"Pagkatapos po ng bugtong ay post ko ang Balimbing, Pakawala, at Gusto. Ngayon ko lang nalaman na noong January 3, 2009 ay may sumubok na sumagot sa bugtong. Guess lang niya ang kanyang pagsagot pero iyon ay tama. Ang sagot niya ay pare at mangungumpisal. Tama po ang sagot niya. Kasi kung ikaw ay mangungumpisal ay nilalabhan ng pari ang iyong kasalanan. Nililinis ka ng pari para mawalan na ng kasalanan. Sa pagkumpisal mo ay mawawala po ang kasalanan mo. Iyon po ang sagot sa bugtong na "ang naglalaba ay nasa loob, ang nilalabhan ay nasa labas." Ang nakasagot po ang pangalan niya ay mitz. Sad to say ay ng click ko ang name niya ay wala po siyang profile para malaman ko ang blog niya. Siya po ang nakasagot sa bugtong. Si mitz po ang nakasagot. Sa mga sumubok na sumagot sa bugtong ay maraming salamat sa inyo. Kahit mali po ang naging sagot niyo ay na appreciate ko na kahit paano ay nag-isip kayo. Si mitz po ang huling sumagot sa bugtong."http://www.blogger.com/profile/02654962223824335152
Para po sa lahat gusto ko pong malaman na ang kasagutan sa bugtong ay pangungumpisal o confession. Ang nakasagot po sa bugtong ay si mitz. Isipin niyo kung kayo ay nangungumpisal. Ikaw ay nasa labas at ang pari ay nasa loob. Sa pagkumpisal po ay nililinis ang iyong katawan sa kasalanan ng pari.
Para sa iyo mitz masasabi kong magaling kang mag guess. Sana ay malaman ko ang blogsite mo ngayong na post ko na sa blog ko na ikaw ang nakasagot. Mabuhay ka mitz. Ang galing mo!
Wala na pong dahilan para ako magbigay ng clue kasi may nakasagot na sa bugtong. Muli sa iyo mitz sana ay malaman ko ang blog mo para mabanggit ko ang iyong blog sa pag post ko sa susunod. Masasabi kong sa lahat ng sumubok na sumagot ay ikaw ang pinakamagaling kasi ikaw ang nakatumpak ng kasagutan kahit walang clue. Bilib ako sa iyo. Siguro ay matalino ka.
guess lang ha? pare at mangungumpisal ba?
January 3, 2010 7:52 PM