Monday, January 4, 2010

Pakawala

"Sa maruming politika dito sa ating bansa minsan kapag alam ng incumbent sa isang posisyon na malakas ang kalaban niya ay nagpapatakbo siya ng isang tao na katulad din ng posisyon niya at ng kalaban niya para maging tatlo sila. Dahil tatlo na silang kandidato sa iisang posisyon ay malaki na ang tsansa ng incumbent na manalo kasi ang kalaban niya ay mahahati ang boto. Tumbasan pa ng pamimigay ng pera sa mga botante tiyak na talagang panalo ulit siya. Marami ang ganun pero hindi lang masyadong halata pero nararamdaman na pinatakbo lang siya ng incumbent para mahati ang boto ng makakalaban ng incumbent para sa isang posisyon sa gobyerno."
PAKAWALA
Ni: Arvin U. de la Peña

Halata na talaga na ikaw ay pakawala
Manok ng politikong sakim
Na ikaw ay patakbuhin sa halalan
Para siya pa rin ang manalo.

Mukha ka talagang pera
Madali kang masuhulan
Hindi mo inaalintana
Ang kapakanan ng mga mamamayan.

Wala ka talagang konsensya
Hayop kang maituturing
May pinag-aralan ka pa naman
Subalit pera lang ang katapat sa iyo.

Hanggang kailan kang ganyan
Pagiging mukha mong pera hanggang saan
Tigilan mo na sana ang ganyan
Dahil pati ako nandidiri na sa iyo.

48 comments:

Pretsel Maker said...

Meron naman akong kilala. Sa palasyo nakatira. Laruan ng anghel ng kaDiliman. Lahat ng sabihin ng anghel sa kaDiliman susundin. Kaya sa darating na halalan hindi ko iboboto ang ihahalal na manok ng kapilya sa kaDiliman. Sa mga katolikong kapatid ko huwag kayo papaloko sa mga taong sinasabi ko. Kung alam nyo lang kung ano mga ugali nyan nasa kaDiliman na yan

Enhenyero said...

it's about time na talaga na dapat mabago ang sistemang political natin.

Arvin U. de la Peña said...

@Pretsel Maker..........talagang hindi ko iboboto lahat ng manok ng kilala mong nasa palasyo..kilala ko rin iyon..mula ng mapunta iyan sa palasyo kung ano ng kamalasan ang nangyari sa ating bansa pati na ang ekonomiya..lalo na ang kanyang mga kakampi masyadong umaboso..kahit gumawa ng karasahan ay hindi nahahatulan dahil kakampi ang nakatira sa palasyo..ngayon ay sa ibang tirahan na naman maghahangad na tumira pagkatapos ng sa palasyo..anong klaseng tao siya..masyadong sakim talaga..mga adviser niya ganun din siguro katulad niya ang ugali..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu...................salamat sa iyo..tama naman talaga ako kasi may ganun nga..bakit hindi mo ipost ang ginawa mong poem about politics sa blog mo..

Arvin U. de la Peña said...

@I AM ENHENYERO, AND THIS IS MY BLOGS...........panahon na nga para mabago ang tungkol sa politika sa atin..pero sa palagay mo ba ay may pag asa pa kung ang mga nasa posisyon ay ayaw mabago..kasi dahil sa ganito ay nakakapangurakot sila masyado..

Verna Luga said...

... sundutin ko na!

mas takot ako sa magagaling at matalino ...

salamat sa dalaw ...

Unknown said...

totoo lahat ang sinabi mo d2 arvin. sometimes truth really hurts!...aark!

BoyKidlat said...

Gustuhin ko mang umoo at tumango ng aking ulo sa mga talatang binanggit at sinabi mo pero di ko maiwasang mapaisip at itanong sa sarili ko...

sa dami ng reklamo ko at ng mga kababayan ko. may nagawa na ba ako para sa bayan ko? maliban sa maki sigaw, makigulo, at maki simpatya sa mga tao.

nung nag reklamo ako dahil sa mga walang bahay di ko maiwasang isipin, kung may nagawa na ba ako para mag kabahay ang kapwa ko?

nung nanlumo ako sa kawalan ng edukasyon, napapaisip ako, nagawa ko na bang tangkilikin at ayusin ang aking pag aaral?

kapatid, hindi reklamo ang kelangan ng bayan nating mahal, at lalong lalo na hindi walang kwentang gobyerno.

pero ang umpisa ng pag babago, hindi nakasalalay sa isang taong uupo sa palasyo, kundi sa ating lahat ng nakatira sa bayan na to.

-boykidlat.

