Sunday, September 26, 2010

Jueteng Scandal

Noong nakaraang taon ay naging napakalaking balita ang nangyari sa Pilipinas. Iyon ay dahil sa bagyong Ondoy. Eksakto isang taon ay ipost ko din dito sa blog ang isang malaki ring iskandalo na nangyari na naging mainit ang usapin at ito ay ang tungkol sa jueteng.
JUETENG SCANDAL
Ni: Arvin U. de la Peña

Retired Archbishop Oscar Cruz ano ba ang motibo mo para isiwalat ang tungkol sa jueteng. Hindi naman ang mga tumataya na tao humihingi sa iyo ng pera na pangtaya bakit ikaw ang nahihirapan. Sa ginawa mo naging mainit tuloy ang usapin sa jueteng dahilan para mag ingat ang mga tao na ang kabuhayan sa jueteng. Mag ingat na hindi mahuli. Halimbawa na lang matigil ang jueteng. Saan naman maghahanap-buhay ang nabubuhay na sa jueteng kung iyon lang ang paraan para sila ay mabuhay. Isipin mo sana na mga tao rin ang maapektuhan kapag nangyari ang hangad mo na matigil ang jueteng. Pero malabo po sa akin na matigil ang jueteng dahil matagal na iyan. Parang trade mark na ang jueteng sa mga tao na mahilig tumaya.

Retired Archbishop Oscar Cruz matanong po kita. Saan po ba napupunta ang mga nagiging donasyon sa simbahan. Ang mga pera na nakukuha sa mga thanks giving mass o kung ano pa. Na sa ngayon kapag ikaw ay nagpa misa sa simbahan halimbawa na lang mag pa thanks giving mass ka ang bayad ay 150 pesos. Malaking pera po talaga ang nakukuha ng isang simbahan lalo na kung matao ang lugar at madami ang sumisimba. Ang pera po ba ay sa pari lang napupunta pagkatapos pagkunan ng para sa pagkain o ano pa na gastusin sa simbahan. Kung bakit ko natanong ay dahil wala po akong alam parte doon sa kung saan napupunta ang pera. Kasi sa halos araw-araw ko na pagbabasa ng diaryo ay palagay ko hindi pa ako nakabasa na mayroon charitable insititution ang simbahang katoliko. Hindi pa ako nakabasa na halimbawa na lang ang isang tao na may malubha na kalagayan ay tinulungan ng simbahang katoliko sa pagpapagamot. Pero may mga tao na po na dahil sa jueteng ay may pinagamot sila. Iyon ay dahil nanalo ng medyo malaking pera dahil sa jueteng. Pero siyempre malapit na kamag-anak lang siguro nila ang pinagamot o kaya kasamahan sa pamilya.

Retired Archbishop Oscar Cruz kung halimbawa matigil na ang jueteng palagay mo ba ay maiibsan ang mga pilipinong nagugutom sa kahirapan? Lahat ng pilipino ay makakakain na ng tatlong beses isang araw at kung ano ang gusto nila ay mabibili nila. Hindi ganun ang mangyayari dahil kapag nawala ang jueteng sa lugar na may nag ooperate ng jueteng ay lalong dadami ang maghihirap. Kung bakit ko ito nasabi ay saan pupunta o kukuha ng mapagkukunan ng pera ang mga tao na nagkakaroon ng pera ng dahil sa jueteng kung dahil sa jueteng lang ang paraan para sila ay kumita. Kung jueteng ang paraan ng ibang mga tao para mabuhay ay dapat hayaan sila. Ang mahalaga ay kumikita sila. Hindi naman sila namemerwisyo ng kapwa tao. Ang isang tao ay tumataya kapag may pera lang naman na pangtaya. Kung walang pera ay hindi naman iyon tataya.

Retired Archbishop Oscar Cruz sa mga lugar po na may jueteng ay tiyak din po na may mga tao na nagbibigay ng donasyon sa simbahan ng pera na galing sa jueteng. Kapag natigil ang jueteng kawawa ang mga maliliit na tao na iyon ang kabuhayan nila. Sa mundo ay kanya-kanya tayo ng buhay. Kanya-kanya rin ng uri ng pamumuhay. Dapat unawain ang uri ng kanilang pagkatao. Ang hirap kasi sa ating mga pilipino mahilig tayong makialam sa buhay ng ibang tao. Tapos kung tayo naman ang pinakikialaman ay magagalit. Hindi na uso sa ngayon ang magpa ka santo o banal ang isang tao na hindi gagawa ng hindi maganda o magsusugal. Kawawa ang isang tao kapag nahuli ng jueteng na walang pang piyansa. Baka siya ay makulong pa at hindi makalaya. Pero kung malaking pagkatao o malaking isda ang mahuli ng dahil sa jueteng ay makakalaya din. Unfair po iyon. Ang dapat ituwid ay dapat maging patas ang hustisya maging mayaman man o mahirap. Kapag mayaman o maimpluwensya ang lumabag sa batas ay minsan naaabsuwelto pa. Hindi nakukulong. Pero kung mahirap lang na tao at walang mga koneksyon ay put in jail agad. Dahil ang jueteng sa akin ay matuwid iyon na pamamaraan ng mga tao para mabuhay na doon sila sa jueteng umaasa. Dapat unawain sila.

