Nagpadala po ako noon ng mga compose kong kanta thru email sa Aegis Manager at nagreply sila sa email ko. Ang send ko sa email na compose kong kanta ay 15 songs yata iyon o kaya higit pa. Matagal na kasi kaya di ko masyadong matandaan. Send lang kasi ako ng send noon. Basta marami akong na isend para sa Aegis Band kasi paborito ko rin iyon na banda. Nagbigay din po ako personally ng demo tape ng mga compose kong kanta sa Alpha Records, at 20 songs po iyon na inawit ko. At doon ay nag email din po sila sa akin tungkol sa pinadala kong demo tape. Kung bakit po nag compose ako ng mga kanta ay dahil pangarap ko po talaga noon pa man na marinig inaawit ang compose kong kanta ng isang singer o kaya banda at makita ang name ko sa album na nag compose ng kanta.
Kung nagsusulat man ako noon ng tula ay may kaugnayan lang iyon sa pag-aaral ko. Ibig kong sabihin pinapagawa lang ng guro sa subject na Pilipino dahil assignment. Taong 2003 ng magsimula po akong magsulat ng magsulat ng kuwento, poems, at tula kasi iyon ang time na nagpadala ako para sa newspaper para kapag may napublish na sinulat ko ay mabasa nationwide ang sinulat ko na nasa newspaper. Iyon din po ang taon na may napublish akong sinulat ko na makita sa side bar ng blog sa ibaba ng blog archive na pag iclick ang pamagat ay makita ang xerox ng newspaper na andun ang sinulat ko at siyempre ang name ko.
Sa taong 2006 po ng huminto na ako sa pag compose ng kanta ay tumigil na rin po ang hilig ko sa pagkanta. Hindi na rin po ako kumakanta kapag may inuman ang barkada sa isang videoke bar o kaya sa inuman lang sa bahay na may kantahan. Kahit pinipilit nila akong kumanta ay hindi na ako pumapayag. Hindi katulad noon na gusto ko talaga ang umawit sa videoke. Nakakainspire umawit lalo kung mataas ang score. Kaya sa mga kaibigan ko at mga bagong nakikilala kung sakali man na may inuman tayo at may kantahan ay pasensya na kung hindi ko kayo napagbibigyan kung gusto niyo akong pakantahin. Parang kinalimutan ko na kasi ang hilig ko sa musika. Parang tinatalikuran ko na ang hilig sa pagkanta. Kung hanggang saan ang pag-iwan ko sa tunay kong nakahiligan ang pag compose ng kanta ay hindi ko alam. Kaya pasensya na sa inyo na aking mga kaibigan kung sakali man na hindi ko kayo napagbibigyan na umawit ako kung may kantahan tayo sa inuman para sakali ay marinig niyo ang boses ko.
Kung anuman ang kinalabasan ng binigay kong demo tape sa Alpha Records ay secret.
(Ang email sa akin galing sa manager ng Aegis Band ng mag send ako sa email nila mga lyrics ng ilan kong compose na kanta. Click niyo ang naka scan ng lumaki at mabasa niyo.)
(ang email sa akin galing Alpha Records sa pag submit ko sa kanila ng demo tape. Click niyo ang naka scan ng lumaki at mabasa niyo.)
MUSLIM
Composer: Arvin U. de la Peña
Intro:
Kayrami-rami kong babae
Kung anu-ano ang tawag nila sa akin
Ang iba sabi babaero daw ako
Mayroon namang nagsasabi chickboy raw ako
Pero lahat sila ay nagkakamali
Iba lang ang aking relihiyon
Chrorus:
Muslim ako, muslim ako, muslim ako, woohh woohh
Puwede ako na magmahal ng marami
Bawat nililigawan ko ay sinasagot ako
Dahil hindi ako basta-basta lang na muslim
Kundi matinik ako na muslim
(do stanza chords)
Kahit saan ako mapunta
Ang daming tumitingin sa akin
Nagtataka sila sino raw ako
Madaming kasamang babae
Pawang magaganda pa
Pang miss universe ang beauty
repeat chorus
(do stanza chords)
Ang ipinapayo ko lang sa inyo
Kundi malakas ang resistensya niyo
Huwag niyo akong gagayahin
Dahil manlulupaypay kayo
Kapag silang lahat ay kasama na sa kuwarto
Na hubo't hubad
repeat chorus
matinik sa chikababes
*INSTRUMENTAL*
repeat chorus
repeat chorus
coda:
matinik na muslim
68 comments:
wow naman.. heheheh that's good news...
keep it up and keep it real!
