Wednesday, January 13, 2010

Paalala

"Sa mundo ay may mga tao talaga na ginagamit ang diyos para sa kapakanan lang nila."


PAALALA
Ni: Arvin U. de la Peña

Hindi ka dapat na magpakadiyos
Dahil ikaw ay tao lang
Ang diyos ay ginagalang
Pero ikaw ay hindi kagalang-galang.

Narating mo lang ang kinalalagyan mo
Akala mo na kung sino ka
Hindi mo man lang iniisip
Na may mataas pa sa iyo.

Tingin mo na sa iyong sarili
Hindi ka na bababa pa
Kailanman ay lagi ka ng nasa itaas
Titingalain ka na palagi.

Tatanda ka rin balang araw
Katulad ng iba pang mga nilalang
Ang pagmamayabang mo ay ngayon lang
Ngayong ikaw ay buhay pa.

Pumasok sana sa isip mo
Na hindi maganda ang ginagawa mo
Hindi mo dapat na gamitin ang diyos
Para sa pansarili mong interes.

43 comments:

Douglas said...

sorry na daw po.

babagsakan sya ni God ng thunder lightning. :D

Arvin U. de la Peña said...

ang mga tao na iyon ay walang pagsosorry sa sarili..parang sirang plaka na paulit ulit lang ang mga salita..nagmamayabang samantalang isa lang naman na hampas lupa..tamaan sana ng kidlat na malaki..pagkalaki laki para hindi na gamitin ang diyos sa kanilang pang araw araw na buhay..dapat tumino para hindi pagtawanan..karma na lang ang darating sa tao na ginagamit talaga ang diyos para sa sarili lang nilang interes..

Andrei Alba said...

astig. nice poetry. wag ka mapagod magsulat. i always read. :D

Chad the Coffeeholic said...

Punung-puno ng poot ang poem mo, Kuya Arvin!

Marami akong kilalang ganun. Pwede mo din ba sila patamaan ng higanteng kidlat?

Salamat nga pala sa pagbasa at pag-park sa blog ko ha. In-add na kita sa blogroll ko. Pa-add din kung pwede. :-)

Arvin U. de la Peña said...

@Andrei Alba.........salamat sa iyo..nakita ko ang blog mo at maganda rin ang mga sinusulat mo..add kita sa blog list ko at sana add mo rin ako..

Arvin U. de la Peña said...

@Chad the Coffeeholic........hindi naman masyado puno ng poot,hehe..ako rin marami akong kakilala na ginagamit ang diyos sa pansarili lang nila..akala siguro nila ay mabuti iyon..di nila alam pinagtatawanan lang sila..ewan kung tamaan sila ng kidlat..kasi ang mga iyon magaling magkubli..

Maria Catherine said...

And kanino naman dedicated ang poem na ito? lol
Galing...

Chad the Coffeeholic said...

Baka ako lang pala ang napopoot sa mga ganung klaseng tao. Marami akong kapit-bahay na ganyan. Yung tungkol sa kidlat, sa tingin ko, parang heat-seeking missiles dapat ang gamitin ni God para kahit magtago yung mga yun, walang lusot. Tustado sila, malutong-lutong at umuusok pa.

Unknown said...

Whoah, parang matatamaan ako konti dito. bitter ako sometimes eh. hehehehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Maria Catherine..........ang sinulat kong ito ay dedicated sa lahat ng tao na ginagamit ang diyos para sa sarili nila..may kakilala ka ba na ganun siya..ako ay mayroon..marami nga eh..

Arvin U. de la Peña said...

@Chad the Coffeeholic...........hindi lang ikaw ang napopoot o naiinis sa mga ganun na tao..ako ay naiinis din..o kahit ang iba pa..hindi lang pinapahalata pero naiinis iyon..haha..ganun ba..wala nga siyang lusot doon..iyong kidlat na kahit saan magtago ay masusundan siya..kahit pa pinakamahirap ng mahanap na lugar ay matagpuan para talaga niya maramdaman ang bagsik ng kidlat..

Arvin U. de la Peña said...

@tim............ganun ba..di lang naman ikaw kundi marami pa..huwag ka mag alala di ka nag iisa..marami ang tao na ginagamit ang diyos para sa sarili nila..

Mel Avila Alarilla said...

