng chocolate ay nababalewala kapag sinumbatan nga ng tao na nagbigay..dapat pag bigay ay bigay..madalas kapag nagbibigay ay may kapalit talaga..iyon ang mahirap dito sa atin..
@tim..............masarap nga iyan..masarap ang chocolate katulad rin ng ice cream,hehe.....
@Dhemz............haha..masarap nga ang cloud 9 lalo na noong di pa tayo nakakatikim ng chocolate mula abroad,hehe..pero ng makatikim na ay masasabi natin sa sarili na iba ang lasa at masarap ang chocolate na banyaga..hanggang ngayon ay may cloud 9 pa rin po dito..
Hahaha it's a kiddie thing hahaha...Pero ang pantagal stress ko: Chocolates!
Basta ako, once I already gave something, it will no longer be counted as my possession...it's totally theirs hehehe...
galing mo talaga at nakakatawa ka.. Pero tama ka, minsan kasi, may inaasahang kapalit ang pagbibigay. Salamat sa post mo na ito =)
nkaka-adik ang chocolates.. :)
"Paglipas ng panahon nanunumbat
Sinusumbatan minsan mga taong kumain sa iyo."LOL, ganon ang mga taong hindi educated.
i eat white chocolate sometimes. hindi na chocolate kasi white na.lol.
thnks for dropping by.
chocolate reminds me of both good and bad memories...
but i still love it!
penge naman jan hehehe^__^
arvin, if you have time pls vsit my blog. i have an award for you. have a nice saturday!
ang sarap ng chocolate! haha.. :D isa sa paborito kong flavor sa deserts! :)
I love dark chocolates.Di nakakasawa, bitter yet has this distinct taste. May attitude baga! Pampa tanggal ng nerbyos at pampakalma.
@Jag............ganun ba..iyon ang maganda sa mga tao na nagbibigay..hindi na binibilang kung ilan na ang naibigay sa kapwa..ang iba ay binibilang pa at sinusumbat pa lalo na kung nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan..
@Bambie dear............hehe..salamat po..yes ganun po minsan ang ibang tao......ang mga ganun na tao ay hindi na dapat na pinakikisamahan..mapanlinlang sila sa kapwa..akala ang pagbibigay ay bukal sa puso talaga..pero hindi pala..dapat hindi na lang magbigay kung ganun rin lang ang gagawin..kahit sino ay masasaktan kapag pinamumukha sa iyo ang mga ginawang pagbibigay..maging ito man ay chocolate o kaya materyal na bagay..
@ayu..............lahat siguro tayo ay mahilig sa chocolate..pero hinay hinay lang pagkain lalo na kung matanda na kasi baka may masamang epekto na sa katawan..alam mo naman kapag matanda na ay marami ng sakit,hehe..
@Mharliz.............sinabi mo pa..lalo na sa mga kabataan..ang baon nila o kaya may ipon silang pera ay chocolate talaga ang hanap na bilhin..ako noon ang paborito ko talaga bilhin na chocolate noong bata pa ako ay cloud 9..siguro ay natikman mo na rin ang chocolate na iyon..okey lang maadik basta ba ang binibili na pera ay sa iyo talaga..hindi ninakaw,hehe..joke..
@Faye.............may mga educated din na tao na gumagawa ng ganun na nanunumbat..iba iba po kasi ang ugali ng tao..hindi natin alam ang tunay na ugali sa panlabas na anyo lamang..may tao na akala natin ay mabait pero hindi pala..walang anuman iyon..salamat rin sa pagpunta mo sa blog ko..
salamat po sa award mo..puntahan ko ang blog mo at tingnan ko..
@desza...............talaga..like what..puwede ko bang malaman anong good at bad memories na dulot ng chocolate sa iyo,hehe..joke..haha..ang chocolate po na iyan ay sa google ko lang kinuha..kaya wala po akong maibibigay sa iyo..
@nice...........masarap nga talaga ang chocolate..lalo na iyong chocolate na mula sa ibang bansa..masarap po talaga..hindi nakakasawang kainin,hehe..
@Yen.................di ko iyon alam ha..matagal mo na bang ginagawa iyan na kapag nerbyos ka ay kumakain ka lang ng chocolate para maging kalmante ka..sino nagsabi sa iyo na ganun lang ang gawin..kung walang nagsabi ay ibig pa lang naka discover ka ng something about chocolate,hehe..kumusta ka na..
Grabe naman... parang bitter na chocolate ah... hehehehehhehehe... but now i use chocolate more as pampahyper sa akin... which i need for some instances... hehehehehehe
Korek Si charmie.. hehehe... pero kung gusto mu nalang talagang pamigay, wag mung isipin na may kapalit... salamat sa pasyal kaibigan...
sarap sarap ng chocolate!! kukunin ko saka na lang ang kapalit nyan pag me nagbigay at kung kaya ko lang hahahahaha
tama yung una mong paalala. pero sa totoo lang , nagbibigay ka talga ng chocolate dahil spesyal sayo yung tao. secretly, gusto mo may kapalit yun, kahit man lang bumait sya sayo, right? :)
Flor
kcatwoman
ldspinay
Bookneneng
Kaya dapat, kapag tayo ay nagbibigay, taos sa puso; ung wala talagang inaasam na kapalit. Kung ganun, hindi tayo nagbibigay, tayo ay may hinihiling..
Ang tsokolate kapag binigay, wala ng bawian. Halangan namang iluwa yun. Nakakadiri naman. hahaha
@I am Xprosaic................ganun ba..kung ganun ay ibat ibang chocolate ang tinikman mo,hehe..baka pati mga imported na chocolate.....
@Vernz..............hindi po natin alam kung ang pagbibigay natin ay hindi natin isusumbat sa taong binigyan pagtagal..habang lumilipas ang panahon ay may pag iiba minsan tayo sa sarili..kapag hindi na tayo nakapagtimpi ay nakapagsasabi tayo ng hindi maganda..ganun din sa pagbibigay ng anuman na bagay..kung ngayon na nagbigay tayo ay kusang loob talaga iyon at walang inaasam na kapalit pagdating ng panahon na atin nakaalitan ang ating binigyan ay maaari tayong makapagsabi ng di maganda tungkol sa kanyan sa ating ibinigay..walang anuman iyon..salamat rin sa pagbisita sa blog ko..
@donster...............hehe..sa google ko lang kinuha ang picture na iyan..sige kunin mo,hehe..kasi ramdam ko naman magkakaroon ka rin ng chocolates..
@kcatwoman..............salamat..
siyempre ganun minsan ang mga nagbibigay..kapag ang kanyang bibigyan ay bata na makulit at hindi mabait ay pagsasabihan na magpakabait ka ha..kahit sa pagmamahal ganun din..nagbibigay tayo sa gusto natin na tao tapos umaasa tayo na kahit paano ay mahalin din tayo..
@CaptainRunner............ganun dapat..hindi na talaga mag expect pa ng kapalit..pero may panahon po talaga na nakapagsasabi tayo ng tungkol sa ating mga ibinigay sa isang tao kapag atin siyang hindi nakasundo..hindi talaga iyon maiwasan lalo na kung malaki talaga ang hindi pagkakaunawaan..
@MuntingBisiro...............hehe.. kapag kinain naman ang sinabi mo na chocolate..nakakadiri nga iyon..kahit sino pa yata ay hindi titikim kapag galin na sa bibig ng isang tao..pero kapag bata pa ay baka puwede pa,hehe..
Post a Comment