SIOPAO BOY
Ni: Arvin U. de la Peña
Siya si Siopao boy. Iyon ang tawag sa kanya. Hindi naman siya mukhang siopao at lalong hindi siya mahilig kumain ng siopao dahil wala siyang masyadong pambili. Isa lang siya sa napakaraming driver ng pedicab. Umiikot siya sa mga kalye para maghanap ng pasahero. Mahirap talaga ang trabaho niya. Bukod sa madami ring katulad niyang driver ng pedicab ay madalas maglakad na lang ang mga tao sa nais puntahan para makatipid. Sa madaling salita ay mailap ang pera para sa katulad niya.
Kapag tanghaling tapat at mainit ang panahon ay madalas makita ko si Siopao boy. Sa ilalim ng puno ng narra sa plaza. Tumatambay siya at nagpapahinga. Marami ring katulad niya ang gumaganun. Dahil siguro sa pagod sa pamamasada kaya ganun ang ginagawa.
Kung tumatambay naman ako sa bilyaran minsan ay nakikita ko rin doon si Siopao boy. Naglalaro din siya ng bilyar. Madalas ay talo siya. Hindi kasi siya magaling magbilyar. May hilig lang siyang maglaro ng bilyar. At pag aalis na dahil natalo ay pagkakantiyawan pa na "balik ka siopao boy, mamasada ka muna." Tapos magkakatawanan na ang ibang mga tao.
Hindi ko masyadong kilala ang uri ng pagkatao niya. Minsan isang gabi lasing ako galing sa barkada at pauwi na mag-isa ng makita ko siya namamasada pa. Tinawag ko siya para ako ay sumakay pauwi sa amin. Pero ng makadaan kami sa inuman ng beer ay sinabi ko sa kanya na mag-inuman muna kami. Ako ang sagot sa bayad at pumayag naman siya.
Nakakadalawang bote na kami ng beer ng magkuwento siya tungkol sa pamilya niya. Kinamumuhian daw niya ang kanyang ama dahil iniwan sila. Dalawa silang magkapatid at siya ang panganay. Limang taong gulang siya at ang kapatid niya ay dalawang taon ng lumayas ang ama niya para sumama sa ibang babae. Hindi raw talaga matanggap ng ina niya na iniwanan sila. Lalo na at maliit pa silang magkapatid. Ang ina raw niya ay isang labandera. Kapag may nagpapalaba ay diyan lang nagkakapera. At ang isa niyang kapatid ay nasa bahay lang dahil nalumpo noong bata pa dahil nagkasakit. Hindi raw makapagtrabaho. Kayod daw siya ng kayod para magkaroon sila ng pambili ng bigas at pagkain. Wala rin daw iba na tumutulong sa pamilya nila kundi ang kanilang sarili. Nang tanungin ko naman siya bakit siya naglalaro ng bilyar at madalas ay matalo pa ang sagot niya ay sobra lang daw iyon sa dapat niyang kitain sa isang araw. Kahit pa siya ay natatalo ay magkakaroon pa naman siya ng pera dahil sa pamamasada. Nakakapagod nga lang daw. Sariling pedicab na daw niya iyon. Naipundar niya dahil sa bawat araw ay nagbibigay siya ng pera sa kinuhaan niya ng pedicab hanggang sa makumpleto ang halaga ng pedicab.
Madami siyang naikuwento sa akin. Ang nakaantig ng aking damdamin ay ng magsalita siya na "bakit kailangan pa na ikasal ang nag-iibigan kung maghihiwalay rin lang." Doon ay nalaman ko na kasal pala ang mga magulang niya. Pero nabalewala lang ang sacrament of marriage na nangyari sa kanila.
Nang makaubos na kami ng tig limang bote ng beer ay nagpasya na akong umuwi na kami pagkatapos kong bayaran ang halaga ng ininom namin kasama na ang pulutan. Habang pauwi na kami ang nasa isip ko ay dapat di matulad ang pamilya ko sa pamilya nina Siopao boy o kaya ng ibang pamilya na nagiging broken family. Ayoko dumating iyong panahon na malalaman ko na ang aking anak ay namamasada ng pedicab at ang ina niya ay labandera. Samantalang ako ay nasa ibang babae at maayos ang kalagayan.
