"Noong July 5, 2009 ay post ko dito sa blog ko ang tula kong sinulat na May Bukas Pa. Sa sinulat kong tula na iyon ay marami ang nagkagusto at nagandahan sa tula. Sinulat ko iyon kasi ang palabas na May Bukas Pa sa tv ay sikat at marami ang nanonood tuwing gabi. Ako inaamin ko ay nanonood din ako pero hindi lagi-lagi. Minsan sa isang gabi ay tinatapos ko minsan naman ay hindi. Ngayon ang palabas na May Bukas Pa ay malapit ng mag wakas. Kung di ako nagkakamali ay sa February ang wakas. Basta hindi lang iextend pa. Nabasa ko kasi iyon sa diaryo na next month ay tatapusin na ang teleserye na iyon. Dahil malapit ng magwakas ay nagsulat naman ako ng tula na ang pamagat ay ang pangalan ng bida. Ewan ko lang kung marami rin ang magkakagusto at magagandahan sa sinulat kong tula na Santino katulad ng tula kong sinulat na May Bukas Pa."
http://www.maybukaspaseries.blogspot.com/
http://www.may-bukas-pa.blogspot.com/
SANTINO
Ni: Arvin U. de la Peña
Sa iyo ay marami ang humahanga
Isang bata na hindi nawawalan ng pag-asa
Kahit ano pang suliranin ang kinakaharap
Lagi kang may kumpiyansa sa sarili.
Maging ang problema man ay patung-patong
Parang balewala lang sa iyo
Sapagkat ikaw ay naniniwala
Na hindi ka pababayaan ng ating panginoon.
Ang ibinahagi mo sa iyong kapwa
Hindi iyon makakalimutan kailanman
Dahil ang iyong paniniwala sa itaas
Tunay na nakakapagaan ng loob.
Hindi ka sana magbago
Dahil ikaw ay kahanga-hanga
Panatilihin mo sana ang pagiging mabuti
Pagkat marami ang umaasa sa iyo.
Taon man ay lumipas
At hindi ka na maging bata
Nakatatak na sa puso at isipan himala mong ginagawa
Sa tulong ng kaibigan mong si Bro!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
125 comments:
Flag!
hahaha! Base pala ako eh.. Dami talaga na encourage ni santini ngayon. Lalo na mga bata, pati hairstyle pinapagaya. Magandang role model.=]
I have a textmessage just for you!
I don't call Jesus Christ as BRO. ^^
ayaw ko ng ganun. :[
ikaw ba arvz?
tinatawag mo ba si Jesus ng BRO?
@Mister Llama..............marami nga ang nanonood ng May Bukas Pa.......walang sinabi ang kabilang istasyon.......kahit nga ang kaibigan kong nagbakasyon galing california ay nanonood din..sinusubaybayan talaga nila si santino..magaling na bata..
@Glenn Kun.................hindi ko po tinatawag na Bro..pero sa palabas ang tawag ay Bro...depende lang siguro sa director.....iyon ang nasa script kaya walang magagawa ang manonood kundi tanggapin na lang na iyon ang tawag..
Dami nga nanonood dun at humahanga Kung sana totoo lang noh kaso hindi eh Sayang naman nakakalungkot matatapos na Di bale na may Kokey naman eh
Galing ni Glenn Kun hindi nga dapat tawagin na Bro si Jesus Christ kalapastanganan naman yun Meron bang Apostol na tumawag sa Panginoon Hesus na Bro? Sa tingin ko wala akong nabasang ganun kahit na tinuturing na Matandang Kapatid sya sa Church hindi parin dapat tawagin na Bro
@Pretsel Maker..........kung totoo nga iyon tiyak ay dudumugin siya lalo ng gusto na gumaling......maganda rin iyong palabas na kokey..ibabalik na ba iyon.........ang sumulat ng script siguro iyan ang para sa akin nakakaalam ng lahat bakit tinawag na Bro........
Hay, napanood ko nga eh. Naglayas si Santino kanina. Saan na naman kaya siya mapupunta? Nag-seself pity ang bata... sarap ampunin na lang.
Hahahaha.. Adik talaga sa May Bukas Pa! But it's a good show lalo na sa mga bata...
Life
Women
Abbeymae
Mom
i dont watch may bukas pa..
i dont know, i just dont like it...
in fairness nice poem...