Sayang di ako first base... jijijijiji... anyway... galing naman gumagawa ka rin pala kanta... ako naman mahilig ako magimbento ng lyrics lalo na pag di ko kabisado ang lyric ng kantang kinakanta ko... nyahahahahahaha
wow. i wish i can compose my own lyrics but when it comes to this department, I suck! lol
*clap clap* galing naman!
nice one.. keep up the gud work. at sana magkatotoo pangarap mo.
wow nice naman pede mo yan pagkakitaan kuya.
kaya pala ang gaganda ng mga poems mo talagang may talent ka po kuya. keep up the good work po.
WOW! Galing naman! I hope you will continue on writing songs. Because I think you can go further..
PS: 1 blog post to go....Extend....=]
@Ailee Versoza.........salamat sa iyo.......parang bad news nga rin kasi i already started to forget about songs, hehe..
@I am Xprosaic.........opo gumagawa rin ako ng mga kanta..iyon ang una kong nakahiligan gawin ang mag compose ng mga kanta..siguro naman ay tiningnan mo ang naka print na email sa akin ng alpha records at ng manager ng aegis..talagang ganun minsan kapag lasing na ay ibang lyrics na ang kinakanta sa inaawit sa videoke..
@Maria Catherine.........siguro naman ay kaya mo rin ang mag compose ng mga kanta gaya ko, hehe..try mo lang kaya..malay mo may magkagusto sa compose mong kanta..
@Prettymom..........salamat at nagustuhan mo rin itong post kong ito..sana nga ay matupad kasi pangarap ko iyon mula pa pagkabata..gusto ko maramdaman ang pakiramdam na ang compose na kanta ay inaawit..
@admin........puwede pagkakitaan kung halimbawa ay may maawit na compose kong kanta..ganun ba..siguro madami kang binasa na mga sinulat kong poems dito sa blog ko..
@Mister Llama........di ko alam kung magcocompose pa ako ng mga kanta..ang compose kong muslim ay ngayong taon ko lang iyan ginawa..2006 kasi ako tumigil mag compose ng kanta kaya tatlong taon muna ang lumipas bago ako mag compose uli..haha wala na pong extend..isang post na lang po at babalik ako next year..
congrats. teka, muslim ka ba? :)
wow beleb na talaga ako saiyo. matanong ko rin ulit kalulad lang ng tanong ni snappy sparrow..MUSLIM KA PO BA? curious lang hehe
hey thanks sa pagvisit sa blog ko...
i write poems and stories din but i cannot write music. tone deaf din ako kaya siguro ganun. anyway, have u tried joining Himig Handog or MetroPop before? i hope you get the break you wanted. sayang yang library of compositions mo...
ang galing mo . manunulat at composer ka ngang tutuo. sana'y maikanta na ng Aegis ang mga kinumposed mo. Good Luck
woww, what a great talent you have. keept it up. Good luck...
waw!
talentadong pinoy ka talaga kuya arvin!!!
naaaks!
balitaan mu kami kung isa na sa mga kanta sa radyo ang gawa mu ah!
naaaaaaks!!!
:P
@The Snappy Sparrow.........hindi po ako muslim..isa po akong katoliko..sinabi ko lang po iyon dati na gusto kong maging muslim dahil sa may sinulat akong tula..at dahil din doon ay nag composed ako ng kanta na ang pamagat ay muslim..
@Malou........salamat at bilib ka sa akin,hehe..bilib rin naman ako sa iyo..kagaya ng sagot ko kay snappy ay hindi po ako muslim..ang hirap kayang maging muslim..hehe..
@johnonline.........salamat rin sa pagbisita sa blog ko..nakita ko ang blog mo kasi ikaw ang nanalo sa contest..hehe..magaling ka magpaliwanag..karapat dapat talaga na ikaw ang manalo...hindi po ako nag try na sumali sa Himig Handog at MetroPop..medyo sayang nga pero who knows someday ay matupad ang pangarap kong marinig na inaawit ang composed kong kanta ng isang banda o kaya ay singer..
@Nanaybelen......thanks sa pagpuri mo sa akin..yah, tama ka na aside writing poems, kuwento, at tula ay nag cocomposed din ako ng kanta..kahit hindi aegis band ay sapat na sa akin..good luck din sa iyo..
@eden............thanks din sa iyo..na touch naman ako sa sinabi mo, hehe..bawat tao ay may kanya kanyang talent na minsan ay bigla na lang natin mailalabas..kagaya ko..di ko talaga inakala na magagawa ko itong mga nagawa ko na..ang pagsusulat at pag composed ng mga kanta..
@gege.........parang sa tv5 na talentadong pinoy..naririnig ko lang iyan at nababasa sa diaryo ang tungkol sa palabas na iyan..oo balitaan kita sakali na may umawit composed kong kanta..
naks naman. galinggaling. natutuwa talaga ako sa mga talented people. apir! sayang di ka pala mapipilit sa videoke.hehe.
curious lang, may kakilala ka bang muslim at narinig na ang reaction sa kanta mong sinulat?
ipinabasa ko sa kaibigan kong muslim, at medyo di nya naibigan. iyon ay pagbabahagi ko lamang.
goodluck sa iyong endeavor. sabi nga ng the journey:"dont stop, believin!"