Pag-uwi ko ay agad niyakap ko ang aking asawa na natutulog katabi ang isang taong gulang namin na anak. Paggising niya ay doon lumuha ako at sinabi ang mga kasalanan ko na kahit kasal kami ay may iba akong babae na nagkakamabutihan na rin at balak ng umalis sa lugar para sa kanya ay sumama. Sinabayan niya ako sa pagluha at sinabi niya na nahahalata na rin niya iyon sa akin dahil sa mga kuwento pero ayaw lang daw niya akong komprontahin dahil baka lumala pa at maging dahilan ng paghihiwalay namin. Pinatawad niya ako ng gabing iyon. Masaya kaming natulog na magkatabi kasama ang aming anak.
Kinabukasan ay agad pinuntahan ko ang aking ibang babae sa bahay nila na siya lang mag-isa dahil ang mga magulang niya at mga kapatid ay nasa Amerika. At doon din ay sinabi ko na ayoko na sa kanya. Tinatapos ko na ang aming bawal na relasyon dahil ayoko na masira ang aking pamilya. Kakayanin ko na magtiis at magsakripisyo para di lang kami maging broken family. Sinabi ko rin sa kanya na magiging matiwasay nga ang pamumuhay namin pero konsensya ko kung maiisip na naghihirap ang aking asawa at anak na wala ako sa kanila. Naunawaan naman niya ako at sinabi kong salamat na lang sa lahat.
Pagtalikod ko para umalis na ay tinawag niya ako. Humiling siya na sa huling pagkakataon daw ay magtalik kami. Pinagbigyan ko naman siya. Umaatikabong pagtatalik ang naganap sa amin na huli na talaga. Lahat na posisyon at pagpapaligaya ay ginawa namin para maging memorable talaga ang huling pagtatalik namin. Nag umpisa ang aming pagtatalik sa sofa nila hanggang sa humantong kami sa kuwarto niya. Nang matapos na kaming magtalik ay may kinuha siya sa kanyang bag. Iniabot niya sa akin ang pera at sinabing labinlimang libong piso daw . Tulong daw niya sa amin. Nang sinabi ko sa kanya na malaki ang halagang bigay niya ang sagot niya ay ayos lang daw iyon. Pinapadalhan naman siya lagi ng pera ng kanyang mga magulang. At isa pa raw pagkatapos niyang maggraduate sa susunod na taon ay pupunta na rin siya ng Amerika. Tinanggap ko ang pera kasi malaking tulong iyon sa aking pamilya at nagpasalamat ako sa kanya. Mahigpit ko siyang niyakap.
Bago ko isara ang pinto dahil uuwi na ako ay nilingon ko muna siya. Kita ko sa mukha niya ang lungkot sa sarili at may kaunting luha pa sa kanyang mga mata. Pagtalikod ko ay sinabi ko sa sarili ko na sa kabanata ng buhay ko hanggang sa magwakas ay itutuon ko na lang ang aking atensyon sa aking asawa at anak. Kung hindi pa dahil kay Siopao boy siguro ay hindi ako matatauhan.
Salamat Siopao boy.

70 comments:
nagulantang ako dito.
yun lang ang masaasabi ko.
:P
nakaka-relate ako sa life story ni siopao boy. sa isang punto, pwede na akong maiyak.
teka, totoo ba talaga ito?
@gege..........ganun ba..hehe..parang na shock ka sa kuwento na ito......siyempre marelate mo ito kasi lahat tayo ay kumakain ng siopao tapos ang kuwento ang pamagat ay may salita pang siopao...
@Vladimir Buendia...........huwag ka naman umiyak..siguro naman ay naantig ang damdamin mo o puso mo sa sinulat kong ito..hehe..huwag ka iiyak ha dahil sa sinulat kong ito..
ganun?! jejejejeje... naku naku kapag katabi kita ay binatukan na kita sa ginawa mong pakikipagmabutihan sa iba kahit may asawa ka na... jijijijij... ang stand ko kasi dyan magloko ka na habang wala ka pang karga pero kapag meron na ay ayusin mo na buhay mo... jijijijiji
@I am Xprosaic..........di ko napigilan ang sarili ko na hindi umibig sa isang kolehiyala kahit na may asawa na ako at anak..hehe..naseksihan kasi ako sa kanya masyado..masayang alaala na lang sa akin ang natitira na dulot niya..di na ako uulit sa pambababae..hehe..
ang lungkot ng buhay niya...