@Chad the Coffeholic............malungkot nga siya kasi kung kailan pa niya nalaman ang totoo niyang daddy ay saka pa nawala..ewan kung saan siya pupunta..tiyak marami ang gustong mag ampon sa kanya kahit sa tooong buhay..mahilig ka rin pala manood ng May Bukas Pa..
@kathy..............marami ang nanonood ng May Bukas Pa..hindi lang mga bata kundi pati mga matatanda..walang binatbat ang kasabay na palabas..laging number one sa rating mula umpisa..may napupulot kasi na magandang aral ang palabas..
@ice.............ah ok..ganun ba..baka darna ang pinapanood mo..hehe..salamat at nagustuhan mo ang sinulat kong ito..bawat tao kasi ay may favorite channel..
sana extend pa ng unti kasi malakas sa ratings. wlanag magawa ang katapat sa kabila.hehe
Ang mga telenobela, maging sa kapuso man o sa kapamilya, ay naging escape outlet nang maraming Filipino. Marami ang nakapagi identify sa mga pangarap, kabiguan at pagsisikap nang mga pangunahing tauhan upang mapagtagumpayan ang lahat nang balakid sa kanilang tagumpay. Na sa dulo ay nakakamit nila ang inaasam na tagumpay ay nakakapagbigay nang pagasa sa maraming manunuod. Kaya tatagal pa sa panuorin sa TV ang mga telenobela. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos.
ay pareho tayo fan ng May Bukas Pa. But nakakainis yung twist nila ngaun. Anyway, I'll watch pa rin.
nice poem! Ang dami palang nanonood ng Santino. Ang cute niya!
Salamat sa comment Arvs.
favorite ng anak ko, fact is mag subscribe sana ko sa TFC coz of Santino but according to you nag end na next month? Hmnn, i wonder kung anong next na fave ni Gab? Aside from mama hehe
ganu naba katagal ang may bukas pa? paki pm naman po sakin :] kasi 2nd yr hs palang ako meron na nun eh..magfofourth year na ako :]
love the series..i love santino..i love Bro!!!
aww isa din ako sa milyon-milyong sumusubaybay sa May Bukas Pa. Nakakalungkot malaman na malapit na pala itong magwakas. Ganunpaman, marami talaga ang na-inspired sa istorya nito na pinangungunahan ni Santino at Bro.
Nice Poem Arvin!
NAks! Fan ka rin pala ni Santino like me...
Sobrang nakakatuwa yan si Santino...
^^. pero di pa din ako agree dun.
bad un ><
Arvin, ano peborit mong part ng babae? visit http://blaggista.blogspot.com
@PUSANG-kalye................mataas nga ang ratings..baka di na extend kasi ang napapanood natin ngayon ay extend na iyon..dapat noon pa nagwawakas iyon kaso madami nag request kaya inextend..at now baka di na extend kasi mahaba na daw..
@Mel Avila Alarilla...........tama ka..minsan talaga ang mga tao ay kumukuha ng inspirasyon mula sa kanilang napapanood sa tv o kaya sa mga telenobela..sa panonood kahit paano ay nakakakuha sila ng lakas para humarap sa hamon ng buhay..lalo na kung iyong istorya ay madrama..o kaya tungkol sa mga pagkabigo..sa panonood nalalaman nila ano ang dapat gawin para malampasan ang kalungkutan..nagbibigay din ng aliw sa mga tao ang telenobela..kasi lagi nilang sinusubaybayan kapag maganda para sa kanila ang kuwento..
@Marianne.................yup, fan din ako ng May Bukas Pa......oo nga napapansin ko na parang iba na talaga ang tunay na takbo ng kuwento ang napapanood natin ngayon..kasi mayroon ng mga fiction......kasi para sa akin ay dahil masyado ng mahaba ang kuwento..kaya nga by february ay tapusin na ang kuwento..
@eden........thanks at muli nagustuhan mo ang sinulat ko..opo marami po ang nanonood ng May Bukas Pa..ikaw nanonood ka din ba..walang anuman..
@mitz..............ganun ba..so ikaw pala ang nakasagot sa bugtong..salamat naman at nalaman ko na rin ang blogsite mo..opo magwawakas na po..next kong post na lang ilagay ang blogsite mo na ikaw ang nakasagot..
@Renz...............sa pagkakaalam ko ay hindi pa umaabot yata ng isang taon ang May Bukas Pa..last year lang po ang palabas na iyon..nanonood ka rin ba ng palabas na iyon o doon ka sa kabilang channel..hehe..
