Bago ang lahat ay sana kung sino man si mitz na nakasagot sa bugtong kahit hindi ako nagbigay ng clue ay ipaalam na niya sana sa akin ang kanyang blogsite para naman mabisita ko at maipaalam sa iba ang blog niya.
"Ang ballpen ay isang mahalagang bagay na ating nagagamit lalo na noong tayo ay nag-aaral pa. Nararapat lang siguro na kahit paano ay atin silang pasalamatan."
BALLPEN
Ni: Arvin U. de la Peña
Marami akong naisulat dahil sa iyo
Kapag hawak ka ay naglalakbay ang isipan
Ikaw talaga ang sandalan ko
Kapag nais kong magsulat.
Ngayon ay paubos ka na
Baka ang isulat ko pa
Hindi mo na makayang tapusin
Dahil mawalan ka na ng tinta.
Ganunpaman ay magiging makabuluhan pa rin
Ang huli kong isusulat na gamit ka
Dahil ang huling tinta mo
Handog ko para sa iyo.
Salamat sa iyo aking ballpen
Salamat sa mga sandaling nagagamit ka
Alam ko marami kang katulad
Pero para sa akin ay nag-iisa ka lang.
Hindi ko naman ikaw magamit pa
Itatago ko lang ikaw
Kasi isa kang magandang alaala
Maraming nagbasa sa sinulat kong gamit ka.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
55 comments:
Yang ballpen na yan e madaling mawala.
Sa opisina nga ang pera sa mesa ay hindi nawawala pero yung ballpen pag hiniram di na bumabalik.
Di mo naman matukoy kung ballpen mo yung nasa kanya kasi pare pareho ang issuing ballpen.
Na add na kita parekoy. Sana add mo rin ako.
salamat sa ball pen :) magaling ka palang manunulat.
VOLTES V!!!wow,batang bata pa ako nung sumikat yan,hindi ko akalain na matitira ako sa land nila :)
ghee
http://akoni.info
@ayu.............salamat at na sweetan ka sa ballpen kong sinulat..malaki nga ang tulong ng ballpen sa buhay natin..magaling ka naman talaga mag sulat at lalo ng mag drawing..
@kasparingan..............kasi ang ballpen ay hindi nakakahiyang ilagay sa bulsa kahit pa malaman......pero kung pera talaga ang kunin at malaman na ikaw ang kumuha ay tiyak nakakahiya..kasi pagnanakaw iyon..pero kung ballpen lang ang nakawin ay hindi malaking kasalanan ang ganun lalo na kung kasamahan sa trabaho..sabihin lang na trip lang na kunin ang ballpen o kaya may isulat lang at nakalimutan na isauli..salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..add din kita..
@ghee................salamat rin sa iyo at nagustuhan mo ang sinulat kong ito..hindi naman masyado,hehe..pinakinggan mo pala ang kanta sa blog ko..noong bata din ako ay mahilig ako manood ng voltes v..ah ok..diyan ka pala..
hello nice blog here... keep it up!
Ay laaab eeeet...jejejeje mga ganitong pag aappreciate sa munting mga bagay ang tunay na patunay ng malalim at makahulugang pagtingin sa buhay...jejejeje
Hay ballpen! Kanina lang andito ka, ngayon wla ka na... Saang sulok ka man ngayon, nais kong malaman mo na hinahanap-hanap kita... hehehee...
Madalas kasi akong mawalan ng ballpen...
Women
Abbeymae
Mom
Sosyal ka naman, parker pa ang ballpen mo. Ako HBW lang, lol. Malaki nga ang silbi nang ballpen sa ating sumusulat. Me mga notebook ako at ballpen para isulat in advance ang mga lathalain ko. Sibubok ko na rin dati ang sumulat sa monitor pero mas gamay ko ang sumulat sa notebook. Salamat sa artikulo. Pagpalain ka nang Diyos.
ah galing! tama tama! Ü
Isa na namang magandang tula, Arvin. :) Ang galing mo talaga!