Dalawa ang klase nang tao na tumatawag sa pangalan ng Diyos- isang tunay na mananampalataya na ginagawa ang kalooban ng Diyos at isang mapagpaimbabaw na nasa labi lamang ang paggamit sa pangalan nang Diyos at hindi siya isinasabuhay. Alin kaya ang tinutukoy mo. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos.

Noel Ablon said...

Siyempre if ever na ginagamit nila ang Diyos sa sarili nilang kapakanan ay mananagot sila sa Diyos din mismo. At malupit mag-parusa ang Diyos.

Sa anong paraan naman nila ginagamit ang Diyos para sa kanilang kapakanan? Sa paanong paraan naging sa kapakanan nila ginagamit ang Diyos?

Feeling ko nga ay medyo may galit ang iyong tono sa iyong tula. Hinay-hinay lang hehe! Pero maganda ang tula mo kasi may feeling. Ipagpatuloy.

Yannie said...

ay tama ka dyan bro! my mga tao nga na nagtatake advantage. Nakakalungkot

Verna Luga said...

Arvin, tatlong bagay lang para sure kang yumaman.....

1. Maging LandLord Ka
2. Maging DrugLord Ka
3. Mag Praise the Lord ka...

Sariling interes ... alang tao sa mundong ito na minsan di nag-isip ng sariling intesres ... pero yung iba sobra! kaya bad feeling ka ba sa kanila? heheheeh!

fiel-kun said...

Bigla ko tuloy naalala yung kantang...

"Banal na Aso, Santong Kabayo, natatawa ako hihihi..."

Nice Poem Arvin!

kathy said...

Amen! Wla na akong masabi kasi sinabi mo na lahat Arvin... Mas malala pa kung gagamitin ang Diyos para lng manalo sa eleksyon...

Women
Mom
Abbeymae

Pretsel Maker said...

"Hindi ka dapat na magpakadiyos
Dahil ikaw ay tao lang"

Joh 10:34 Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, Kayo'y mga dios?

Kuya Arvin alam ko na mabuti kang tao pero mas maganda kung makakapagsulat ka ng makakatulong sa kapwa. Saludo ako dun!

Sa umpisa palang ng tula mo Mali na kagad. Hindi ba dapat natin paniwalaan sinasabi ni Kristo kaysa sa pansariling kaisipan natin.

Jag said...

bato bato sa langit ang tamaan wag magalit sabi sa tula ni bosing Arv`z hehehe...

JTG (Misalyn) said...

Amen to that.

Basta palagi lang tandaan ng lahat na there's always lesser and better than us. And there's one true and only God and nothing can be better than Him.

eden said...

nice poem!
talagang may mga taong ganyan. sana ma realized nila na mali ang ginagawa nila. lahat tayo dito sa mundo ay tao lang at isa lang ang Dios.

pusangkalye said...

nakakalungkot pero totoo. ginagawa nang hanapbuhay ang relihiyon ngyn ngyn. pwede kana patayo ng sarili mo church at dina kailangan magtrabaho ang buong pamilya. buhay na. sigh

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla...........ang tinutukoy ko dito ay ang pangalawa mong sinabi..ang mapag imbabaw na nasa labi lamang ang paggamit sa pangalan ng diyos at hindi isinasabuhay..sila iyong mga tao na ginamit ang salitang diyos para sila mapag usapan at maging sikat..walang kadala dala..hindi nag iisip na hindi iyon maganda para sa pandinig ng ibang tao..salamat sa iyo..ikaw din sana pagpalain pa lalo..

Arvin U. de la Peña said...

@Noel Ablon.........mananagot nga sila sa diyos..hindi pa lang siguro sa ngayon..ginagamit nila sa lahat ng bagay o paraan ang salitang diyos..iyon po ang tinutukoy ko..medyo may galit nga pero konti lang..salamat sa paalala mo..ipagpapatuloy ko nga..marami ka pang aabangan na tula na may poot talaga,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Marianne............oo nga eh,..natatawa nga ako kasi sa dami ba naman ng salita ay diyos pa ang gamitin..ibang klase talaga ang mga tao na iyon..sa umpisa pa lang ay gusto na talaga na mapag usapan kasi gamit nila ang diyos..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz...............kahit isa na lang ay yayaman talaga..iyong maging druglord, basta ba hindi mahuhuli..oo nga lahat ng tao ay may pansariling interest pero iba iyong may pansariling interest na sa likod ay gamit ang pangalan ng diyos..galit nga ako sa kanila..