@Mokong..............ako din, at ang iba pa..maganda talaga ang palabas na iyon kaysa sa kabila na pinalabas na dati....ibang artista nga lang ang gumanap..walang naisip ipangtapat sa May Bukas Pa kay ang Darna ay ibinalik..
@fiel-kun.............napakadami ngang fans ng May Bukas Pa..maging sa ibang bansa ay pinapanood iyon ng ibang mga kababayan natin..opo malapit ng magwakas..kahit paano ay isang magandang teleserye ang inihandog ng abs cbn sa atin..maganda talaga iyon..pati ang bida at mga cast magagaling na mga artista..
@Ailee Verzosa............the same..sa iyo din have a great week..kumusta ka naman diyan..salamat sa muli mong pagbisita sa blog ko..
@ayu............salamat at nagandahan ka sa tula kong ito..ganun ba..baka naman crush mo si santino,hehe..joke lang..sure na madami mamiss sa palabas na iyon kapag natapos na..kahit ako di ko malimutan ang palabas na iyon..maganda kasi..ang iba ngang nanonood ay napapaluha,hehe..
@Mangyan Adventurer..........opo fan ako ni Santino..sikat na talaga siya..tiyak magiging magaling na artista pa siya lalo..siguro ikaw ay di mo pinapalampas..bawat gabi ay nanonood ka..hehe..
@Glenn Kun...........ganun ba..wala na tayong magagawa kasi ang simbahang katoliko ay agree yata..di naman sila nagreklamo na huwag tawagin an Bro..iminungkahi pa nga ng mga pari na manood ng May Bukas Pa kasi malaki ang aral na naitutulong sa mga manonood..
Arvin kapuso ako eh.. Pero cute ang picture. Sya ba si santno?
As usual, ang galing mo parin sumulat ng tula.
marami nga ang nagsasabi na magaling si santino...di ako nanonood ng may bukas pa,na curious tuloy ako..im sure na matutuwa sha kung makikita nya tong sinulat mo para sa kanya.
si santino ay isang karakter sa tv na kailanmay di na makakalimutan.
favorite ng pamangkin ko si santino!
I am thumbs up to the teleserye for bringing a religious concept in our evening tv show. But I am against the "Bro" thing.
elow arvz. ! ^^.
Salamat sa pagsabi mo kung ano ang peborito mong part sa babae.may new post ako.
http://blaggista.blogspot.com
more power
wow, bakit ayaw mo n ba kay santino? hehehehehehehe
@Tinunuy.............ganun ba..ako kasi abs cbn ako..pero nanonood din namana ko ng gma minsan..kailan kaya mangyayari na ang dalawang istasyon ay puwede maghiraman ng artista..ang gma 7 talent ay puwede mag guest sa abs cbn at ang abs cbn talent ay puwede mag guest sa gma 7......salamat sa sinabi mo..di naman masyado,hehe.
@ghee............ganun ba..siguro ay sa gma 7 ka nanonood ng teleserye..opo magaling nga po siyang artista..di ko alam kung makikita niya itong sinulat ko..di naman ako mag memessage sa kanya na may sinulat ako na ang pamagat ay santino..try mo ang manood para malaman mo na maganda nga ang palabas na iyon..
@Rej...................tama ka rin..kahit ilang taon pa ang lumipas ang mga tao na laging nanonood ng May Bukas Pa ay di makakalimutan ang palabas na iyon..may ibang palabas balang araw na maganda pero ang teleserye ni Santino ay naiiba..ibang iba..
@ayu..........akala ko ay crush mo siya..nakyukyutan ka lang pala sa kanya..nasa iyo ang pagpapasya kung sasali ka sa grupo ng para sa KABATAAN PARTYLIST..pero dapat mo munang alamin kung magiging mabuti ba sila pag nasa kongreso na..kaya ba nilang makibaliktakan o makapagdebatihan..baka naman ang habol lang nila ay pork barrel....sa mga partylist ngayon ang hinahangaan ko lang ay ang Bayan Muna at ang Gabriela..di sila nagpapahuli..lumalaban sila..kapag may anomalya ay binubuko nila..di sila natatakot sa pagbatikos..bago ka sumali sa isang grupo o samahan ay alamin mo muna kung ang pinuno ay karapat dapat ba talaga..alamin mo sino ang magiging representative ng partylist na iyon..kasi baka ang representative ay traditional politician na o kaya trapo ay hindi maganda iyon..baka kasi ang pinuno ay mapagsamantala talaga..alamin mo muna sino siya..