Retired Archbishop Oscar Cruz ang jueteng po ay naging malaking parte na sa buhay ng mga tao na naninirahan sa lugar na may jueteng. Masakit po sa kanila iyon na basta na lang mawala. Dahil kahit paano ay nagkakaroon din sila ng pera dahil sa jueteng. Kapag matigil sa kanilang lugar ang jueteng ay baka ang mga tao na nagtratrabaho sa jueteng ay sa droga naman sila tumuon ng pansin. Alin ang mas malala. Ang tao ay tumuon sa droga o sa jueteng para sila ay kumita ng pera.

Retired Archbishop Oscar Cruz kung matigil ang jueteng palagay mo ba ay uunlad na ang bansang Pilipinas? Magkakaroon na ang mga tao ng masaganang pamumuhay dahil wala na ang jueteng na sugal. Aasenso na ang bayan ni Juan dahil wala na ang jueteng. Ipalaganap niyo na lang sana na ang mga tao ay mapalapit lalo sa ating panginoon. Dahil sa ngayon karamihan na mga tao ay parang hindi na malapit ang puso sa ating panginoon. Hindi iyong tungkol sa jueteng ang isiwalat niyo. Pagkat walang saysay rin iyan. Ilang presidente na ang umupo sa malakanyang pero hindi nasugpo ang jueteng. Hanggat ang tao ay mahilig magsugal ay magsusugal talaga.

Retired Archbishop Oscar Cruz kung kayo ay may pinagkakakitaan maging ito man ay legal o illegal tapos mabubulabog ay matutuwa po ba kayo. Siyempre hindi di ba? Mas mabuti pa na ang imungkahi o isiwalat ay maging legal na lang ang jueteng para may income pa ang gobyerno. Kasi wala rin naman pinagkaiba ang jueteng sa ibang sugal na kung tawagin ay game of chance. Ang pagtaya sa lotto ay sugal din naman. Kaso ang lotto ay legal.

Retired Archbishop Oscar Cruz para sa akin kung matitigil ang jueteng ay madaming pamilya ang maaapektuhan. Ewan ko lang kung mas madami pa kaysa sa naapektuhan sa nangyaring Bagyong Ondoy. Kasi ang jueteng laganap sa madaming lugar.

Retired Archbishop Oscar Cruz sa huli ang masabi ko lang ay good luck sa pagsiwalat mo tungkol sa jueteng. Sana hindi ka mabigo sa kagustuhan mo na mangyari ng tungkol sa jueteng. Pero pumasok sana sa isip mo na dahil sa ginawa mo ay may mga tao na nasaktan. At iyon ang mga tao na sa jueteng ang kabuhayan. Hindi ko alam kung makokonsensya ka kapag nalaman mo na ang mga tao na sa jueteng umaasa ng pang araw-araw na pagkain ay wala na silang makain kung mawala na ang jueteng. At siguro ang mga tao na maaapektuhan kung mawawala ang jueteng ay mababawasan na ang pagtitiwala sa mga nasa simbahan. Dahil sa ang tunay na alagad ng diyos ay hindi dapat nananakit ng kapwa.

14 comments:

Ishmael F. Ahab said...

I beg to disagree with you here Arvs.

First of all maraming charitable ang Simbahan at marami na ring natulungang tao ang Simbahan. Mula sa maliliit na pangangailangan at hanggang sa malakihang pangangailangan tulad ng medical operation at kung ano pa ay may naitulong po ang Simbahan.

Kung wala ka mang nababasa sa dyaryo about those things eh dahil sa hindi po madalas i-broadcast ng taong Simbahan ang mga tulong na naibigay nila.

Ikalawa, mali ang jueteng dahil sa hindi patas ang paglabas ng mga resulta sa laro na ito. May daya na nagaganap dito, which is unfair sa lahat ng tumataya. Ok lang sana kung walang daya.

