Thursday, December 31, 2009

Balimbing

Wala pong nakasagot sa bugtong. Kapag muli ko iyon ipost ay ibigay ko na ang clue na binigay ng guro namin. Siguro naman kapag may clue na ay may makakasagot na. At kapag wala pa rin nakasagot kahit mayroon ng clue ay ibibigay ko ang kasagutan at paliwanag kung bakit iyon ang sagot sa december. Pamasko ko sa inyo.

"Minsan ang isang politiko ay tumatalon sa ibang partido lalo na kapag alam niyang mahihirapan siyang manalo kapag manatili pa rin sa kanyang partido.


BALIMBING
Ni: Arvin U. de la Peña

Namulat ang isipan ko na sa likod ng bahay namin ay may tanim na balimbing. Marami lagi ang bunga ng balimbing. Kami ng mga kaibigan kong bata din ay madalas kumuha ng balimbing para kainin. Kahit ang iba kong kababata ay may tanim din silang balimbing. Minsan nga kapag recess noong nag-aaral pa ng elementary ay pumupunta kami sa bahay ng aming kaibigan na malapit lang sa paaralan para kumuha ng balimbing. Masarap kumain ng balimbing kapag may kasamang asin.

Nang lumaki na ako at nagkaroon na ng sapat na pag-iisip ay hindi na ako kumain ng balimbing. Nawalan na ako ng gana na kumain ng balimbing. Siguro talagang ganun minsan may pagsasawa tayo sa isang nakakain. Nalaman ko rin na sa mga politiko ay mayroon din palang balimbing. Sila iyong mga politiko na pagkatapos alagaan ng kanilang partido ay lilipat sa iba lalo na kapag alam nilang mahina na ang kanilang partido. Hindi sila nahihiya sa kanilang ginawa na pagkatapos alagaan at papanalunin ay iyon pa ang gagawin.

Ang mga politiko na iyon na balimbing ay noon kapag may kinasangkutan na anomalya ang kanyang kinaaaniban na partido ay pinagtatanggol talaga. Pinagtatakpan ang baho ng kanyang partido. Sa madaling salita ay pinagtatanggol lagi ang kakampi na tao sa partido kung iyon man ay may ginawang hindi tama o kaya ay labag sa batas. Pero kapag umalis na sa partido ay isisiwalat na ang totoong nangyari. Subalit hindi na pinapansin ang mga ibinulgar nila sa dati nilang partido. Kasi sabi nga "it is too late to be hero".

Mahirap alamin kung ang isang politiko ay magiging balimbing. Hindi katulad ng tanim na balimbing na ang bunga ay talagang balimbing ang tawag.

Akala ko noong bata lang ako makakakain ng balimbing. Ngayong malaki na ako ay nakakain din pala ako ng balimbing. Kasi may mga ibinoto akong politiko na naging balimbing.

Kayo kumakain din ba kayo ng balimbing?

Saturday, December 19, 2009

Bugtong

"Ito na po ang huli kong post para ngayong taon. Ang pang 97 kong post para sa taong ito. Bilang panghuli ay mag-iiwan po ako sa inyo ng kaunting sakit ng ulo, hehe."


















Noong ako ay nag-aaral pa ng college sa subject namin na Pilipino 2 ay nagkaroon ng bugtungan sa aming klase. Hinati ang klase sa dalawang grupo. Kapag magtanong ang nasa left side sa harapan ng guro ang sasagot ay ang nasa right side. Ganun din kapag nagtanong ang nasa right side ang sasagot ay ang nasa left side. Maraming bugtong ang naitanong at iyon ay nasasagot minsan at ang iba ay dahil hindi nasasagot ay sinasabi na lang ng nagtatanong. Nang matapos na ang bugtungan sa aming mga estudyante ay nagbigay ng bugtong ang aming guro. Sa kanyang bugtong ay nahirapan talaga kaming lahat na makasagot. Dahil nahihirapan na kami sa pagsagot ay nagbigay siya ng clue para sa kanyang bugtong. Kahit siya ay nagbigay na ng clue ay hindi pa rin kami makasagot. Sabi ng aming guro ay isipin lang daw ng mabuti ang bigay niyang clue. Inisip nga naming lahat na estudyante pero hindi kami makasagot. Nahirapan po talaga kami sa kanyang bugtong. Tapos sa huli ay sinabi niya ang sagot. Nang sabihin na niya ang sagot sa kanyang bugtong ay nasabi namin na may kaugnayan nga ang clue niyang bigay para sa sagot sa kanyang bugtong. Narito ang bugtong na aming guro na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakalimutan. Ewan ko lang kung may bloggers na makakasagot nito.


Ang naglalaba ay nasa loob, ang nilalabhan ay nasa labas.


Good luck sa inyong pag-iisip ng sagot.


Note: Kapag nasagot ang bugtong na ito ay muli akong mag post at sa post ko ay sabihin ko kung sino ang nakasagot at ano ang kanyang blog. At baka lahat ng nasa blog list ko at madadaanan na blog ay pagsabihan ko kung sino ang nakasagot.

Wednesday, December 9, 2009

Kanta Ko (reveal)

Kung ang lahat na bumibisita at nagbabasa sa blog ko ay nag aakala talaga na noon pa man ay hilig ko na ang magsulat ng kuwento, poems, at tula ay nagkakamali lahat sila. Dahil ang tunay kong hilig ay ang mag compose ng mga kanta. Dahil gusto ko na maramdaman ano ang pakiramdam na ang compose ko na kanta ay naririnig na inaawit. Nagsimula akong mag compose ng kanta noong 1995. Kaya nga arvin95 ang blog ko. Tumigil na ako pag compose ng kanta noong 2006.Mula 1995 hanggang 2006 ay napakarami kong nacompose na kanta. Ang mga compose ko pong kanta ay hindi ko ipost dito sa blog ko, although may lima yata akong nailagay sa isang blog thru comment. Ang ipost ko lang dito sa blog ko na compose kong kanta ay ang compose ko after 3 years mula ng huminto ako pag compose ng kanta. Iyon ay ng sabihin ko dati na handa akong maging muslim para maraming puwedeng mahalin na babae. Sa loob ng labing dalawang taon ay umabot po ng sobra 200 ang na compose kong kanta. At sa mga na compose kong kanta ay 70 percent po ay love songs. Mayroon po akong 150 songs na compose ko na nakaprint sa bond paper at nakatago lang. At ang iba po ay nasa isang notebook lang kasi may kailangan pang ayusin sa lyrics. May mga compose din po akong kanta na pang pasko o christmas song.

Nagpadala po ako noon ng mga compose kong kanta thru email sa Aegis Manager at nagreply sila sa email ko. Ang send ko sa email na compose kong kanta ay 15 songs yata iyon o kaya higit pa. Matagal na kasi kaya di ko masyadong matandaan. Send lang kasi ako ng send noon. Basta marami akong na isend para sa Aegis Band kasi paborito ko rin iyon na banda. Nagbigay din po ako personally ng demo tape ng mga compose kong kanta sa Alpha Records, at 20 songs po iyon na inawit ko. At doon ay nag email din po sila sa akin tungkol sa pinadala kong demo tape. Kung bakit po nag compose ako ng mga kanta ay dahil pangarap ko po talaga noon pa man na marinig inaawit ang compose kong kanta ng isang singer o kaya banda at makita ang name ko sa album na nag compose ng kanta.

