Thursday, December 31, 2009

Balimbing

Wala pong nakasagot sa bugtong. Kapag muli ko iyon ipost ay ibigay ko na ang clue na binigay ng guro namin. Siguro naman kapag may clue na ay may makakasagot na. At kapag wala pa rin nakasagot kahit mayroon ng clue ay ibibigay ko ang kasagutan at paliwanag kung bakit iyon ang sagot sa december. Pamasko ko sa inyo.

"Minsan ang isang politiko ay tumatalon sa ibang partido lalo na kapag alam niyang mahihirapan siyang manalo kapag manatili pa rin sa kanyang partido.


BALIMBING
Ni: Arvin U. de la Peña

Namulat ang isipan ko na sa likod ng bahay namin ay may tanim na balimbing. Marami lagi ang bunga ng balimbing. Kami ng mga kaibigan kong bata din ay madalas kumuha ng balimbing para kainin. Kahit ang iba kong kababata ay may tanim din silang balimbing. Minsan nga kapag recess noong nag-aaral pa ng elementary ay pumupunta kami sa bahay ng aming kaibigan na malapit lang sa paaralan para kumuha ng balimbing. Masarap kumain ng balimbing kapag may kasamang asin.

Nang lumaki na ako at nagkaroon na ng sapat na pag-iisip ay hindi na ako kumain ng balimbing. Nawalan na ako ng gana na kumain ng balimbing. Siguro talagang ganun minsan may pagsasawa tayo sa isang nakakain. Nalaman ko rin na sa mga politiko ay mayroon din palang balimbing. Sila iyong mga politiko na pagkatapos alagaan ng kanilang partido ay lilipat sa iba lalo na kapag alam nilang mahina na ang kanilang partido. Hindi sila nahihiya sa kanilang ginawa na pagkatapos alagaan at papanalunin ay iyon pa ang gagawin.

Ang mga politiko na iyon na balimbing ay noon kapag may kinasangkutan na anomalya ang kanyang kinaaaniban na partido ay pinagtatanggol talaga. Pinagtatakpan ang baho ng kanyang partido. Sa madaling salita ay pinagtatanggol lagi ang kakampi na tao sa partido kung iyon man ay may ginawang hindi tama o kaya ay labag sa batas. Pero kapag umalis na sa partido ay isisiwalat na ang totoong nangyari. Subalit hindi na pinapansin ang mga ibinulgar nila sa dati nilang partido. Kasi sabi nga "it is too late to be hero".

Mahirap alamin kung ang isang politiko ay magiging balimbing. Hindi katulad ng tanim na balimbing na ang bunga ay talagang balimbing ang tawag.

Akala ko noong bata lang ako makakakain ng balimbing. Ngayong malaki na ako ay nakakain din pala ako ng balimbing. Kasi may mga ibinoto akong politiko na naging balimbing.

Kayo kumakain din ba kayo ng balimbing?

67 comments:

Xprosaic said...

Ahahahahahahah eto na nga! jijijijiji...

Ayos base pala ako! jijijijiji

Unknown said...

ano ung palimbing. palaisipan sakin un. hmmm.. o naisali mo lang sa post mo? by the way. Galing. Keep posting! More power! sino na bang pulitiko ngaun ang maituturing na balimbing?

Nice Salcedo said...

hmmm...hindi pa ako nakatikim ng balimbing...sana makatikim ako niyan..anong lasa nun? :)

Happy New Year! Maligayang bagong taon! 2010!

Arvin U. de la Peña said...

@I am Xprosaic.......oo ito na nga..pero na badtrip ako..kasi post ko ito january 1 at almost 2 pm..di ko namalayan na ang makita na petsa ay december 31 pa rin..kung alam ko lang ay di ko muna ipost..naisahan ako dahil dito..parang i'm a victim of my own carelessness..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu...............yah, kasi talagang ganun ang mga politiko..palipat lipat ng partido..kung saan alam nila ay may pag asa sila sa lilipatan nila ay doon sila..salamat award mo sa akin..ha..talaga..masarap ang balimbing..try mo kaya magtanong sino ang may tanim na balimbing at tumikim ka..