@Anney...............ang pamangkin mo siguro ay kaedad lang ng bida sa palabas na May Bukas Pa..salamat sa muli mong pagdalaw sa blog ko..ikaw nanonood ka rin ba..
@philippineplace............yes....ang palabas na May Bukas Pa ay nagbigay talaga ng kasiyahan sa mga manonood..kahit paano ay may nakukuha silang aral..naging bukang bibig ang palabas na iyon..siguro naman ay okey lang ang salitang Bro kasi ang simbahang katoliko ay hindi naman tumutol..iminungkahi pa nga nila na magandang panoorin ang May Bukas Pa..kung tutol sila ay sana pinigilan ang pagsasabi ng ganun..
@Glenn Kun................kasi tinanong mo kaya nagsabi ako..okey..puntahan kita at tingnan ko ang new post mo..
@tim............gusto ko pa ang santino..kaya lang malapit ng magwakas kaya ay naisipan kong magsulat na ang pamagat ay Santino..siguro nanonood ka rin ng May Bukas Pa,hehe..
sa totoo lang di rin ako nanonood ng mga telserye,di ko din feel tawagin si Jesus na Bro kasi higit pa sya sa pagiging Bro.
hi nice posting & i juga seperti blog ini begitu banyak ... kunjungi di sini: http://technotexter.co.cc/
hi nice post & i also like this blog so much... visit here : http://technotexter.co.cc/
Hello Arvin!
Have a nice weekend.
good poet!!
keep it up..wahehee
@iya_khin...........ganun ba..may kanya kanya kasi tayong hilig sa pinapanood..siguro mga pelikula talaga ang mga pinapanood mo..ah ok..ganun din ang iba hindi agree na ganun ang itawag sa palabas..pero bakit ang simbahang katoliko ay parang sumang ayon sila..kasi hindi nila pinagbawalan..hindi sila nagreklamo sa mtrcb..
@ayu...........opo dito ako nagreply..di mo naman kasi sinabi na doon ako sa blog mo magreply..oo nga kapag sumasalungat sa gobyerno ay pinag iinitan talaga..lakasan na lang ng loob..ikaw ang bahala..nasa iyo ang pagpapasya kung sasali ka..
@sakthi.............thanks for the visit..i appreciate it..
@david santos..........hello din.....the same to you..have a nice weekend..do you watch May Bukas Pa..
@engnr.kemm.coe.............thanks..you also keep up the good work..
HI! thnks for dropping by.
ang hirap naman mag post dun sa chat box mu kuya arvin :( amm.. samin nga pala nagshooshooting ang santino, pag nagchichismisan ang mga chismosa^^ en pag may nagrarally en pag nag ispeech si mayor ng bonggang! bongga! :) la lang share qh lang..
amm.. kuya arvin pavisit po pala ng new blog qh (tagalog.. namamatay na kse ko kaka english! haha) eto..
http://edlynretucsan.blogspot.com/2010/01/katotohanan-sa-mundo-ng-blog.html may new post aqh jan^^ pacomment naren po ah.. ehe
SALAMATS~~lots love,
very inspiring and powerful teleserye. good job for abs-cbn! Ü
Hi there Please visit back....
Galing talaga umarte si Santino. May Future siya
CRUSH ko sya!!!
sana paglaki nya goodboy pa din.
:P
Arvin, sayang sana kse maganda talaga ang palabas. yun lang ang faith na ipinopromote is with emphasis sa catholic religion. Pero ok naman talaga ang show. Hindi ko rin sya madalas mapanoon.
Ei, check mo yung www.filipinowriter.com, marami kang matututunan dun. At pwede ka ring magpost ng mga poems mo dun.
Mga professional at aspiring writers na maaring magbigay sau ng pointers. Free naman ang registration eh.
Join nah!
di ko nasusubaybayan yung palabas pero may idea ako kay santino at kay bro... ang masasabi ko lang ang haba ng show parang nauulit ang sinaunang mga telenobelang gaya sa mga mexicanovelas na sobrang tagal matapos ng kwento... jejejejeje
naks galing tumala pare.hehe. idol ko si santino sana kasing cute ko sya.haha.
may bukas pa..i just love the song...hindi ko n nppanood un...jijiji...
akoy nagbabalik bosing jijjiji...