Kung nagsusulat man ako noon ng tula ay may kaugnayan lang iyon sa pag-aaral ko. Ibig kong sabihin pinapagawa lang ng guro sa subject na Pilipino dahil assignment. Taong 2003 ng magsimula po akong magsulat ng magsulat ng kuwento, poems, at tula kasi iyon ang time na nagpadala ako para sa newspaper para kapag may napublish na sinulat ko ay mabasa nationwide ang sinulat ko na nasa newspaper. Iyon din po ang taon na may napublish akong sinulat ko na makita sa side bar ng blog sa ibaba ng blog archive na pag iclick ang pamagat ay makita ang xerox ng newspaper na andun ang sinulat ko at siyempre ang name ko.

Sa taong 2006 po ng huminto na ako sa pag compose ng kanta ay tumigil na rin po ang hilig ko sa pagkanta. Hindi na rin po ako kumakanta kapag may inuman ang barkada sa isang videoke bar o kaya sa inuman lang sa bahay na may kantahan. Kahit pinipilit nila akong kumanta ay hindi na ako pumapayag. Hindi katulad noon na gusto ko talaga ang umawit sa videoke. Nakakainspire umawit lalo kung mataas ang score. Kaya sa mga kaibigan ko at mga bagong nakikilala kung sakali man na may inuman tayo at may kantahan ay pasensya na kung hindi ko kayo napagbibigyan kung gusto niyo akong pakantahin. Parang kinalimutan ko na kasi ang hilig ko sa musika. Parang tinatalikuran ko na ang hilig sa pagkanta. Kung hanggang saan ang pag-iwan ko sa tunay kong nakahiligan ang pag compose ng kanta ay hindi ko alam. Kaya pasensya na sa inyo na aking mga kaibigan kung sakali man na hindi ko kayo napagbibigyan na umawit ako kung may kantahan tayo sa inuman para sakali ay marinig niyo ang boses ko.

Kung anuman ang kinalabasan ng binigay kong demo tape sa Alpha Records ay secret.

(Ang email sa akin galing sa manager ng Aegis Band ng mag send ako sa email nila mga lyrics ng ilan kong compose na kanta. Click niyo ang naka scan ng lumaki at mabasa niyo.)



(ang email sa akin galing Alpha Records sa pag submit ko sa kanila ng demo tape. Click niyo ang naka scan ng lumaki at mabasa niyo.)

MUSLIM
Composer: Arvin U. de la Peña

Intro:

Kayrami-rami kong babae
Kung anu-ano ang tawag nila sa akin
Ang iba sabi babaero daw ako
Mayroon namang nagsasabi chickboy raw ako
Pero lahat sila ay nagkakamali
Iba lang ang aking relihiyon

Chrorus:

Muslim ako, muslim ako, muslim ako, woohh woohh
Puwede ako na magmahal ng marami
Bawat nililigawan ko ay sinasagot ako
Dahil hindi ako basta-basta lang na muslim
Kundi matinik ako na muslim

(do stanza chords)
Kahit saan ako mapunta
Ang daming tumitingin sa akin
Nagtataka sila sino raw ako
Madaming kasamang babae
Pawang magaganda pa
Pang miss universe ang beauty

repeat chorus

(do stanza chords)

Ang ipinapayo ko lang sa inyo
Kundi malakas ang resistensya niyo
Huwag niyo akong gagayahin
Dahil manlulupaypay kayo
Kapag silang lahat ay kasama na sa kuwarto
Na hubo't hubad

repeat chorus

matinik sa chikababes

*INSTRUMENTAL*

repeat chorus

repeat chorus

coda:

matinik na muslim

Thursday, December 3, 2009

Siopao Boy

"Minsan ang ating pagkakamali ay naitutuwid natin sa pamamagitan ng ibang tao."



SIOPAO BOY
Ni: Arvin U. de la Peña

Siya si Siopao boy. Iyon ang tawag sa kanya. Hindi naman siya mukhang siopao at lalong hindi siya mahilig kumain ng siopao dahil wala siyang masyadong pambili. Isa lang siya sa napakaraming driver ng pedicab. Umiikot siya sa mga kalye para maghanap ng pasahero. Mahirap talaga ang trabaho niya. Bukod sa madami ring katulad niyang driver ng pedicab ay madalas maglakad na lang ang mga tao sa nais puntahan para makatipid. Sa madaling salita ay mailap ang pera para sa katulad niya.

Kapag tanghaling tapat at mainit ang panahon ay madalas makita ko si Siopao boy. Sa ilalim ng puno ng narra sa plaza. Tumatambay siya at nagpapahinga. Marami ring katulad niya ang gumaganun. Dahil siguro sa pagod sa pamamasada kaya ganun ang ginagawa.

Kung tumatambay naman ako sa bilyaran minsan ay nakikita ko rin doon si Siopao boy. Naglalaro din siya ng bilyar. Madalas ay talo siya. Hindi kasi siya magaling magbilyar. May hilig lang siyang maglaro ng bilyar. At pag aalis na dahil natalo ay pagkakantiyawan pa na "balik ka siopao boy, mamasada ka muna." Tapos magkakatawanan na ang ibang mga tao.

Hindi ko masyadong kilala ang uri ng pagkatao niya. Minsan isang gabi lasing ako galing sa barkada at pauwi na mag-isa ng makita ko siya namamasada pa. Tinawag ko siya para ako ay sumakay pauwi sa amin. Pero ng makadaan kami sa inuman ng beer ay sinabi ko sa kanya na mag-inuman muna kami. Ako ang sagot sa bayad at pumayag naman siya.

Nakakadalawang bote na kami ng beer ng magkuwento siya tungkol sa pamilya niya. Kinamumuhian daw niya ang kanyang ama dahil iniwan sila. Dalawa silang magkapatid at siya ang panganay. Limang taong gulang siya at ang kapatid niya ay dalawang taon ng lumayas ang ama niya para sumama sa ibang babae. Hindi raw talaga matanggap ng ina niya na iniwanan sila. Lalo na at maliit pa silang magkapatid. Ang ina raw niya ay isang labandera. Kapag may nagpapalaba ay diyan lang nagkakapera. At ang isa niyang kapatid ay nasa bahay lang dahil nalumpo noong bata pa dahil nagkasakit. Hindi raw makapagtrabaho. Kayod daw siya ng kayod para magkaroon sila ng pambili ng bigas at pagkain. Wala rin daw iba na tumutulong sa pamilya nila kundi ang kanilang sarili. Nang tanungin ko naman siya bakit siya naglalaro ng bilyar at madalas ay matalo pa ang sagot niya ay sobra lang daw iyon sa dapat niyang kitain sa isang araw. Kahit pa siya ay natatalo ay magkakaroon pa naman siya ng pera dahil sa pamamasada. Nakakapagod nga lang daw. Sariling pedicab na daw niya iyon. Naipundar niya dahil sa bawat araw ay nagbibigay siya ng pera sa kinuhaan niya ng pedicab hanggang sa makumpleto ang halaga ng pedicab.