Arvin U. de la Peña said...

@glennforblog........ang balimbing ay isang tanim na ang bunga ay nakakain..sa mga politiko ay may tinatawag din na balimbing..madami pong politiko na naging balimbing..lumipat ng ibang partido..ang iba pa nga palipat lipat..di ako magsasabi kung sino..salamat sa iyo..more power din sa iyo diyan..

Enhenyero said...

okay lang naman basta for the common good, pero kung personal gains lang huwag na lang hayaan pang mamunga.

Arvin U. de la Peña said...

@nice...........masarap po ang balimbing..sana makatikim ka na niyan..wala bang may tanim sa inyong lugar ng balimbing..happy new year din sa iyo..

Arvin U. de la Peña said...

@I AM ENHENYERO, AND THIS IS MY BLOGS.........para sa mga politiko ang pag lipat ng partido ay para sa ikabubuti nila..para sa pansariling interes talaga ang lahat..habang may nakukuha sila sa kanilang partido ay hindi sila lilipat..pero kapag wala na at alam nilang babagsak sila kung mananatili pa ay lilipat sila..sad to say ay tinatanggap pa ng ibang partido..

eden said...

haaayyy, tagal ko ng di nakatikim ng balimbing. sarap yan with a little bit of salt..hehehe

thanks nga pala sa comment sa new post ko.

Happy New Year

Kablogie said...

Arvin Happy New Year! Naway kumpleto pa ang daliri mo ngaun matapos ang putukan kagabi..lols!

Verna Luga said...

oo naman vit. c kaya yon, pero yung symbolic translation syempre hindi ... kawawa naman yung puno kahit maganda yung naidulot sa katawan, napasama ang tingin ng tao!

bisitahin mu naman ... utang na loob! nyahahahah!

www.anythingdavao.blogspot.com

JTG (Misalyn) said...

Kung ang pag uusapan ay maidudulot ng palimbing na prutas per se, rich in vit c yan.

Para naman sa mga plitiko, ahhh marami nyan. Hindi na halos mabilang. Kahit sa pang araw-araw nating pamumuhay marami tayong mai-encounter na mga balimbing na kaibigan, kakilala at katrabaho.

Happy New Year Arvin. Wishing you a wonderful year filled with love, peace, harmony and good health, as well as more of your poetry :)

Jag said...

ang prutas n balimbing ba ay simbolo ng disloyalty?

strategy ng mga kumakandidato un pra manalo. Alam mo nmn sa atin popularity ang binabasehan...jan ako naiinis! hayz!

Pero masarap ang prutas n balimbing. Miss ko nang kumain nun...

Jag said...

at inextend mo p tlga parekoy ang sakit ng ulo nmin dun sa bugtong mo jijiji...mgclue n kc hehehe...

Glampinoy said...

Happy new year! Maraming balimbing sa Pinas dahil sa waek na political party system.

Meryl (proud pinay) said...

hmmm. di pa ako nakakain ng balimbing...kapag nag bakasyon ako sa pinas...try ko yan...

by the way, May you have a fruitful New Year! ^_^

kathy said...

Hay sarap naman ng balimbing.. Sana maka-uwi na kami jan para naman makatikim na naman ako ng mga prutas na na-miss ko nang kainin... Happy New Year Arvin!

Maria Catherine said...

Tagalog na tagalog..my god. lol
&& yep kumakain po ako ng balimbing. Miss the juicy goodness. lol

Arvin U. de la Peña said...

@eden...........kumakain ka rin pala ng balimbing..ic, pero mas masarap naman siguro ang mga prutas diyan sa lugar mo ngayon..yah, masarap talagang kumain ng balimbing kapag may asin..minsan pa nga noon kapag kumakain ako noong kabataan pa ay slice ko ang balimbing..happy new year din sa iyo..