Nice! Keep it up! Ü
Wow naman Arvin ^_^
Ang dami mo nang songs na nacompose ah... galing!!!
Yung iba mong tula, pwede mo rin lapatan ng right tune para maging isang awitin na rin :)
Talented ka talaga parekoy!
btw, may award ka nga pala :)
wow! ang daming na compose mong kanta! keep it up! :D
ur song, "Muslim", is one great song! pagkababaero ng lalaking muslim na hindi naintindihan ng ibang relihiyon ang pagkaganyan niya.. :D
good job! :)
Hmm... impressive! Pero di ba sabi nila "first love never dies"? It seems to me that singing is your first love. Baka babalik din ang passion mo sa pagkanta. I am hoping for that. Kung kainom kaya kita, pagbigyan mo kaya ako sa hiling ko na kumanta ka? (he-he-he)
Clap clap clap, magaling. Lapit ka siguro magka-award...
Kewl! Pwede mo yang karirin brod at pagkakitaan.
Sana marinig namin ung demo tape dito hehehe...
@manic_reigun...........yup di ako masyadong mapipilit sa videoke lalo ngayong parang kinalimutan ko na ang pagkanta..wala po akong pinabasang muslim na tao sa compose kong kanta na ito..ok lang kung di naibigan ng kaibigan mong muslim ang compose kong ito..ganun kasi ang tao may kanya kanyang taste..
@Chyng............ok salamat sa iyo..ipagpapatuloy ko ang pagsulat ng kuwento, poems, at tula..ang pag compose ng kanta iyon ang di ko pa alam kasi parang kinakalimutan ko na talaga..
@fiel-kun.............iba ang tula sa mga compose kong kanta..ang mga sinulat kong tula ay hindi ko puwedeng gawing isang kanta..iba ang isip ko sa pagsusulat ng tula at iba ang isip ko sa pag compose ng kanta..salamat sa pagbigay mo ng award sa akin..
@nice........yup, madami na nga akong na compose na kanta..oo tama ka na ganun ang muslim puwedeng magmahal ng marami na hindi naiintindihan ng ibang tao na ganun ang relihiyon nila..okey lang kahit maraming kasamang babae..hehe
@Hi! I'm Grace.........first love never dies kung sa pag ibig ang pag uusapan..kung tayong dalawa ang magkakainom siguro baka kumanta ako pero mga ilang kanta lang..as i said di ko alam kung muli ko pang babalikan ang pag compose ng kanta..
@Glampinoy.........salamat sa palakpak, hehe..may award na ako sa mga bloggers nga lang, hehe..
@Jag...........ewan kung kakaririn ko iyan kasi parang kinakalimutan ko na talaga..haha..di ko alam kung ilalagay ko dito ang demo tape ng mga compose kong kanta para marinig niyo..sapat na siguro sa akin ang malaman niyo na ganun ako..na ang pagcompose ng kanta ang unang kinahiligan hindi ang pagsulat ng kuwento, poems, at tula..
Siguro nga chickboy ka or habulin ka lang na babae.. at palagay ko kaya ka nakaka-compose ng mga lovesong dahil sa mga girls na nagpapa-inspire sayo. Sana minsan marinig ko na sa radyo ang mga composition mo. Yung Muslim ay ok lang, maganda at medyo nakakatawa pero baka maraming magalit, lalo na mga kapatid nating muslim. Parang mas interesado ako sa mga lovesongs mo, pa-post naman minsan
Ayos lang... kanta lang ng kanta... jijijijiji
Aiii! ganun ba talaga un?? hehe... Cge..kita na lang ulit tau next year...Ito pa din ba gagawin mong blog? o Magpapalit ka na ng blog name??
Are you interested for an Exchange link?
@Bambie dear.........ang mga babae nga ang nagpapainspire sa akin noon na magcompose ng kanta..wala naman sigurong magagalit na mga muslim dahil sa compose kong ito..isang kanta lang naman ito..di ko siguro ipost dito sa blog ko ang iba ko pang compose na mga kanta..bigyan mo na lang ako ng email add mo at mag forward ako sa email mo ilan kong compose na kanta..
@I am Xprosaic..........haha..ganun ba..ok sige mag soundtrip ako at sasabay sa pagkanta,hehe..
@Mister Llama........may aabangan ka pa ang huli kong pag post para ngayong taon..ito pa rin na blog ang gagamitin ko next year..di na ako mag iiba..ayos na sa akin ang blog na it..
Good job Arvin! sana ma-approve ang kanta mo at sana someday marinig rin namin sa radyo para atleast msabi ko sa lahat na kaibigan ko sa blog ang nag-compost nyan...
