Thursday, September 30, 2010

Blog

Unang-una ay advance happy birthday kay Yen. Birthday niya po sa October 8, 2010. Siya po ang may blog na www.business-ito.com, www.2timersally.com, www.curious-b-b.com, at www.recyledthoughts.blogspot.com. Ngayon ko na lang siya batiin kasi wala ng space para sa pagbati ko ng happy birthday ang pangalan niya para sa major major shocking kong ipost sa October 8, 2010. Yen, advance happy birthday talaga sa iyo.

"Thank you..is all I can say..as a sign of my appreciation for all of your kindness, sweetness, thoughtfulness, and for being good to me..Hope nothing will change."

BLOG
Ni: Arvin U. de la Peña

Pansamantala muna kitang iiwan
Hindi dahil sa ayoko na
Kundi ang pagtalikod sa iyo
Kaunting kasiyahan sa akin.

Ilang taon din akong nabaliw sa iyo
Minsan nalilipasan pa nga ng gutom
Sadyang sa buhay ng bawat tao
Dumarating ang pagkasawa sa kahit na ano.

Sa iyo ay napakarami kong nabasa
Nakita at ikinamanghang mga larawan
Habang ang mga iba doon
Sa panaginip ko lang magagawa at mararanasan.

Hindi ko man muna makita
Mga nakasama ko sa iyong daigdig
Sila ay mananatili pa rin sa aking alaala
Paminsan-minsan ay iisipin.

Sa huli ang masabi ko ay salamat sa iyo
Sa madalas na naging kapiling ko ikaw
Sa makabuluhan kong paglalakbay sa mundo mo
Palagi akong nakapag-iisip ng isusulat.

31 comments:

EngrMoks said...

aantayin par ang pagbabalik mo... kung anu man yung pagkakaabalahan mo suportahan taka...ahah

Sana mgbalik ka agad!

Xprosaic said...

Naks! mukhang may pagkakabusyhan ka ah... matinding preparation bang kailangan?! Di naman kami mawawala kaya magkikita kita pa rin tayo... hehehehehehe

Rcyan said...

kaya pala. ayos lang yan. lahat ng tao kailangan mag-hiatus. ako nga, laging may momentary hiatus sa blog ko. ok lang yan. balik ka agad, ha?

hehe. =)

Grace said...

Ganuon ba. :( :( :(
Pero ok lang, kaibigan. Talagang ganyan minsan eh. May mga mas mahalaga tayong dapat asikasohin para sa buhay natin, at hindi ka kailanman nagkamali. Andito lang kami ang at maari mo ring balikan ang blog mo ano mang oras na handa ka na.
Mag-ingat ka lang palagi ang hangad namin ang iyong kaligayahan. :)

Yette Cruz said...

Why naman? Mamimiss ko ren mga comments/chat msgs mo... Kung kelan naman ako naging active chaka ka naman alis :( But its ok, at least you'll get to enjoy life to the fullest. Keep writing though, even not via blogging, just don't let that creative talent of yours go to waste just cause you're taking an indefinite hiatus in blogging :)

We'll wait for you :D

anney said...

O bat aalis ka? Sana namn e panandalian lang at bumalik ka uli.

Jag said...

Take time bosing! Mamimiss ka din namin...pero wag mong kalimutang bumalik dito ha? God bless!

Admin said...

Babalik ka rin... As long as you are happy? supurtahan taka!!! :)) Ingat kapatid! :))

stevevhan said...

OMG, This is sad!. When i saw your message i was "WHY?".

If it'll make you happy then go, but if you come back, i hope that you still remember the world of art by mine!

I will sincerely miss you from the bottom of my heart, and with that i will just wish you all the luck!:)

CaptainRunner said...

Bakit naman? Pero hindi naman yan resignation ano? Leave lang? :)

Nikki said...

short haitus? short vacation? balik ka agad kuya huh ! same here, naexperience kona magutom dahil sa blogging, pero it feels good xD haha.

hanggang sa goodbye post mo, napakacreative mo talaga kuya xD

ingat ka !

MiDniGHt DriVer said...

PAre.. magaantay kami sa iyong pagbabalik. mabuhay ka :)

Unknown said...

uy, saan kb yayao. aba ey mamimiz kita s chatbox ko, pero, cge abangan ko nlng MAJOR MAJOR POST MO... may pagka-enigmatic ka ha:)
good luck.

Sam D. said...

Kaibigang Arvin pinaiyak mo naman ako sa post mo. Kahit hindi pa kita nameet in person pero may lungkot ako na nafeel. I wish you all the best and hapiness for your decision to leave blogosphere for awhile. Aabangan ko ulit ang pagbabalik mo. God bless always and regards to your family.