Arvin U. de la Peña said...

@Kablogie........happy new year din sa iyo..kumpleto po ang mga daliri ko kasi nag iingat talaga ako sa mga paputok..ikaw kumusta naman ang new year mo diyan..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz..........vitamin c nga ang balimbing..tama ka kahit masarap nga ang balimbing pero pagdating sa mga politiko ay parang nakakadiri,hehe..alam mo naman dito sa atin..kahit pa nga siguro sa ibang lugar..pagdating sa politika lahat ay gagawin..kung kailangan maging balimbing ay gagawin..sure bisitahin kita diyan..

Arvin U. de la Peña said...

@Misalyn..............opo marami ngang balimbing na mga politiko..at tama ka na hindi na mabilang..kahit iyong mga kandidato ngayon sa halalan marami ang balimbing sa kanila..mula sa ibang partido ay lumipat sa iba..for personal interes ang lahat kung bakit nila iyon ginagawa..happy new year din sa iyo..thanks sa message mo..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag........hindi naman po siguro simbolo ng disloyalty ang prutas na balimbing kasi ang balimbing ay prutas na iyon wala pang mga politiko o wala pa ang politics..yup, tama ka strategy nga nila iyon..kung saan mabango ang partido ay doon ang politiko..masarap nga ang balimbing..pag uwi mo tiyak kakain ka ng balimbing dahil sa post kong ito,hehe..haha....oo extend ng ang pagbigay ko ng kaunting sakit ng ulo sa inyo..happy new year..

Arvin U. de la Peña said...

@Glampinoy..........happy new year din sa iyo..tama ka..ang ganun na sistema ay hindi na siguro mag iiba..hindi mabuti ang political system natin dito kasi iyong nahahalal na opisyal ay minsan gumagawa ng hindi maganda dahil na rin sa kagustuhan ng iba..what i mean ay sinusulsulan ng ibang tao na malakas din..halimbawa na lang ay bigyan ng pera kapalit ng pag pirma para sa isang proyekto o ano pa kahit labag sa batas o kahit ang itatayo sa proyekto ay marami ang madadamay dahil halimbawa may mga paaalisin na mga nakatira..

Arvin U. de la Peña said...

@Meryl...........ganun, noong kabataan mo ay hindi ka ba nakatikim ng balimbing..ang daming may tanim na balimbing dito sa Pilipinas..sige pag uwi mo try mo tumikim ng balimbing..dapat pag kain mo ay may kasamang asin..happy new year din sa iyo..

Arvin U. de la Peña said...

@kathy...........masarap nga ang balimbing..dapat before ka umuwi ay magsabi ka na sa inyo na maghanda ng balimbing kasi gusto mong kumain nun..ic..miss mo na pala ang mga prutas dito..siguro naman marami rin mga prutas diyan hindi nga lang katulad ng dito sa atin..happy new year din sa iyo..

Arvin U. de la Peña said...

@Maria Catherine..........yes, ganun kasi ang hilig kong sulatin iyong naiintindihan talaga ng nakakabasa..mga pinoy din kasi halos ang mga bumibisita sa blog ko kaya i like writing tagalog..kumakain ka rin pala ng balimbing..siguro may ibinoto ka na ring politiko na naging balimbing..hehe..joke..

Grace said...

Haay naku, Arvin, the word "Balimbing" alone... nangangasim na ako. May nakita akong balimbing dito sa Asian store, hindi ako bumili. Hindi ko naman kasi type yung mga maaasim eh.
So, balimbing na ba ang sagot sa bugtong mo? (he-he-he)
May you have a prosperous, joy-filled "new" year. :)

Verna Luga said...

Arvs, add na rin kita sa link ko... matanong kulang .. bakit englis ang title mu? (no offense meant ha!) etsoserang palaka lang ... heheheh! kasi tagalog lahat ng entry.

wag ka galit ha... (heeheheh)

Arvin U. de la Peña said...