@FaYe...............walang anuman..alam mo naman ako halos lahat ng blog na nasa blog list ko ay binibisita ko talaga kapag check ko ang blog ko..hehe..
@edxaii............talaga..bakit naman mahirap mag message sa chat box ko..baka di agad nagloload,hehe..ganun ba..so kapag may shooting ay madalas kang manood..taga inyo ba ang mga tsismosa na iyon..ok pupuntahan ko ang isa mong blog..add ko rin iyon sa blog list ko..
@Chyng..............tama ka..isang magandang teleserye talaga iyon na handog ng abs cbn...........maraming nanonood at nagbibigay ng magandang aral sa mga nakakapanood..mga inspiring words..
@imelda..........salamat sa pagbisita mo uli sa blog ko..okey walang problema at pupuntahan kita..
@Glampinoy...........talagang magaling siya..angat siya sa ibang batang artista..good break para sa kanya ang pinagbidahan niyang May Bukas Pa..
@gege............hehe,ganun ba..madami pala kayo na nagkaka crush sa batang iyon..siguro nga paglaki niya good boy pa rin..di yata iyon mag iiba katulad ng ibang artista..
@ayu...........ok lang iyon..walang anuman..
@Ayie............maganda talaga ang mga binibitawan na salita ni Santino..nakakainspire talaga sa mga tao..isang magandang palabas talaga..bumisita ako sa sinasabi mo at nag register ako..di ko alam kung magpopost ako doon kasi masaya na ako sa blog kong ito..i mean kuntento na ako na dito na lang sa blog ko ipost ang sinusulat ko..
@I am Xprosaic...............ganun ba..mahaba nga ang istorya ng May Bukas Pa..dapat sana noong nakaraang taon pa iyon magtatapos kaso madami ang nagrequest na iextend kaya itong napapanood natin ngayon ay extend na po iyon..pero ngayon ay wala ng extend..tatapusin na talaga..
@kikilabotz..............hehe..huwag mong sabihin hindi ka cute..marami tayo na umiidolo sa kanya..
@Jag.............maganda nga ang kanta na iyon..ganun ba..sige puntahan kita sa blog mo..matagal ka kasing hindi nag post ng bago,hehe..naging busy ka siguro..
napacute ng batang ito talaga
Zaijan Jaranilla was indeed a talented boy :)
by the way check out my new blog post hope you like it: http://lovenashyboy.blogspot.com/2010/01/yummy-corner-sizzlin-weekend.html
I’ll come and visit your blog more often keep in touch!
@Nash...............binisita ko po ang iyong blog at add ko ang blog mo sa blog list ko..salamat naman sa pagdalaw mo palagi sa blog ko..
@ayu...................walang anuman..oo nasa email talaga..send kasi iyon ng malagay na ang blog sa website..
koment ko:
si Santino ay magandang Role Model sa kabataan. :))
hi arvin, thanks for the blog visit I do appreciate it. As of now i'm still working on my blog list but of course I'll add up your blog :)
keep in touch alright? cheers!
Hindi ko alam na may telenovela palang Santino. Maganda ba yan? Sino bang bata yan? Ang alam ko, anak nina Claud at Reymart, Santino ang pangalan din, pero imposible namang siya yan. :)
sabi nga nila maganda ang may bukas pa, kaya papanoorin ko yan or pwedi din hintayin ko na lang ma-release ang dvd.
Ganda ng poem mo.. pweding pwedi ka talaga maging writer.
Arvin salamat sa bisita at sa comments.. Pasensya na tlaga hindi ako nkabisita kasi busy si lola... hehehe.. bday na kasi ng bunso ko next month..
Life
Women
Mom
Abbeymae
Ay lab da poem at oo ako din nanonood ng May Bukas Pa jijijiji Bro salamat sa lahat ng blessing...
hello ulit kuya arvin!
please join my first contest!
You are invited to Llama's Choice Award 2010
@goyo...............maganda nga siyang halimbawa para sa mga kabataan..lalo na iyong mga kabataan na naliligaw ng landas..magaling kasi siyang magpayo sa mga tao..
@Nash.............wala pong anuman..salamat din sa pagbisita mo sa blog ko..ah ok....add mo na lang ako kapag may blog list ka na..
@Hi! I'm Grace...............hindi po siya ang anak nina claudine at raymart......siya po ang bida sa telenovela na May Bukas Pa..isang magandang palabas na napapanood mula sa lunes hanggang biyernes......marami ang nanonood kasi maganda ang palabas..sana makapanood ka kahit sandali..