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz.................may punto ka kasi kapag matalino at magaling kapag may ginawa silang labag sa batas ay malulusutan nila..tingnan mo ang mga nangyayarin ngayon ang mga gumagawa ng di maganda na naiiskandalo talaga at nababalita ay magagaling pero nalulusutan rin nila kasi magaling sila at matalino..kumuha pa ng magaling na abogado lalong makakalusot..kapag magaling kasi marami ang alam..at may alam rin paano malulusutan kung may gawin mang mali..

Arvin U. de la Peña said...

@vonfire............yup,.......salamat sa iyo..ganun kasi iyon eh..at iyon ang katotohanan kapag ang isang incumbent ay nais pang manatili sa posisyon sa gobyerno..

Arvin U. de la Peña said...

@BoyKidlat..............kung bakit ko ito sinulat ay dahil nangyayari ang ganito..hindi ako nagrereklamo kundi nakikisimptiya lang sa ibang mga tao na masyadong ayaw na talaga sa isang politiko pero gusto pa rin na manatili sa posisyon..hindi lang ako kundi iba pa..a good lider is a good example..kung ang pinuno ay hindi mabuti palagay mo ba magiging mabuti rin ang kanyang mga nasasakupan o ang kanyang mga tauhan..

Jag said...

hayz!sana dis year mawala n yang mga totoong salot sa lipunan...sana hindi sila palarin ngayong halalan...

parekoy nasaan n ung clue sa bugtong? hehehe nangungulit lng hehehe...

BoyKidlat said...

ang aking sagot sa tanong mo?

oo. ang pagiging mabuti ay desisyon na ginagawa ng isang tao na nababase sa sarili nyang opinyon.

hindi porket ang kanyang lider ay demonyo pipiliin na nyang maging demonyo din.

binigyan tayo baway isa ng kakayahang mag desisyon. was sana nating ipagkait sa iba ito dahil sila ay nabansagan na ng ating lipunan.

Arvin U. de la Peña said...

@Jag..............sana nga..ngayong halalan ay may mananalo pa rin naman na mga datihan na....hindi nawawala ang mga traditional potitician..tungkol naman sa clue ay huwag kang mag alala at magbibigay din ako kapag post ko uli ang bugtong..

Arvin U. de la Peña said...

@BoyKidlat..............kapag hindi mabuti ang isang lider ay ganun din mahahawa ang kanyang mga tauhan..dahil ang isang lider ay maimpluwensya..paano ka makakakilos na miyembro kung hawak ka sa leeg ng lider..ang gagawin mo na lang ay sumunod sa lider..ang desisyon ng tao ay nababago lalo na kung napopolitika..minsan boboto ka ng yes..pero pagtagal ay babawiin ang boto mong yes..

Dhemz said...

ayay! bato-bato sa langit ang matamaan..wag magagalit...ehhehe!

korek...my gosh...kahit naman saan...lalo na sa pinas madaming salot na polito....lol!

galing naman ng poem mo arvin....thanks for sharing...salamat din sa dalaw...happy new year!

FaYe said...

who are you, a lion or a tiger?hhehhehe!

Pordoy Palaboy said...

agree ako kay vernz na mas nakakatakot yong mga matatalino kasi kayang-kaya nilang manipulahin ang gobyerno. http://jieno-perception.blogspot.com/

edi swarno said...

nice info, realy or not

Rossel said...

hmmm...sa tingin mo sino ang mga pakawala ngayon?

scribbler said...

Pera lang ang katapat nila. Yan ang mga politikong walang prinsipyo.

pusangkalye said...

ang lalim ata nito. hehe. tama. kailangang maging wise din ang mga voters kundi paiikutin ka ng mga pulitikong yan.....hay. lapit na eleksyun

chuwie said...

soObrang rumi talaga ng pulitika..
kaya pinoy vote wisely ngayon halalan 2010..


happy new year ..:)

Grace de Castro said...

happy new year! :)

kg

eden said...

Hi Arvin!

salamat sa dalaw at comment.

agree ako sa iyo. nice poem again..

thanks for sharing your thoughts.

Kablogie said...

Wow..pag lagi ako na bisita sa blog mo patindi ng patindi ang mga tula mo bro! Galing!

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz..............ikaw ha..hmmmmmmmm..bato bato sa langit ang tamaan ay huwag talagang magalit..hehe..talagang maraming salot ng politiko at marami rin ang nagiging salot dahil sa mga politiko..alam mo naman minsan ang isang tao ay inuutusan ng isang politiko na may gawing hindi maganda kaya ayun nagiging salot..walang anuman iyon..share ko talaga ang mga sinulat kong nararamdaman..marami ka pang aabangan na related sa politics..happy new year din sa iyo..

Arvin U. de la Peña said...

@FaYe.............ako gusto kong maging tiger..kasi may sikat na atleta na ang pangalan ay tiger..magaling siyang mag golf...ikaw ano ang gusto mo..

Arvin U. de la Peña said...