@Hi! I'm Grace.........huwag mong sabihin hindi ka pa nakakakain ng balimbing..bakit ayaw mong kumain ng balimbing na hindi naman maasim ang balimbing..puwede ka naman kumain ng balimbing kahit walang kasamang asin..hindi po balimbing ang sagot sa bugtong..happy new year uli sa iyo..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz..............english ang title ng blog ko kasi maganda iyong WRITTEN FEELINGS......kaysa sa SINULAT NA NARARAMDAMAN..hehe..may mga english din po akong post sa blog ko kaya lang ay kaunti lang..tingnan mo ang mga post ko at may makita kang english na sinulat ko..napakadami na nga lang ng post ko kaya baka matagalan ka ng ilang minuto bago mo makita..salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..walang anuman iyon..okey lang sa akin..no heart feelings..

fiel-kun said...

aww, namiss ko nang kumain ng balimbing. wala na akong makitang puno nyan dito samin ngayon...

nice poem arvin ^^ tamang-tama ang tema sa nalalapit na election this May 2010!

ang balimbing, bow!

anney said...

Happy 2010!

Andrei Alba said...

pwede mo ba akong patikimin?

Unknown said...

wow, sarap nmn yan.. hehehehe.. wow, buti nmn ng post k n ulit.

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun............ganun ba..dito sa amin ay marami ang may tanim na balimbing..pero minsan na lang ako kumain..hindi katulad noong kabataan pa na madalas..siguro nga nababagay ang post kong ito sa papalapit na halalan kasi madaming balimbing na mga politiko ang kakandidato..ikaw siguro ay may iboboto ka ring politiko na naging balimbing..

Arvin U. de la Peña said...

@Anney.......ganun din sa iyo..kumain ka na ba ng balimbing..

Arvin U. de la Peña said...

@Andrei...........puwede naman pero diyan sa inyong lugar ay tiyak may balimbing diyan na tanim..pero kung nasa ibang bansa ka ay ewan di ko alam kung mayroon..

Arvin U. de la Peña said...

@tim...........yup, masarap nga ang balimbing..oo nag post ako uli kasi 2010 na..pero ang masakit nga lang ang umappear na petsa sa pag post ay december 31, 2009..post ko itong balimbing ay january 1, at almost 2 pm..di ko kasi napansin na december 31 ang aapear na petsa..nalaman ko na lang sobra isang oras ng muli kong tingnan pagkatapos kong mag ikot ikot sa ibang blog at mag message..ayun ng tingnan ko ang blog ay may mga comment na..kaya wala ng pag asa pa na ba ibahin ang araw ng pag post kasi may nag comment na..bad trip nga,hehe..

Anonymous said...

Ako ay mula sa Indonesia, Sorry kung ako ay mali Bansa
Mayroon akong lumang star punong prutas sa harap ng bahay ko na ay kapaki-pakinabang seepanjang oras.
Ako ay palaging panatilihin ang aking starfruit puno ng sabay-sabay upang mabawasan ang epekto ng global warming

Abie said...

hi, happy new year :). nice post arvin. btw care 2 x link? i was added ur link in my blog (http://www.nailshitter.com). link back please. thx

Mel Avila Alarilla said...

Mas malaki ang kasalanan ng mga mamboboto sa nagaganap na karakter nang mga pulitiko. Habang umiiral ang tinatawag na patronage politics ay hindi mababago ang sistema nang eleksyon at kalidad nang mga kandidato. Karamihan sa mga botante lalo na yung mahihirap ay ibinebenta ang kanilang boto. At pag nanalo na at nakaupo ang opisyal ay simula na nang mahabang pila nang panghihingi nang botante sa halos lahat nang kanilang pangangailangan. Saan kukunin nang halal na opisyal ang lahat nang ipinamumudmud niya kundi sa kaban din nang bayan. Habang umaasta tayong pulubi at nabubuhay sa panghihingi ay hindi uunlad ang ating bansa at hindi rin mababago ang sistema nang ating pulitika at gobyerno. Yung mga honest na tao at walang pondo ay halos imposibleng manalo at kung manalo man ay mapipilitang mangurakot mapagbigyan lang ang walang katapusang pila nang humihingi sa kanya. Ganun kasi tayo as a whole. Tamad, walang disiplina at pagmmahal sa ating bayan. Ibibenta maski kaluluwa magkapera lamang at may maipantustus sa mga bisyo. Pero pag nasa labas na nang bansa ay makikita mo ang sipag at tiyaga nang Filipino. Salamat sa artikulo. God bless you always.