At isa pa, jueteng breeds a social norm kung saan ang mga tao ay umaasa sa mga instant na bagay. Instant na pag-asenso kaya hindi nagkakaroon ang mga tao ng gana na pagsumikapan ang pag-angat sa buhay.

Hindi porke na maraming tao na madadamay sa pagtanggal sa jueteng eh hindi na dapat itigil ito. Mali na huwag tigilan ang mali. Maraming kubrador ang mawawalan ng trabaho pero mas malaki ang benepisyo ng publiko kung ang jueteng ay mawawala.

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fisher Ahab..........nauunawaan ko ikaw..alam ko na minsan hindi tayo agree sa ipinopost ng isang tao..ganun po ba hindi na brobroadcast..oo nga may daya pero napakarami pa rin ang tumataya..palagay mo ba ang jueteng lang ang may daya na sugal..hindi ah..sa sabong ay puwede rin mandaya..ang isang manok ay puwede na pilayin..sa baraha ay ganun din..puwede dayain ang isang kalaro......sa basketball ay ganun din..puwede magpatalo ang isang koponan..kung mawala ang jueteng palagay mo ba hindi lilipat ang ibang nabubuhay sa jueteng ng ibang pagkakakitaan na medyo illegal..para po sa akin ay malaking benipisyo ang makukuha sa jueteng kung ito ay maging legal..ang ibang senador nga pabor na maging legal ang jueteng para ang pera na dapat sa mga protektor napupunta ay mapupunta sa gobyerno..madadagdagan ang pondo..

EngrMoks said...

Flavor of the month na naman to sa mga balita...

Yen said...

Hello Arvs, Sa akin pong palagay ay dapat lang talagang matigil na yang jueteng. Bakit? Kasi po Illegal nga, Ang isang bagay ay di pedeng itama pa ng isang pagkakamali. Marami pang paraan para mabuhay ang tao at pagkakitaan ang mga taong nabubuhay sa jueteng. Maghanap ng trabaho at magbanat ng buto, hindi yung iaasa na lang nila ang buhay sa mga game of chance.Its time to correct the wrong view of our government about this game. Gusto mo ba na maging gambling capital ang bansa natin? Naturingan pang tayo ang pinaka maraming kristyano sa buong asya.D naman magandang testimony kung magiging legal na mga ganung sugal.
Saka po, isa pa, Bakit pag ba ini legal yang jueteng assurance ba yun na aangat ang buhay ng mga maliliit na taong umaasa sa jueteng? HIndi naman di ba? lalo lang natin binigyan ng lantarang kapangyarihan ang mga malalaking isda na samantalahin ang mga karampot na pera ng mga maliliit na tao, dahil sa pag asang maka jackpot sa jueteng. NO to Jueteng tlaga ko Arvs.

Mel Avila Alarilla said...

Malalim ang artikulong ito Arvin. Tumutukoy hindi lang sa huweteng kung hindi pati sa simbahang Katoliko. Una, wala akong makitang masama sa ginawa ni Ex archbishop Cruz. Inilagay nga niya sa peligro ang buhay niya dahil sa pagbubunyag niya. Malalaking tao ang binangga niya. Pero ginawa niya yun dahil sa prinsipyo. Ang huweteng ay sintomas nang kalagayan nang ating bansa na lugmok na ngayon at ang tao ay umaasa sa huweteng at lotto para maiangat ang buhay nila. Ang lotto ay legal pero ang huweteng ay ilegal. Sinisira nang huweteng ang hibla nang buhay nang mga Pinoy dahil sa milyon milyong perang lumilipat mula sa mga huweteng operators papunta sa mga opisyal nang bansa na binibigyan nila nang payola. Ang dahilan mo na maraming mawawalan nang trabaho at baka lumipat sa droga ang mga kubrador nang huweteng ay parang katulad din nang argumentong gawin na lang ligal ang prostitution dahil kawawa naman ang mga gumagawa nito kapag nawalan sila nang trabaho. Bakit wala na bang marangal na trabaho sa ating bansa at kailangan nilang pumasok sa mga ilegal na trabaho? Ang kailangan nang ating bansa ay ang itaas ang moralidad nang tao at makita nang lahat kung ano ang tama at mali. Kristiano ako pero mali na sabihing walang pinupuntahan ang mga abuloy at bayad sa mga serbisyo nang simbahang Katoliko. Merong Caritas na nagkakawanggawa sa mga mahihirap. Marami ring outreach programs ang simbahang Katoliko ka partner ang mga lay organizations katulad nang Couples For Christ na nagpapatayo nang pabahay sa mga mahihirap. Meron pang mga bahay ampunan at serbisyo sa mga abandoned children katulad nang grupong kaugnay kay Mother Teresa. Kung gagawin ngang ligal ang huweteng ay maaaring mawala na yung mga payola at papasok sa kaban nang gobyerno ang bayad nang mga huweteng operators. Maraming salamat sa kontrobersyal mong artikulo. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

MiDniGHt DriVer said...