Lately, pencil na ang gamit ko sa mga isusulat ko, katulad ng grocery list, notes, drafts and reminders. Kasi mas mura ang lapis kaysa ballpen. (he-he-he)
Salamat na rin sa ballpen. Ilang taon din tayong nagkasama. :)
aww... ang dami ko na din ballpen na pinaglumaan at nakasama sa aking paglalakbay noong nag-aaral pa ko...
also I remember yung collection ng ballpen ni Mr. Bob Ong hehe sa Stainless Longganisa na book nya :)
nice poem btw ^_^
napasaglit lng parekoy...magandang gamitin ang pilot na ballpen kasi nauubos ko tlga ang tinta nito d tulad ng iba hehehe...binigyan nmn ako ng bespren ko ng parker hindi ko nmn gnagamit kc mahal kya itinago ko lng hehehe...
Salamat sa umimbento ng bolpen!
wow, that touches my heart and felt so damn bad about my ballpen, that i just throw it anywhere and thinking that it is not useful. but i never realized how good it was and how helpful it was for me. It helps me calm everytime i am down, it helps me released everything that i have inside, good or bad. Thank you for posting this. " i just have some favor, can i make my own essay about ballpen?" call me copycat. i am just inspired by this post.. thank you..
meron din akong pinakamamahal na parker pen. Yun ay ginamit ko noong ako ay nagboard exam. tinago ko para may remembrance ko dahil nakapasa ako. Sa katatago ko at naglipat lipat nag trabaho at nanganak ako nang cesarean ng 2x ay di ko na nakita . Ngayon ko lang ulit nalala dahil sa post mong ballpen. sayang.. kasi baka malapit na rin mag board ang aking anak. (kung may awa ang Diyos) swerte pa naman yun...
galing mo naman arvin. my hat's off to you!keep up the good work!
madalas akong magtaka noon kung bakit kapag pilot na bolpen ko ang nawala, nakikita at nakikita ko pa dn. pero pag hbw na ..ayan na, saang sulok ko man hanapin e talagang wala.. at hanggang ngayon nagtataka pa rin ako..
nakakatuwa po ang tula mo..:)
ang buhay ay gaya ng ballpen na sinabe mo. May katapusan ang lahat, at sa huli, magpapasalamat ka sa mga taong naging ballpen mo upang maisulat ang kinabukasan. Inspiring blog post sir !
ballpen! i really love how it helps me to write and, also draw! i appreciate it so much! :)
@Hazelicious929................salamat sa iyo..maganda rin naman ang blog mo..ikaw din keep up the good work..
@donster............thank at nagustuhan mo rin ito..tama ka..dapat kahit anong bagay sa mundo ay bigyan natin ng pagpapahalaga kasi ang bagay na iyon ay malaki rin ang naiiambag na tulong sa atin..kagaya ng ballpen..o kahit ano pa na napapakinabangan natin dapat lang ba bigyan ng halaga talaga..
@kathy...........ganun ba..pansin ko talaga ang mga babae habang nag aaral ay madalas na mawalan o magpalit ng ballpen..kasi pinagtritripan ng mga lalaki na kunin ang ballpen..mabuti at mura lang ang ballpen kaya kahit mawala ay ayos lang..ang hirap lang kapag oras na ng exam ay bigla wala kang ballpen,hehe..
@Mel Avila Alarilla.................sa katunayan po ang paborito ko talagang ballpen ay uni..o kung di man ay pilot kasi nauubos talaga ang tinta..ang ballpen na HBW ay ayos rin naman siya..ako gaya ng nasabi ko na ngayon kapag tula ang sinusulat ko ay madalas sa cellphone ko isulat..kung masyadong mahaba talaga ay nililipat ko sa papel at pagkatapos ay isave sa email ko..salamat uli sa muli mong pagbisita sa blog ko..
@Chyng..............kumusta ka na diyan..thanks for the visit......korek talaga..dapat din talaga natin na pasalamat ang ballpen na nagagamit natin sa pang araw araw lalo na noong nag aaral pa..ikaw din naman magaling..