naka-relate rin ako.. :(
i like the story..
take care and God bless! :D
ummm... nakakatakot magsalita ng tapos...ayokong din na sisihin ka..dahil tao din ako at baka biglang magbiro din ang tadhana at ako'y humantong sa mga nagawa mo...
wala pa akong asawa ngayon...pero sobrang 5 taon na kaming magkasingtahan...sa loob ng mga taong iyon at sa kabila na nagkakahiwalay kami dahil kailangan nyang magtrabaho sa ibang bansa...sinisikap kong maging tapat sa kanya... bakit? ipinangako ko na kasi iyon sa sarili ko na sya lamang ang mamahalin ko...sna lang wag nmn magbiro ang tadhana... :)
good thing hindi pa naging huli ang lahat para sa iyo...
Kahit sino ay may kuwento. Kahit sino ay maging isang titser. Kahit sino ay maging sariling paninindigan na nabuo dahil sa mga iba-ibang karanasan.
Moral lesson is tayo ay tayo dahil sa mga pinaggagawa natin noon at ngayon.
ako din ngulat. ahihi.
totoo ba ito?
Charge to experience nalang at huwag mong uulitin.. hehehe
wow! that is amazing.. galing.. did you really had a chance to know his life huh.. wow!
@nice............malungkot nga ang buhay ni siopao boy kasi sila lang mag ina at kapatid ang nagtutulungan para mabuhay..walang iba kasi na tumutulong sa kanila..kayod ng kayod si siopao boy magkapera lang..umuulan at umaraw ay nagdradrive ng pedicab..
@supergulaman...............mabuti at ikaw ay tapat talaga sa iyong kasintahan..sana ay hindi ka madarang sa ibang babae..ipagpatuloy mo ang pagmamahal sa nag iisang babae sa buhay mo..hindi ka sana matukso sa ibang babae na baka maging dahilan pa para kayo ay maghiwalay..
@Glampinoy.........salamat sa iyong sinabi..tama ka..ang mga nakaraan na nangyari ay nangyayari rin talaga sa ibang tao..tayo mismo ang gumagawa ng sarili nating desisyon na ang desisyon natin ay nagawa na minsan ng isang tao..
@KESO.............parang nakakagulat nga ang kuwentong ito.....ang kuwento ito ay maaaring nangyari na rin sa iba..
@eden...........oo nga eh..salamat sa paalala mo..sana ay di na ako matukso pa sa ibang babae..
@tim...........thanks at napa wow ka sa sinulat kong ito.....iyong pagkakataon lang na nagkainuman kami nalaman ko ang buhay niya at tungkol sa kanilang pamilya..
anak ng teteng kuya ohh. hardcore. :)) well atleast, bumalik nmn ung bida sa pamilya at nagsisi.. salamat sa siopao boy.. dapat ata sknia mu ibigay ung kinse mil. hahaha!
pag nakikita ko mga tao na katulad nya narerealize ko na ang ganito--- me isang malaking tinapay at me 1 milyong katao. unahan ng kuha ng share sa tinapay. pagalingan ng skill---- patay ka kung wala kang skill.
Hindi ko alam kung ang kwento mo ay true to life o kathang isip lamang. Pero ang hinuha ko ay true to life. Tapos iniugnay ko ito sa huli mong post na broken hearted ka at naghihintay ng pagbabalik ng iyong nililiyag. Ngayon ang katutuhanan ay meron ka nang pamilya at may anak pero meron kang ibang karelasyon na plano mo nang pakisamahan at iwanan ang sarili mong pamilya. Natauhan ka lamang nang marinig mo ang buhay ni Boy Siopao. Siguro yun ang paraan ng Diyos para nga matauhan ka. Ganuon kasi ang mga lalaki. Hindi nagkakasya sa sariling pamilya. Kailangan pang makisawsaw sa iba. Sana nga ay tutuong natauhan ka at patatagin mo na ang buhay nyong magpapamilya. Magsikap upang matupad ang mga pangarap at manalangin sa Diyos na sana'y patnubayan kayo sa lahat nyong ginagawa at gagawin pa. Salamat sa makabuluhang salaysay. Pagpalain nawa kayong lahat ng Diyos.
Akala ko kung sinong siopao boy ang guto mong ipakilala sa akin ayon sa iyong komento sa aking site..