Renz said...

mahusay,,
ang ganda ng pagkahambing sa balimbing na prutas at tao. Kahit hindi pa ako botante, namumulat na ako sa anumalyang nangyayari sa Pinas.

woah..galing

happi new year pala..ngayon lang ako nakablog :D

Chyng said...

Kala ko naman may sagot na sa bugtong. hehe

fiel-kun said...

@arvin:
umm, di ko sure kung naging balimbing din yung iboboto ko sa halalan... cguro i need to research more about him.

gege said...

grabe talaga sa x-mas pa ang kasagutan..
haha!
galing mu dun kuya arvin!
:P
ay, hindi pa rin ako nakakatikim ng balimbing...
sino kaya ang boboto ko???
haaaayst.
first time voter pa naman ako...

:P

Nanaybelen said...

Masarap ang balimbing kaya nagka-post pa ako tungkol sa balimbing last November.

Balimbing na politiko? Si Loren Legarda at Villar ang number one na Balimbing Hahaha!!

anney said...

Hi! I already added you to my blog list! Have a great week!

FaYe said...

hi! alvin just dropping by.have a nice sunday!

Arvin U. de la Peña said...

@superstore.............malayo ka nga..okey panatilihin mong maganda ang starfruit mo para naman may pakinabang talaga..nararamdaman na nga natin ang epekto ng global warming na iyan..kapag bumoto ka ay dapat iyong hindi naging balimbing,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Abie.........happy new year din sa iyo..salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..add din kita..opo puntahan kita sa blog mo..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla.............marahil ay tama ang sinabi mo na kasalanan rin ng mga botante kung bakit ang naupong ibinoto nila ay nangurakot..natural po na ang isang politiko kung magkano ang ginasto niya sa halalan ay babawiin niya sa pamamagitan ng pangungurakot sa kung saan siyang lugar naglilingkod..kung susundin talaga ang batas ay kauti lang ang suweldo ng halal na opisyal pero sa kapag halalan ay nakakaya nilang gumasto ng malaki..may bilihan po talaga ng boto..ang botante ay siyempre tatanggap ng pera kapalit ng boto kasi malaking tulong na rin iyon sa kanila at isa pa ay hindi naman sila magkakatrabaho sa munisipyo sakali na manalo ang ibinoto nila..kaya ang ginagawa ay tumatanggap na lang ng pera kapalit ng boto..ang ganung bagay ay hindi na talaga mababago..kahit sino pa ang maging presidente ng ating bansa ang pagbili ng boto ay nakasanayan na..mahirap ngang manalo ngayon sa halalan kung wala kang pondo..hindi ka mananalo sa halalan kung ang kalaban mo ay malaking pera ang ibinabayad..karamihan ng mga botante ngayon ay kapag halalan ay pera talaga ang habol..sa halalan kasi ay nagkakaroon sila ng pera..lalo na iyong mga ginagawang lider para sila ang manlista ng mga botante na bibilhin ang boto..ang ibang lider ang nililista ay hindi bibigyan ng pera..so dahil doon ay nagkakapera ang lider..paano na lang kung marami siyang nilista tapos hindi bibigyan..ang mga politiko naman ay kapag ganun ay hindi na masyadong pinapansin kasi lalo na kapag rush hour na at dapat mambigay agad ng pera para sila ang iboto..bilang panghuli nais kong sabihin sa iyo na talagang gumagasto ang politiko ng malaki sa halalan kasi mababawi naman nila iyon kapag sila ay naluklok na..