@Bambie dear.............talagang maganda ang palabas na May Bukas Pa.......di ko alam kung maglalabas ang abs cbn ng dvd sa teleserye na iyon..kung may lumabas man ay tiyak marami ang bibili kahit matagal bago matapos,hehe..salamat sa sinabi mo..ikaw nga din magaling..hanga din ako sa iyo..
@kathy...............okey lang..salamat din sa pagbisita mo at pag comment..oh talaga..mukhang pinaghahandaan mo ang birthday ng bunso mo ah..hehe..madami sigurong bisita na darating..
@donster..............salamat naman at nagustuhan mo ang poem na ito na sinulat ko..ikaw siguro ay pinapanood mo palagi..di mo pinapalampas..salamat sa iyo..
@ayu..............okey lang po iyon kahit nasa baba basta nailagay mo..kumusta ka naman diyan..
salamat sa pag join kuya alvin! You are nominated!=]
Please spread the good news! =]
@Mister Llama...............hi din sa iyo..ok sasali ako sa contest mo..
Ahihihihihihihi flooding na tong comment section mo ah... jejejejejejeje... jowk! jejejejejeje
thank you for visiting me back. have a great week :)
hi Arvs!
Thanks for the visit while I am away. I really appreciate it, my friend. have a nice day!
Dumaan ka sa www.vernzfreestuff.blogspot.com may pamigay ako..
na add ku n po link mu s blog ko..salamat sa pag add
of course I sure will :)!
hey can you follow me on GOOGLE friend connect? I'll follow you as well thanks thanks :P
salamat sa pagbisita sa blog ko. may bago akong post. gusto ninyong magluksa kasama ko?
ok na sir. :))
@I am Xprosaic...................sa february pa po ako mag post uli.......may mga naisulat na ako gaya ng sinabi ko sa iyo dati..napadalas kasi ang pag post ko lately kaya patagalin ko muna bago mag post uli..
@Sam.............thanks to you also for visiting my blog..it is okey..have a nice day..
@eden...................walang anuman ......lagi naman talaga kitang binibisita kapag nag titingin tingin ako ng ibang blog kasi kaibigan din kita dito..kumusta ka naman diyan..
@Vernz....................opo dadaan ako sa isa mong blog..ano kaya ang ipamimigay mo..madami ba ang bibigyan mo,hehe..
@engr.kemm.coe..................salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..
@Nash................ok.......thank you for that..
@Patricia Ashika.............walang anuman iyon..gaya ng mga nasabi ko na ay kapag halos lahat na nasa blog list ko at iba pa ay pinupuntahan ko at nag memessage at minsan nag cocomment..ikaw ay napupuntahan ko rin..
@goyo................salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..
lagi tin ako nanonood ng may Bukas pa. medyo angelic din talaga ang face ni Santino.
Hello! You are nominated in Llama's Choice Award! Congratulations!
Check Your Rivals Here!
Nominate Yourself/your friends here!
Best Of Luck!
agree with glenn kunn on not calling Jesus bro. nice poem though
Lds Pinay
Kcatwoman
@redamethyst................isa ka rin pala sa masugid na tagasubaybay ng May Bukas Pa........
@Mister Llama...............salamat at nominated ang blog ko..nakita ko na po kung sila sino ang rival ko,hehe..
@kcatwoman....................ok..madami din ang hindi agree na ganun ang itawag..
Sige post mo yung pug
Hi Arvs, dropping by just to thank you for the comment you left in my sky watch friday post.
@Pretsel Maker...........ang pug ng bestfriend ko ay naipost ko na dati pa sa blog ko..ang pamagat ay stanley tapos ang nasa side bar ko ay sa kanya iyon..
@ayu............good luck sa exam mo..
@eden..............walang anuman iyon..have a nice day..
The story of "Santino" is a true to life story...
I know him very much!His convent life is true; searching for a true parents is true; living in a different families is also true to life. But at present, he is already a professional educators, a writer, an abstract-naturalist artist, stage actor by talent and charisma, case analyzer, a poet, a keen observer, and a man of faith in God.
You can find his real name from the first name of "Zaijan".
He is hoping to have a second part of his book.
Thank you for watching "Santino"...
May the Good Lord always guide and bless your family, friends, relatives, and the people around you...
Post a Comment