Ganun talaga ng gulong ng buhay, may mga sinuwerte at meron din mga kinapos ng swerte.
Ngunit naniniwala ako na ng buhay ay parang gulong, umiikot lang yan, 'ika nga eh, "weder weder lang yan." ngunit dyan nasusukat ang tibay ng loob, hindi dapat na sumuko, kelangan lumaban sa mga pag subok at huwag mawalan ng pag-asa.
tulad ko, lumaki sa hirap, ngunit hindi nawalan ng pag-asa, dating trabahador sa talyer, nagtitinda rin ng tinapay at donut sa lansangan, kasama ko ang isang tao na sobra na ang tanyag ngayon. i know na kilala mo rin siya.
pero teka... tsikboy ka rin pala.. ha ha ha.
Boy, makamandag ka pala! Nagulat ako sa post na ito, all out revelation talaga...sapat na upang matuto sa pagkakamali yun ang mahalaga pero pag inulit mo pa ang pagtataksil mo sa pamilya mo kagaguhan na ang tawag dun...
Tawag ng laman ang madalas na kahinaan nating mga lalake at saludo ako sayo dahil iniwan mo ang iyong kalaguyo sa ngalan ng pagbabago para sa kinabukasan ng pamilya mo.
ganda ng story ng buhay ni Siopao Boy. In some point, medyo nakarelate din ako kase may part sa sinulat mo na totoong nangyari sa buhay ng family ko. T_T
congrats for a very creative writings ^_^
lahat naman tayo ay may kanya kanyang kwentong makaka inspire sa iba. Isnpiring din ang kwento ni siopao boy... may palaisipan syang maiiwan sa yo. Bakit nga ba kailangan ikasal no? broken family din kami pero di ko kinagalit yun sa parents ko dahil di naman nila kami pinabayaan... Pasalamat lang siguro ako dahil di nila iniwan ang responsibilidad nila sa amin.
Good for you.. well sana ay hindi ka matukso ulit lol.. pero ur just human, sabi nga nila, mahina sa tukso.
Pero lam mo medyo naguluhan ako at na-shock kasi akala ko single ka pa lang.. parang may nabasa ako dati na may hinihintay kang mahal mo.. kailangan ko nga siguro mag backread sa previous posts mo lol
buti namn natauhan ka...
pahalagahan mo pamilya mo...
salamat nga kay siopao boy..
O di sige andyan na at nagyari na.. magpakabait ka na kawawa naman si Mrs kung lagi na lang nagpapatawad sa mga kasalanan mo at kung di ka matuto. Hulog ng Diyos si Boy Siopaw para ikaw ay matauhan. (tutuo ba talaga ito? ...
i wonder whats the point of having a wife if the husband sleeps with someone else....
wawa nmn si siopao boy :( o ung mga lalake dyan o...ahehehe
naku arvin dapat stick to one lang
@iisaw=)...........parang may hardcore nga..di ko lang sinulat ang mga malalaswang salita, hehe..ganun ba..di ko alam kung bibigyan kita ng share sa binigay ng naging kalaguyo ko..hehe..
@PUSANG-kalye..........ganun ba..dapat pala marami ang skill..gaano kalaki ang tinapay na iyon..parang nalilito ako ano ibig mong sabihin..ibig mo bang sabihin ay ang kabuhayan ng mga pilipino na dapat para mabuhay ay may abilidad o skill..
@Mel Avila Alarilla..........magaling ka mag analize..yah natauhan nga ako dahil kay siopao boy..malaki ang pasasalamat ko sa kanya kasi kung hindi dahil sa kanya baka wala na ako sa piling ng babaeng pinakasalan ko, hehe.....salamat at ikaw din sana pagpalain pa ng diyos..tao lang tayo na natutukso din..
@Alkapon........agree din ako sa sinabi mo na ang buhay natin ay umiikot sa kung saan..minsan sa kung saan tayo masaya ay doon tayo at kapag nagsawa na sa kasiyahan na nadarama ay lilipat naman..life is cycle sabi nga.......ikaw din siguro naman ay tsikboy din..hehe..
@Jag...........hindi naman siguro ako makamandag,hehe.....yup tama ka na may mga tao na mahina talaga sa tukso at madaling madarang..tulad ko ay natukso pero ngayon ay nagbabago na..hindi na ako iibig pa sa ibang babae..