☆Mama Ko☆ said...

Mamimiss namin ang makabuluhang mong post arvin. kakalungkot naman. wala talagang permanenteng sa mundo ano. sana bumalik sa blogging soon.

Ren™ said...

nyak! aalis ka ? :( balik ka ah! sana! alam kong minsan di maiiwasang magsawa, pero salamat sa oras na inalay mo sa blog mo. Salamat sa mga makabuluhang tula at salita. :) Sayang nmn! Pero maging maligaya ka sana sa labas ng daigdig ng blog. =]]

Rose Jane said...

Marami sa ating ang nag hiatus lalo lalo na pagdating nag mga gawin sa work.

Sana makabalik ka pag may oras at maka pag join sa contest na idinaraos ko..

http://buhatsatambay.com/burns-birthday-bash-contest

Dhemz said...

mamimiss ka namin Arvin...mamimiss namin yung mga tula mo...ehehehe!

ganon talaga ang buhay....mas importante kasing iprioritize natin ang real world k sa online world...good luck sa plano mo!

salamat sa dalaw at comments....:)

Kim, USA said...

I don't blame you Arvin, sometimes we need life outside blogging hehe! Pero aantayin ko pagbalik mo that time you are recharge and a lot to share for sure!

eden said...

Good luck, Arvs. We gonna miss you! Sana temporary lang yon pag alis mo at pag may time ka mag post ka naman para may mabasa naman kami kahit once in a while lang.hehehe

Ishmael F. Ahab said...

Talagang aalis ka na nga.

We will miss you. Ikaw lang yung manunulang Pinoy na friend ko sa blogosphere.

Well, God bless kung saan ka man mapadpad. Basta we are here. Magkikita kita pa rin tayo sa iyong pagbabalik.

Benh said...

Pare good luck on your new endeavor kung ano man yan.. support ako sayo! Hintayin namin ang pagbabalik mo.. hehe!

Yen said...

Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa advance na pag bati mo sa akin. :-)
Pangalawa, Ma MIMISS KIta ng bonggang bonga! Pramis. Anyway, take time at enjoy life kung ano man ang plano mo after you decided to take an indefinite leave from the blogosphere. One thing's for sure, will still the person and friends you once met here and get to interact almost everyday. May God's protection be upon you and your family every seconds of the day.

Dhianz said...

pahinga ka muna... sometimes we need some blog rest den... ingatz kah.. enjoy ur hiatus time... see yah sa pagbabalik moh.. salamat palah sa walang sawang pagadaan don.. i appreciate it sobrah.. ingatz parekoy.. Godbless! -di

fiel-kun said...

aww parekoy! hihintayin ko ang muli mong pagbabalik at maraming salamat at isa ka sa naging mga "best pals" ko dito sa mundo ng blogging.

ilovepink1078 said...

well written. I like the message.thanks for sharing. By the way, I followed in connect hope you do the same

Anonymous said...

Yay!! Kakalungkot naman Arvs! Bakit???!!... I really enjoy reading your poems... Well, whatever the reason is, sana you will succeed on it and be happy...

Basta pagbalik mo, andito pa rin ako... Right here waiting.. Nyahahaha...'

Life
Women
Mom

Malou said...

sabi ko sa sarili ko bakit kya sya mananahimik muna i feel sadness pero kung anuman aT bakit sana naman bumalik ka agad kaibigang arvin. mamimiss ko mga tula mo. !GOODLUCK to YOU friend

pusangkalye said...

yan ang maganda sayo. magaling kang mag-alaga ng kaibigan.sandali---PM ko sayo birthday ko rin ha.hehehe

Mel Avila Alarilla said...

Happy Birthday kay Yen. May you have many more blessed and abundant birthdays to come. Katulad nang iba
, ako man ay nalulungkot din sa pagtigil mo sa pagbabablog. Isa ka sa mga napaka faithful sa pagbisita sa blog ko at pagiwan nang mensahe sa post o sa shout box man. Nakakaaliw din ang mga tula mo na inihahandog mo sa mga kaibigan mo sa blog world. Alam ko ang lahat ay nahipo mo ang puso at ginawang makulay ang kanilang buhay dahil sa handog mong mga tula. Sana ay magpatuloy ka pa dahil marami ka namang pusong napaligaya. Salamat sa lahat nang kabutihan at pagkamaalalahanin mo sa lahat nang kaibigan mo sa panulat. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Mom Daughter Style said...

ang galing naman ng blog mo, super relate ako dito meron mga panahon na sa isang buwan dalawa lang ang post ko ngayon medyo enjoy ako.