"There are things that we never want to let go of, people we never want to leave behind. But keep in mind that letting go isn't the end of the world, it's the beginning of a new life.
PAGTALIKOD
Ni: Arvin U. de la Peña
Matagal bago ko kayo makita uli
Pero hindi kayo mawawala sa isip
Dahil kahit sa di maipaliwanag na dahilan nagkakilala
Naging malaking bahagi rin kayo.
Sa lungkot at saya nagdadamayan tayo
Sa mga salitang binibitawan
Nagbibigay ng inspirasyon at sigla
Maging matatag sa pagharap sa hamon ng buhay.
Kanya-kanya tayo ng ipinapakita
Kung anu-ano ang ibinabahagi
At sa bawat tumitingin sa handog
Kanya-kanya rin ang opinyon.
Sa ginagalawan natin ay batid
Walang nananatili habang buhay
Dahil bago pa man tayo nagsimula
Ang ibang nauna sa atin ay tumigil na.
Madami akong natutunan sa inyo
Siguro ganun din kayo
Alaala man lang ang matira sa atin
Malaking karangalan iyon sa akin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
16 comments:
Medyo matalinghaga ang lathalain mong ito. Ang ibig sabihin ba nang pagtalikod ay titigil ka muna sa pagba blog? Huwag naman sana dahil marami ka ring napaligaya sa paghahandog mo nang mga tulang nagdulot nang kasiyahan sa kanila. Meron kang selfless motive sa pagsusulat mo at iyon ay ang pagbibigay nang kaligayahan sa iyong mambabasa na walang hinihinging anumang kapalit. Minsan radikal ang iyong mga pananaw sa buhay pero dulot lamang ito nang iyong angking kabataan. Lahat naman tayo ay dumadaan sa ganuong aspeto nang buhay. Sana ay ipagpatuloy mo pa ang pagsusulat mo dahil marami ka nang lupon nang mambabasa. Salamat sa seryosong lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
Tungkol kanino 'to koya Arvin? XD
OMG! Bosing aalis k n? Kung aalis k mn sana pansamatala lang iyan. Tama ang iyong binanggit pero kasama ng pagtalikod ay sana ay ang di paglimot...
hahai, tumpak naman sa akin ang tulang ito.. kasi now, tinalikuran ako ng umutang sa akin.. huhuhuhu.. hirap.. ngayong araw talaga
gusto ko tong topic na to. letting go. obe of the most important skill that a person has to learn in his lifetime.....
I hope this is not you, Arvs. Pero kung yan ang plano mo sana temporary lang at babalik ka uli sa pagbablog kasi ma miss ka namin. TC
"But keep in mind that letting go isn't the end of the world, it's the beginning of a new life."
i like this line. very timely.
haaaaaaay, that's very true, we sometimes have to tutn our backs for a better opportunities and to start something new for us to grow. It may hurt. It may cut us, but it's for the better!:)
-----make sense!:)
may hinahanap? anjan lang sa tabi-tabi, BASTA WALANG TALIKURAN, hehe
Hi Arvin! Sensya na po hindi ako masyadong makabisita sayo... salamat nga pala sa dalaw kahit hindi ko naibabalik ang favor... Same as usual ang ganda ng iyong mga tula...
Life
Women
Mom
Nice poem. ^_^
Masyadong malalim at hindi ko maarok.
Oh no, this for real??? Like Sir Mel said, nakakahinayang talaga if your going to stop blogging.Madami ka na din kasi napasaya, MAdami ka na din followers like me na inaabangan ang sunod mong katha. Hay Friend mamimiss kita when you officially bid goodbye in blogosphere.Pero sana magbago pa isip mo.:-)
God bless you friend.
Weh! Talagang titigil ka na sa pagba-blog? Then the Filipino blogosphere will lose one creative blogger.
I do hope that you don't stop blogging. You can rest but please don't stop.
tama ^^ i like
wow. super bilib talaga ako sayo kuya.
never ko pa naexperience ang mga situations na kung saan may dapat kang iwanan. pero, aalis kna?
are you going on a hiatus Arvin? or emo mode ka lang nung sinulat mo tong poem?
btw, another master piece na naman mula sa iyo. Nice poem!
Post a Comment