@Gino............yup, tama nga siya kasi kapag matalino talaga ay nalulusutan ang nagawang pagkakamali..kaya nga para sa akin ay mabuti iyong lider na walang masyadong alam lalo na sa gobyerno kasi wala siyang masyadong matutunan paano ang pangungurakot,hehe......pero hindi ibig sabihin na hindi niya alam patakbuhin ang gobyerno..

Arvin U. de la Peña said...

@Ronaldoedi..........salamat sa pagdalaw mo sa akin....itong post kong ito ay nangyayari talaga ang ganito..siguro sa lugar mo ay hindi pero sa ibang lugar ay nangyayari ito..nagpapakawala ang incumbent ng isang tao para mahati ang boto ng malakas niyang makakalaban pero ang boto niya ay solido..

Arvin U. de la Peña said...

@Rossel.............madami po ang pakawala ngayong darating na halalan..bawat halalan sa ibang lugar ay may pakawala talaga..hindi iyon naiiwasan..

Arvin U. de la Peña said...

@medic/scribbler..........pera nga lang..kasi dahil sa pera magagawa na ang luho ng isang pakawala..kahit hindi siya manalo dahil alam niyang hindi siya mananalo ay may pera na siya na malaki..kapalan lang ng mukha ang ganun..

Arvin U. de la Peña said...

@PUSANG-kalye............parang malalim nga..may mga pilipino din na mga wise voter..pero mas marami ang hindi wise voter.....bumuboto dahil sa pera ang kapalit....magsusulat ka lang may pera na..kaya ang iba ay go talaga..malapit na nga ang halalan..ilang buwan na lang..

Arvin U. de la Peña said...

@chuwie........marumi nga ang politika dito sa ating bansa..tingnan mo na lang ang nangyari sa maguindanao..ang nangyari doon ay dahil lang sa politika..

Arvin U. de la Peña said...

@Grace de Castro..........happy new year din sa iyo..kumusta ka naman diyan..

Arvin U. de la Peña said...

@eden..........kumusta na..walang anuman iyon..talagang ishashare ko sa inyo ang mga isusulat ko..salamat at muli ay nagustuhan mo rin ang tula kong ito..

Arvin U. de la Peña said...

@Kablogie.............hehe..mas matindi pa ang mga susunod kong ipost na mga tula..abangan mo ang mga susunod pa..salamat sa pagpuri mo..

Unknown said...

Wow, grabe na talaga galit nyo ky Gloria ah. hehehehe.

Mel Avila Alarilla said...

Hindi ko alam kung sinong pulitiko ang tinutukoy mo. Mahirap manghula dahil personalidad na yan. Sana tinumbok mo na para mapagusapan kung tunay ngang tama ang obserbasyon mo. Salamat sa tulang makatang makata, lol. Pagpalain ka nang Diyos.

Pordoy Palaboy said...

I added you already on my bloglist bro.

Dhianz said...

hmm... sensya nah not into politics... and uhm... yeah.. yonz... ei.. salamat sa pagdaan daan.. pabati na lang... have a happy and blessed new year... Godbless! -di

Julianne said...

basta iboto natin ang sinasabi ng ating konsensya.

Happy New Year! Sana happy pa rin tayo hanggang sa maideklara ang mga nanalo sa eleksyon

Arvin U. de la Peña said...

@tim...............ngeh, ganun..di naman ako galit sa kanya..kung may galit mo siguro ay konti lang..hehe..at isa pa habang sulat ko ito ay wala naman akong iniisip o pinagsusulatan ng ganito..nararamdaman lang ang lahat ng narito kaya nabuo at naisulat..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla..............marami po ang puwedeng tamaan ng tula na ito..wala pong personalidad na ibabanggit dahil marami ang may ganito sa isang lugar lalo na kapag halalan..nangyayari naman talaga kasi ang ganito..base lang ang lahat ng ito sa mga pangyayaring may kaugnayan sa politika..

Arvin U. de la Peña said...

@Gino.......salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhianz..........mabuti at ayaw mo sa politika..magulo kasi ang politika..walang anuman..okey lang iyong dinadalaw kita kasi dinadalaw mo rin naman ako..

Arvin U. de la Peña said...

@Rej..........tama ka iboto nga natin kung sino ang sa palagay natin ay karapat dapat..happy new year sa iyo..pero minsan dahil sa pera ang nais nating iboto ay hindi natin naiboboto dahil binigyan tayo ng pera para sa taong iboboto..vote buying ika nga..hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu........ganun ba..kahit na hindi mo ipost uli okey lang..huwag mo na lang ipost iyon..comment ko lang naman iyon..parang nakakahiya pa kasi kong ipost mo uli iyon ng dahil lang sa akin..mabuti naman at kahit paano ay makakapasa ka asa exam mo..