Madami siyang naikuwento sa akin. Ang nakaantig ng aking damdamin ay ng magsalita siya na "bakit kailangan pa na ikasal ang nag-iibigan kung maghihiwalay rin lang." Doon ay nalaman ko na kasal pala ang mga magulang niya. Pero nabalewala lang ang sacrament of marriage na nangyari sa kanila.

Nang makaubos na kami ng tig limang bote ng beer ay nagpasya na akong umuwi na kami pagkatapos kong bayaran ang halaga ng ininom namin kasama na ang pulutan. Habang pauwi na kami ang nasa isip ko ay dapat di matulad ang pamilya ko sa pamilya nina Siopao boy o kaya ng ibang pamilya na nagiging broken family. Ayoko dumating iyong panahon na malalaman ko na ang aking anak ay namamasada ng pedicab at ang ina niya ay labandera. Samantalang ako ay nasa ibang babae at maayos ang kalagayan.

Pag-uwi ko ay agad niyakap ko ang aking asawa na natutulog katabi ang isang taong gulang namin na anak. Paggising niya ay doon lumuha ako at sinabi ang mga kasalanan ko na kahit kasal kami ay may iba akong babae na nagkakamabutihan na rin at balak ng umalis sa lugar para sa kanya ay sumama. Sinabayan niya ako sa pagluha at sinabi niya na nahahalata na rin niya iyon sa akin dahil sa mga kuwento pero ayaw lang daw niya akong komprontahin dahil baka lumala pa at maging dahilan ng paghihiwalay namin. Pinatawad niya ako ng gabing iyon. Masaya kaming natulog na magkatabi kasama ang aming anak.

Kinabukasan ay agad pinuntahan ko ang aking ibang babae sa bahay nila na siya lang mag-isa dahil ang mga magulang niya at mga kapatid ay nasa Amerika. At doon din ay sinabi ko na ayoko na sa kanya. Tinatapos ko na ang aming bawal na relasyon dahil ayoko na masira ang aking pamilya. Kakayanin ko na magtiis at magsakripisyo para di lang kami maging broken family. Sinabi ko rin sa kanya na magiging matiwasay nga ang pamumuhay namin pero konsensya ko kung maiisip na naghihirap ang aking asawa at anak na wala ako sa kanila. Naunawaan naman niya ako at sinabi kong salamat na lang sa lahat.

Pagtalikod ko para umalis na ay tinawag niya ako. Humiling siya na sa huling pagkakataon daw ay magtalik kami. Pinagbigyan ko naman siya. Umaatikabong pagtatalik ang naganap sa amin na huli na talaga. Lahat na posisyon at pagpapaligaya ay ginawa namin para maging memorable talaga ang huling pagtatalik namin. Nag umpisa ang aming pagtatalik sa sofa nila hanggang sa humantong kami sa kuwarto niya. Nang matapos na kaming magtalik ay may kinuha siya sa kanyang bag. Iniabot niya sa akin ang pera at sinabing labinlimang libong piso daw . Tulong daw niya sa amin. Nang sinabi ko sa kanya na malaki ang halagang bigay niya ang sagot niya ay ayos lang daw iyon. Pinapadalhan naman siya lagi ng pera ng kanyang mga magulang. At isa pa raw pagkatapos niyang maggraduate sa susunod na taon ay pupunta na rin siya ng Amerika. Tinanggap ko ang pera kasi malaking tulong iyon sa aking pamilya at nagpasalamat ako sa kanya. Mahigpit ko siyang niyakap.

Bago ko isara ang pinto dahil uuwi na ako ay nilingon ko muna siya. Kita ko sa mukha niya ang lungkot sa sarili at may kaunting luha pa sa kanyang mga mata. Pagtalikod ko ay sinabi ko sa sarili ko na sa kabanata ng buhay ko hanggang sa magwakas ay itutuon ko na lang ang aking atensyon sa aking asawa at anak. Kung hindi pa dahil kay Siopao boy siguro ay hindi ako matatauhan.

Salamat Siopao boy.

Tuesday, December 1, 2009

Paghintay

"Kapag mahal mo talaga ang isang tao kahit siya ay lumayo na sa piling mo ay hihintayin mo talaga na siya ay bumalik. Dahil umaasa ka pa na muli ay magmamahalan kayong dalawa."




PAGHINTAY
Ni: Arvin U. de la Peña

Hinihintay ko ang iyong pagbabalik
Ang sandali na ikaw ay makapiling ko muli
Nais kong maranasan uli
Ang kasiyahan na ikaw ay kasama ko.

Maraming masamang panahon na ang dumating
Ilang bagyo na rin ang dumapo
Ngunit wala ka pa rin
Kailan ka kaya magpapakita sa akin.

Sabik na sabik na ako sa iyong pagmamahal
Sa katunayan ay nahihirapan na ako
Ikaw pa rin lagi ang nasa isip ko
Di maipagkakaila na ikaw ang tunay kong mahal.

Itong paghihintay ko sa iyo
Sana ay hindi na magtagal
Kahit lindol ang magdala sa iyo sa akin
Maluwag kong tatanggapin dahil iniibig kita.

Walang iba sa akin kundi ikaw lang
Kung may nagawa man akong mali
Sana ako ay patawarin na
Dahil ikaw lang ang kaligayahan ko.

Friday, November 27, 2009

Magtulungan

"Sana ay hindi lang kung nagkakaroon ng kalamidad tayong mga pilipino nagtutulungan. Sana kahit sa anong pagkakataon nagtutulungan."
















MAGTULUNGAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa panahon ng trahedya
Dapat ay magtulungan tayo
Isantabi muna ang mga alitan
Para unti-unti makabangon tayo.

Huwag nating pairalin ang pagiging makasarili
Tulungan natin ang mga nangangailangan
Kapit bisig tayo sa pagtulong sa kapwa
Nang makaahon sa dulot ng kalikasan.

Maging mayaman ka man o mahirap
Huwag kang mag-alinlangan
Na makamit ng isang tao
Ang kailangan niya sa oras ng kagipitan.

Isa puso natin ang pagiging tunay na pinoy
May malasakit sa isang tao
Mayroong pag-aalala sa kapwa
Kahit hindi ka anu-ano sa buhay.

Magtulungan para mayakap muli
Nang isang tao ang ganda ng kinabukasan
Para makapiling din muli
Ang kanyang mga minamahal.

Monday, November 23, 2009

Pasasalamat 2009

"Masaya ang pakiramdam kapag ikaw ay tumulong at sinabihan ka ng salamat ng iyong tinulungan."