@Bambie dear.........mabuti at kahit naging broken family kayo ay hindi kayo pinabayaan..iyon ang isang nakakaganda rin sa naghihiwalay na mag asawa ang hindi talikuran ang kanilang mga anak..kapag hindi kasi sinuportahan ay kawawa ang mga anak..sana nga ay hindi na ako matukso pa..
@fiel-kun..........salamat at nagandahan ka rin sa sinulat kong kuwento na ito..ibig mo bang sabihin may totoong nangyari sa buhay mo na base sa sinulat kong ito..huwag mong sabihin ay naghiwalay din dati ang parents mo at nagbalikan..o kaya huwag mong sabihin na may naging kalaguyo din dati ang father mo..hehe..
@chuwie..........oo nga eh, malaki talaga ang pasasalamat ko kay siopao boy..nagsisisi na ako..di ko na talaga uulitin na makipagrelasyon sa ibang babae..
@Nanaybelen..........magpapakabait na talaga ako..makukuntento na lang ako sa isa..hehe..mahirap nga lang tanggihan kapag palay na ang lumalapit sa manok..sana ay di na talaga ako matukso pa..
@Francesca.........ang punto doon ay parang hindi na siya kuntento sa wife niya kaya ay nakikitulog sa ibang babae..kumbaga sa ulam ay masarap kapag maraming putahe ang kinakain..madami pong mga lalaki na may asawa na ang gumaganun..ang iba ay pumupunta sa mga night club tapos doon ay kukuha ng babae para makasiping..
@Aika..........kawawa nga siya kasi umulan at umaraw ay kayod siya ng kayod sa pag drive ng pedicab para magkapera..para may makain..di lang naman siya ang ganun ang uri ng trabaho..madami rin naman sila..
naku Arvin..talaga lang ha.. pramis ba yan? di ka na uulit?
Ang totoo, tungkol sa martial law, well di naman kami affected saka normal pa rin naman... pumunta ako Gen. San. ok lang din normal lang... di naman kasi big deal ang mga ganyan dito... well blame it to media hype but I can still say na peaceful pa din dito... jijijijiji...
kala ko nung una isa lang to sa mga kwento na parati mong nababasa.
pero hanep. malaman.
tulad ng siopao na special!
stig. galing. :]
@nancy.........opo di na ako uulit..ang iniwasan ko na kung sasama ako sa kanya ay tiyak magiging maayos ang buhay namin..maaari pa akong makapunta ng amerika..pero mas pinili ko ang babaeng pinakasalan ko..salamat talaga kay siopao boy..pero kung artista na babae baka umulit pa ako, hehe..
@I am Xprosaic..........mabuti naman at peaceful diyan sa inyo..ang media kasi minsan ang siyang nagpapalala sa mga balita..pero nakakatakot pa rin kasi baka ang martial law sa maguindanao ay patikim pa lang yun para mag deklara pa ng martial law sa ibang lugar..
@jeszieBoy............salamat sa iyong pagbabasa..masarap nga ang siopao na espesyal..sarap kumain ng ganun na may kasamang coke..
WOW! Maraming salamat kay kuya siopao boy! At saludo ako sa ginawa mo kuya! Nagsakripisyo ka para lang sa iyong pamilya! Magaling!
Tapos nagulantang ako sa last ko na nabasa...=]
Napadalaw lang uli parekoy...buti nmn at may resolution ka na khit d pa sumapit ang bagong taon jijiji...
hello there... i really want to expand my blog and get to know new blog friends, care to ex-link and follow my blog... after publishing this note, i will follow yours right away!
Shocking ito! Hahaha. Pero sabi nga nila lahat ng tao simple man o may propesyon ay pwdng maging leksyon at halimbawa sa isang tao. Kahit ang napaka-simpleng tao ay pwdng maging teacher ng isang taong may pagkakamali sa kanyang buhay. Nice post. ;D
Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy
Naks! Pti si Siopao Boy...
Nagnenet kaya iyan?
nakakaantig nman sa puso ang kwento mo at kay siopao boy. Salamt sayo sana tuloy2x na ang yung pagbabago at pagmahal ng tunay sa pamilya mo alam kong minsan tayo ay madapa at ma temp sa ibang bagay o tao pero ano man yun importanti isapuso natin ang pagtayo at pagbabago. GOD BLESS SAYO NAKUKUNAN NG MAGANDANG ARAL ANG KUWENTO MO....
wow sana naman d ka na ulit matukso, its good na tinapos mo na ung relasyon mo.....sana mag tuloy tuloy na..ingats lagi..God bless
Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin dahil mahirap magsalita kung hindi ikaw mismo ang nasa sitwasyon... In fairness sa asawa mo, mahal ka talaga nya dahil pinatawad ka nya at hindi sya bumitaw sa'yo...