Isang malaking sakit ng ulo ang dulot ng jueteng. aminin na nating lahat na hindi kaya ng ating gobyerno na ipatigil ang illegal na pamamalakad nito.

Bakit hindi na lang gawin itong legal at ng mapakinabangan din ng mga taong bayan ang kinikita ng iilang maimpluwensyang tao.

Ishmael F. Ahab said...

@Arvin:

We have to agree to disagree ika nga. Tama ka. Meron mga pagkakataon na hindi tayo magkakapareho ng saloobin sa mga isyu kaya nagbabanggaan ang ating mga utak hindi ba. At iyon ang ikinabuti ng isang demokratikong bansa. Hindi masama na ikaw ay maglahad ng iyong saloobin at hindi rin naman masama sa akin sa mag-react sa iyong mga sinabi.

Yung mga examples na ibinigay mo ay valid. Lahat naman ng gawain sa mundo ay pwedeng dayain hindi ba? Eleksyon, oras ng trabaho, pasweldo sa manggagawa, liquidation ng pondo ng gobyerno, at kung anu ano pa ay pwedeng dayain. It is already part of the human nature ika nga. Pero hindi ibig sabihin noon na hindi na tayo gagawa ng paraan para supilin ang pandaraya. Hindi ba ayaw na ayaw natin na nadadaya tayo ng mga lider natin pagdating sa pondo ng bayan? Ganoon din dito sa jueteng.

It is okay na huwag na alisin ang jueteng or ipagbawal na ito nang tuluyan. Kung maisa-ligal na ito ay walang problema. Ang mahalaga ay masiguro na walang daya yung bola para hindi naman lugi yung mga tumataya. A fair system is needed for jueteng. No more, no less.

Nikki said...

wow. i wish i had yer skills in writing in filipino :D pero imposible. haha.

mm, jueteng? ang laro nan mga mahihirap ang sabi ni erap.
in many ways, nakaktulong naman ito, hindi nmn ito ganoong kasama. in fact super laki nan tulong nito sa mga naooperate. at totoo ang sinsabi mo na minsan ang pera na binbgay sa simbahan ay galing sa jueteng.
per since mgkakaiba ng paningin nan mga tao, kaya ayun.
akal ko matatapos na to nung natalo si erap noong eleksyon, nd pala, tas mas lumaki pa dahil sa archbishop :D

Grace said...

Ang tagal ko nang hindi napadpad dito ah. Kumusta ka na, kaibigan kong magaling na manunulat.
Pero alam mo, Arvs, I agree with Ishmael. Kahit sabihin pang nagbibigay sa simbahan ang naghuhueteng, mali pa rin yun, eh. I have a friend who is dealing a drug and is giving "tithes" to the church. Bakit? Para matakpan ang kasalanan. Hindi kailangan ng Diyos ang pera natin eh. Kailangan ng Diyos ang pagsunod natin sa gusto niya. Ang mali kasi, magbubunga din ng mali kahit gaano mo pa i-retoke yan.
Mahirap nga talaga itigil yan, lalo pa't nakasalalay na dyan ang buhay ng milyong tao. Pero kung conviction ka talaga, matutulongan ka ng Diyos sa pamamagitan ng pananalangin.
Sana magkaroon na tayo ng matahimik at maunlad na bansa. :)

Dhemz said...

ayay! ang bigat nito...at ang lalim nang topic...ehehehe!

pusangkalye said...

awwww---isa sa mga pinakamatapang na post mo to ha. going head on with the church.hehehe.pero me point ka don. dapat din kasi yung puntiryahin is yung mga government officials.di yung mga ordinaryong tao.

eden said...

I agree with pusang kalye pinakamatapang na post mo ito, Arvs.

Anonymous said...

Arv's hinga ng malalim... hehehe... Naiintindihan ko ang sinasabi mo na dahil sa hirap ng buhay, ang mga tao ay wlang choice kundi tumaya...

Kathy
Women
Mom

Unknown said...

nanibago ako sau, di ka nag tula.. hehehehehe.. anyways, tama ka nga sa mga sinabi mo, hahai, hirap nyan mga matataas na tao ang sangkot..