Bago ang lahat gusto kong ipaalam na hanggang 5 post na lang ako pagkatapos ng post kong ito. Babalik ako pag post next year uli. Hanggang 97 post lang ako para ngayong taon. Nalampasan ko ang post ko noong isang taon.

Mula dito sa post kong ito ay nais kong magpasalamat sa lahat na naging bahagi o bumisita sa blog ko ngayong 2009. Maging ito man ay blogger o hindi. Maraming-maraming salamat po sa inyo. Na kahit hindi tayo magkaano-anu sa buhay ay nagkakaroon tayo ng kaunting pag uusap. Dito ay parang maliit lang ang mundo sa kabila na ito ay napakalaki. Sa inyong mga bloggers din ay di ko talaga inakala na makikilala ko kayo. Di ko inakala na may mababasa ako na tungkol sa inyo o kaya mga sinulat niyo rin. Wala sa isip ko na madami pa akong bloggers na makikilala bukod sa nag inspire sa akin na mag blog na si Maria Cristina Falls na katext ko at may mga sinulat din na napublish sa diaryo. Dahil sa inyo kahit paano ako ay masaya. Kaya salamat po talaga sa inyo. Sana sa susunod na taon at sa mga susunod pang taon ay maging bahagi pa rin kayo ng blog ko.

At sa mga nasaktan ko naman tungkol sa sinulat kong Mukhang Pera ay humihingi po ako ng sorry sa inyo. Humihingi po ako ng tawad sa inyo. Alam ko huli na itong pagsabi ko pero talagang naka plano na iyon sa akin na ngayon ko na sabihin para sa post kong ito.

Muli ay maraming salamat sa inyong lahat na bumibisita sa blog ko. Good luck din sa inyong mga pagsusulat.

Merry Christmas and Happy New Year.

Wednesday, November 18, 2009

Kaya

"Kapag pinakasalan mo ang isang tao ay ibig sabihin pinakasalan mo na rin ang kanyang pagkatao at ugali. Dahil doon dapat tanggapin mo kung anuman ang kinalabasan ng pagkatao niya at ugali paglipas ng ilang taon na kasal na kayo."

KAYA
Ni: Arvin U. de la Peña

Huwag mong iiyakan kong nalaman mo man
Na ang iyong asawa ay may ibang babae
Sapagkat ganun ang ibang lalaki
Hindi kuntento sa isa lang.

Masuwerte ka pa nga sa iba
Ikaw ay maaari mong mabili anong gusto mo
Hindi katulad ng ibang babae na iniiwanan
Kahit bigas ay walang pambili.

Ipakita mo sa kanya
Kaya mong mabuhay kahit wala siya
Kaya mong mapalaki at mapag-aral
Ang inyong mga anak.

Hindi mo na rin siya dapat habulin pa
Dahil kung mahal mo talaga siya
Hahayaan mo na lang siya
Sa kung saan siya ay masaya.

Sa bandang huli ay mauunawaan mo
Na kasama sa buhay may asawa ang ganun
Ang sumpaan ng ikasal sa simbahan
Ay napuputol ng dahil sa bawal na pag-ibig.

Sunday, November 15, 2009

Bahay Ni Kuya

"Ang pangangarap ay libre lang. Kaya sa pamamagitan ng blog kong ito ay mangangarap kami ng mga kaibigan ko na sumali sa Pinoy Big Brother. Sino kaya sa amin ang mananalo."















BAHAY NI KUYA
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa bahay ni kuya ay nangarap ako
Nagkaroon ako ng mithiin sa buhay
Ang nais ko ay maging isang artista
Nang maging sikat at makatulong sa pamilya.

Kahit parang bilanggo ako dito
Ayos lang sa akin
Titiisin ko ang lahat
Alang-alang sa aking pangarap.

Hindi ako mag-aatubiling sabihin at gawin
Ang lahat para ako ay hangaan
Kahit pinakasikreto sa akin
Kaya kong ibulgar sa publiko.

Hindi sana ako mabigo
Sa pagpasok ko rito
Ako sana ang manalo
Nang di maglaho inaasam ko.

Thursday, November 12, 2009

Vanishing Love

"What does goodbye really mean? Is it just letting you go? Telling I cannot love you anymore? I guess, but goodbye simply means I Love You but were not meant to be."

VANISHING LOVE
By: Arvin U. de la Peña

I saw you
I fall inlove with you
I talk to you
It looks like
I'm floating in the air
I ask your friendster
You give it to me
And I was happy.

You said you're glad
You meet me
And I said it is alright
Because me too
You said goodbye
Because you will leaving
And I said "take care."

I go to internet cafe
I was excited searching your account
And I saw your profile
You're really beautiful
I really like you.

I go to your photo album
Seven photo album you have
So many pictures of you
And I said to myself
"How lucky I am I know you."

But when I click
Your seven photo album
Oh, it makes me sad
You and your boyfriend
Many pictures and some are kissing
I thought you have no loved one
But I got mistake.

Now I started to forget you
Because I have no chance
with you anymore
But I still thank you
For sharing your life to me.

Tuesday, November 10, 2009

Kumusta

"True friends see heart to heart, even if they don't see eye to eye."


KUMUSTA
Ni: Arvin U. de la Peña

Kumusta ka na? Siguro ngayon ay maganda na ang katawan mo. Hindi katulad noong huli tayong magkita na wala sa porma ang iyong katawan. Pero kahit ganun ay maganda ka pa rin. Kagandahan na nasisiyahan ako kapag kausap ka. Kaya nga noon ay madalas kitang puntahan sa inyo para makipag-usap at makipaglaro sa iba nating mga kababata.

Kumusta ka na? Naaalala mo pa ba ang noong namamasyal tayo sa plaza. Gabi iyon siguro mga ala siete ng gabi. Habang naglalakad tayo ay may nadaanan tayo na naghahalikan. Nasabi mo bigla ng makita mo ay "ang bastos nila", sabi ko naman sa iyo "normal lang iyon sa nagmamahalan at balang araw ay mararanasan mo iyan". Doon ay kinurot mo ako sa tagiliran. Muntik mo pa akong suntukin. Nasaktan nga ako noon pero tiniis ko kasi di mo nagustuhan ang biro ko.

Kumusta ka na? Kung di ako nagkakamali ay naaalala mo pa ang noon ay dumalo tayo sa birthday ng isa nating kaibigan na may kaya sa buhay. Ang dami ng handa niya. Nang matapos na tayong kumain ay di mo napigilan ang hindi isilid sa bulsa mo ang limang puto at kutsinta. Paborito mo kasi ang puto at kutsinta. Dahil nga doon kapag binibiro kita na nagsilid ka sa bulsa mo ng puto at kutsinta ay inaaway mo ako. Kasi baka malaman ng iba nating mga kababata na ginawa mo talaga iyon.

Kumusta ka na? Ano na kaya ang hitsura mo sa ngayon. Siguro ibang-iba na. Lagi pa rin kitang naaalala na ikaw ay naging kalaro at kaibigan ko noong bata pa tayo. Minsan nga nasasabi ko sa sarili ko na walang ibang sasaya sa panahon na bata ang isang tao.