Masakit mapagtaksilan ngunit kailangan din isipin na mabuti ang ginawa mong pagputol sa iyaong bawal na relasyon...
salamat sa pagbisita...
Women
Abbeymae
Mom
@Mister Llama..........oo talagang sinakripisyo ko ang maaaring magandang bukas na naghihintay sa akin kung tuluyan kaming magsasama ng naging kalaguyo ko..di ko talaga matiis na maging kagaya ang pamilya ko sa pamilya ni siopao boy;..
@Jag.............salamat sa muling pagdalaw..oo nga may new years resolution na ako..ibang new years resolution kasi involve ang pag ibig..hehe
@Ailee Versoza...........ganun ba..sige add ko ang blog mo sa blog list ko..add mo rin ang blog ko sa blog list mo..
@Solo............nakaka shock nga..yes tama ka sa sinabi mo..kahit hindi guro ay puwedeng magbigay ng aral sa isang tao na may pagkakamali..sa paligid natin ay may mga tao na sa mga salita nila minsan tayo ay naliliwanagan..
@Mangyan Adventurer..........yes pati siopao boy nasali dito sa blog ko..hindi po siya marunong mag internet..
@eleanor...........mabuti at naantig ang damdamin mo sa kuwento kong ito..oo nga lahat tayo ay may pagkakamali sa buhay at minsan iyong ating pagkakamali tayo ay nagsisisi para sa tuluyan na pagbabago..walang ibang sasarap kapag ang isang tao ay nagbago na talaga at iwasan na ang nagawang pagkakamali..sana nga ang iba pang makakabasa ng kuwentong ito na may katulad din ng nangyari sa akin ay magbago na..
@ladyinadvance.......yes, sana nga di na ako matukso sa iba pa..mahirap kasi iwasan ang tukso, hehe..lalo na kapag lasing..ang hirap talaga..God Bless din sa iyo..
@kathy...........yes, mahal niya talaga ako kasi kahit may naririnig na siya sa ibang tao na may karelasyon ako ay hindi niya ako kinompronta..hinayaan niya na ako ang magsabi sa kanya..mahal na mahal niya talaga ako..masakit nga ang mapagtaksilan ng iyong minamahal lalo na kung halos buong buhay mo ay ialay sa kanya..kung hindi dahil kay siopao boy siguro ay hindi ko pinutol ang bawal na pakikipagrelasyon..
hello there.... thanks for dropping by at my blog... yeah, i already added your link as well... hoping for more discussions with you!! take care!
jijijijijii ang martial law kasi ngayon ay ibang iba sa martial law sa time ni marcos dahil ang joint assembly ay may kakayahan na ipawalang bisa ang martial law na dineclare ng pangulo...
@Ailee Versoza.........walang anuman iyon..salamat uli sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..
@I am Xprosaic..........sa palagay mo ba ang martial law ay hanggang sa maguindanao lang..kasi ang iba ay may agam agam na baka sa ibang lugar lalo kapag may gulo ay mag deklara agad ng martial law..ang iba nag iisip na baka pagtagal ay buong bansa ay mag martial law, hehe..
sa aking palagay, kahit di mo na sana sinabi sa asawa mo, subalit itinigil mo na lang ang relasyon nyo ng kolehiyala, mas ok pa. yung doubt na iniwan sa wife, and the pain it caused her, parang mabigat ata. tho, i admire your honesty and guts para sabihin ke misis ang bagay na ito.
meri krismas! add din kita blog roll ko.
`Kuya!! Idol po kita! ^___^
@Chingoy.........mas magiging panatag ang kalooban ko kaya sinabi ko sa kanya ang pakikipagrelasyon ko sa iba..mahirap sa akin kung di ko sabihin kasi parang konsensya iyon na lagi kong dala dala..kaya mas minabuti kong sabihin ang totoo..salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..
@Joemar Neil Romero...........salamat sa pag idol mo sa akin..
Post a Comment