Arvin U. de la Peña said...

@Renz............salamat at nagustuhan mo ito..yup, inihambing ko nga ang balimbing na prutas sa tao..ganun ba hindi ka pa botante..kapag puwede ka ng bumoto dapat ang iboto mo ay iyong sa palagay mo ay magiging mabuting pinuno..para walang pagsisisi sa iyong sarili..

Arvin U. de la Peña said...

@Chyng...........wala pa pong sagot sa bugtong..wala pong nakasagot ng ipost ko iyon..balang araw ay ipost ko iyon na may kasama ng clue..at kapag hindi pa rin nasagot ay ibigay ko ang kasagutan at paliwanag kung bakit iyon ang sagot sa december..pamasko ko sa inyo,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun..........dapat lang na magresearch ka para hindi ka matulad sa akin na kumain din ng balimbing na politiko..kumain na ibig sabihin ay may ibinoto..

Arvin U. de la Peña said...

@gege........opo sa pasko pa ang kasagutan kapag hindi pa rin nasagot kapag muli kong ipost iyon na may clue na..salamat po at nagalingan ka..first time voter ka pala..so gaya ng sinabi ko na ay iboto mo iyong sa palagay mo ay magiging mabuting pinuno..huwag mong pagbasehan ang popularidad..ang pagbasehan mo ay ang track record niya as a politician..

Arvin U. de la Peña said...

@Ayu.........ibig pa lang sabihin ay nanonood ka rin ng one piece......mahaba nga iyon..nanonood ako ng one piece sa youtube kapag may bago..minsan naman sa vcd o dvd para tuloy tuloy..

Arvin U. de la Peña said...

@Nanaybelen...........masarap nga ang balimbing..siguro matagal ka na ring hindi nakakakain ng balimbing..hindi lang silang dalawa kundi marami pa..maraming kandidato ngayon na naging balimbing..mula sa isang partido papunta sa ibang partido..mahihirapan kang pumili kung sino sa kanila ang hindi naging balimbing..

Arvin U. de la Peña said...

@Anney.........thanks for adding my blog to your blog list..add din kita sa blog list ko..

Arvin U. de la Peña said...

@FaYe..........salamat sa pagdalaw mo uli sa blog ko..have a great day also..

Juliet said...

Hi arvin, ang sarap naman nang balimbing mo dyan. kahit saan may balimbing talaga pero mas grabe ang mga politico hindi lang sa atin sa iba ding bansa. pero mas grabe sa atin.

Don said...

hmmn hihirit ako kahit january na...jijijiji... balimbing na nilalabhan??? Happy new year!!!

salamat sa pagdalaw jijijiji

Wanderer Tolentino said...

balimbing uhhmm? i guess nakatikim na ko dati pero di ko matandaan lasa :P

Arvin U. de la Peña said...

@Juliet...........tunay ngang masarap ang balimbing..oo sa ibang bansa rin siguro may ganun din na politiko na pagtagal ay lumilipat ng partido..pero ang dito sa atin ay grabe kasi talamank..aalis talaga at lilipat sa ibang partido kapag naamoy niyang hindi na maganda ang kanyang partido..iyong iba nga kapag umalis na sa partido at paglipas ng ilang taon ay babalik din sa kanyang iniwanan na partido..kahit ganun ay tinatanggap pa rin kasi mga balimbing din naman ang ibang kasamahan,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@donster............mali po ang sagot mo na balimbing na nilalabhan..walang anuman iyon..salamat rin sa pagdalaw..happy new year din sa iyo diyan..

Arvin U. de la Peña said...

@MitsuMikotoChstr............ganun ba..marami naman kasi ang may tanim na balimbing..saang lugar ka ba sa pilipinas..noong kabataan mo siguro nakakain ka na ng balimbing na prutas..at tiyak din may ibinoto ka ng politiko sa ating bansa na naging balimbing o bago pa man iboto ay balimbing na..hehe..