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun............ganun ba..paborito ko rin ang kanta na iyon..di ba ay Yano ang umawit ng kanta na iyon..tama ba ako..salamat at nagustuhan mo ang sinulat kong ito..

Arvin U. de la Peña said...

@kathy................sa ngayon ay tiyak may mga kandidato na sa mataas na posisyon na umalapit sa mga lider ng religious group para sila ang iboto ng kanilang mga kasamahan..ang dami kaya..katoliko, iglesia ni kristo, el shaddai, at iba pa..

Arvin U. de la Peña said...

@Pretsel Maker...............iba ang tao kaysa diyos..ang diyos ay iisa lang pero ang tao ay marami......ang tao ay puwedeng maging diyos para sa sarili niya kasi buhay niya iyon at siya ang maaaring masunod..napakarami ko na pong naisulat..sa mga sinulat ko ay tingnan mo kung may naisulat na ba ako na sa palagay mo nakatulong talaga sa kapwa..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag...............hehe..napatawa mo naman ako..ang tamaan ay pikon..iyon lang ang masabi ko para sa comment mo..

Arvin U. de la Peña said...

@Misalyn...........tama ka..iisa nga lang ang diyos..wala na pong ibang diyos kundi siya lang..kaya itigil na sana ang paggagamit ng pangalan ng diyos para sa pansariling interest lamang ng isang tao..

Arvin U. de la Peña said...

@eden...............iisa nga lang ang diyos....wala ng makakahigit pa sa kanya..sana nga marealize na nila na mali nga ang ginagawa nila..pero ang mga tao na iyon siguro ay babalewalain lang kahit ano pa ang kahinatnan ng paggamit nila ng diyos..kasi kung hindi nila gamitin ang diyos ay hindi sila magiging kilala at magiging popular..

Arvin U. de la Peña said...

@PUSANG-kalye.............tumpak ka..ang mga iyon ang nagkakapera masyado ay ang pinuno ng grupo para sa isang relihiyon..lalo na kapag maraming miyembro..tiyak kapag pinuntahan ng politiko para siya ang iboto ng kanilang grupo ay siyempre siguro ay may kapalit..pera o kung anu pa man..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu............di po talaga maiwasan na may mga tao na mag feeling diyos..siguro naman ay maynaka enkuwentro ka ng tao na parang ganun nga siya..ilang page ang binasa mong novel........di nga iyon magtatagumpay na maangkin ang mundo kasi ang may hawak ng mundo ay ang diyos..binili mo ba ang novel na iyon o kaya hiniram mo lang..hehe..

Nanaybelen said...

Okay, sana naman ay magbago na . Malapit na ang 2012.

Magaling ka talagang manunulat...keep it up Arvin.

_ice_ said...

love the thoughts..

tanong ko lang.. kelangan ba may salitang LANG nakadugtong pagkatapos ng TAO?

arvin thanks for dropping by always...

have a great day ahead

FaYe said...

HI! arvin, sometimes it takes time to load ur page, why?
i sometimes close the page if it loads to slow.
have a nice day!

Arvin U. de la Peña said...

@Nanaybelen............opo sana nga magbago na para naman masaya..ang tagal pa ng 2012,hehe..salamat sa iyo..lalo tuloy akong naiinspire na magsulat..

Arvin U. de la Peña said...

@ice...........salamat at you love it..opo dapat may salita na LANG kasi hindi bagay sa linya ng tula kapag wala iyon..walang anuman..salamat din sa pagbisita mo sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@FaYe.............baka mahina ang koneksyon..ganun kasi iyon..kahit ako minsan nakakaranas din ng ganun kapag may binibisita akong blog..the same to you..have a nice day rin sa iyo..

FaYe said...

i don't know about internet connection but we have 60 Mbits. is that slow?
am just telling you because how about those who have less than 60 Mbits connection, do they don't have any problems?
have a nice weekend!

Arvin U. de la Peña said...

FaYe................di ko alam..pero minsan mahina talaga ang connection..kahit sa mga internet cafe ay nakakaranas din sila ng ganun..