Kumusta ka na? Sana muli tayong magkita. Miss ko na kasi ikaw na kaibigan ko. Lagi pa rin kitang naaalala kahit matagal ng panahon na tayo ay nagkalayo. Sana ganun ka rin sa akin.

Kumusta ka na? Gusto ko pong malaman mo na ikaw ang tibok ng puso ko. Kung may nais man akong makasama sa buhay ay walang iba iyon kundi ikaw. Sana sa ngayon ay hindi pa nakatali ang puso mo sa iba. At umaasa ako na sa muli nating pagkikita ay may pag-ibig na sa ating dalawa.

Kumusta ka na? Kung sakali man ngayon na ikaw ay may asawa na ay hangad ko lagi ang iyong kaligayahan. Sana hindi ka niya sasaktan kasi masasaktan din ako kapag nalaman ko iyon. Ngayon kasi na malaki na tayo ay naramdaman ko na ikaw ang hanap ng puso ko. Sayang nga ng umalis ka sa ating lugar ay bata pa tayo at wala pang masyadong alam sa pag-ibig. Nabanggit ko sana sa iyo noon na mahal kita.

Kumusta ka na? Sana ay ayos ka lang. Nandito lang ako at naghihintay na muli kitang makita at makausap.

Tuesday, November 3, 2009

Panawagan Na Pagmamahalan

"My life is not perfect but I am happy, because I have people like you. Equally imperfect like me, but just the right blend for a great friendship."

Inihahandog ko ang sinulat kong ito para sa kaibigan ko na maituturing kong bestfriend sa buhay ko. Walang iba kundi si Magnolia. Ito po ang pang lima kong sinulat na tula para sa kanya na ang dalawa ay napublish sa newspaper. Sa lahat na naging kaklase ko sa elementary at high school kapag bakasyon at umuuwi siya mula sa Manila na doon siya nag-aral ng college at nagtrabaho kapag may inuman ang barkada ay lagi niya akong tinetext para sumali sa inuman na hindi ko alam magkakaroon pala ng inuman. Kapag may meeting naman ang batch namin sa high school kapag malapit na ang alumni at hindi ko gusto dumalo sa meeting tapos nandoon siya ay etetext ako na pumunta sa meeting. Doon ay nakakapunta tuloy ako kasi nakakahiya kung tanggihan ko siya. Napipilitan talaga ako ng dahil sa kanya na sumali kapag may inuman o meeting ang batch namin. Napakadaming beses niyang ginawa iyon na pinapaalam ako sa text para sumali sa inuman o kaya sa meeting. Kapag dumadaan naman ako sa bahay nila dahil sa pagbibisikleta o kaya naglalakad lang at nakikita niya ako ay tinatawag niya ako lagi. Doon nagkakausap kami kahit sandali lang. Minsan pa nga sa bahay nila ay pinapapunta ako para doon ay uminom dahil may inuman sa kanila. At kapag sinabi ko naman na wala akong pera para icontribute sa inuman ay sinasabi niya na siya ang bahala sa akin. Napakabuti niyang kaibigan sa akin. Siya lang ang gumagawa ng ganun sa akin. Nakakalungkot nga lang isipin na aalis na siya ngayong buwan papuntang ibang bansa para doon na manirahan. Pero masaya pa rin ako para sa kanya kasi it is her for own good lalo at isa pa muli pa naman kami nitong magkikita. Matagal na panahon nga lang ang lilipas bago kami muling magkita at magkainuman. Habang sinusulat ko ito ay nakakaramdam ako ng lungkot sa sarili kasi matagal na panahon uli bago ko makita ng personal ang bestfriend ko.
















PANAWAGAN NA PAGMAMAHALAN
Kay: Magnolia Seron
Ni: Arvin U. de la Peña

Magmahalan tayong lahat
Pagmamahalan na walang kondisyon at limitasyon
Dahil hindi uusad ang adhikaing pinoy
Kung walang pagmamahalan sa bawat isa.

Kalimutan na ang mga pag-aaway
Ibaon sa limot ang di magandang pangyayari
Walang magandang patutunguhan
Kapag poot ang pinairal sa puso.

Minsan lang tayo mabuhay sa mundo
Kapag namatay na ay wala na ang lahat sa atin
Kung ang diyos ay marunong magpatawad
Tayo din dapat na kanyang nilikha.

Napakasarap isipin kung ang bawat isa ay
may ugnayan
Nagtutulungan sa suliranin na dinaranas
Sinasabi sa kapwa ang nais sabihin
Na kahit konti ay walang pag-aalinlangan.

Pilipino kayo, pilipino din ako
Iisang dugo lang ang ating pinagmulan
Magmahalan tayo para sa ating ikauunlad
Patungo sa magandang bukas.

Thursday, October 29, 2009

Matino

"Linisin mo muna ang iyong sarili bago ka magsabi sa isang tao na linisin ang kanyang sarili. Sa madaling salita ay punasan mo muna ang baho sa iyong katawan bago ka pumunas ng baho ng ibang tao."


MATINO
Ni: Arvin U. de la Peña

Kung matino ka na tao hindi ka magsasabi
Sa isang tao na siya ay magpakatino
Dahil kung matino ka
Hindi ka makikialam sa buhay ng ibang tao.

Matuto kang tumanggap ng katotohanan
Na ang bawat tao ay iba-iba ang ugali
Huwag kang makialam sa kanya
Lalo at hindi ikaw ang nagpalaki at nagpapakain sa kanya.

Pinapahiya mo lang ang sarili mo
Pati na ang iyong pamilya
Hindi mo hawak sa leeg ang isang tao
Para siya ay pagsabihan mo ng kung ano.

Kung ganyan ka dapat ay maging guro ka
Doon ka dapat sa paaralan
Hindi sa kung nasaan ka ngayon
Para doon ay mangaral ka ng mga estudyante.

Huwag ka ng gumanyan
Ibuhos mo ang atensyon sa iyong sarili na lang
Ito ay isang payong kaibigan lang
Mula sa aking puso.

Sunday, October 25, 2009

Palagay Mo Ba

"May mga tao na akala nila ay sila lang ang kaligayahan ng tao na iniwanan nila. At ang ginawa nilang pag-iwan ay sinasabi pa sa kanilang mga kaibigan. Nagtetext, nag-eemail, o kung ano pang paraan ng komunikasyon para masabi sa kaibigan ang pag-iwan nila sa tao. Birds of the same feather fly together talaga. Sila-sila ay nag-aamuyan ng kani-kanilang mga baho."


Friends may change and friendship may evolve. But it will not truly end because friendship is not merely a one time trip, but a lifetime journey.

PALAGAY MO BA
Ni: Arvin U. de la Peña

Palagay mo ba dahil wala ka na sa akin
ay di na ako makakakilos
Magiging malungkutin na ako
Mistulang isang bato na lang
Palagay mo ba ikaw lang ang
kaligayahan ko wala ng iba
Sa iyo lang ako puwede makaramdam
ng tunay na ligaya.