@Hi! I'm Grace...........wow, salamat sa pagpuri mo..ha, ganun ba..bakit naman pencil na..siguro dahil ang pencil kapag may maling naisulat ay puwede mong ma erase..madami ka sigurong binibili sa mga grocery,hehe..itago mo lang ang ballpen na hindi mo na ginagamit kahit wala ng tinta kasi nagbigay din iyon ng halaga sa iyo..
@fiel-kun..............ako rin madami na ring ballpen na nagamit..di lang tayo kundi ang iba pa..paiba iba ka ba ng ballpen na ginagamit o hindi..ano ang paborito mong ballpen..ah ganun ba..di ko alam ano ang collection ng ballpen ni bob ong kasi di ko pa nakikita ang Stainless Longganisa na book niya..
@Jag............okey lang..uni at pilot talaga ang paborito kong ballpen..wala ng iba..bakit naman di mo ginagamit ang ballpen mo na parker..kung maubos na ang tinta ay puwede mo naman na lagyan uli......sino kaya ang umembento ng ballpen.....di ko alam kung sino..well salamat talaga sa nag imbento..
@tim............yes, ballpen truly touches our heart because even it is small thing it is very useful..we use it by writing..good or bad that happen to our life..no problem..you can also right and post to your blog title ballpen..it is okey for me because just like a song there is a song that have the same title..i will wait what you write about ballpen..thank you also..
@Nanaybelen...............masuwerte nga ang parker mong ballpen na ginamit mo pag board exam kasi nakapasa ka..sayang naman at di mo na nakita pa..pero kung makita mo man iyon ay baka di mo namalayan ay paubos na pala ang tinta at iyon lang ang ibigay mong ballpen para sa anak mo..huwag po sana ganun,hehe..dapat may extra ballpen kasi baka magloko ang parker..good luck para sa anak mo..tiyak makakapasa din iyon kagaya mo..
@imelda.........salamat po..lalo tuloy akong na inspire na magsulat pa ng magsulat......salamat sa pagsaludo mo sa akin..saludo din naman ako sa iyo..yah, i will....
@miryamyam.............binisita ko ang blog mo at magaling ka rin magsulat ng tula..add ko nga ang blog mo sa blog list ko..at sana ay add mo rin ako sa blog list mo..ganun ba..parang baliktad yata..para sa akin mas ayos gamitin ang pilot kaysa hbw......ayos at natuwa ka sa tula kong ito..
@Renz..............tama ka na minsan ang ating naisusulat ay hango sa nakikita at nararanasan sa paligid..iyon ang nagsisilbing ballpen para maging dahilan na makapagsulat..siguro nakaka inspire nga itong tula na sinulat ko..hehe.....
ano na lang ang buhay pag walang ballpen? hindi ka makakapagtake ng exams pag walang ballpen, babagsak ka, hindi ka makakapagtapos ng pag-aaral dahil di ka nakapagtapos ng pag-aaral mahihirapan kang maghanap ng trabaho, wala kang pera dahil hirap kang maghanap ng trabaho. magugutom ka dahil wala kang pera tapos mamatay ka dahil gutom ka. LOL
@nice...............di lang ikaw kundi ako din at ang iba pa..mahalaga po talaga ang ballpen sa ating buhay..ang ballpen din ang ginagamit na pagpirma sa isang transaksyon kahit na iyon ay mali at labag sa batas,hehe..
@Douglas..................salamat sa pagbisita mo..mahirap ipaliwanag kung sakali walang ballpen......kung magkakaganun ay puro lapis na lang ang gagamitin..mabuti rin naman ang lapis kasi kapag may mali na naisulat ay puwede na ma erase..pero ang ballpen ay hindi..gagamit pa ng liquid paper..hehe.....
Hello, yung timescapades ko n blog ay malubha ang kalagayn, kaya nmn i have my new blog add mo nlng ako, nawala lahat ng contacts ko dun sa blog n yun. And hinanap kita, now i found you, okay n. ito pla yung bago kung blog..http://lifesphotographywithmrspew.blogspot.com/
thank u ballpen :P
Hello Arvin..thanks for visiting my blogsite...
