Thursday, September 16, 2010

Sanggol (by request)

"Noong October 7, 2009 ng ipost ko ang isang tula na Sa Tamang Pagkakataon (by request) ay may nagrequest sa akin na siya ay gawan ko ng tula. Halos isang taon din bago ko napagbigyan ang request niya. Nakakahiya nga sa kanya kasi mas nauna ko pang napagbigyan ang iba kaysa sa kanya gayong nauna siya na magrequest. Ito po ang naisip kong isulat para sa request niya. Narito po ang sinabi niya at ang mga blog niya."

Blogger chubskulit said...

Love the last line! ang bait mo namang makata! Next time ako naman gawan mo ng tula hehehe..


http://www.meetourclan.com/
http://www.mycountryroads.com/
http://chubskulit.bravejournal.com/
http://www.obstaclesandglories.com/

October 8, 2009 1:47 AM











SANGGOL
Ni: Arvin U. de la Peña

Bigyang buhay ang isang sanggol

Huwag itapon sa kung saan
Tumulad sa mga hayop
Inaalagaan ang kanilang mga supling.

Isipin mo kung paano ka rin binuhay
Inalagaan hanggang sa lumaki
Tandaan mo na kung mayroon sarap
May hirap din na nararanasan.

Huwag ka mahiya sa mga sasabihin
Harapin mo mga panunumbat nila
Mauunawaan din nila nangyari sa iyo
Pagdating ng takdang panahon.

Huwag isipin ang sarili mo lang
Pahalagahan mo ang ibang buhay
Lalo kung ito ay anak mo
Sa iyong sinapupunan nagmula.

Lasapin kung paano maging ina
Nag-aaruga ng kanyang anak
Pagkat sa pagtanda ng isang tao
Kung may anak ay siya naman ang aalagaan.

17 comments:

Chubskulit Rose said...

Awwww ang bait bait mo naman at pinagbigyan mo ko Arv'z. thanks so much for this. My husband was just telling me about the baby that was left in the aircraft and it just crushed my heart to know about it.

Thank you so much for dedicating this poem to all the Moms and children!

Unknown said...

patungkol ba ito sa nanay ni gEORGE FRANCIS? sana mabasa nia...
nice:)

Nikki said...

awesome, yer so good at making poems kuya. idol huh xD

at super may sense pa.

eden said...

Wow, super talented mo naman Arvs. Nice poem to all Mothers.

Ishmael F. Ahab said...

Naalala ko tuloy yung mainit na issue ngayon tungkol sa isang baby na itinapon sa basurahan sa airport.

Syempre maraming nagmamagaling at mapanghusga. As for me, I believe that they should not pre-judge the mother at takutin ng kung anu-anong kaso. They must understand first kung bakit ganun ang ginawa niya. Malay ba natin kung naabuso yung babae sa abroad.

Anyways, nice poem bro. ^_^ Kaya andaming nagre-request eh.

Led said...

Isa ka talagang literary genius koya Arvin! Haha

Mel Alarilla said...

Rose is really a wonderful blogger and she deserves the poem you dedicated to her. Masyado nang nakalulungkot na may mga inang itinatapon ang kanilang mga bagong silang na anak. Ginawa nang Diyos na siyam na buwang dinadala nang ina ang kanyang supling sa kanyang sinapupunan para maging malapit ang loob nila sa isa't isa. Iisa ang kanilang pusod sa pinagsasaluhang pagkain. Ano't matitiis nang isang ina na mawalay sa kanya ni isang segundo man lang ang kanyang pinakamamahal na supling. Ginawa nang Diyos ang babae para makatuwang Niya sa pagpapalaganap nang mga tao sa mundo at ang pinakamalakas na pwersang ginawa Niya ay ang pagmamahal nang isang ina sa kanyang anak. Kasumpa sumpa ang isang inang magtatapon nang kanyang anak para mamatay. Mabuti pa ang mga hayop. Handang mamatay sa pagtatanggol nang kanilang supling. Mas mabuti pa ba sa iyo ang isang hayop, alibughang ina? Salamat sa tula para kay Rose. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Diamond R said...

Bravo!
magaling.

Sendo said...

gusto ko magkaroon ng sanggol...hehe

Jag said...

Naalala ko yung baby ng pinsan ko premature siya namatay lang last week. :(

BIYAHENG PINOY said...

Galing ha. Ituloy mo lang yan.

http://biyahengpinoy.com/

Ishmael F. Ahab said...

@Jag:

Pareng Jag. Condolence sa iyo. :-(

Your pinsan is now with the Lord looking down on all of you from heaven.

fiel-kun said...

Nice poem again parekoy!

Naku, biyayang galing sa langit ang mga sanggol. Sila ay munting mga anghel na nagpapasaya sa isang tahanan. Sila ay dapat inaalagaan at di tinatapon kung saan-saan.

Yen said...

sanggol naman ngayon , hehe ano kaya sa susunod? abangan ko yan, baka fetus ang sunod na post, waahh.
Musta na friend? mukang d kita nakikitang online ah, bisi ba?

Dhemz said...

yay! napakabongga naman tong tulang ito....thanks for sharing Arvin....:)

sa wakas at napagbigyan mo din si sisRose!

Xprosaic said...

Ang kyut ng mga babies... antataba at ansasarap kurutkurutin... hehehehhehe

Admin said...

Hahah! Nice one... Ako ko "Sanggol" ni Justin Beiber! Hahahaha!


Kakatuwa naman!