Palagay mo ba ikaw lang ang nalalamigan?
Palagay mo ba ikaw lang ang nakakatulog
ng may aircon?
Palagay mo ba ikaw lang ang nakakahiga
sa isang malambot at makapal na kama?
Palagay mo ba ikaw lang ang nakakakain
ng masarap na ulam?
Palagay mo ba hindi ko kayang makapag computer?

Palagay mo ba hindi ko talaga ramdam
na ikaw ay isang mata-pobre
Sa mga katulad mo lang ikaw nakikisalamuha
Iniiwasan mo ang sa palagay mo ay isang
hamak na hampas lupa lang
Palagay mo ba nanghihinayang talaga ako
na ikaw ay wala na sa akin
Kung sa palagay mo ay may panghihinayang ako
ay malaki ang pagkakamali mo
Dahil nagpapasalamat ako sa maaga pa lang
na maganda ang ating relasyon
Ay lumabas ang tunay mong pagkatao
Lumabas ang tunay na ikaw
Ang tunay mong kulay.

Palagay mo ba hindi ka rin makakapantay sa iba
Ikaw lang ang angat
Kung ganun ay nagkakamali ka rin
Dahil darating din ang araw
Papantay ka rin sa iba
Ang mga paa mo ay tuluyan ng magpapantay
Hindi na maitataas ang kahit anong paa mo
Para may apakan na tao.

Palagay mo ba wala na talagang pag-asa
pa sa akin
Dahil ang anino mo ay hindi ko na nakikita
Isang kahangalan kung ganun ang iniisip mo
Dahil ang bawat isa kapag iniwanan ay may pag-asa
pang makahanap na papalit sa nag-iwan
Palagay mo ba ano?
Ano sa palagay mo?

Thursday, October 22, 2009

Kagubatan, Ilog, at Dagat

Para po sa blog na http://www.fiel-kun.blogspot.com/ ay gusto ko pong malaman mo na kaya po ako hindi nakakabisita sa blog mo ay dahil bawat open ko ng blog site mo ay na cloclose po siya. Tatlo ng internet cafe ang sinubukan ko ay ganun pa rin po. Ito po ang ipinapakita pag open ko ang blog site mo "internet explorer has encountered a problem and need to close. We are sorry for the inconvenience" at may nakasulat pa na debug, send error report, at don't send. Mga apat na araw ng ganito. Ewan ko kung bakit ganun. Dati naoopen ko naman ang blog mo at nakakapag message ako sa cbox mo o kaya comment. Hindi ko po alam kung hanggang kailan ganito. Pasensya po talaga kung di kita nabibisita kasi ganun po ang nangyayari. Hindi ko tuloy makita ang pangalawa mong bigay na award sa akin. Pag click ang don't send ay ma close ang computer. Sana ay hindi magtagal ang ganito para muli kitang mabisita.

"Ang tula po na ito na sinulat ko ay pinakialaman ng kaibigan kong blogger na si Patola ng isend ko sa kanyang e-mail. Marami po siyang binago na mga salita sa original kung sinulat."






Maglakbay tayo sa isang bansa na maaring tinitirhan mo ngayon o maaring inaabot lang ng iyong imahinasyon. Naririto ka man o milya milya ang layo sa kanya, sariwain natin ang mga bagay na pupukaw sa ating alaala.
Kagubatan, Ilog at Dagat
Ni: Arvin U. de la Peña
iniayos ng nakikialam na si Patola =)
http://www.akosipatola.blogspot.com/

Namulat ako sa bansang maharlika
Ang puso't isipan ng mga tao ay malaya
Mga likas na yaman ay ikinararangya
Diyamante ng kalikasan na sana ay inaaruga.

Sa kagubatan makikita ang kumpol ng mga puno
Pinipigilan ang malambot na lupa sa pag guho
Isang mahika na magliligtas laban sa malakas na ulan
Sa agresibong baha, inililigstas ang sangkatauhan.

Sa kagubatan makikita ang iba't ibang uri ng halaman
Mga hayop na malimit makita ng mga mata ng sino man
Isang misteryo nga na sumasagi sa aking isipan,
Ang hiwaga sapagkat nabubuhay sila ng sila lang.

Halika, Pakinggan mo ang himig ng nagsasayang ilog,
Niyayaya kang makisalo sa pamamagitan ng kanyang tunog
Pagmasdan mo ang ngiti sa mga batang nagtatampisaw sa agos
Damhin mo ang biyaya ng kalikasan na sa puso ay tumatagos.

Madalas sinasabi na ang Dagat ay simbolo ng Kalungkutan
May mga alon na galit at pinapakita ang karahasan
Ngunit para sa akin ang dagat ay repleksyon ng buhay
At para sa iba ay larawan ng isang taong naghihintay.

Madalas sa ilog at dagat kumukuha ang marami ng kabuhayan
Ngunit maraming pagkakataon ring tila ba ito'y basurahan
Isinasantabi ang yaman na ibinigay ng Maykapal
Unti unting pinapatay ang mga isda na dito ay naninirahan.

Ang kasalukuyan ay nakakalungkot isipin
Tayo ang solusyon ngunit tayo rin ang salarin
Sa salapi nga lang ba nasusukat ang yaman?
Natutumbasan nga ba nito ang tama at kamulatan?

Nanirahan ako sa bansang maharlika
Ang isipan lang ng tao ang siyang malaya
Nililimot ang Responsibilidad dahil sa karapatan
Hindi alam ang kabutihan dahil sa salaping gustong makamtan.

Sunday, October 18, 2009

Rosas

"It is better to become a river, because it flows forever. Than a flower that blooms only in summer."


ROSAS
Ni: Arvin U. de la Peña

Mamumulaklak na ang pulang rosas
Unti-unti ng nakikita ang kanyang ganda
Kayrami ng mga paru-paro
Ang umaaligid para makasipsip ng nektar.

Sayang wala ang may-ari
Mabantayan sana ang bulaklak
Hindi rin sana magkakaroon
Nang mga uod na siyang sisira sa rosas.

Kaninong mga kamay kaya
Ang pipitas sa pulang rosas
Sana kung pitasin ay ingatang mabuti
Huwag basta iwanan na lang.

Sapagkat sayang ang pulang rosas
Kung ihulog lang pagkatapos pitasin
Madaming pawis ang tumulo sa may-ari
Sa pagdilig niya kahit may sikat ang araw.

Thursday, October 15, 2009

Mahiya Ka Naman

"Minsan may pangangampanya para ilaglag ang isang tao sa pamamagitan ng sulat. Madalas rin ang ganyan kapag panahon ng halalan."


MAHIYA KA NAMAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Mahiya ka naman sa sarili mo
Ipinagkakalat mo na huwag siyang pakisamahan
Akala mo kung sino ka
Kumakain ka rin naman ng bigas.

Mahiya ka naman sa sarili mo
Bistado na ang iyong ginagawa
Alam na ng tao na sinisiraan mo siya
Dahil sinabihan siya ng kaibigan mo.