Nice! Makata ka pala... good job...
Hindi mu nabangit ang kapangyarihan ng ballpen .... ahihi!
sa mga bagay na importante at kadalasa'y di pinapahalagahan ... salamat sayo at napansin mu ako ... love, ballpen.
Hi arvs, great work! see you back!
haha.. mas maayos naman po talagang gamitin ang pilot.. pero nakakapagtakang baligtad talaga ang nagiging kapalaran ng bolpen kong hbw at pilot..:)
nakakatuwa ang poem mo... nakakatawa ng konti pero seryoso.. di lang kasi natin nabibigyan ng importansya ang ballpen pero kung tutuusin marami itong naitulong
another nice poem, arvs.. i enjoyed reading it.
thanks for the visit and comment
wahahaha:D ang galing naman ng poem mo... haiz... kelan kaya ulet ako makakapagcompose ng poem... hirapan ako ngaun eh...
hmmmmmmmmmmmm...
tama ka dyan kuya josh... :)
salamat sa napakadakila kong ballpen..ang kasangga ko sa lahat heheh kasanga sa kopyahan...sa diary...sa charting...sa pagsulat ng love letter..ahahaha naman!!!
thank you ha..hehehe
@tim............bakit naging malubha ang kalagayan ng blog mo na iyon..anong tumama na sakit..ok add ko rin ang blog mo na isa sa blog list ko..
@sheri amor...........thank you sa pagbisita mo uli sa blog ko..salamat talaga sa ballpen..ikaw ano ang paborito mong ballpen..
@Mokong...........walang anuman..ganun po ako talanga halos lahat na nasa blog list ko at hindi ay binibisita ko ang blog..kasama ka na..hindi naman po masyado..hilig ko lang ang magsulat ng mga ganun..
@Vernz............haha..siguro nga hindi ko talaga nailagay sa pagsulat ang gamit o ginagamitan masyado ng ballpen..kagaya ng pagpipirma para sa transaksyon na puwedeng makapangurakot,hehe..baka kasi mapahaba pa masyado ang tula,hehe..kaya ganun na lang ang pagkakasulat ko..walang problema..muli ay bisitahin kita..
@miryamyam............ganun ba..basta ako mas gusto ko ang ballpen na pilot..kasi mas nauna ang pilot na ballpen kaysa hbw......at iyon ang madalas ko talagang gamitin..i enjoy using pilot na ballpen or uni..hehe..
@Bambie dear..........salamat naman at natuwa ka sa sinulat kong ito..opo marami ngang naitutulong sa pang araw araw na buhay ang ballpen..hindi lang natin napapansin kasi marami namang ballpen na mabibilhan..ang iba ay mas mahalaga pa nga sa kanila ang sigarilyo kaysa ballpen..
@eden........thank you at muli ay nagustuhan mo ito..walang anuman iyon..kapag ako ay nag iikot sa mga blog ay binibisita talaga kita..di ko ikaw nakakaligtaan,hehe..kung mayroon man ay minsan lang iyon..
@Ailee Verzosa............salamat sa pagpuri mo sa sinulat ko na ballpen..ganun ba..ako nga din minsan ay nahihirapan magsulat,hehe..kaya mo iyan..
@shelovesyou...............haha..ganun ba..kasangga nga talaga natin ang ballpen sa mga nabanggit mo..pero natawa ako sa sinabi mong kasangga sa pangongopya,hehe..naaalala ko tuloy na minsan ay nangongopya rin ako lalo na kapag di ko alam ang sagot..ikaw siguro ay nangongopya ka rin sa klase..joke lang..
madalas ako makawala ng ballpen. kaya straight na lang sa MS Word kung pwede...
@Rej..........ganun ba..pero gumagamit ka rin ng ballpen minsan kapag nagsusulat ka para sa blog..
Post a Comment