Women
Abbeymae
Mom
wow! hey i told you that.. i said one day soon you will be discovered. wow! congratulations!!!
ayay! keep it going....great job!
@kathy............sana nga..balak ko pa nga magsubmit uli ng mga kanta ko na isang banda na ang aawit mga compose ko..ibig kong sabihin ay isang banda dito sa aming lugar ang papaawitin ko ng mga composed kong kanta tapos iyon ang isubmit sa kanila..hindi na ako ang aawit baka sakali ay ma discover ang banda na piliin ko paawitin mga composed kong kanta..
@tim..............thanks..sana nga..
@Dhemz...........ok..i will..kung mag composed man uli ako ng mga kanta ay hindi na madalas..paminsan minsan na lang..
wishing you the best:)
BTW, can you help me win for a cause? Do you have facebook account? You can help me by doing the two simple steps below :
1. Login to your Facebook account and become a fan of Artscow at http://www.facebook.com/ArtsCow.
2. Once you became a fan, view the photo here: http://www.facebook.com/photo.php?pid=4719005&id=203944696146. You'll see below the photo the word "LIKE". Click it :) The word "like" won't appear if you're not a FAN.
All votes will be counted TOMORROW December 15 6:00pm PST and the photo with the most Like votes will receive a $150 cash payment. Please, spread the word and help me win to save a friend!
Merry Christmas and a Happy New Year! Thank you so much:)
aba, mahilig ka palang mag compose ng mga kanta.. tamang tama yan ngayong nalalapit ng eleksiyon, pwede kang gumawa ng mga jingle para sa mga pulitiko. malaking pera yan parekoy.
Hindi ba nakakaoffend sa mga Muslim ang iyong komposisyon? Curious lang. More power sa iyong paglikha ng mga kanta.
wow./..
poetry in sounds...
nice..ok to..
keep it up!
@Genejosh..........salamat sa iyo..nahuli na ako kasi december 16 na, hehe..pasensya na..
@Alkapon.........opo mahilig akong magcompose ng mga kanta..tungkol diyan sa tanong mo ay iwan ko..umiiwas nga akong makipag usap sa mga politiko dito sa aming lugar kasi di ko gusto..puro mga pakitang tao lamang sila..
@louis........hindi naman siguro nakaka offend ang composed kong kanta na ito sa mga muslim..kanta lang naman ito at isa pa ganun naman talaga ang muslim puwedeng magmahal ng marami..
@bea trisha..........kumusta ka naman diyan..ang pag aaral mo kumusta..ok i will..poetry in sounds nga..hehe
Jijijijiji tagal na akong di nakakapag gig... jijijijiji...
ako din mahilig mag compose ng songs... i play them whenever i'm alone and sad.. every song ay buhay kasi lahat ng mga lyrics ay galing sa tunay na mga pangyayari sa buhay ko..
thanks sa post..
www.orvillebarba.com
@I am Xprosaic...........ganun ba..halos araw araw yata may gimik ka diyan..di ka nababakante, hehe..joke..
@parang_ehwan..........talaga..yah, tama ka..ako kahit hindi pangyayari sa buhay ko ay nakakacomposed ako ng kanta..kahit pangyayari sa ibang tao..masarap ang pakiramdam kapag nakakalikha ng isang awitin..
Talented mo naman. Good luck sa new records mo.
Btw, I added you links already in my site, check it out. Hope you will add mine too.
wow... dmeh mong fans ahh... 63 komentz?! malufet... oh yeah first gusto koh magpasalamat sa madalas na pagdalaw moh sa page koh lately.. i appreciate it.. thanks den don sa mga nakakatuwagn shinare mong quotes... and hmm.... 'ur pretty good in composing lyrics... if it somethin' dat u really wanna do eh pagpatuloy moh.... so yeah... take care... Godbless! -di
naman---mukhang after a few years...meron nang sikat na composer dito a. imbetahan mo kami sa mga album launches ha. hehe
@shydub............di naman masyado talendted..nagpasa lang naman ako ng demo tape ng ilang kong composed na kanta..okey add din po kita sa blog list ko..salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..
@Dhianz.........walang anuman po iyon..ganun po ako lalo kapag may new post ako halos lahat ng nasa blog list ko at iba pa ay pinapadalhan ko ng message sa chatbox nila..at siyempre ay kasama ka na..ayos din ang mga kowts mo na binasa ko..mahilig ka rin pala sa mga ganun na kowts..yah, mas hilig ko talaga noon pa man ang mag composed ng mga kanta..
@PUSANG-kalye..........sana nga ay mangyari iyon..sure naman pag mangyari na may maaawit composed kong kanta ay ipaalam ko sa iba na mga bloggers..kasama ka na siyempre kasi nasa blog list kita..
Post a Comment