Mahiya ka naman sa sarili mo
Namamahagi ka pa ng sulat
At ang nilalaman ng sulat
Ay huwag siyang tangkilikin.

Mahiya ka naman sarili mo
Para kang hindi nag-aral
Sabagay ganun ang tunay mong pagkatao
Walang ibang alam kundi manira.

Mahiya ka naman sa sarili mo
Iyang mga papel na ibinabahagi mo
Walang epekto iyan sa kanya
Ipunas mo na lang iyan sa iyong puwet.

Sunday, October 11, 2009

Tunay Na Pagtulong

"Sometimes it is too late to be hero."



TUNAY NA PAGTULONG
Ni: Arvin U. de la Peña

Ang tunay na pagtulong ay hindi ipinagmamalaki
Hindi ipinagkakalat sa mga tao
Kung magkanong halaga ang ibinigay
Dahil kung ganun ay di tapat ang pagtulong mo.

Bagkus ikaw ay nagyayabang
Nagmamayabang ka na angat ka sa iba
Mas mayroon kang kakayahan
Magbigay ng maitutulong sa nangangailangan.

Kung tunay kang tumutulong
Dapat nung panahon na kailangan ng tulong
Ay naroon ka sa kanila
Handang ibuwis ang buhay maisalba lang sila.

Tumulong ka ng naaayon
Hindi dahil nagkakaroon lang ng kalamidad
Mas hahangaan ka kung iyon ang gagawin mo
Dahil iyon talaga ang may malasakit sa kapwa.

Thursday, October 8, 2009

Pintasiro

"May mga tao talaga na mahilig pumuna sa ibang tao. Para sa akin ay sila iyong mga tao na hindi muna tinitingnan ang kanilang sarili na mayroon ding dapat punahin. Tandang-tanda ko pa na ang isa kong kaibigan ay binugbog ng isa ko ring kaibigan dahil madalas siyang pagsabihan ng medyo nakakainsulto. Lima kaming nag-iinuman noon ng malasing na ay sinabihan ng isa kong kaibigan ang pintasiro naming kaibigan dahil sa lagi niyang pamimintas sa kanya. Nang pagsabihan ang pintasiro ay nagmalinis pa. Pinagtanggol pa ang sarili niya na tama raw ang ginagawa niya. Nag sabi pa na "ano ang pakialam mo". Dahil nag-init agad ang ulo ng kaibigan ko na madalas punahin ay ayun sinuntok agad ang pintasiro. Nabugbog siya at ng ihahampas na sa ulo ang bote ng beer ay doon umawat na kami. Hindi nakapalag at nakaporma ang pintasiro naming kaibigan. Hindi nga gumanti ng suntok dahil talagang wala siyang laban doon sa pinipintasan niya na kaibigan din namin. Mula noon hindi na siya sumasali kapag nag-iinuman kami. Umiiwas na siya na makainuman ang kaibigan namin na bumugbog sa kanya."


PINTASIRO
Ni: Arvin U. de la Peña

Ang galing mong pumuna sa buhay ng ibang tao
Para bang ang tingin mo sa iyong sarili
Isa kang napakalinis na nilalang
Kahit konti walang dumi sa katawan.

May makita ka lang o mapansin na di kaaya-aya
Kahit kaibigan mo pa at barkada
Pinipintasan mo siya
Di mo iniisip nakakasakit ka.

Kahit pananamit ay pinupuna mo
Hindi mo muna tinitingnan ang damit mo
Na mayroon ding mantsa
Wala ka talagang hiya.

Ewan ko kung nakakatulog ka ng maayos
Sa pamimintas mo sa iyong kapwa
May pinag-aralan ka man o wala
Dapat di ka makialam sa buhay ng ibang tao.

Bakit di ka tumingin sa salamin
Masdan mong mabuti ang iyong sarili
Nakangiti ka nga ng maganda
Ngunit masaya ka nga ba sa ginagawa mo?

Wednesday, October 7, 2009

Sa Tamang Pagkakataon (by request)

(Ang naging kaibigan ko po sa friendster ay nagrequest siya sa akin sa pamamagitan ng pag text na kung puwede raw ay ilagay ko rin siya sa blog ko. Dahil mahirap para sa akin na tanggihan ang isang request ay pumayag po ako. At ito po ang naisulat kong tula para sa kanya.)

"Kung ikaw ay nabigo sa pag-ibig ay asahan mo na may panibagong pag-ibig uli na darating sa iyo. Dahil ang pag-ibig ay walang katapusan. Umiikot ang pag-ibig sa daigdig. Umiikot sa bawat tao. At Bawat isa sa atin ay kailangan na may isang minamahal."




SA TAMANG PAGKAKATAON
Kay: Janine Quinanahan
Ni: Arvin U. de la Peña

Balang araw ay matatagpuan mo rin
Ang kaligayahan na hanap mo
Kasiyahan dahil sa pagmamahal
Iibigin ka uli sa tamang pagkakataon.

Huwag ka lang mainip sa paghintay
May magmamahal pa rin sa iyo
Ang kabiguan na nangyari sa iyo ngayon
Isipin mo na lang na isang panaginip.

Ang mga di magandang nangyari
Nang ikaw ay makipagrelasyon
Kalimutan mo na ng tuluyan
Para maghilum ang sugat sa puso na dulot niya.

Gawin mong inspirasyon sa buhay
Ang naging pasakit niyang ginawa sa iyo
Para sa susunod mong mamahalin
Ay nakakasiguro kang hindi ka iiwan.

Marami pang iba na may wagas na puso
Tapat sila kapag nagmahal
Binibigyan ng halaga ang minamahal
At isa na ako doon.

Monday, October 5, 2009

Seksi

"Iba ang pakiramdam kapag nakakakita ng seksi. Iyong sa palagay mo ay parang walang katulad ang taglay niyang kaseksihan."


SEKSI
Ni: Arvin U. de la Peña

Napakaseksi mo sa ngayon
Super ang iyong kagandahan
Maraming kalalakihan ang nagpapantasya sa iyo
Pinaparausan ka sa pangarap.

Makita ka lang ay atat na atat na
Halos tumulo ang laway sa kaseksihan mo
Mapang-akit kasi ang iyong ganda
Gusto ka na matikman at maikama.

Lalo na kapag nakikita ka
Na halos hubo't hubad na
Nagdudulot talaga ng libog
Sa mga kalahi ni adan.

Ang dami ng nanghina sa iyo
Madami na ring punla ang nasayang
Kaseksihan mo kailan kaya kukupas
Nang pati ako ay di ka na pantasyahin.

Friday, October 2, 2009

Hinaing Ng Mga Botante

"Masakit kung ang pakikisalamuha ng isang politiko sa mga kababayan niya ay pakitang tao lamang. At sa oras na kailangan na ang tulong niya ay hindi nagpapakita. Kaya dapat talaga kapag panahon ng eleksyon ay pumili ng isang kandidato na talagang maaasahan anumang oras."

HINAING NG MGA BOTANTE
Ni: Arvin U. de la Peña

Ikaw na isang politiko
Kapag panahon ng kampanya
Bawat sulok sa aming lugar pinupuntahan mo
Iniisa-isa mo ang mga kabahayan.

Ang adhikain mo ay tumulong sa mga kababayan
Sinasabi mo iyan sa maayos na pananalita
Sa harap ng maraming mga botante
Pinapahanga mo sila sa iyong mga plataporma.

Ngayon ay kailangan na ang tulong mo
Nasaan ka ibinoto naming politiko
Bakit hindi ka nagpapakita
Nasaan na ang iyong mga pangako.

Sadya bang ganyan ang ugali mo
Ang taguan kami sa panahon na kailangan ka
Takot ka ba makagasto ng sarili mong pera
Kung kaya ayaw mo kaming damayan.

Sabihin mo naman kung ano ang dahilan
Hindi mo pagpapakita sa amin
Mga nakurakot mo di naman kami hihingi
Tulong lang mula sa iyo ang aming kailangan.

Tuesday, September 29, 2009

May Pag-asa Pa

"Sa bawat pagsubok na dumadating sa buhay ng tao ay may pag-asa na ito ay malampasan."
























MAY PAG-ASA PA
Ni: Arvin U. de la Peña

Kapag ikaw ay datnan ng problema
Huwag malungkot at magdamdam
Dahil sa bawat paghihirap na dinaranas
May pag-asa pa na malampasan iyon.

Huwag lang mainip sa paghihintay
May magandang bukas pa para sa iyo
Ang unos na dumating sa iyo ay pansamantala lang
Hindi iyan pang matagalan.

Magpakatatag ka lang lagi sa buhay
Hindi habang panahon madilim ang iyong mundo
Harapin ng buong tapang ang pagsubok
Dahil hindi ka nag-iisa sa iyong pakikibaka.

Lahat tayo ay nakakaranas ng suliranin
Dahil kasama na iyon sa buhay ng tao
Lagi lang isa-isip na lahat ng pasakit ay may katapusan
Magtiis at maghintay lang kung kailan matatapos.

Saturday, September 26, 2009

Kapal

"May pagkakataon talaga na ang sinabi ng isang kandidato sa kanyang pangangampanya ay hindi niya tinutupad kapag nanalo na."


KAPAL
Ni: Arvin U. de la Peña

Ibinoto ko ikaw sa pag-aakala ko
Na tutuparin mo ang iyong pangako
Uunlad ang iyong nasasakupan
Magiging maayos na ang lahat.

Ngunit ng ikaw mailuklok sa iyong posisyon
Mistulang parang bula na naglaho
Ang iyong mga sinabi
Hindi mo tinupad salita ng nangangampanya ka.

Pangungurakot sa bayan ang ginawa mo
Sa halip na kaayusan
Kung anu-anong proyekto naiisipan mo
Magkaroon ka lang ng malaking komisyon.

Ngayon ay nagpapasaring ka
Na ikaw ay tatakbo uli
Gusto mo na ikaw ay muling maihalal
Sa nais mo na posisyon sa gobyerno.

Nais mo na manalo pa
Makapaglingkod uli sa taumbayan
Kay kapal naman ng mukha mo
Muli ay ilahad platapormang di totoo.

Tuesday, September 22, 2009

Ikaw Na

"Kapag nagmahalan ang dalawang tao na bigo sa una nilang pag-ibig ay gagawin talaga ang lahat ng paraan para di maghiwalay. Masakit kaya ang mabigo sa pangalawang pagkakataon."

IKAW NA
Ni: Arvin U. de la Peña

Marahil ay ikaw na ang buhay ko
Sa iyo ay masaya ako
Nagmahalan tayong dalawa
Mula pagkabigo sa unang pag-ibig.

Itong sa ating dalawa ngayon
Sana ay wala ng wakas
Makakaasa ka sa akin
Na hindi kita paluluhain.

Mahal na mahal kitang tunay
Iyong-iyo na ang puso ko
Pinapangako ko hanggang sa huli
Ikaw ay aking mamahalin.

Hindi ako mag-iiba sa iyo
At lalong hindi ako magbabago
Ikaw na ang lahat sa akin
Ang nasa puso at isipan lagi.

Sunday, September 20, 2009

Libog

"May tao talaga na minsan suko siya sa kanyang kapartner pagdating sa pribadong gawain."


LIBOG
Ni: Arvin U. de la Peña

Napakalibog mo na tao
Kahit ayaw ko na pinipilit mo ako
Gusto mo lagi kang niroromansa
Hanggang ikaw ay makaraos.

Di mo iniisip kapaguran ko
Hayop ka para sa akin
Sobra ang iyong resistensya
Pagdating sa pagtatalik.

Hindi mo inaalintana
Na may mga gawain pang iba
Ang mahalaga lang sa iyo
Ikaw ay malabasan ng likido.

Ang akala ko noon
Na ako ang malibog sa atin
Ay mali pala ako
Mas malibog ka pa pala.

Nang gusto kong makipaghiwalay sa iyo
Hindi mo ako pinayagan
Ako lang daw ang mahal mo
Wala ng iba pa.

Pero pansin ko talaga
Kaya ayaw mo maghiwalay tayo
Iyon ay dahil gusto mo rin
Ang aking pagpapaligaya sa iyo.

Sobra mo na kalibugan
Sana ay mabawasan na
Huwag ka ng makipagtalik lagi
Tao lang ako may kahinaan din.

Thursday, September 17, 2009

Para Sa Iyo

Sa post ko pong Paglimot ay sinabi ko doon na may isa pa akong sinabihan na blogger na kung puwede ko siyang handugan ng tula ay pumayag siya at ito na nga po. Para po sa kanya ang tula na ito. Isa po siyang modelo. Sa blog niya ay makita doon sa isa niyang post na siya ay interview. Ang blog niya po ay
http://www.paui.blogspot.com/

"Basta para sa ating pinakamamahal ay kaya nating tiisin ang lahat"

PARA SA IYO
Kay: Paulette Quinto
Ni: Arvin U. de la Peña

Tinitiis ko ang lahat para sa iyo aking mahal
Kahit masakit sa akin ay kinakaya ko
Dahil ayoko na ikaw ay masaktan
Dahil mahal kitang tunay.

Kahit minsan sa pagkain
Mas importante sa akin na makakain ka
Kaya kong tiisin ang gutom
Kaysa mag-alala ako na hindi ka busog.

Maging maligaya ka lang ay ayos na
Hindi na ako naghahangad pa ng iba
Ang malaman ko lang na masaya ka sa isang araw
Masayang-masaya na ako.

Basta para sa iyo lahat kakayanin ko
Buong buhay ko ay ibibigay at iaalay
Dahil ayoko na makaramdam ka ng lungkot
Sapagkat ang iyong ngiti ay nagpapasaya sa akin.

Para sa iyo ay hindi ako mag-iiba
Kahit ano pa ang mangyari
Hinding-hindi ko ikaw iiwan
Dahil mahirap ng makahanap ng tulad mo.